SEPARATION

1044 Words
Chapter Eighteen -Uno/Callix Nasa kusina ako at napapakanta pa habang nagluluto ng umagahan, ako na muna amg nagluto kahit na hindi naman talaga ako kagaling magluto. Alam ko rin naman kasing pagod pa ngayon si Kendal dahil sa naganap kagabi na matagal ko nang inaasam. Nang matapos na akong magluto ay nagpunta na ako sa kuwarto namin ng mahal kong asawa. Hindi ko parin mapigilan ang aking sarili na hindi mapangiti dahil sa sayang meron ako ngayon. Sulit ang paghihintay ko kay Kendal sa mahabang panahon. Papasok na ako ng makita ko itong gising na at mukhang nasisilaw sa liwanag na nagmumula sa aming kuwarto kaya mabilis kong hinawi ang kurtina para magdilim, hindi naman ganon kadilim dahil sa maliwanag na rin naman dahil umaga. Hinalikan ko ito sa kanyang labi at pinakatitigan ito. Dinaan ko pa sa biro ang lahat para kahit papaano ay hindi nito maisip na sumasakit ang kanyang ulo. May kutob na rin kasi akong unti-unting bumabalik o nakakaalala na ito, gustuhin ko mang pigilan yun ay hindi maaari dahil sa alam kong ikakagalit niya iyon. Lumabas na ako dahil mukhang antok pa ito at galit na naman sakin ang babaeng mahal ko. Saktong paglabas ko ay tumunog ang cellphone ko at nakita kong si Jayson ang caller. “What?” Malamig kong tanong dito at nagtungo na ulit sa kusina. "Uno, Zen Levy came to the country, are you sure he won't interfere with your plan with his cousin?” Kinakabahan nitong tanong sakin. “Just relax, we already talked. Maybe he's here on business, as long as you don't spread out so we don't have any problems.” Sagot ko at pinatay ang tawag. Hindi na rin ako kinakabahan kahit na andito pa siya sa bansa, basta wag niyang guguluhin ang plano ko wala kaming magiging pagtatalo. Sumapit ang hapon at kaylangan na rin naming umuwi ng Isla dahil siguradong nag-aalala nasa amin si Lola Auring. Nag-aayos ako ng mga gamit naming ng makita kong nakatulala si Kendal at nakatanaw sa karagatan. “What is my wife thinking?” Napanguso pa ako dito, ngumiti naman ito at ginulo ang buhok. Hinila ko ito papalapit sa bewang ko kaya naman nagulat pa ito. “I love you so much Kendal Patterson.” Masaya kong turan dito. “I love you po mister ko.” Masaya din nitong sambit sa akin. Hinalikan ko ito ng marahan at napapangiti na lang ako dahil sa pagtugon nito. Masaya kaming umuwi ng Isla at masaya din kaming sinalubong ni Lola Auring nagulat pa ako dahil kasama nito si Lolo Marciano. Hindi na lang muna ako nagpahalata dito dahil may ipinupukol na tingin sa akin ang matandang lalaki. Hanggang sa sumapit na ang gabi at payapang natutulog si Kendal sa kuwarto namin, halata pa rin dito ang pagod pero alam kong hindi ito nag-sisisi sa mga nangyari sa amin ngayon. Lumabas ako para magpahangin ng makita ko si Lolo at Lola na nag-uusap sa may labas ng bahay. Napalingon sa akin ang dalawa kaya naman wala na rin akong nagawa kung di ang lapitan ang mga ito. Ngumiti ako sa mga ito, at naupo na rin sa upuan na malapit dito, nagkatinginan pa ang dalawa pero hindi ko na lang din iyon pinansin pa. “Uno, na banggit ng Lola mo na pinahihinto ka na raw sa trabaho sabi ni Kendal?” Mahinang tanong ni Lolo sa akin. “Opo Lolo, pero handa pa rin akong ubusin silang lahat maipaghiganti ko lang po si Kendal.” Madiiin at seryosong kong sagot dito. Napabuntong hininga naman ito at malalim ding nakatingin sa akin. “Paano mo gagawin yun apo, eh hindi ka pwdeng mawala ng matagal at tiyak na hahanapin ka ng asawa mo. Lalo pa ngayon na nakikita kong masaya siya sa piling mo.?” Nag-aalalang tanong naman sa akin ni Lola. “Hayaan po ninyo at sisikapin kong makabalik agad Lola, alam ko rin naman pong maiintidihan ako ng apo ninyo.” Mahina kong sagot sa matanda, hindi ako nagpahalata sa takot na nararamdaman ko dahil alam kong makikita iyon ni Lolo. Dating agent ang dalawa itong ng mga De Lana kaya natitiyak kong ganon pa rin sila kagaling hanggang ngayon. “Ikaw ang bahala, basta sinasabi ko sayo hindi kami nagkulang ng paalala sayo ha.” Sambit ni Lolo at lumalis na sa harapan ko kasama ang kanyang asawa. Napapatulala naman ako sa kawalan, gusto ko na lang matapos ito at maging masaya sa piling ng asawa ko, pero alam kong hindi pa ito mangyayari sa ngayon hangga’t nabubuhay pa ang mga nanakit dito. Hindi pa ako nakakaganti kaya naman hindi pa tapos ang laban. Kinabukasana ay nagpaalam na ako kay Kendal na aalis muna at papasok sa trabaho pero nangako akong babalik pag karaan ng ilang araw. Sinabi ko ditong iba na rin ang trabaho ko sa maynila, at sa iba na rin ako naka assign kaya need kong pumasok dahil tapos na rin ang bakasyon ko. Naging ok naman dito ang lahat ng sinabi ko, nakita ko pa sa mata nito ang labis na kalungkutan pero kalaunan ay ngumiti na lang ito at yumakap sa bewang ko ng mahigpit, natawa naman ako dahil sa halata dito na ayaw kong paalisin. “Promise pagbalik ko isasama na kita sa pinagtatrabahuhan ko para ng sag anon ay makita ko kung sana ko nagtatrabaho at ng hindi mo ako pinag-iisipan ng masama sweetheart.” Malambing kong sagot dito. “Promise yan ha, kapag ikaw hindi tumupad sinisigurado kong lalayasan kita at hindi na ako magpapakita sayo habang buhay.” Nakanguso pa nito sab isa akin, natawa naman ako sa pagiging makulit nito ngayon. Halos isang buwan din kasi ang naging bakasyon ko dito kaya siguradong nasanay na ito na palagi lang akong nasa tabi nito, at sympre gabi-gabi kaming may labanan. Gusto ko na rin kasing mabuntis ito at makita ang mga anak namin. Nakakatuwang isipin na ang babaeng pangarap ko ay makakasama ko pang habang buhay. At magkakaroon ng masayang pamilya. Nakatingin lang ako dito habang lalayo sa pangpang ang bankang sinasakyan ko, ayaw ko man umalis ay wala pa rin ako magagawa. Sana lang ay maintindihan niya pagdating ng araw ang lahat ng ito ay ginawa ko para sa kanyang ikakabuti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD