Chapter 3

3500 Words
"PASENSYA ka na, Eunri. Ako dapat 'yong mabubuhusan ng tubig at hindi ikaw," nag-aalalang sambit nito habang tinutulungan akong magpunas ng damit ko. "May dala ka ba'ng pamalit?" "Okay lang, Tads. Saka, hindi mo naman kasalanan 'yong nangyari. Ako na." Kinuha ko sa kanya 'yong tuwalya at ako na mismo ang nagpunas sa sarili ko. "Wala akong pamalit ng damit. Mamaya na lang siguro ako magpapalit kapag naka-uwi na 'ko sa apartment. Mananagot talaga sa 'kin 'yong kurimaw na 'yon," "Eunri, huwag mo nang patulan 'yon. Iwasan mo na lang siya para maka-iwas na rin tayo sa gulo. Kita mo 'yong ginawa niya sa'yo, 'di ba? Baka mamaya madisgrasya ka pa nang dahil sa kanya," Hindi na ako sumagot. Nag-iinit pa rin ang dugo ko dahil sa mokong na 'yon. Akala niya ba mapapaniwala niya akong mabait siya? Pwes! Nagkakamali siya. 'Yong mga ginawa niya sa 'kin kagabi? Pakitang tao lang 'yon. Hindi ako naniniwalang may angking kabutihan ang puso niyon. Once a bully, always a bully. "Wala ka namang pilay. Wala ring na-dislocate na buto, kaya safe ka na," ani Nurse Lily. Nasa clinic kami ngayon. Nagpumilit kasi si Tads na dalhin ako rito baka raw napilayan ako sa paglusob ko kay Yuji kanina. Malakas siya. Kumpara sa lakas ko ay kulang pa iyon para matalo ko si Yuji. Hindi ko naman akalaing black belter pala ang loko. "Pagpasensyahan mo na lang talaga 'yong si Yuji. Sa sobrang tigas ng ulo ay sumusuko na ang descipline commitee sa kanya. Yuji is such a hard headed man!" "Nurse Lily, bakit po ba gano'n ang ugali niya?" tanong ko. "Hindi lang 'yon nabibigyan ng atensyon ng pamilya niya. Hindi siya pinapagalitan, walang pumipigil sa kanya sa mga kalokohang ginagawa niya. Tama ang kaibigan mo, iwasan niyo na lang siya para maka-iwas na rin kayo sa gulo," she smiled. Spoiled brat pala ang isang 'yon. Lahat nang gustuhin niyang bagay ay nakukuha niya. Mali iyon. "Salamat po, Nurse Lily. Tutuloy na po kami," Paalam ni Tads nang makatayo ako sa clinic bed. "Sige, mag-iingat kayo," Habang naglalakad kami ni Tads ay maraming mata ang nakatingin sa'ming dalawa. May mga estudyanteng nagkukumpulan at pinagtsi-tsismisan kami. Ganito ba talaga sa University na 'to? Mukhang alam na yata nila ang nangyari sa gym kanina. "Why are they looking at me? Am I that beautiful?" tumawa ako ng pagak. "Siguro alam na nila 'yong nangyari kanina sa gym kaya pinagtitinginan ka nila." Mala-kuryente pala ang balita rito. Sobrang bilis ng boltahe. Hindi ako makapaniwala. "Mga tsismosa," "Hayaan mo na." Nagmadali na lang kaming naglakad upang maka-iwas sa tingin ng mga estudyante. Hindi katulad sa pinapasukan ko noon ay napaka-tahimik. May nagawa ka mang mali ay hindi 'yon big deal para sa kanila. Pero dito, isang maling galaw, pag-iisipan ka na nila ng masama. How immature they are! “PASS your examples tomorrow, okay? Good bye and thank you!" "Good bye, Mrs. Pink!" Tumayo na ako at isinukbit ang bag sa likod ko. Kasalukuyan kong inaayos ang mga librong ibinigay sa akin. Hindi ko sinasadyang marinig 'yong pinag-uusapan ng tatlong babae malapit sa 'kin. Alam kong ako ang tinutukoy nila. "Do you think siya 'yong girl na sumugod kay Yuji kanina?" Maaarte pa ang mga boses nila. Halatang mga feelingera ng taon ang mga 'to. "Hindi ako nagkakamali. Siya 'yon! Ang kapal ng mukha niyang saktan si baby Yuji ko! Duhh! " "Baka naman may gusto kay Yuji kaya nagpapapansin," Kinuha