"SAKAY na,"
"Hindi na. Maglalakad na lang ako," nakangiting tugon ko kay Yuji. Nasa labas na ako ng gusali. Nagkataong sabay kami lumabas kaya gano'n.
Lumabas ito sa kotse niya at hinila ako. "Uyy! Ano ba? Bitiwan mo nga ako," Sinubukan kong magpumiglas ngunit hindi ko na magawa iyon nang itulak niya ako papasok ng kotse. He's so strong. Walang panama ang pagiging brown belter ko sa taekwondo.
"It's so hot outside, baka mapano ka," aniya habang nakatuon ang atensyon sa pagmamaneho. Napa-isip tuloy ako na baka concern lang siya. "I'm not concern at all, Eunri. Naaawa lang ako sayo,"
A corner of my mouth lifted. "'Yon naman pala, bakit pinilit mo pa akong sumakay sa kotse mo, ha? I don't need your help!”
"Yes, honey. You need me." He bit his lower lip then faked a smile.
"I'm Eunri, not honey. Kaya puwede ba? Ibaba mo na lang ako sa kotse mo!" naiiritang sambit ko sa kanya. Ngayon ay hindi na ako mapakali.
Biglang huminto ang sasakyan nito. Tiningnan niya ako ng nakakaloko sabay turo sa labas ng side window ng kotse nito. "See? We're here."
Napasulyap ako sa labas. Tama nga siya. Nandito na kami sa eskuwelahang papasukan ko. Pero teka... "Wait! How did you know na dito ako papasok?"
"I saw your I.D, freak!" sinamaan niya ako ng tingin.
Napahawak ako sa leeg ko. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong hindi iyon suot. Hinanap ko 'yon sa bag at bulsa ko ngunit wala roon. Napansin ko na lang na hawak na iyon ni Yuji. "Is this yours?" Sinuri niya iyong I.D ko. Pinaningkitan niya ang picture ko at natawa. "Hahaha! You have an ugly face, freak!" Tinapon niya 'yon sa akin and he just rolled his eyes on me.
Nag-park muna ito bago kami bumaba. "Di-Dito ka rin pumapasok?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Hindi niya ako sinagot at patuloy pa rin ito sa paglalakad. "Alam mo ba kung saan ang Fine Arts Department dito?"
"Talk to my shoes, you freak!" Sinamaan niya ako ng tingin at naglihis ng landas.
Ngayon ay ako na lang ang nakatayo sa kalagitnaan ng maraming estudyante. Hindi ko pa naman alam kung saan ako pupunta. Ang tataas ng mga gusali rito. Sobrang laki ng eskuwelahan at sobrang daming estudyante. Talaga namang napaka-prestihiyoso ng eskuwelahang ito.
Fourth year college na ako sa kursong Bachelor of Fine Arts in Photography. Kung kailan magtatapos na ako ay saka ako lumipat ng panibagong University. That's strange. Kumuha ako ng photography dahil gusto kong palawakin pa ang mga kaalaman ko tungkol dito. Mahilig akong kumuha ng mga litrato. Naging parte na nito ang buhay ko. Hindi ko alam kung bakit kating-kati ang mga kamay ko sa paghawak ng camera. Namana ko ito kay papa dahil isa siyang photojournalist sa isang kompanya.
"E-Excuse me. Paraan ho! Excuse me," Sumiksik ako nang sumiksik sa mga estudyanteng nasa koridor. Mahuhuli na ako sa klase ko. "Saan ba kasi 'yon?" Kung ano-anong room na napupuntahan ko ngunit ni isa walang tumatama.
"Mi-Miss, may hinahanap ka ba?" tanong niyong isang babaeng nadaanan ko. Simple lang siya at maganda.
"Ahh, puwede ba akong magtanong? Hindi ko kasi alam 'yong classroom ko eh. Nasaan na ba ako?" Napakamot ako ng ulo.
"Nandito ka sa Fine Arts department."
