Chapter 5

2396 Words
PAGKABUKAS ko ng pinto ay nadatnan kong naka-upo na at nakasandal sa headboard si Yuji. Mukhang malalim ang iniisip nito. Nakatingin lang siya sa kawalan. Lumipat ang tingin nito sa'kin nang mapansin ako. Ipinakita ko sa kanya 'yong dala-dala kong baso ng tubig at gamot. Tiningnan niya lang 'yon at nag-iwas ng tingin. Galit ba 'to sa 'kin? Wala siyang emosyon. "Aspirin, for your headache," sabi ko. Hindi niya ako pinansin. Para lang akong hangin sa tabi niya. "Sige na, Yuji. Kaya ka iniiwan, eh. Masyadong matigas 'yang ulo mo!" Sinamaan niya ako ng tingin at kinuha 'yon. "Which one?" tanong niya. "Anong which one? Isa lang naman 'yang dala kong gamot, ah?" Nagtataka ako sa tinanong niya. Ano ba'ng ibig niyang sabihin doon? "Ang sabi ko, aling ulo?" Naubo ako sa sinabi niya. Napagtanto ko ang ibig niyang sabihin. Talagang inisip pa niya 'yon para sabihin sa 'kin? Napansin kong bahagya siyang natawa dahil sa pag-ubo ko. Walang hiya talaga ang isang 'to! Inayos ko ang tono ng boses ko. "Bumangon kana riyan, kahit late ka na, pumasok ka pa rin." Nagtungo ako sa cabinet at kinuha 'yong bag ko. "Hindi ako papasok. Practice lang naman ang aabutan ko roon. At saka, pupunta ako ng supermarket para mamili," "I'll drive you," rinig kong aniya. Nang lingunin ko ito ay nanlaki ang mga mata ko. Naghubad siya sa harap ko. Inaamin kong may maganda itong pangangatawan. "Anong tinitingin-tingin mo?" malamig na tanong niya. Sinundan niya ang mga mata ko kung saan ako naka-tingin. Napalunok ako. Alam kong nakuha niya kung saan ako nakatingin at tama nga ang hinala nito. "Oh! You're drooling over my body, Eunri!" Sinamaan ko siya ng tingin. "I'm not." Tumayo ako. "Dalian mo ng maligo, maghihintay na lang ako sa labas," "Alangan namang bantayan mo 'kong maligo, 'di ba?" Nakakaloko ang ipinupukaw nitong ngiti sa akin. "Ewan ko sa 'yo." Nilagpasan ko na ito at lumabas ng kuwarto niya. Narinig ko pa rin ang pagtawa nito. Haist. Ang awkward! Hindi ko talaga siya maintindihan. Ang saya niya kapag nakikita niya akong naiinis o 'di kaya kapag pinagtri-tripan ako nito. Pero sa tuwing pinag-uusapan ang buhay niya, nagiging seryoso ito at magagalitin. Bakit kaya? Subukan ko kayang asarin si Yuji. Kunwari hindi ko alam 'yong nangyari sa kanila ni Chary. Kukulitin ko siya hanggang sa ikuwento nito sa'kin ang buong istorya. "Come on, freak! Nag-i-imagine ka na naman diyan." Nanguna itong lumabas. "Hhmmp!" Sinungitan ko siya sa likod nito. Nakaka-inis talaga siya. "WEAR your seatbelt, my honey." Kinindatan pa ako nito at saka bumalik ang tingin sa daan. "Hindi 'honey' ang pangalan ko. Gano'n ba kahirap i-pronounce ang 'Eunri', ha?" Sinungitan ko ito. Hinila ko 'yong seatbelt ngunit napahinto na lang ako nang hindi ko iyon mahila agad. Napangiwi si Yuji. "Let me pull it." Lumapit ang katawan nito sa akin kaya napa-atras ako sa kinauupuan ko. Napansin niya naman ang ginawa ko. "You don't have to be shy, my honey." Hinila niya 'yong seatbelt. Naramdaman kong tumama iyon sa dibdib ko kaya nanlaki ang mga mata ko. Sinamaan ko siya ng tingin nang mapansin ko itong tumawa. "Sorry," dugtong pa niya. Kinuha ko 'yon sa kanya at ako na mismo ang nag-lock niyon. Sinamaan ko siya ng tingin. Bumalik sa kinauupuan nito si Yuji. Nakatingin pa rin ito ng nakakaloko sa akin. Nagmumukha siyang manyak sa ginagawa niya. "You have big boo—" "Cut it! Subukan mo'ng ituloy 'yang sasabihin mo kundi—" "Kundi ano? Anong gagawin mo?" Tumawa ito. Napalunok na lang ako at nag-iwas ng tingin. Nakaka-asar. Kapag talaga ako bumawi sa pang-aasar niya, tingnan