ko na 'yong mga libro at naglakad palabas sa kuwarto. "Hoy! Tara nga rito!" pasinghal na tawag sa'kin niyong isang babae. Maganda siya, matangkad, maputi, pero sa tingin ko, isa siyang higad na pilit inilalapit ang katawan kay Yuji. Lumapit ako sa kanya. Wala akong emosyon. Gusto ko lang makita nila na matapang ako. Na hindi ako basta-bastang babae. "Ang lakas ng loob mo. Ako nga hindi makalapit-lapit kay Yuji tapos ikaw... aagawin mo pa sa 'kin ang baby boy ko? Ang sama mo," "I have no time to talk to you, Miss. Excuse-" Hinila niya ang buhok ko pabalik sa kinaroroonan ko kanina. "Huwag kang pakampante, Eunri. We're not done yet!" Akmang sasampalin ako nito kaya agad akong tumingin sa gilid at pumikit. Ilang segundo pa ang lumipas nang hindi ko naramdamang dumapo ang kamay niya sa mukha ko. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata. "Don't you dare slap her! Baka gusto mong kamay ko ang dumapo sa pagmumukha mo?” Takot na takot 'yong mga babae. "O-opo!" Halos maihi ang mga ito sa salawal nila. Ngayon alam ko na kung paano sila matakot sa lalaking ito. Nilingon ko 'yong lalaki. Siya 'yong humawak sa kamay niyong babae kaya hindi dumapo ang kamay nito sa mukha ko. Dapat ba akong magpasalamat? Hinila ni Yuji ang damit ko sa likod hanggang sa makalabas kami ng kuwarto. "Ano ba?! Bitiwan mo nga ako! Ang hilig mong mang-hila, ah?" Tiningnan ko ito ng masama. "Pasalamat ka hindi ka sinampal niyon. You should thank me because I saved you, freak!" "Whatever! Kaya ko ang sarili ko. Kaya kong patulan ang mga babaeng 'yon." Nag-iwas ako ng tingin. "Really? Bakit hindi mo ginawa? Sayang ang pagiging brown belter mo kung gano'n," humagikgik ito sa tabi ko. Niloloko talaga ako ng isang 'to. "Lubayan mo 'ko! Sira na yata 'yang ulo mo!" Sinamaan ko siya ng tingin. Nilagpasan ko siya at dali-daling naglakad palayo. Kaya ko naman talagang patulan ang mga 'yon. Ayoko lang masira ang imahe ko sa mga estudyante. Baka isipin nila na lagi akong naghahanap ng makaka-away. Okay na 'yong si Yuji lang ang ka-away ko. Naalala kong may pasok pa pala ako sa coffee shop ngayon kaya minadali ko nang umuwi. Hindi na 'ko nakapag-paalam kay Tads dahil ayoko nang bumalik. Baka makita ko na naman ang pagmumukha ng kalabaw na 'yon. BINUKSAN ko agad 'yong pinto ng kuwarto namin. Inalis ko 'yong bag ko at nagtungo sa kuwarto ni Yuji. Naka-lock 'yon. "s**t!" napamura ako. Hindi ako makakapag-palit ng damit kung naka-lock ang kuwarto niya. "Bad trip naman oh," Napahampas na lang ako sa pinto niya ngunit ako naman itong nasaktan. “Awww... ang malas talaga!” "Sino bang nagsabi sa'yo na hampasin mo 'yang pinto? Kung hindi ka ba naman tanga para gawin 'yan!” Nilingon ko si Yuji na nakatayo sa sala. Nakapamulsa ito habang nakangiti ng nakakaloko. I really hate his fake smile. “Puwede ba, tigilan mo 'ko? Ikaw hampasin ko riyan, eh!” pagsusungit ko. “At saka, ano bang ginagawa mo riyan? Dinadasalan 'yong pinto? Hahaha!” pinagtawanan pa nga ako ni loko. (ー_ー゛) "Naka-lock 'yong pinto. Buksan mo para makapag-palit ako," kalmadong sagot ko sa kanya. Sinusubukan kong pahabain ang pasensya ko sa lalaking 'to ngunit hindi ko kayang hindi mainis sa kanya. "Ayoko." Sinamaan niya ako ng tingin. "What's your problem?!" sigaw ko sa kanya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nilapitan ito. "What did I do wrong para pagtripan mo 'ko ng ganito? Puwede