"'Yong photography section, saan ba? Hilong-hilo na 'ko sa kahahanap, eh."
"Iyon oh, sa dulo malapit sa hagdan." Itinuro nito ang isang classroom na nakasara.
"Sa-Salamat." Kinuha ko ang kamay nito at nakipag-shake hands sa kanya.
Agad akong tumakbo papunta roon. Nang makasilip ako sa bintana ay mukha nang tahimik sa loob. Lahat ng estudyante ay nakikinig. Haist! Kinakabahan ako. Ngayon pa talaga ako na-late. Kumatok ako sa pinto.
"Come in!"
Pinihit ko ang seradula at hinila iyon palabas. Pumasok na ako sa loob. Bago pa man ako umupo ay pinagtitinginan na ako ng mga estudyante.
"So-Sorry, I'm late," paghingi ko ng paumanhin sa lecturer. Babae iyon at mukhang masungit pa. Sa tingin ko ay baka masesermonan ako rito.
Lumapit ito sa 'kin at tiningnan nito ang I.D kong naka-suot sa leeg. "Miss Eunri Manuel, I hate late comers!"
"So-Sorry po, naligaw po kasi ako—"
"I don't even care! Sa susunod ayoko ng mga feeling VIP dito sa tuwing nagsisimula na ang klase. Nakakabastos naman iyon sa nagtuturo, understood?”
Tumangu-tango na lang ako. "You can now take your seat," inirapan ako nito at bumalik sa tabi ng mesa niya.
Napahigpit ang hawak ko sa bag. Sakto namang may napansin akong upuan sa likod kaya agad na akong nagtungo roon. Uupo na sana ako nang bigla akong sumalampak sa sahig. Pinagtatawanan ako ng ibang kaklase ko sa likod. Sinadya ang paghila sa upuan ko kaya nawalan ako ng balanse at nahulog.
"What's that noise? Anong nangyayari riyan?"
"Wala po, Ma'am!" Humahagikgik na sagot niyong isang lalaki.
Tumayo na lang ako sa pagkakasalampak ko sa sahig. Hinila ko iyong upuan at inupuan iyon. Ang malas ko naman ngayong unang araw. Ang malas ko na nga sa apartment, pati na rin ba rito?
KASALUKUYAN akong nagmemeryenda sa cafeteria. Hindi ko pa rin maisip na napahiya agad ako sa unang araw ko. Nakakahiya iyon. Kung hindi ba naman ako pagtripan ng mga lalaking iyon ay hindi sana ako sasalampak sa sahig. Ganito ba ang mga estudyante rito? Masyadong masasama ang ugali?
"Hi. Puwede ba kitang saluhan?" Isang babae ang dumating. Siya iyong babaeng pinagtanungan ko kanina.
Nginitian ko ito at tumango. Agad siyang naupo sa tabi ko at inilapag ang tray na dala niya sa mesa.
"Nakita ko 'yong ginawa ng mga barkada ni Cedric sa 'yo ah? Nasaktan ka ba?"
Ang sakit nga ng pwet ko eh.
(─.─||)
"Hi-Hindi naman." Iyon na lamang ang sinabi ko.
"Hayaan mo na lang sila. Wala lang silang mapagtripan kaya gano'n. Mas mabuting iwasan mo ang grupo niya."
"Bakit? Nakakatakot ba sila?" Humigop ako ng juice sa baso.
"Hindi naman. Talagang makukulit at pulos kalokohan ang mga nasa utak nila. Kaya kung ayaw mong mapahiya, stay away from them," wika nito. "By the way, I'm Tads. Taddiah Alcantara for long. Nagmamadali ka kanina kaya hindi na ako nakipag-kilala," Inilahad nito ang kamay sa harapan ko.
Tinanggap ko ang kamay niya. "Eunri."
"Sounds like a korean name, huh?!" Ngumiti siya at sumubo ng kinakain nitong french fries.
"Mahilig manood ng K-Drama si mama kaya 'yon, naisipan niya ang pangalan ko."
Ayon sa pagsusuri ko kay Tads ay mukha naman itong mabait. Hindi siya katulad ng mga babaeng napapansin ko sa kung saan-saan. Friendly siya at masiyahin. Lagi itong nakangiti.
"Nga naman 'no?" She paused. "Eunri, gusto kong makipag-kaibigan sayo, puwede ba? At saka, bagong senior student ka palang dito, gusto kitang gabayan at tulungan."
Mukha namang mabait si Tads kaya pumayag na lang ako. Tumango ako sa kagustuhan niya. "Great! Tumayo ka na riyan, ililibot kita sa buong University." Tumayo ito at iniligpit ang mga pinagkainan niya.
I'm happy to meet Tads. Kahit papaano ay may makakausap na ako sa loob ng University. Hindi lang 'yong kurimaw na Yuji na 'yon. Hapon na at makikita ko na naman ang bwisit na lalaking 'yon.
"Internet is all around the campus. Technology na ang gamit natin kaya hindi mawawala ang internet. Mayroon ding computer laboratory at auditorium. Nakikita mo ba iyon? 'Yon ang basketball court, napakalaking gymnasium iyan." Ano man ang madaanan namin ni Tads ay ipinapaliwanag niya. "Ang bawat classroom dito ay airconditioned. Sa tuwing sabado naman ay bukas ang gate kung may gusto kang puntahan sa loob ng campus. May audiovisual room at library rin dito. Theather, volleyball court, at marami pang iba."
"Sobrang laki pala talaga ng university na 'to," tugon ko habang pinagmamasdan ang mga malalaking gusali.
"Oo. Kaya kapag wala kang kakilala rito, baka maligaw ka. At saka, maraming bully rito, mapalalaki man o mga babae. May tinatawag na Descipline Commitee, sila 'yong mga grupo sa Detention room na nagtuturo ng values sa mga nahuhuli. At isa na roon si Yuann Xenji, suki siya sa DR,"
"Ano kamo? Yuann Xenji?" nagtatakang tanong ko. Napanganga ako dahil sa sinabi niya. Kung iisipin, Yuann Xenji rin ang pangalan ng ka-roommate ko sa apartment.
"Oo. Kilala siyang Yuji rito sa campus. Kung hindi lang isa sa mga shareholders ng University ang pamilya niya, matagal na siyang na-kick out dito. Bakit mo naitanong? Nagkita na ba kayo?"
Hindi pa rin ako makapaniwala na si Yuji, ang roommate ko ang pinaka-suki sa DR. Kaya hindi na ako magtataka nang inisin ako nito kahapon.
"Hi-Hindi pa naman. Nakakatakot ba talaga 'yong Yuji na 'yon?" Gusto kong magtanong ng magtanong sa kanya. Subalit nahihiya na rin ako dahil baka isipin niya na may gusto ako sa kalabaw na 'yon.
"Medyo. Sabi naman ng iba, mabait naman daw siya, pero hindi ako naniniwala roon." Umiling-iling ito na animoy hindi kumbinsido. Mahirap nga namang magtiwala sa taong alam mong masama ang hangarin sa buhay mo. "Oh, narito na pala tayo sa basketball court. Tara, baka may naglalaro,"
Hinila ako nito papasok sa gymnasium. May mga estudyanteng nakatambay doon at nanonood. Halos mga kababaihan ang naroon at kanya-kanyang cheer sila sa mga pambato nila. Nakatayo lang kami ni Tads. Pansin kong nawiwili siya sa panonood ng basketball.
Nakaramdam ako ng inip kaya ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa mga naglalaro. Kumunot ang noo ko nang mapansin kong si Yuji ang isa sa mga players. Hawak niya ang bola at dini-dribble niya ito papunta sa court nila. Akmang aagawin ng kalaban ang bolang hawak niya, ngunit sa lakas niyang umiwas ay bigo ang kalabang makuha iyon. Napansin kong nakatingin sa akin si Yuji, kinindatan niya ako bago malayang ibinuslo ang bola mula sa three-points area. Na-shoot niya iyon.
"Yuji's Team, won the game!"
Nanalo sila sa laro. Nagdiwang ang mga ka-team nito. Sumisigaw at nagtiti-tili ang mga babaeng naka-upo nang pansinin sila ni Yuji.
"Ang yabang," nakangiwi kong sambit. Wala nang mas yayabang pa sa kalabaw na 'yon.
Hinawakan ako ni Tads at akmang hihilain ako nito palabas ng gymnasium. Papunta sa gawi namin ang mokong na 'yon. Halatang takot na takot si Tads.
"Tara na, Eunri! Kung gusto mo pang mabuhay," Hinihila-hila ako nito. Ako naman ay nagpupumiglas.
"Teka nga, huwag ka ngang matakot sa kurimaw na 'yan. Ako ang bahala!" Nanatili kami sa kinatatayuan namin.
"Nariyan na siya!" bulong ni Tads. Pahigpit ng pahigpit ang pagkapit nito sa braso ko.
Huminto si Yuji at inilahad nito ang mineral water sa harap ko. Naramdaman kong umatras si Tads at dumikit sa likod ko.
"Open it," seryosong utos ni Yuji.
I smirked. "Mayroon kang mga kamay, jerk. Bakit kailangan mo pa akong utusan para buksan 'yan?"
"I want you to open it, will you?"
"Ayoko. First, hindi mo ako yaya para gawin 'yang mga gusto mo. Second, I didn't came here to see you, asa ka!" pagsusungit ko sa kanya at nag-krus ako ng mga braso.
Nanlaki ang mga mata ko nang kunin iyon ni Tads at buksan ang lid ng bote. "'Ya-Yan. Ako na ang nagbukas. Pa-Pasensya ka na Yuji, aalis na kami."
Aalis na sana kami nang ibuhos ni Yuji ang tubig kay Tads. Bago pa man mabasa si Tads ay humarang ako sa harap niya. Kaya ako ang nabasa ngayon.
"It's not my fault, freak! Humarang ka kasi," the corner of his mouth turned up. Nakakainis na ang hitsura nito.
Dumarami na rin ang mga estudyanteng nanonood sa'min ngayon. Nakakahiyang gumalaw. Pakiramdam ko ay lahat ng tao rito ay kakampi niya. Sino ba naman ako? Isa lang naman akong bagong senior student sa University na 'to.
Tumawa ako ng pagak. "For your information, I'm a brown belter in taekwondo. Walang panama 'yang pagmamayabang mo sa 'kin,"
"So? Matatakot na ba ako sayo? Okay, I'll let you to hit me," ibinuka nito ang dalawang braso na animoy binibigyan ako ng layang gawin ang mga gusto ko. "Come on, freak! Hit me!" Pinaningkitan pa 'ko nito ng tingin.
Nagkuyom ang mga kamay ko. Hindi na ako nagdalawang isip na sugurin siya. Sinuntok ko ito sa mukha ngunit agad naka-ilag. Lahat ay tinatamaan ko na ngunit mabilis itong umilag. Hanggang sa makuha niya ang kamay ko at pina-ikot iyon sa likod ko. Dahil sa pagsipa ko sa kanya ay nadulas ako at napadapa sa sahig ng court. Hawak niya ang mga braso't kamay ko sa likod habang ako naman ay nakadapa na. Hindi ko maitatangging magaling siya.
"Bitiwan mo 'ko!" Sinusubukan kong kumalas ngunit bigo akong gawin iyon. Sobrang lakas niya. Mapuwersa ito.
"And now, who's the winner? Ako 'di ba? Para sa 'kin, isa ka lang sisiw na nakikipaglaban sa dragon. For your information Eunri, black belter ang kinakalaban mo!"