Chapter Four
-Uno/Callix
Palabas na ako ng airport ng ipakita sa akin ni Jayson ang isang video. Isa itong interview ni Asher Harris at tumaas ang galit sa dib-dib ko ng marinig ang sinabi nitong magiging wife nito si Kendal. Nasisiraan na ba ito ng ulo at ang babaeng gusto ko pa ang trip nito.
Kaya wala akong sinayang na oras ng malaman kong nasa school na ito at hinahanap na daw si Kendal. Pababa na sana ako ng kotse ng pigilan ako ni jayson para ibigay ang jacket at mask. Sa sobrang galit ko ay nakalimutan kong hindi pa pala ako pwdeng makita ni Kendal. Dahil siguradong magugulo lalo ang mundo ko kapag nalaman agad nito ang totoo.
Pero dahil sa namumuong galit ko ay hindi ko napigilang sipain si Asher na nakaupo at malapit pa kay Kendal, pinagsusuntok ko ito sa mukha hanggang sa nagdatingan naman ang mga security guard ng school. Lalapitan sana ito ni Kendal ng pigilan ko ito sa braso at pinakatitigan sa kanyang mata.
Gusto ko itong yakapin at sabihin dito na huwag siyang umalis sa harapan ko at akin lang siya. Pero mas pinili ko paring umalis na lang muna dahil sa baka hindi ko mapigilan ang aking sarili at magawa ko ang isang bagay na hindi pa dapat.
Mabilis ang pagkilos ko na sumakay ako ng kotse at umalis roon. Napapahilamos pa ako sa aking mukha dahil sa inis na nararamdaman ko. Pagkalipas ng ilang sandali ay nakita kong tumatawag sa akin si Kendal.
"Have you arrived Callix?" Mataray na naman nitong sagot sa akin.
"Yes! nasa bahay na ako at nagpapahinga." Kinakabahan kong sagot dito.
"Oh, really? Alright, if you're really here, open the door for me because I'm right across from the gate of your apartment and I'm being bitten by mosquitoes." Galit na nitong sagot sakin.
Para naman ako tinakasan ng ulirat sa narinig ko, dahil ang totoo ay nasa office ako ngayon dahil sa may tinatapos pa ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko napatayo na ako para sa kunin ang susi ko ng muli itong magsalita.
"You're just fooling me. You're not really here at your house right now and it looks like you haven't been home yet. Alright, bye, let's talk later when what you say is true." Mahina pero madiin nitong sabi sa akin at binababa na nito ang tawag.
Napaupo naman ako sa swivel chair at nakaramdam ako ng panghihina ng aking tuhod, natatakot akong harapin ang galit nito ngayon sakin. Kaya hindi ko alam ang aking gagawin. Hanggang sa namamadaling pumasok si Jayson at makikita sa mukha ko ang sobrang takot at pag-aalala.
"Uno, it looks like you know too." Sabi lang nito sa akin at may tinawagan sa phone niya. Alam na agad ng tauhan ko ang gagawin kaya kahit papaano ay napahinga na rin ako.
"I fixed it and all you have to do is go and explain to him. Everything you need is ready." Sagot nito sakin kaya mabilis akong umalis para puntahan si Kendal.
Tulad pa rin ng dati ay nakadisguise pa rin akong pumunta sa bahay nito. Magdodoor bell na sana ako ng bumukas ang date at nakita kong lumabas ang sasakyan ni Kendal. Napatingin naman ako dito ng tumapat na ito sa mismong kinatatayuan ko.
"Get in," Mahina at seryoso nitong boses kaya wala akong sinayang na salita at dali-daling akong pumasok sa loob ng kotse nito. Tahimik nitong pinaandar ang sasakyan, nawalan naman ako ng sasabihin kaya nanahimik na rin ako.
Hanggang sa huminto kami sa isang park at makikita dito ang mga batang naglalaro.
"Do you know that when we were children, the lives of our siblings were always in danger. But one day I met a boy and he told me that he would be my savior." Pagkukuwento nito sa akin habang nakatingin sa labas ng bintana.
Napahawak naman ako sa dala kong bag dahil sa mga naririnig ko mula dito.
"But you know he never showed up to me even after that, I looked for him and asked Daddy if he knew that boy. But I failed to know about him." Dag-dag pa nito at isinandal ang kanyang ulo sa likod ng upuan at saka tumingin sakin na walang imosyon ang mga mata nito.
Napalunok naman ako dahil sa tensyon na nararamdaman ko. Pero pinilit ko paring maging kalmado kahit napupuno na ako ng matinding kaba sa aking dib-dib.
"But he came back a while ago, he saved me from someone who would abuse me. Did you know that you have the same eyes? The truth is you are what I see in him. I thought that whenever I'm with you, nothing happens to me, but when I'm not there, someone wants to hurt me?" Seryoso ang pagkakabanggit nito at nakatitig sa mata ko.
Mas lalo akong kinabahan, at lalong hindi ko rin alam ang gagawin o sasabihin.
"But it's impossible that you are because I also know that you can't fight because you're afraid of cockroaches. Too bad I thought I would meet him. It's still not." Mahina nitong sabi sa akin at saka muling tumingin sa labas kung saan naroroon pa rin ang mga batang naglalaro.
"Pa--paano kung magpakilala siya sayo, mata--tanggap mo ba kung sino siya?" Nabubulol at kinakabahan kong tanong dito. Hindi agad ito sumagot pero masama itong tumingin sa akin.
"Yes! I want to see and meet him just to thank him. And I will tell him not to save me anymore because he has no right to do that. I like a man and I'm afraid he might hurt that too." Salita nito na nagbigay sakin na labis na galit at ngayon pa lang gusto ko nang saktan ang lalaking nagugustuhan nito.
"Do you already like someone?" Tanong ko pero umiwas ako ng tingin dito.
"Yes! I actually love him." Sagot nito sakin. Napakuyom naman ang aking kamao dahil sa naririnig ko dito. Pero nagulat ako sa huling sinabi nito at mabilis ang paglingon ko dito.
"I just hope he doesn't think of me as a best friend." Seryoso pa rin ang pagkakasabi nito pero ngayon ay nakapikit na siya.
"Gu---gusto mo a---ko?" Utal kong tanong dito. Tumango lang ito sa akin, hindi naman ito tumingin sakin pero hindi ko mapigilan ang mapakagat ng labi dahil sa sayang pinipigilan ko.