bang lubayan mo na ako? Wala akong panahon sa mga kalokohan mo!" Nanatiling nakatitig lang ito sa akin. Wala itong paki-alam sa kung anong pinagsasasabi ko. Bumuntong-hininga ako at sandaling kinalma ang sarili ko. "I just want a quiet living, Yuji. Kung may problema ka, huwag mo 'kong idamay." Ibinigay nito sa 'kin ang susi kaya agad ko iyong kinuha. Tumalikod ako at binuksan ang kuwarto. Pagkatapos kong nagpalit ay kinuha ko na 'yong shoulder bag kong maliit. Sobrang tahimik. Ni isa sa amin ay walang nagsasalita. Pakiramdam ko tuloy nagi-guilty ako sa ginawa ko. Pero nagtataka ako. Kanina nang magkasagutan kami ay parang ang lakas-lakas ng loob niya. Hindi ito nahihiya kahit pa sobrang daming estudyante. Pero ngayon, laking pagtataka ko dahil nang sigawan ko siya ay wala akong narinig na kung ano sa kanya. Sinulyapan ko ito sa kusina. Nakatalikod ito sa akin. Nakasandal siya sa mesa na para bang malalim ang iniisip. Nagluluto ito, siguro ay hinihintay niya lang ang niluluto niya kaya siya napasandal nang ganoon. Ano namang paki ko sa kanya? "A-Aalis na 'ko. Huwag mo na lang i-lock 'yong pinto mamaya para makapasok ako," pagsisira ko sa katahimikan. "Late na kasi ako makaka-uwi. Ayoko namang kumatok na lang at baka maistorbo pa kita." Wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Napabuntong-hininga na lang ako at lumabas ng apartment. Haist. Ano ba 'tong ginawa ko? I feel guilty. Tama siguro 'yong sinabi ni nurse Lily kanina, marahil kulang lamang ito sa atensyon ng pamilya niya kaya ito nagkaka-gano'n. Kailangan ko bang iparamdam sa kanya na hindi ito nag-iisa? "THIS is your coffee, ma'am." Inilapag ko ang isang tasa ng kape sa mesa. Bumalik ako sa counter. Alas-dyes na ng gabi ngunit marami pa ring tao sa shop. 'Yong iba ay abalang pumipindot sa mga laptop nila habang umiinom ng kape. This is the better place for them to work. Tahimik at maganda pa ang ambiance ng lugar. Napaka-homey. "Inaantok na 'ko," Inilipat ko ang tingin kay Amber, siya ang kasama ko rito sa counter. Gaya ko ay isa siyang working student. Hindi nga lang kami parehas ng eskuwelahang pinapasukan. "Ano ka ba, Amber? Huwag ka ngang humihikab ng ganyan. Baka mamaya masita ka ni manager. Sige ka, ikaw rin, mababa suweldo mo..." suway ko sa kanya. "Hindi ko na kaya. Gusto ko na lang magpalamon sa lupa at matulog ng mahimbing. Hindi kaya ako sanaysa puayatan, 'no?!" Inihiga nito ang ulo niya sa counter at pumikit. Wala akong nagawa kundi hayaan ito. Unang araw pa lamang nito ay tinatamad na siya. Ako nga kahit pagsabayin ko ang pag-aaral sa pagtatrabaho ay hindi pa rin ako tinatamad. Napapagod nga lang ngunit hindi na alintana iyon. Mas importante ang perang kikitain ko para maipadala sa pamilya ko. Eleven-thirty o'clock na ng gabi. Umalis na rin iyong huling costumer namin kaya nagsimula na kaming mag-ayos ng upuan at maglinis. Nang matapos kami ay nagpa-alam na rin ako kay Amber. "Bye, Eunri," Kumaway ako at nginitian ito. Pagkalabas ko ng shop ay bumungad sa akin ang tahimik na kalsada. Wala ng mga sasakyang dumadaan. Sobrang dilim na rin dahil malalim na ang gabi. Naglakad-lakad ako sa harap. May isang kotseng naka-park dito. Hindi ko na pinansin iyon baka kotse iyon ni manager. "Ahhyyyy!" Napatalon ako sa sobrang gulat nang bumusina ang kotseng 'yon. Bumaba ang side window ng driver seat. Napakunot ako ng noo kung sino 'yon. Nanlaki ang mga mata ko dahil si Yuji ang nakasakay doon. Ano bang ginagawa niya rito sa dis-oras ng gabi? "Get in," malamig ang tono ng boses niya. Hindi ito naka-tingin sa 'kin. "Hi-Hindi na. May sasakyan pa namang dadaan. Maghihintay na lang ako rito.” Nag-iwas ako ng tingin. Kunwaring naghanap-hanap ako ng masasakyan. "I said, get in, freak! Mahirap humanap ng masasakyan sa ganitong oras." Sinunod ko na lang ang sinabi niya. Wala na 'kong ibang choice kundi sumakay. Agad niyang pina-andar ang kotse nang makasakay ako sa passenger seat. Napapalunok ako. Sobrang awkward nito. Naiisip ko pa rin kung paano ko ito sigawan kanina tapos ngayon nagmamagandang loob siya? Nakakahiya naman kung ganoon. (;ŏ﹏ŏ) "Hindi ka na sana nag-abalang sunduin ako..." Nanatili akong nakatingin sa malayo. Si Yuji naman ay seryosong nagmamaneho lang. Hindi niya ako sinagot. Nagmukha tuloy akong sira-ulo rito. Nagsasalita ng wala namang kausap. "Sa katapusan pa ang sahod ko. Kung hindi man ako makapag-bayad, abonohan mo na muna. Babayaran din kita kapag nakuha ko na 'yong pera," dagdag ko pa. Sinusubukan kong sirain ang katahimikang bumabalot sa pagitan naming dalawa. Wala pa ring imik si Yuji. "Shut your mouth, self. Wala ka namang kausap e," pagpaparinig ko at kunwaring itinikom ang bibig ko. Kahit anong gawin kong pagpapansin ay hindi pa rin ako nito kinikibo. This is so really awkward. Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating na kami sa apartment. Sabay kaming bumaba ng sasakyan niya ngunit nauna itong umakyat sa itaas. "A-Ano bang problema niyon?" mahinang bulong ko sa sarili ko. Kahit ako ay naguguluhan sa ikinikilos niya. "I cooked. Have your dinner," rinig kong aniya at nagtungo sa bathroom malapit sa kusina. "Hindi na, may kailangan pa akong i-rush na kailangan kong i-pass bukas." Naalala ko 'yong mga examples ng mga pictures na gagawin ko. Kailangan 'yong i-pass bukas ng umaga. "It's too hard to work if your tummy is empty," rinig kong aniya mula sa loob ng bathroom. Nang makuha ko 'yong laptop ko ay agad akong nagtungo sa kusina. Kumakain ako habang inaayos 'yong ipapasa kong example kay Mrs. Pink. May mga sample shots naman ako sa camera kaya iyon na lang ang gagamitin ko. Pagkatapos kong ma-edit ang mga iyon ay ipi-print ko na lang. Nakaramdam na ako ng antok. Alas-dose na pala, ni hindi ko man lang napapansin. Sa sobrang abala ko sa ginagawa ko ay hindi ko napansing kanina pa pala lumabas si Yuji sa bathroom. "Siguro mahimbing na 'yong tulog niyon," sabi ko habang nakalingon sa pintuan ng kuwarto niya. Nag-inat ako ng braso. "Haaayyyy! Kailangan ko pang i-print 'to," humikab ako at ini-usog ang pinagkainan ko. Nakaramdam ako ng gutom kanina kaya kumain ako ng kaunti. Inihiga ko na 'yong ulo ko sa tabi ng laptop. Hindi ko namamalayang, nakatulog na pala ako sa sobrang pagod. NAGISING ako sa liwanag na tumama sa mukha ko. Agad akong nagkusot ng mga mata. Nang mapagtanto kong wala ako sa sofa ay napa-awang ang bibig ko. Nasa kuwarto ako ni Yuji. Tiningnan ko ang damit ko, nakaluwag naman ako dahil walang nagbago. Nagtataka ako kung paano ako napunta rito? Hindi kaya... binuhat niya ako? Wwwaaahhh! Tumayo ako at dali-daling lumabas. Nakita ko siyang nagluluto sa kusina. 'Yong laptop ko naman ay nakapatong sa mesa sa sala. Naka-print na rin ang mga pictures na ine-edit ko kagabi. Siya kaya ang may gawa nito? Kinuha ko 'yong tuwalya na nakasabit sa sofa at tumakbo sa bathroom. Alam kong napansin ako ni Yuji. "Don't run, Eunri. It's too early. Kumain ka muna bago ka maligo," rinig kong wika ni Yuji nang makarating ako sa loob ng bathroom. Bakit umaakto itong parang concern sa akin? Hindi ko talaga maintindihan ang ugali niya. Minsan nakaka-insulto itong magsalita, minsan kalmado at mabait, ngayon naman he's acting like he's concern about me. I really don't get him! Lumabas ako ng bathroom at umupo sa high chair ng dining table. "Uhm. Paano ako napunta sa kuwarto mo?" "I came out to check you if you're still working. Tulog ka na pala pero 'yong laptop mo nakabukas pa. So I started to carry you into my room. Ako na rin ang nag-print sa trabaho mo, baka kasi kailangan mo 'yon ngayong umaga," malamig ang tono niya. Kahit hindi ko makita ang mukha nito, alam kong wala siyang emosyon. Nilingon na ako nito at inilapag 'yong plato ng kanin na may pritong itlog sa mesa. Inalis nito ang apron niya at naglakad paalis. "Wait! You're not going to join me?" "No. I just finished drinking coffee, It's okay for me." Dire-diretso ito sa kuwarto niya. Ang lamig ng tono ng pananalita nito. Para itong nagtatampo o ano. Hindi naman siguro siya galit, hindi ba? Baka 'yon ay dahil sa sinigawan ko siya kahapon. Nahihiya tuloy ako sa kanya. NAG-PARK na ito sa parking lot ng eskuwelahan. Inalis ko 'yong seatbelt ko at binuksan 'yong pinto. Sinabay na ako ni Yuji papunta sa eskuwelahan. Sa tingin ko ay masasanay na akong laging kasa-kasama ang kurimaw na 'to. Nangunguna siya sa paglalakad habang ako naman ay nakabuntot sa kanya. "YUJIIIII! WWAAAHH!" "Ang pogiiiii!" As usual, nagtitilian na naman 'yong mga babae. Ganito ba sila kabaliw kay Yuji? Ano naman ang nakita nila sa lalaking 'to? Aaminin ko guwapo ito, pero 'di gano'n kabait ang ugali niya. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa marinig ko ang tsismisan ng ibang mga babae malapit sa'kin. "Look at her, she always nakabuntot kay Yuji!" "Is she dating with Yuji? Duh! I can't even!" "Chary is better that her! She's a slut!" Napahigpit ang paghawak ko sa bag at dali-daling naglakad. Masasanay na rin ako sa mga estudyanteng pinagtsi-tsismisan ang buhay ko. Iba talaga ang issue, kung ano 'yong nakita nila, 'yon ang paniniwalaan nila. This is unbelievable! "Eunri! Eunri!" Nilingon ko 'yong tumatawag sa akin. Si Tads iyon na tumatakbo. Hinihingal ito nang makalapit sa akin. "Eunri!" Hinahabol nito ang hininga niya. Sa sobrang pagod ay napahawak na lang ito sa tuhod niya. Kinuha ko 'yong mineral water sa bag ko. Binuksan ko na rin iyon at ibinigay sa kanya. Agad niya namang ininom iyon. "Ano ba'ng nangyayari sa 'yo?" tanong ko. "Kanina ko pa isinisigaw ang pangalan mo pero hindi mo 'ko naririnig. Bingi ka ba?" Siguro naging abala ako sa pag-iisip kanina. Nasa iba kasi ang atensyon ko. "Ahh, ka-kasi... nawili ako sa mga estudyanteng naka-abang sa main gate kanina." Nagsimula na kaming magmartsa patungo sa building namin. "Nawili? Huwag ako ang niloloko mo. Ikaw kaya ang pinagtsi-tsismisan sa buong campus. Nakita nilang nakasakay ka sa kotse ni Yuji. And how do you explain that? Huh?" She paused. Hindi ko ito kinibo. Hindi ko alam ang isasagot ko. "Nagtataka nga rin ako, eh. Ikaw lang ang babaeng isinakay niya sa kotse niya maliban kay Chary. At ikaw lang din ang pinapansin niyang babae sa buong campus. What's happening? Huh? I'm confuse about you and Yuji. Are you two dating?" Hinatak ko ang buhok niya. Hindi rin pala madaldal itong si Tads, magaspang din pala ang dila niya. Kung ano-ano na lang ang sinasabi nito. "Of course not! Bakit ko naman ide-date ang kurimaw na 'yon? At saka, nakakalimutan mo ba 'yong ginawa niya sa 'kin kahapon, huh? Hindi pa rin ako nakakabawi sa ginawa niya. Gagantihan ko talaga 'yon!" Sinamaan ko ito ng tingin. "H'wag na h'wag kang mai-in love kay Yuji. Alam mo bang naka-anim na girlfriends na 'yon? At lahat ng 'yon ay walang tumagal sa kanya. Lahat nang 'yon ay iniwan lang siya. Like Chary did, his sixth girlfriend. Maraming nagkakandarapa kay Yuji pero pinipili nito ang babaeng iibigin niya. At si Chary ang totoo at seryosong minahal niya." Pumitik pa ito sa harap ng mukha ko na tila alam ang buong pagkatao ni Yuji. I am really curious about his life. Marami akong gustong itanong sa kanya kung maaari. Nahihiya lang ako dahil may atraso pa 'ko sa kurimaw na 'yon. And who's Chary? Narinig ko na rin ang pangalang iyon sa mga babaeng pinagtsi-tsismisan ako. Kasalanan ko bang maging roommate ko ang lalaking 'yon. Hindi ko naman in-expect na ganito pala ang buhay ng isang Yuann Xenji sa campus na ito. "Eh, bakit naman siya iniwan ng mga ex-girlfriends niya? Is he not enough? Mayaman, magaling mag-basketball," komento ko. "Eunri, hindi lang magaling mag-basketball. He's a captain ball of their varsity team, FYI." "Guwapo..." dugtong ko. "Uyyyyy!" nanunuksong aniya. Sinundot pa nga nito ang pisngi ko na ikina-ngisi ko. "Inamin niyang guwapo si Yuji..." "Guwapo nga, masama naman ugali. That's useless, Tads!" Sinamaan ko ito ng tingin. Hindi kaya may iba ring problema si Yuji bukod sa nabanggit ni nurse Lily kahapon? Hindi lang ba pamilya? Siguro lovelife or other personal problems. I don't know why I'm concern to him. Parang may tumutulak sa akin na alamin ang mga 'yon. At saka, bakit ko ba iniisip ang kurimaw na 'yon? Siya ang dahilan kung bakit gumulo ang nananahimik kong buhay! "YOUR shots are awesome, Miss Manuel." Mrs. Pink amazed. Napangiti kaming dalawa ni Tads. Sinamahan niya ako sa office ni Mrs. Pink para ma-ipasa ang mga examples ko sa kanya. "I am really speechless to these images," aniya habang pinagmamasdan nito ang mga litratong hawak niya. "I want you to join the club, Miss Manuel. You will be their photographer, tutal nangangailangan naman sila ng magaling na photographer like you, right Miss Alcantara?" "Yes, Mrs. Pink," nakangiting sagot ni Tads. "Ikaw pa lang ang nakikitaan ko ng potensyal sa buong klase. Akala ko no'ng una ay maiinis ako sayo. Anyway, from now on ikaw na ang isa sa mga photographer ng Sunshine News. Iyon ang pangalan ng diyaryo ng University natin. Si Miss Alcantara na ang bahala sa'yo, tutal mag-partner naman kayo. Okay ba 'yon?" "Ta-Talaga po? Salamat po!" Hindi maipinta ang saya ko. Ngayon lang ako nakatanggap ng ganitong proyekto sa buong buhay ko. May nakapansin din ng mga litrato ko. "Welcome to the Sunshine News, Miss Manuel." Inilahad nito ang kamay niya. Tinanggap ko iyon at nakipag-kamay kay Mrs. Pink. "Maraming salamat po," "I know you will do your best. I wanna see your works at Photo Gallery," Tumangu-tango ako. Pagkatapos ng pakikipag-usap kay Mrs. Pink ay lumabas na rin kami ni Tads. Hindi maipinta ang saya sa mukha ko. Pagkalabas ko ng office ay nagtatatalon