natin kung hindi titikom ang bibig niya. "Wala ka pala eh," humagikgik ito at pinaandar na 'yong kotse. Ang pangit sa tainga kapag tumatawa siya. Naiinis na ako sa tuwing maririnig ko ang boses o tawa niya. Ngunit mabuti na 'yong ganito kaysa naman mag-away kami. "Malaki naman talaga," bulong ko sa isang gilid. "Nagsasalita ka na namang mag-isa riyan, Eunri!" Nang hindi ito nakatingin sa'kin ay pinandilatan ko ito at sinungitan. Nakaka-bwisit talaga 'tong kalabaw na 'to! Hindi ako pumasok dahil practice lang ng pag-kukuha ng litrato ngayon. Hindi naman gano'n ka-abala ang kurso ko. Ang sabi ko nga, kaya kong pagsabayin ang pag-aaral sa kung ano-anong pinagkakaabalahan ko ngayon. Hindi ako pumasok dahil alam kong papasok si Yuji. Mali pala ang inakala ko. Akala ko hindi ko siya makikita ng buong araw, ang masama pa riyan, makakasama ko pa rin pala siya. MAGKASAMA kaming dalawa ni Yuji sa loob ng supermarket ngayon. Ako ang pumipili ng mga bibilhin habang siya naman ang taga-tulak ng cart. "Gusto ko 'yon!" Nagulat ako. "Puwede ba? Huwag mo naman akong ginugulat. Kung may gusto ka, sabihin mo ng maayos! Maha-highblood ako sa 'yo eh!" Sinungitan ko ito. Kinuha ko 'yong tinuro niyang junkfoods kanina at inilagay sa cart. "What if I say..." huminto ito ng ilang segundo at nginitian ako ng simple. Tinuro ako nito. "Gusto kita, magiging akin ka na rin ba?” Natigilan ako sa sinabi niya. Nagulat. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Nagmumukha tuloy akong tanga sa harap niya. Sa mga katagang binanggit niya, wala sa sarili na lang tumibok nang mabilis ang puso ko. "Hahahaha! Anong mukha 'yan, Eunri?" Pinagtawanan ako nito. Sa sobrang lakas ng tawa niya ay pinagtitinginan na siya. Kinuha ko 'yong junkfood na inilagay ko sa cart kanina at inihagis sa mukha niya. Sapul naman iyon. "Ewan ko sa'yo!" "Aray! Hahahahaha!" Baliw pala siya eh. Ako? Magugustuhan niya? Pfft! Pinagtritripan lang ako ni Yuji. Hinding-hindi ako maniniwala. It's impossible. "Ito lang? Paano 'yong uulamin natin sa susunod na araw? Eh, pang-tatlong araw lang 'tong pinamili mo," pagrereklamo niya habang naka-turo sa mga pinamili ko sa cart. "Huwag kang nagrereklamo! 'Yan lang ang kayang bilhin ng pera ko," Napabuntong-hininga ito. "Ano ba namang klasing wife ka?! Gugutumin mo ba 'yong guwapo mong husband?!" Nagtaas ako ng kilay sa sinabi niya. As if namang siya ang magiging asawa ko. Gusto ko na lang magpakamatay kaysa ikasal sa antimpatikong kagaya niya. "Tumigil ka nga! Hindi ikaw ang magbabayad!" Pinagtitinginan na kami ng ibang tao dahil kahit sa loob ng supermarket ay nagbabangayan pa kami. Nakakahiya! "Huwag ka ngang sumigaw, honey! Pinagtitinginan tayo, oh!" "Tigil-Tigilan mo nga 'ko, Yuji!" Tinakpan niya ang bunganga ko at ngumiti sa mga tao. "Pasensya na po kayo. May dalaw lang po 'tong wife ko kaya mainit ang ulo." Tiningnan niya ako kunwari at ngumiti. "Tara na wife, doon tayo sa meat area," "Ang suwerte naman niyong babae," "Bagay sila!" "Magandang kombinasyon kapag nagka-anak sila," "Bitiwan mo nga ako!" nanggagalaiting sabi ko nang maalis ko ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko. "Shh! Honey, huwag ka nang maingay. Masyado mong pinapahalata ang pagiging dragon mo sa bahay. Tara na?" Kunwaring ngumiti-ngiti pa ito sa mga nanay na pinag-uusapan kami. Jusko! Huwag po sana akong mabaliw sa pinag-gagagawa ng kasama kong si Yuji. Napagkamalan pa kaming mag-asawa. Pumunta kami sa meat at poultry area. Kinuha ko na lahat ng gusto niya. Halos mapuno 'yong cart na tinutulak niya dahil sa sobrang dami nang pinagtuturo niya. Mukha itong batang nagtuturo na kapag hindi pinagbigyan ay ngangawa at manggugulo. Umabot sa tatlong libo mahigit ang pinamili namin. Akmang bubunutin ko na 'yong wallet ko nang pigilan ako ni Yuji. "I got this, honey." Binayaran niya 'yong cashier. Kukuhanin ko na sana 'yong mga pinamili namin ngunit naunahan na ako nito. "Your work is to hold my hand, Eunri." Inilahad nito ang kamay niya sa'kin at ngumiti. Bakit parang nanlalambot ako sa tuwing ngumingiti siya? Parang may kakaibang kuryente ang dumadaloy sa buong katawan ko. "I'm waiting, freak. Hold it now," Nakatingin ako sa kamay niya. Dahan-dahan kong hinawakan iyon. Sobrang lambot ng kamay nito. Pakiramdam ko ay nagkaroon na ako nang biglaang boyfriend. Kung tutuusin, siya ang kauna-unahang lalaking humawak sa kamay ko maliban kay papa. How I miss my papa! Hawak niya ang kamay ko sa kanan, habang 'yong mga pinamili namin ay sa kaliwa niya. Nakangiti lang ito habang naglalakad. Para akong may asawang galante. Pinagtitinginan kami ng lahat. Nahihiya tuloy ako. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Ayoko nang magising sa panaginip na 'to kung magkataon. Alam kong masama ang ugali niya pero sa kabila ng lahat ng iyon ay may kabaitan itong itinatago. Ma-appeal ito at may charm. Sabi nga nila, The truth behind one's charm is kindness. I know he has it. Sinasadya niya lang iyon na itago. "Where do you want eat?" Bumalik ako mula sa pagpapantasya ko. "Hi-Hindi na. Umuwi na lang tayo," walang ganang sagot ko. Maya-maya ay inilapit nito ang mukha niya sa tainga ko. Animoy may ibubulong ito. "Bakit? Doon mo na lang ba ako kakainin?" Humagikgik ito. Kumawala ako sa pagkakahawak nito sa kamay ko at hinampas ko ang balikat niya. "Kilabutan ka nga!" Sinamaan ko siya ng tingin. Ang hirap talaga nitong kausapin! Nanggigigil ako sa kanya sa tuwing babanat ito. Puwede bang bumagsak sa kanya 'yong statue ni liberty? Nanggigigil ako eh! DINALA ako nito sa isang paborito niyang fast food chain. Ang mcdo. Ang akala ko tuloy mga bata lang ang nawiwili sa mcdo, hindi ko akalain na pati rin pala ang matandang katulad niya. Hindi siya nababagay sa mga ganitong lugar. Masyado siyang pormal para pumunta rito. Pumuwesto ito sa upuan at binitiwan 'yong mga pinamili namin. Uupo na sana ako kaso... "Oh! Oh! Ikaw ang mag-order!" utos niya. "Bakit ako?" "Dali na! Arte mo!" "Hindi ako waiter dito, 'no?!" Napa-isip ito. "Ahy, oo nga pala. Wife nga pala kita. Sige, ma-upo kana. Waiter!" Tinawag nito 'yong lalaki. Sinamaan ko ito ng tingin bago ako maka-upo. Bakit ba lagi niya akong tinatawag na wife? o 'di kaya naman honey? Sa susunod dadalhin ko na 'to sa mental hospital. Malala na yata ang ulo nito. Natanggalan na siguro ng turnilyo sa utak. "Here's your order, Ma'am, Sir!" "Thank you!" aniya. Tumayo na kami. Nag-take out na lang ito ng pagkain mula sa mcdo. Napakunot noo na lang ako nang mapansin ko 'yong isang box, ay hindi, tatlong box ng happy meal. Sa pagkaka-alam ko ay may mga lamang laruan iyon. Wala sa sarili akong natawa. Ang tanda-tanda na nito ay bumibili pa ng happy meal. "Sira! Hindi para sa 'kin 'to. Bitbitin mo 'yan, may pupuntahan tayo," Binitbit ko na ang mga in-order nito. Nagtungo na agad kami sa parking lot. Bago ko buksan iyong pinto sa passenger seat ay inunahan niya na ako. Nang makasakay na ako ay agad nitong isinara 'yon. Inilagay ko 'yong mga pinamili sa back seat. Gano'n din ang ginawa niya sa mga hawak nitong plastik. "Here we go." Pinaandar na nito ang sasakyan. "Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong ko. "Relax, honey. Hindi naman kita ililigaw!" "Tigilan mo na nga 'yang pa-honey-honey mo! Wala na tayo sa mall, okay? Tama na ang pagpapanggap mo!" Sinungitan ko ito. Pakiramdam ko ay tumatanda na ako. Kung araw-araw ba naman akong iniinsulto ni Yuji eh, matutuluyan na talaga ako. "Honey, tigilan mo 'ko sa pagsusungit mo, ha. Tinotoyo ka na naman, eh, katatapos lang ng date natin nagiging dragon ka na naman!" "Shut up, jerk! That was not a date!" "Whether you like it or not, that's a date! Did you understand?" Sinulyapan niya ako sa gilid at nginitian. Arghhh! 'Yan na naman siya. Dinadaan niya na lang ako lagi sa pangiti-ngiti niya. Alam niya bang nanlalambot ang mga tuhod ko kapag nakikita siyang ngumingiti? Damn it, Eunri! Eh, ano naman kung nanlalambot ako sa ngiti niya? It doesn't mean, na gusto ko na siya. Manigas siya! TUMIGIL kami sa isang malaking bahay. Ano kaya ang ginagawa namin dito? "Bumaba ka, freak! Huwag mo nang hintaying kargahin pa kita!" utos niya. Kinuha nito 'yong tinake-out naming pagkain sa mcdo. Pinaningkitan ko lamang ito sa sinabi niyang iyon. Kahit kailan talaga ang lalaking 'to. Nakakabanas! (~_~メ) Sumunod naman ako sa kanya. Pinagbuksan kami ng gate ng mga maids doon. "Ma'am! Narito po si Sir Yuji!" sigaw niyong isang maid sa tapat ng malaking pinto. Nagulat ako nang hawakan ni Yuji ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa loob. Napanganga na lang ako sa sobrang ganda nitong bahay. May chandelier pa sa itaas, lahat ng gamit ay babasagin. Nakakatakot tuloy gumalaw at baka may matabig ako nang hindi ko namamalayan. "Tito Yuji!" Tumakbo 'yong batang lalaki sa kanya at niyakap niya ito. "How's my baby? I have something for you!" Ipinakita nito ang bitbit niyang pagkain. "Wow! happy meal!" Agad kinuha ng bata ang happy meal. Tumakbo siya sa kusina at binuksan iyon. May isang babae namang bumaba ng hagdan. Ang ganda niya. Sa tingin ko ay anak niya iyong lalaki. "Ini-spoiled mo na naman ang anak ko." Humalik ito sa pisngi ni Yuji. "Oh! You're with someone," "Eunri, this is Yvannah, my eldest sister. Ate, this is Eunri, she's my girlfriend," My eyes widened when I heard Yuji. What did he just say? Lagot talaga 'tong mokong na 'to kapag naka-uwi na kami sa apartment. Nakipag-kamay ako sa kanya. "Nice meeting you, Eunri. You can call me Anna. 'Yon naman 'yong anak ko, si Aki." Pangiti-ngiti lang ako. Pero 'yong totoo, gusto ko nang sirain ang pagmumukha ni Yuji. I know he is lying! Ang lakas ng loob niyang ipakilala ako sa ate niya. Ang malala pa ay bilang girlfriend niya! "Tara sa kusina, nagpaluto ako kay manang. Marami kayong iku-kuwento sa akin. Gusto kong marinig ang love story ninyo," nakangiting anito. Nanguna siyang naglakad patungo sa kusina. Nang maiwan kami ni Yuji sa kinatatayuan namin ay agad akong nakakuha ng tiyempo upang tapakan 'yong sapatos niya. "Aaahhh!" "Ano 'yon ha?!" Nanggigigil na bulong ko sa kanya. "Pu-Puwede ba? Sabayan mo na lang—Ahhhhh!" Umaaray ito dahil mas diniinan ko pa ang pagtapak sa sapatos niya. "Lagot ka sa 'kin mamaya!" Sinungitan ko siya at nilagpasan na ito. Sumunod na lang ako kay ate Anna. Ano bang nagawa kong kasalanan? Bakit parang pinapahirapan ako ng mundo ngayon? Kung hindi lang talaga kami lumipat nina mama, hindi sana mangyayari 'to! Okay na sana noong naroon pa kami sa totoong bahay namin. Kasama si papa. Buo kaming magkakapamilya. Ngayon, isa na lang bangungot iyon. Susubukan ko pa ring hanapin si papa, I wanna see him. Hindi ako magiging magaling na photographer kung hindi dahil sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD