Chapter Twenty
-Kendal-
Ilang araw ng masama ang pakiramdam ko sa hindi malamang dahilan, hindi ko na rin alam kung ano ang nangyayari sa akin ngayon.
Gigising akong masakit ang ulo at halos isuka ko na ang lahat ng kinakain ko at kahit makaamoy pa lang ako ng amoy ng bawang ay parang hinahalukay ang sikmura ko. Nanghihina na rin ako ngayon kaya palagi lang akong nakahiga sa kama dito sa kuwarto dahil nahihilo ako sa tuwing susubukan kong tumayo.
“Kmausta na ba ang pakiramdam mo iha?” Nag-aalalang tanong sa akin ni Lola Auring ng dahlan ako ng pagkain nito sa akin kuwarto.
“Nanghihina po ako Lola, lalo na po kung pipiliting kong tumayo nahihilo po talaga ako.” Nakapikit kong sagot sa matanda dahil sa pakiramdam na umiikot ang panitingin ko.
“Mabuti ay magpapatawag na ako ng doctor sa bayan para matignan ka apo.” Sagot nito sakin saka ako iniwan. Nakapikit ako pa ako ng may makita akong mga ala-ala sa aking isipan.
Isang mahabang mesa at masayang nagkukuwentuhan ang mga tao roon, malabo ang nakikita kong mga mukha sa mga ito pero naririnig ko ang mga boses na masayang nagtatawanan. Tinatawag na rin ako ng mga ito pero ni isa ay walang linaw, napapahawak ako sa aking ulo ng may narinig akong tuwag sa akin ng “BEST” isang lalaki at hindi ko makita ang mukha pero ang boses nito ay kaboses ni Uno ang asawa ko.
Hanggang sa tuluyang sumakit na ang aking ulo at ang sakit na ito ay hindi ko kaya naman napapasigaw na ako dahil dito. Hanggang sa nawalan ako ng malay pero naramdaman kong may sumalo sa akin, pero sadyang nilamon na ako ng dilim kaya hinayaan ko na lang din ang lahat.
Nagising akong nasa isang kuwartong kulay puti at hawak ang kamay ni Lola Auring na makikita dito ang labis na pag-aalala sa akin.
“Lola, anong pong nangyari sa akin may sakit po ba ako?” Kinakabahan kong tanong dito, naluluha na rin akong isiping may sakit ako.
“Apo, huwag kang mag-alala dahil wala ka namang sakit ang sakit ng ulong nararamdaman mo ay dala lang ng iyong pagbubuntis apo. Masaya akong malaman na magiging isang ganap na ina kana.” Umiiyak nitong sambit sa akin.
Hindi ko magawang kumilos dahil sa mga naririnig ko dito, napahimas na lang ako sa aking tiyan at nararamdaman kong may buhay doon na dapat kong pagkaingatan. Masaya akong napayakap kay Lola dahil sa labis na sayang nararamdaman, umiiyak na rin ako dahil sa alam kong matutuwa si Uno kapag nalaman nitong magiging tatay na ito.
“Lola, nais ko pong sabihin kay Uno ang magandang balita pagdating niya sa susunod na linggo, alam kong ikatutuwa niya ang malamang magiging Daddy na siya.” Masaya kong sambit dito, tumango naman ito at sakin ay muli akong niyakap ng mahigpit.
Nang araw ding yun ay nakauwi na kami dahil ayos na rin naman ang pakiramdam ko, kaylangan ko lang uminom ng mga vitamins para sa akin at sa baby namin. Nasa kuwarto na ako at nanood ng tv ng makita ko sa isang commercial ang isang lalaking kamukha ko, ewan ko pero nakikita ko dito ang male version ko.
Nakakaramdam ako ng kaba habang nakatingin dito at nalaman ko ang panganlan nitong Kenjie De Lana the top model of the year.
Nagulat naman ako ng may bumagsak na tray ng pagkain sa likuran ko at nakita ko ni Lola Auring na nangangatog at nakatutok ang mata sa lalaking nasa tv na pinapanood ko.