na ako sa sobrang excite. "Kumalma ka nga, huwag kang ma-excite. Hindi lang mga professors and students ang makakakita ng mga shots mo." Naglakad na ito kaya sinundan ko siya. Sandaling nawala ang ngiti sa mga labi ko. "Anong ibig mo'ng sabihin?" "This coming university foundation, maraming magaganap. May mga clubs, lahat puwede mong salihan. At isa ka na sa pagiging photographer ng SN club. Open gate ang university na 'tin, may mga visitors from other universities or other country. Sa photo gallery, kapag nagustuhan nila ang shots mo, bibilhin nila 'yon." pagpapaliwanag nito. Tumangu-tango ako. Ngayon ay naiintindihan ko na. Hindi pa pala oras upang magsaya. Tila wala sa sarili akong kinabahan dahil doon, ah. "Kaya ikaw, kapag kukuha ka ng litrato, dapat makabuluhan. May meaning, may puso." Umakto pa ito. Humawak pa ito sa dibdib niya na animoy umaarte. With feelings at facial expression pa iyon. Nang dahil sa ginawa niya ay nagtawanan na lang kami. Natuwa kami sa isa't isa. Puwede nang maging artista itong kaibigan ko. Bakit kaya hindi siya sumali sa acting keme-keme na 'yan? Hahaha! INIWAN ako ni Tads dahil may klase pa raw ito. Ako naman ay palakad-lakad lang. Hinahayaan ko ang mga paa ko kung saan ako dadalhin ng mga 'to. Hanggang sa mapadpad ako sa basketball court. Walang mga players at mga tao roon. Hindi ko pa rin nakikita si Yuji. Sa laki ng campus na 'to ay malabong mangyari 'yon. Nakakita ako ng bola sa sahig kaya dinampot ko 'yon. Hindi naman ako gaanong marunong sa pagba-basketball pero inaamin kong nakasali ako sa womens basketball noon. Nag-dribble ako. Pina-ikot ko iyong bola sa pagitan ng mga hita ko. Sandali akong tumakbo at pumuwesto sa free throw area. Inihagis ko na iyong bola sa net. Sakto namang na-shoot iyon. Nang ma-shoot ko 'yon ay nakarinig ako ng pumapalakpak. May isang lalaking naka-jersey ang lumapit sa akin habang nakangiti. Ang guwapo nito at singkit ang mga mata. "You're good!" Nginitian ako nito at huminto malapit sa akin. Nginitian ko lang din ito. Hindi na ako nagbalak na kunin pa iyong bola. "Uhm. Sige, mauna na ako. Salamat sa compliment mo..." paalam ko sa kanya ngunit pinigilan niya ako. "Wa-Wait! Do you wanna play with me? One on one tayo.” Kinuha niya ang bola at lumapit sa akin. "Hindi ako gaanong naglalaro ng bola," palusot ko. Umiling siya na animoy hindi kumbinsido sa sagot ko. "You must be lying. Tara! Subukan mong agawin sa 'kin 'tong bola," Nagtaas ito ng kilay at ngumiti. Tumango na lang ako. Nagsimula itong mag-dribble. Binabantayan ko naman ang pagtalbog ng bola hanggang sa makakuha ako ng tiyempong agawin 'yon. That was a clean steal. Umikot ako sa likod nito at pinakawalan ang bola. Na-shoot iyon. Nasa kanya na ang bola. Hindi ko na ito pinagbigyang maka-shoot. I did everything for him not to give a chance to steal the ball from me. Pantay ang score naming dalawa. Nagulat na lang ito nang mai-shoot ko ang bola sa net mula sa three-point area. That was a really good game. Pareho kaming hinihingal nang matapos ang laro. Kumpara sa akin ay mas matangkad ang nakalaro ko. Base sa pagsusuri ko ay nasa six feet ito. Ako naman ay nasa five six lang ang tangkad. Nakipag-kamay ako sa kanya nang matapos ang laro. "That was a nice game. By the way, I'm Zwei Vargas!" "Eunri." Masasabi kong, hinahangaan ko na ang lalaking ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD