Sa paglipat ni Eunri Manuel sa panibagong titirhan niya ay makikilala nito nang hindi inaasahan ang antimpatikong binatang gugulo sa tahimik niyang buhay, si Yuann Xenji Cortez. Ang binata ay kilala ng lahat sa eskuwelahang papasukan niya, higit sa pagiging captain ball ng varsity team ay ang pamilya rin nito ang may pinaka-malaking shares sa nasabing eskuwelahan. Lahat ng babae ay nagkakandarapa sa pagiging magandang lalaki niya. May pagka-sutil ito, masungit, misteryoso, mapang-asar, seryoso ngunit mabait daw. Mayaman, ma-pera, at kaya raw nitong bilhin ang lahat ng gusto niya.
Kung sino man ang binatang iyon ay dead-ma lang si Eunri. Lumipat siya sa apartment na iyon upang maging madali ang pagpasok niya eskuwelahan. Kapagkuwan ay pareho lang din sila ng pinapasukan. Lumipat siya sa eskuwelahang iyon upang mag-aral at hindi maghanap ng lalaking iibigin. May mga pangarap siya, hindi nito hahayaang mapunta lang ang mga iyon sa wala.
Hanggang sa mapansin siya ng binata. Ginulo nito ang buhay ng dalaga. Tiniis niya ang mga kalokohan, pang-aalaska at pang-aasar nito sa kanya. Hindi nila alam na sila pala talaga ang itinadhana sa isa't isa.
Pero akalain ba niyang in the process ay matututunan niyang mahalin ito?