Napakuno’t pa ang aking noo ng makita ko itong biglang napaluha ng hindi ko maintindihan ang kung ano ang nangyayari dito.
“Lola, ayos lang po ba kayo?” Tanong ko dito nang makalapit na ako dito, bigla naman itong natauhan at pinunasan ang luhang lumandas sa mat anito kanina.
“Oo iha, ayos lang ako nagulat lang ako pasensiya kana ha. Sige papalitan ko na lang muna ng bagong pagkain ang kakainin mo. Sige na mahiga kana ulit at ako na ang bahala dito.” Salita nito sa natatarantang boses, hinayaan ko na lang ito at baka meron s’yang naalalang kakilala.
Lumipas pa ang ilang araw at dumating na araw ng pagdating ni Uno, maaga pa lang ay nag-ayos na kami ni Lola para sa gagawing kong pagsusupresa dito. At sigurado akong magiging masaya ito sa sasabihin ko mamaya.
Nasa palengke kami at kasama ko ang mga kaibigan kong sina Yna at Lanie para mamili ng mga lulutuin namin para sa hapunan. Namimili ako ng mga gulay ng biglang sumakit ang ulo ko at dahil sa ala-alang sumagi sa isipan ko.
Isang babae ang naririnig kong nagsasalita at masayang gumagawa ng vegetable salad nakikita ko ang maganda nitong mukha at malaki rin ang pagkakahawig naming dalawa. Maganda ang ngiti nito sa akin at isang lalaki ang humalik sa labi ng babae at tumingin sa akin ng nakangiti.
“Anak ko Kendal halika ka na at ng makakain kana ng favorite mong vegetable salad sinarapan ko talaga ito para sayo anak.” Masayang sambit ng babae sa pangitain ko.
Napabalik lang ako ng hawakan ako ni Yna at para tanungin kung maayos ang aking pakiramdam. Tumango na lang ako dito at ipinaling ang aking ulo para kahit papaano ay mawala ang mga iniisip ko.
Nagluluto na kami ni Lola ng hapunan at naging abala ako sa maghapon at hindi ko rin alintana ang pagod lalo na ng mapag-alaman kong parating na sila Uno ngayo at kasama ang mga kaibigan nito at ang asawa ni Lola Auring na si Lolo Marciano. Pumanhik na ako sa kuwarto ko para maligo nagpabago na rin ako para naman hindi ako mag-amoy inihaw na bangus.
Inayos ko na rin ang sala para sa magaganap na supresa mamaya, at sympre ang dito ang lahat ng naging kaibigan ko para tulungan ko na ayusin ang lahat ng ito.
Handa na kaming lahat ng biglang bumukas ang pinto, narinig ko pa ang pagtawag ni Uno pero hindi agad ako lumabas dahil hinintay ko pang buksan muna nito ang ilaw at saka naman kami sabay-sabay na lalabas. At ilang sandali pa ay nangyari na iyon, nakita ko ang gulat sa mukha nito nang mabasa ang nakadikit sa may pader na “WELCOME DADDY”.
Nang laki pa ang mata nito at hindi agad nakapagsalita, nilapitan ko ito at hinawakan ang kamay para ibigay dito ang isang kahon na kulay pula. Dahan-dahan naman niyang binuksan iyon at napaluha siya ng makita ang isang pregnancy test na may dalawang guhit na kulay pula.
Mabilis akong hinayakap nito at hinalikan sa aking labi na animoy wala kaming kasama sa paligid. Kinurot ko ito sa kanyang dib-dib para tumigil dahil sa nahihiya na ako ngayon sa mga taong nagkakantyawan dahil na rin sa bigla nitong paghalik.
“Thank you, sweetheart, I promise to take care of you and our future baby, and I will be faithful to you even if I am far away. I will love you and only you forever. You are my only life since then and even in the next life.” Malambing nitong pahayag at muli akong hinalikan sa aking labi.
Andito na kami sa may bakuran habang nakatanaw sa mga bituin at parehong nakahiga sa isang duyan, nakaunan ko sa braso nito at nakayakap naman ako sa bewang nito.