Chapter 4

2226 Words
SA TUWING mananahimik ako ay naiisip ko pa rin si Yuji. Ano ba'ng mayroon sa lalaking 'yon? Bakit hindi maalis-alis sa isipan ko? Imposible namang ginayuma niya ako sa mga pagkaing niluluto niya. At saka, wala ako sa kalingkingan niya. Kung sino man ang Chary na 'yon, siguradong mas maganda at sexy iyon kumpara sa akin. Teka? Bakit ko ba pinagkukumpara ang sarili ko sa kanya? Para sa akin may sarili akong ganda na wala ang Chary na 'yon. Nagseselos ba ako? Sa mga sandaling ito ay nasa loob ako ng locker room. Nagpupunas ako ng buhok dahil katatapos ko lang maligo. Nakipaglaro ako ng basketball kay Zwei kanina. Inaamin kong magaling siya pero hindi ko akalaing matatalo ko siya. Isang puntos lang naman ang lamang ko sa kanya. Zwei is a beautiful man and he treats me well. Kinuha ko 'yong suklay sa bag ko at nag-ayos ng buhok. Buti na lang ay may damit akong pamalit. Alam kong ginawa ko ang lahat at ibinuhos ko ang buong lakas ko sa larong iyon. Pawis na pawis kaming dalawa kanina. Tumayo ako at kinuha iyong cellphone ko. Tiningnan ko ang oras doon. Hapon na naman pala. Tinext ko si Amber na hindi ako makakapasok ngayon dahil may importante akong gagawin. Pumayag naman ito at naintindihan ako. Kinuha ko 'yong bag ko at nagsimulang magmartsa palabas. Nagulat ako nang mapagtanto kong may tao pala sa pinto. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Napapa-atras ako sa tuwing hahakbang ito palapit sa akin. Tumama ang likod ko sa pader nang wala na akong maatrasan. Aray! "A-Ano bang ginagawa mo?" Hindi ako makapaniwala sa ginagawa niya. He's scaring me. Kinakabahan ako. "Alam mo ba ang mga rules ko sa varsity team?" seryosong aniya habang nakatingin ng matalim sa akin. Umiling ako dahil hindi ko naman talaga alam. "Hindi puwedeng lumapit ang mga ordinaryong babaeng kagaya mo sa mga players ng varsity team. No falling in love with girls. No dating. No flirting. No talking with someone." "Ma-Malay ko ba na may rules kayo-" Naputol ang sasabihin ko nang hampasin niya ang pader gamit ang kamay nito. Napapikit ako sa sobrang lakas niyon. Halos magkadikit na ang mga katawan at mukha namin sa isa't isa. Nakakulong ako sa mga braso nitong naka-porma sa pader. Ramdam ko na ang hininga niya. Nanlilisik pa rin ang mga mata nitong nakatingin sa akin. "I don't wanna see you talking with that guy! Did you understand?" may diin ang pagkakasabi nito. "At bakit naman, hindi? He treats me well than you do. Wala naman akong nakikitang masama sa kanya," pagtatanggol ko kay Zwei. Mali ang iniisip nito sa kanya. Palibhasa, wala sa vocabulary niya ang salitang mabait. "Hindi mo siya kilala, Eunri. Stop acting like you know him a lot!" Sinamaan niya ako ng tingin at tumalikod na. "And stop acting like you really care!" sambit ko. Napahinto ito dahil sa sinabi ko. Ngumisi ito. "I don't care about you, Eunri. Pantasya mo lang na may paki ako sa'yo!" Ouch! Nakaramdam ako ng kurot sa dibdib ko. Tila natamaan ako sa mga sinabi niya. Tama nga siya. Pantasya ko lamang iyong mga ipinapakita niyang kabutihan sa akin. He totally don't care. Eh, ano naman kung wala siyang paki sa akin, 'di ba? Saka, hindi ko naman talaga kilala ang isang 'yon. He's nothing to me! Siya pa rin 'yong kalabaw na nanggugulo sa buhay ko. WALA na rin naman akong klase kaya pinuntahan ko na lang si Tads sa office ng SN. Simula bukas ay dito na rin ako mamamalagi bilang isang photographer nila. Umupo ako sa tabi nito at isinubsob ang mukha ko sa mesa. "Oh? Ano namang nangyari sa 'yo? Okay ka lang?" rinig kong tanong nito. Maraming papel sa harap niya. Dahil writer ito, lahat ng mga pictures na natatanggap niya ay ginagawan niya ng mga captions para sa diyaryo. Isa ito sa mga writer ng Sunshine News. Nilingon ko ito ngunit nakahiga pa rin ang mukha ko sa mesa. "May rules ba ang mga players sa varsity team?" Lumipat naman ang atensyon niya sa akin. Halatang nagtataka ito dahil sa tanong ko. "Oo, meron. Image nila ang pinapahalagahan nila. Gusto ng captain ball nila na sa basketball lang naka-focus ang atensyon nila. At hindi sa kung sino-sino lang, lalo na sa mga babae..." napahinto ito. Nanlaki ang mga mata niya at napatakip ng bibig. "D-Don't tell me... Oh my gosh, Eunri! May ginawa ka ba?" Napapikit ako. Sumandal ako sa upuan at kinuha 'yong ballpen sa mesa. Pinaglaruan ko iyon. "Tads, nakipaglaro lang naman ako kay Zwei. At saka, hindi naman ako marunong lumandi eh. Wala nga akong naging boyfriend," "Eunri, kahit na! Alam mo bang may mga punishment silang ipinapatupad? Ikaw din magsisisi kapag napatalsik si Zwei. Basketball is his life. Hindi niya kayang mawala ang bola at court sa paningin niya." Inagaw nito sa 'kin 'yong ballpen. Napabuntong-hininga na lang ako. "Hindi naman masamang tao si Zwei, 'di ba?" "Basta! Layuan mo siya! Ano ba, Eunri? Lapitin ka talaga ng gulo!" Tumawa na lang ako ng pagak. Hinintay ko siya hanggang sa matapos ito. Hindi naman ako papasok sa trabaho kaya sumabay na ako sa kanyang umuwi. Naglalakad kami ngayon palabas ng main gate. "Hey!" Napahinto kami ni Tads sa lalaking sumulpot sa harapan namin. Iyon si Zwei, ang nakalaro ko kanina. Hindi naman maipinta ang gulat ni Tads. Nakanganga lang ito habang pinagmamasdan si Zwei. "Hey, Zwei! Uhm, may kailangan ka?" tanong ko at ngumiti. "Nothing. I just wanna say, thank you for playing with me." Ang ganda ng ngiti nito. Para akong bibihagin ng mga iyon. "Ahh, 'yon ba? Wa-Wala 'yon!" nauutal na tugon ko. "Okay! Until next time, Eunri. See you!" Tinuro pa ako nito at kinindatan bago umalis. Natulala ako sa nangyari. Hinahangaan ko talaga si Zwei. Guwapo na, mabait pa. "AAAHH! Totoo ba 'yon? Si Zwei? Kinausap ka?" Hindi makapaniwalang tanong ni Tads. Na-starstruck ito sa nangyari. Hindi niya inaasahan ang pagsulpot ng binata. "Ngayon ko lang nakitang lumapit sa isang babae 'yang si Zwei! Ang suwerte mo naman!" Napanguso ito. Natawa naman ako sa inasta niya. Ginulo ko ang buhok nito. "I told you, mabait siya." May oras pa naman kaya dinala ko muna si Tads sa apartment. Sakto namang hindi iyon naka-lock kaya pumasok na kami. Naikuwento ko na sa kanya na nasa iisang bubong kami ni Yuji. Hindi ito makapaniwala. "Ta-Talaga bang magkasama kayo ni Yuji rito? Ang ganda ah," manghang-mangha siya habang inililibot ang tingin sa kabuuan ng apartment. "Oo. Hati kami sa bayad nito." Inayos ko 'yong sala. Narito pa rin 'yong mga papel na hindi nailigpit kaninang umaga. "Ma-upo ka," "Hindi naman ba kayo nagkakainisan dito? Alam mo naman 'yong ginawa sa 'yo ni Yuji noong nakaraang araw, 'di ba?" Nagtungo ako sa kusina at ipinagtimpla ito ng juice. "Uhm. Sometimes. Napaka-misteryoso ng lalaking 'yon. Hindi ko maintindihan ang ugali. Oh, uminom ka muna," Kinuha nito 'yong baso ng juice na ibinigay ko sa kanya at ininom iyon. "Sa lahat ng lalaking nakilala ko, siya ang pinaka-kinaiinisan ko. Ang weird niya. Malabo pa siya sa blur!" Napa-irap na lang ako sa kawalan. "Ito, Eunri, sinabi ko na sa 'yo 'to. Mabait naman talaga si Yuji noon. Nag-iba na lang ang ugali niya simula no'ng iniwan siya ni Chary. Usap-usapan noon sa diyaryo ng University ang nangyari sa kanila." "Ano ba'ng nangyari?" Nakakunot noong tanong ko sa kanya. "Nag-away sila sa pagiging captain ball ni Yuji. Ayaw ni Chary na sumali siya sa varsity team. Dahil ang gusto nito ay mag-focus siya sa pag-aaral. At ang course na gusto nito para sa kanya ay Business Administration." Napangiwi ako. "'Yon lang? Kung boyfriend ko 'yang si Yuji, susuportahan ko siya sa lahat ng gusto niya. Hindi ko siya ikukulong sa mga bagay na gusto ko para sa kanya. Anong klasing babae 'yon!" Kahit ako ay nainis na sa Chary na 'yon. "Hindi lang 'yan, ipinahiya niya si Yuji sa harap ng maraming tao. Sinampal niya at iniwan. But until now, mahal niya pa rin si Chary. And he want her back. Gano'n niya kamahal si Chary. Lahat kaya niyang isakripisyo sa ngalan ng pag-iibigan nilang dalawa!" Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino 'yong nakatayo malapit sa pinto. Napahinto si Tads sa pananalita nito. Nakita niya rin si Yuji. Malay ko ba'ng kanina pa pala nakikinig ang kalabaw na 'yon. "Get your f*****g self out of here, Taddiah! One... two..." umigting ang panga nito. "E-Eunri, kita na lang tayo sa school, ha? Bye!" Nagmamadaling lumabas si Tads sa apartment. Tumayo ako upang salubungin si Yuji. Halata sa mukha niya ang galit. Nanlilisik ang mga mata nito. Alam kong nagpipigil lang siya. "Hindi ko alam na may ibang tao pala rito! How could you bring her here!" "What's the case? She's my friend," ngumiti ako ng nakakaloko. "Ginagalit mo ba ako?!" "N-No, we're just talking about some sort of-" "You guys are talking about my life! What the hell! Nakuha niyo pang pagtsismisan ang tungkol sa nakaraan ko!" Nagulat ako sa pagsigaw nito. Napa-yuko na lang ako sa sobrang kahihiyan. Hindi ko naman inaasahan na darating siya bigla. At ngayon ay nagsisigawan at nag-aaway na naman kami. "So-Sorry," mahinang sabi ko. Hindi ko alam ang isasagot ko. Bigla na lang 'yon lumabas sa bibig ko. "What the hell is that?! I don't need your f*****g sorry, you freak!" Tinitigan ako nito ng matalim at saka naglakad papunta sa kuwarto niya. Sinundan ko ng tingin ang likod niya. "Yuji!" Huminto ito nang tawagin ko siya. "Gu-Gusto ko lang malaman kung bakit ka nagkaka-ganyan. Kung bakit lagi kang galit sa mga taong nakapaligid sa'yo. Parang hindi na normal 'yang mga ginagawa mo," Hinirap ako nito. "Do you think I ain't normal, huh? Kung mayroon mang hindi normal dito, ikaw 'yon! You're so unbelievable!" Itinuro niya ako at saka pumasok sa kuwarto niya. Ibinalibag nito ang pagsara sa pinto. Mayamaya ay lumabas na rin ito ng kuwarto niya. Tumayo ako sa pagkaka-upo ko. Kumuha lang pala iyon ng jacket niya. "Where are you going?" "Talk to my shoes, freak!" Hindi niya ako nilingon at dali-dali itong lumabas. Napabuntong-hininga na lang ako. Naubusan na talaga ako ng pasensya sa lalaking iyon. Talaga namang napakasama ng ugali. May kasalanan din naman ako sa kanya. Hindi tamang pinag-uusapan ang isang tao. Hindi ko siya kilala kaya please lang, Eunri. Kalimutan mo na siya. Kalimutan mo na kung ano 'yong mga nalaman mo tungkol sa kanya. MALALIM na ang gabi ngunit hindi pa rin ako makatulog. Kanina pa ako pa-ikot-ikot sa sofa. "Nasaan na kaya 'yong kalabaw na 'yon? Haist! Kinaka-usap ko na naman ang sarili ko!" Tumayo ako at nagpalakad-lakad. Hindi ako mapirmi. Tumambling ako ng dalawang beses sa sahig. Nag-jumping jack na rin ako upang mapagod ako't makatulog. Ngunit wala pa ring talab ang mga pinaggagagawa ko. Hiningal lang ako. Kumuha ako ng tubig sa predyider at ininom iyon. Ilang segundo ang lumipas ay biglang may kumatok. Agad kong nabitiwan 'yong baso at mabilis na nagtungo sa pintuan. Binuksan ko iyon at nakita si Yuji. Pumupungay ang mga mata nito. Namumula naman ang mga pisnge niya. Halatang naka-inom ito at lasing. Bumagsak na lang siya sa akin at sabay kaming napasalampak sa sahig. "Arrayy!" Tumama 'yong balakang ko sa sahig. "Hoy! Bumangon ka nga riyan! Ang bigat mo!" pagrereklamo ko sa kanya sabay nang paghampas ko sa likod niya. Inalis ko ito sa harap at inihiga ko sa sahig. Tumayo ako upang isara 'yong pinto. Tinapik-tapik ko ang mukha nito ngunit hindi siya magising. "Hoy! Yuji! Yuji!" Halos sumigaw na ako. "Naku! Ano ba'ng gagawin ko?" Napakamot na lang ako sa ulo ko. Hinila ko 'yong dalawa niyang kamay papunta sa kuwarto nito. "AAAHHHHH! Ang bigaaaatttt! Saan ka ba pinaglihi, ha? Sa kalabaw? Daig mo pa 'yong baboy sa sobrang bigat!" Nang mabuksan ko ang kuwarto nito ay sinubukan kong buhatin siya. Nagawa ko naman iyon. Inihiga ko ito sa kama niya. "Ano ba'ng gagawin ko? Haist!" Kumuha ako ng plangganang may tubig. May maliit na tuwalya sa side table niya kaya ginamit ko na. Inilublob ko 'yon sa tubig. Pagkatapos ay dahan-dahan ko siyang pinunasan sa mukha. Totoo ngang guwapo ito. Mahaba ang pilik-mata. Matangos ang ilong. Maputi at may mapulang labi. "Ang suwerte siguro ng magiging girlfriend mo, 'no? Sayang 'yong Chary na 'yon, hindi ka niya pinahalagahan.” Binitiwan ko 'yong tuwalya. Hinubad ko ang suot nitong jacket. "Hayy nako, Yuji! Kung boyfriend lang kita, kanina pa kita kinarate. Ayoko pa naman 'yong boyfriend na malakas ang tama sa alak! Kaso, hindi eh. Hindi kita boyfriend!" Kunwaring nagsesermon ako. Ikinatawa ko rin naman iyon. Tulog naman siya at hindi ako nito naririnig. Kaya useless ang pagsasalita ko rito, okay din 'yon. FYI, wala akong gusto kay Yuji. Pero kahit papaano ay nag-aalala ako sa kanya. Ni hindi nga ako makatulog kanina kaya kung ano-anong kabaliwan na lang ang ginawa ko. Naramdaman kong hinawakan ako ni Yuji sa braso. Nagulat ako. Baka narinig niya 'yong mga sinabi ko! Patay na! "Cha‐Chary! Please come back to me, please..." mahinang sabi nito. Napahinto ako. "I'm not Chary," "I know you still love me. Please, come back!" Sa tono ng boses nito ay mukhang nagmamaka-awa siya. I feel bad for him. 'Yong tipong ikaw 'yong nariyan, pero iba 'yong hinahanap niya...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD