Chapter 1

3135 Words
EUNRI's POV AGAD nanuot ang malamig na sariwang hangin nang makababa ako sa sinasakyang van. Nagpakawala ako ng buntong-hininga habang pinagmamasdan ang bagong bahay na nasa harapan ko.     "Ang ganda 'te, hindi ba? Napaka-simple," Inakbayan ako ni Yllana. Ang kapatid kong sumunod sa akin.     Tumangu-tango ako. "Oo naman. Dito tayo gagawa ng panibagong memories kasama si mama. Malayo sa gulo at sobrang tahimik pa."     "Hoy! Ano pa bang pinag-tsi-tsismasan ninyo riyan? Halikayo at tulungan ninyo akong magbuhat ng mga gamit." ani mama nang makita naming nagbababa ng mga kahon mula sa sasakyan.     Napangiti na lamang kami ni Yllana at tinulungan si mama sa pagbaba ng mga gamit. Lumipat kami dahil alam naming ito ang mas makabubuti. Ilang taon na simula noong iniwan kami ni papa. Si mama na ang nagbigay ng mga pangangailangan namin. Siya na rin ang naging ama at ina sa aming dalawa ni Yllana. Ngayon lang kami naka-ahon sa hirap. Kaya nang matapos ang problema sa dati naming bahay ay sa wakas nakahanap na rin kami ng malilipatan na kung saan ay kumportable kami.     Natapos kami sa pag-aayos ng bahay. Mukha na rin itong maganda sa paningin namin. Nakapag-pintura at nakapag-kumpuni na rin kami ni Yllana. Kung hindi niyo maitatanong ay tinuruan kami ni papa kung paano magkumpuni ng mga sirang gamit bahay. Alam naming gawaing panlalaki iyon ngunit gusto talaga naming matuto. Kinalakihan namin ni Yllana ang pag-aayos ng kung ano-ano. Malikot ang mga kamay namin pagdating sa mga sira-sirang bagay.     "Ate, naghihintay na 'yong taxi sa ibaba! Tapos ka na ba?" Kumatok-katok si Yllana sa pinto ng kuwarto ko.     "Oo, susunod na ako." Agad kong isinara ang mga maleta ko at lumabas ng kuwarto. I rushed downstairs to see my mom at Yllana.     "Do you have everything?" My mom asked and I nodded. "Mga damit, toothbrush, laptop, undies mo—"     Natuwa kami ni Yllana sa inasta ni mama. She's always worried about these things. "I have everything, ma. Nandito na lahat sa loob ng maleta at backpack ko." I smiled at her.     "Mag-iingat ka, ha? Nakakalungkot dahil mapapalayo ka sa amin ng kapatid mo. Ma-mi-miss ka namin," bumaba ang boses ni mama. Ramdam ko ang lungkot niya ngayon.     "I will miss you too, mama. Ikaw, Yllana, mag-behave ka! Huwag puro kaartehan, ha? Huwag bibigyan ng sakit sa ulo si mama."     "Oo na po, ate, noted na."     "Oh, sige na. Baka mahuli pa ako."     I hugged mom and Yllana. I gave them a quick kiss on their forehead. "I love you, ma, Yllana. Ingat kayo,"     "Bye, ate!"     "Anak, ingat ka, ha?"     Kumakaway ako habang palayo sa kanila. Masakit sa aking mapalayo ng tirahan. Sumakay na ako sa taxi'ng naghihintay sa akin mula pa kanina.     Dahil lilipat ako ng bagong eskuwelahan ay kailangan ko ring lumipat ng bagong matitirhan. Masyadong malayo ang bahay namin kaya napag-desisyunan naming umukupa na lamang ako ng apartment malapit sa papasukan ko. May naka-usap na ako via email kaya hindi ko na kailangan pang maghanap. Hirap kami sa buhay. Ang balak ko ngayon ay kumuha rin ng trabaho. Balak kong maging working student. Makakatulong iyon sa pag-aaral ko at ko ni Yllana, lalo na kay mama. Kahit pa man scholar kaming dalawa ay alam kong doble pa rin ang gastos. Kahit papaano ay gusto kong makatulong kay mama bilang panganay na anak.     "Ma'am, nandito na po tayo." Huminto ang sasakyan sa harap ng tatlong palapag ng gusali.     "Salamat po, manong."     "Ma'am, sobra po ang binayad ninyo,"     Nginitian ko si manong. "Okay lang po, manong. Inyo na ho 'yan."     "Salamat po, ma'am."     Bumaba ako at tinulungan ako ni manong sa pagbaba ng maleta ko. Agad naman akong sinalubong ng kasera. "Hello. You must be, Eunri Manuel?"     "Ako nga po,"     Inilahad ng kasera ang kamay nito kaya nakipag-shake hands ako sa kanya. "I'm Soledad, but you can call me tita Sol. Ako ang may-ari ng guest house na 'to."     Nagtaka siya. Ang akala nito ay paupahang kuwarto ang kinuha niya. "Gue-Guest house po?"     "Huwag kang mag-alala. Gano'n din 'yon, pinaganda ko lang. Tara, tuloy ka," Naunang pumasok si tita Sol.     Pagkapasok ko ay parang reception area ang tumambad sa akin. Para itong mini hotel ngunit affordable naman. May sariling lobby rin ito. Hindi ko maitatangging maganda pala ang ambiance dito. May mga staffs din ang pagala-gala sa buong lugar na animoy sila ang nagfa-facilitate ng lahat. Hindi lang pala basta paupahan ito, 'yon bang parang hotel na. Akala ko talaga normal na apartment lang ang nakita ko online, ngunit sinira niyon ang expectation ko.     "Gaya nang napag-usapan natin, wala ng available na ordinary rooms dito. Ang mga bakante na lang ay private rooms," nakangiting sabi nito habang inililibot ako sa ikatlong palapag ng gusali.     "Ahh, tita Sol, magkano ho ulit 'yong bayad sa private room?" nakakunot-noong tanong ko.     "Walong libo kada buwan,"     Bumagsak ang mga balikat ko nang marinig ko iyon. Ganito ba talaga ang presyo nila? Ganito ba ka-espesyal ang guest house na 'to? Sobrang mahal. Hindi ako nagta-tae ng pera, hindi ko afford 'yon. Kaya naman pumayag na lang akong makihati ng bayad sa magiging kasama ko sa kuwarto.     Huminto kami sa isang pinto sa dulo. "Ano? You will take the private room o makikihati ka na lang?"     "Makikihati na lang po ako." Ngumiti ako ng pilit.     "Good! Mas makakamura ka kasi kapag makikihati ka sa isang kuwarto." Kinindatan pa ako nito. "Pumasok ka na, huwag kang mag-alala, sinabihan ko na iyong roommate mo na ngayon ka darating."     "Sa-Salamat po." Nag-bow ako sa harapan niya. Bago ko pa man mabuksan ang pinto ay nagsalita itong muli na ikinahinto ko.     "Saka pala, kompleto na ang mga gamit diyan. May sariling kusina at bathroom na. Pero kung ayaw mo, meron namang open kitchen sa baba, bukas iyon sa lahat. May mga common toilet din doon. Ikaw na lang makipag-usap sa roommate mo kung paano ang hatian ninyo sa bayad. Okay? Enjoy!"     Nginitian ko na lang ito. Nang maka-alis si tita Sol ay pumasok na ako sa loob. Hinila ko ang maleta ko at isinara ang pinto.     "WWAAAAHHH! Kalabaw!" Napatalon ako sa sobrang gulat nang makita ko ang isang lalaking naka-krus ang braso habang nakatayo sa tapat ng pinto.     "Do I look like a cow?" seryosong aniya at pinag-taasan ako nito ng kilay.     "Si-Sino ka? A-Anong ginagawa mo dito?" nauutal na tanong ko sa kanya. Huwag mong sabihin na siya iyong taong makakasama ko...     Napangiwi ito. "From now on, I will be your roommate."     Lalaki? 'Yong roommate ko?     "Ro-roommate? Ta-Tayo?" Nagpalipat-lipat ang turo ko sa aming dalawa.     "First, yes, we're roomates. Second, walang tayo." Umiling ito. Nananitiling naka-krus ang mga braso niya.     Bakit hindi man lang sinabi sa 'kin ni tita Sol na lalaki pala ang makakasama ko? Nakaka-inis 'to ah!     Napahiya ako sa sinabi niya. Sino ba ang Filipino teacher ng lalaking ito? Hindi ba ito tinuruan ng tamang paggamit ng salitang iyon?     "Ito ang living room. Naroon naman ang bathroom," sabay nguso niya sa gawi ng isang pinto. "Iyon ang kusina." halos magkatabi lang ang dalawang iyon. Sumenyas ito na sundan ko raw siya kaya tumango na lang ako. Iniwan ko sandali iyong maleta at backpack ko sa sofa.     Binuksan niya ang isang kuwarto at pumasok doon. Maluwag at malaki ang kuwarto, ang ganda rito. "Iisa lang ang kuwarto. King size naman ang kama kaya puwede tayong magtabi kung gusto. May sariling bathroom rin dito."     Tumangu-tango ako nang matapos siyang magsalita. Inilibot ko ang paningin sa loob ng kuwarto. Ngayon lang ako nakakita ng ganito.     Isinara nito ang pinto ng kuwarto nang makabalik kami sa sala. Para itong isang condominium. Hindi halatang isang paupahang kuwarto lang. Para na nga itong bahay eh, dahil pagbukas mo ng pinto ay kumplento na.     "Paano pala ang hatian ng bayad?" tanong ko.     Umupo ito sa sofa. "Four thousand,"     "Ma-Masyadong malaki. Puwedeng babaan mo pa? Hindi naman ako uuwi rito tuwing weekends." mahinang tugon ko. Sinusubukan kong maging mabuti sa kanya. Sa ipinapakita nitong asta ay naiinis ako.     Napangisi ito sa sinabi ko. "Tss! Alam ko na ang mga ganyang palusot! Don't me, miss!"     I rolled my eyes on him. "Nagma—" naputol ang sasabihin ko nang sumabat ito bigla.     "Don't roll your eyes on me!"     "Nagmamaka-awa ako sayo. Ba-Bago pa lang ako rito. Sa katunayan, maghahanap pa lang ako ng trabaho para mabayaran ka."     "Okay. Three thousand. That's fixed!"     Pilit ko siyang nginitian. "Thanks,"     "Ayusin mo na 'yang mga gamit mo sa cabinet. Wala naman akong gaanong damit kaya puwede mong ilagay ang mga gamit mo roon," malamig ang tono niya. Tumayo ito at nagtungo sa kusina.     Nakahinga ako nang maluwag pagkatapos kong makipag-tawaran sa lalaking iyon. Naiinis ako sa asta niya. Hindi ko 'yon gusto. Puwede namang sagutin niya ako ng malamunay ang boses. Pakiramdam ko ay lagi niya akong sinisinghalan. Kung hindi niya ako gusto rito, edi sana ay hindi na lang siya pumayag na maging roommate ako.     May oras pa naman ako upang maghanap ng trabaho. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si mama. Sinabi kong 'okay lang ako' para hindi siya mag-alala. Si mama lang at si Yllana ang mayroon ako ngayon. Talagang magpupursige ako para makatapos ng kolehiyo. Isang taon na lang, magpapaka-tamad pa ba ako?     Isinira ko ang cabinet. Maglalakad na sana ako palabas ng kuwarto nang bigla akong nagulat sa pumasok. "Ay kalabaw!"     "I told you I'm not a cow!" Walang emosyon ang mukha nito. As in, wala. 'Yong totoo, hindi ba ito marunong ngumiti? Nilagpasan niya ako habang sinamaan ko naman ang likod niya.     "Oo, mukha kang kalabaw. Sungay na lang ang kulang!"     "Anong sinabi mo?"     Napahinto ako nang marinig kong magsalita siya likod ko. Malay ko bang narinig niya 'yon. Nilingon ko sa likod at hinarap ito. "Yes? May kailangan ka?"     "May narinig ako. What did you say? Mukha akong kalabaw? Sungay na lang ang kulay sa 'kin?" Ngayon ay napapansin kong umiinit na ang ulo niya.     "Yes! I said that. Ano naman ngayon? Do you think you're good looking? Kasing pangit ng mukha mo 'yang ugali mo," pagsusungit ko. Nagtaas ako ng noo. Hindi ako basta-basta nagpapatalo sa kung sino lang.     "Tss! You messed with the wrong person you freak!"     "Freak your face!" sinamaan ko ito ng tingin at tuluyan na ngang lumabas ng kuwartong iyon.     "We're not done yet, freak!"     "Whatever!"     Kung magtatagal pa ako sa harap niya baka kung saan pa mapunta ang pinag-uusapan namin. Wala akong oras makipag-bangayan sa isang katulad niya. Para siyang batang mainitin ang ulo kapag hindi naka-bawi sa kalaban niya.     PUMASOK ako sa isang coffee shop na naghahanap ng mga staffs. Kulang daw sila ng mga tao kaya nagbabaka-sakali ako.     "Okay you're hired." Tumayo ang manager at nakipag-kamay sa akin.     "Maraming salamat po,"     "Bukas ng gabi, puwede ka ng mag-umpisa. Magiging madali na ang trabaho sayo dahil may experience ka na."     Tumangu-tango ako. "Pagbubutihin ko po ang trabaho bukas. Sige po," nagpa-alam na ako at lumabas ng office niya. Pagkalabas ko ay mahinang nagtitili ako sa saya.     Sanay na akong magtrabaho sa mga coffee shop gaya nito. Magse-serve ka ng mga in-order nila tapos ikaw mismo ang magtitimpla ng kape. Ganito ang gusto kong trabaho. Hindi nakakapagod. Mapupuyat man ako, okay lang, para kina mama at Yllana naman ang ginagawa ko.     Nakangiti akong naglalakad nang makita ko kung sino ang pumasok sa loob ng coffee shop. Sakto namang nagkatinginan kami.     "Oh! Nandito ka pala. Nag-apply ka ba rito para mabayaran ako?" Nakakaloko ang ngiti nitong ipinupukaw sa akin. Hindi ako sumagot. Nakakunot-noong nakatitig lang ako sa kanya. "And now you are drooling over me, huh?!"     Sinungitan ko siya. "You wish!" Lalagpasan ko na sana ito nang hilain niya ang braso ko.     "Hintayin mo na lang ako para sabay na tayong bumalik sa apartment." Biglang kumalma ang tono ng boses niya. Tinignan lang ako nito at binitiwan ang braso ko.     Aba! Nag-iba ata ang ihip ng hangin. Bigla-bigla na lang siyang nagiging mabait.     "Tara na, freak!" anyaya nito at naunang lumabas. Nakasunod lang ako sa kanya. "Sakay na! Ano pang hinihintay mo? Pasko?"     Sinamaan ko siya ng tingin at sumakay sa passenger's seat. Tahimik lang kami sa buong byahe. Hindi ko napansing madilim na pala. Ilang oras din pala ang itinagal ng interview ko sa office ng manager kanina. Worth it din naman dahil nakuha ako.     "So, freak, nakuha ka ba sa pinag-apply-an mo?" Pagbabasag nito sa katahimikan.     Nakatingin lang ako sa bintana at pinagmamasdan ang mga nadadaanan namin. "Don't call me freak, you jerk!"     "I'm not jerk, my name is Yuann Xenji but you can call me Yuji for short."     "As if I'm interested!" Hindi ko mapigilang hindi magsungit sa lalaking ito. I just wanna be alone, but this jerk beside me is driving me crazy! Hindi ko ata kayang tiisin ang kung sino mang Yuji na 'to.     "Bakit ba ang sungit mo? Pasalamat ka nga mabait ako."     Sinulyapan ko ito. Nakatuon ang tingin nito sa daan at seryosong nagmamaneho. "Hindi ka mabait. Nag-babait-baitan ka lang."     "Yes, I'm mabait. And you are very masungit, you freak—"     "I said don't call me freak!" Hindi nakontrol na itaas ang tono ng boses ko. Nang dahil sa sinabi kong 'yon ay bigla siyang nagpreno. Muntikan nang masubsob ang mukha ko sa harap buti na lang ay napahawak ako sa kung saan. "Wh-What was that?" humahangos na tanong ko sa kanya. Bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa pagkabigla.     "Can you please.... shut your mouth!" may diing pagkakasabi niya. "Ayoko ng roommate na madaldal. See that? Muntikan na nating masagasaan 'yong pusa!"     Napabuntong-hininga na lang ako at nag-iwas ng tingin. Alam kong sinamaan niya ako tingin dahil napansin ko 'yon. Hindi na lang ulit ako nagsalita at nanahimik na lang sa buong byahe.     Agad akong bumaba ng kotse niya at dire-diretsong umakyat ng hagdan. Nararamdaman kong nasa likod ko lang siya at nakasunod. Wala na akong paki roon. Pinihit ko ang seradula ng into ngunit naka-lock iyon.     "I got the keys." rinig kong sambit niya at binuksan 'yong pinto.     Nilagpasan ko siya at pumasok sa loob. Nag-tanggal ako ng sapatos at iniligay iyon sa isang organizer shoe box. Inalis ko rin ang bag ko at ipinatong iyon sa sofa. Simula ngayon ay hindi ko na papansinin ang lalaking 'to. Sinisira niya lang ang araw ko.     "Freak, can you calm down?" rinig kong aniya. Nakatayo lang ito at pinapanood ako. Hanggang ngayon ay bitbit niya pa rin 'yong pinamili niya kanina.     "I can't. Simula ngayon wala na tayong paki sa isa't isa. I will do my thing at gawin mo rin ang lahat ng gusto mo."     "About earlier, I'm sorry." kalmadong aniya ngunit wala pa rin itong emosyon hanggang ngayon. 'Yong totoo? Robot ba siya?     "Kukuha ako ng unan sa kuwarto mo. Sa sofa ako matutulog." Tumalikod ako at pumunta sa kuwarto. Agad din akong lumabas nang makuha ko 'yong unan. Inilapag ko 'yon sa sofa.     Napansin kong dumiretso na ito sa kuwarto at pabagsak na isinara 'yong pinto. Walang hiya talaga 'yong Yuji na 'yon. Akala mo kung sino. Hindi naman kaguwapuhan, pero guwapo talaga siya.     Hihiga na sana ako ng marinig kong bumukas ang pinto nito. Hindi ko na iyon nilingon at nakahiga na sa sofa.     "Get up," utos nito sa 'kin.     Napakunot ako ng noo. "Ano bang problema mo?"     "I said get up!"     Inirapan ko ito ng tingin. Nakatayo ito sa harap ko ngayon habang bitbit 'yong plastic na kanina pa niyang dala-dala. Inilahad niya iyon sa harap ko na animoy ibibigay niya sa akin. Hindi ko iyon kinuha at tumingin sa kanya. "Anong gagawin ko riyan?"     "Tss! Hindi ka pa kumakain ng dinner. Sayo na 'to,"     "Hindi ako nagugutom." Ilang segundong nanahimik kami. Isang tunog naman ang gumawa ng ingay mula sa tiyan ko. Nagbaba ako ng tingin at tinignan iyon. Patay! Ang sabi ko hindi ako gutom! Nakakainis!     "You're not hungry, huh? You're good at lying, freak!" Hinila nito 'yong maliit ng mesa at tumabi sa akin. Inalis niya sa plastic ang mga pagkaing naroon. "Bago ako dumaan sa coffee shop, nag-take out na ako ng pagkain sa restaurant. Kainin mo 'yan hanggang sa mabilaukan ka!"     "Papatayin mo ba ako?"     "Parang bibilaukan lang eh, patay agad?" Tumaas ang gilid ng labi ko nang makita at marinig kong humagikgik siya. Ang cute pala niyang ngumiti. "Why are you looking at me like that?"     "Mukha kang kalabaw, alam mo 'yon?"     "A very handsome cow?"     Umiling ako. "No. A very ugly and stinky cow—" Isinubo nito ang ang kutsara sa bunganga ko dahilan ng paghinto ko sa pagsasalita.     "'Yan kutsara. Hindi bunganga ang ginagamit kapag kumakain."     Inalis ko 'yong kutsara sa bibig ko at pinaningkitan ko ito ng tingin.     "Ano?"     I just rolled my eyes on him and started to eat. Mula kanina ay hindi pa ako nakakakain. Sobra ang pagod ko ngayong araw. Naglipat kami ng bahay at tinulungan ko pa sina mama at Yllana sa pag-aayos. Tapos bumyahe ako papunta rito at naghanap ng trabaho. Mas lalo ata akong mapapagod dahil sa lalaking kasama ko sa kuwartong ito.     "Hindi halatang gutom, ah?" Hindi ko pinakinggan ang sinabi nito. Pinapanood niya akong kumain habang humihigop naman ito ng kape.     Liligpitin ko na sana iyong pinagkainan ko nang hawakan ni Yuji ang kamay braso ko. "Ako na." Niligpit niya iyon at inilagay sa plastic. Itinapon niya iyon sa basurahan na malapit sa kusina.     "Ahh, Yuji," sambit ko sa pangalan niya nang makabalik siya sa harap ko. Nagtaas siya ng kilay na animoy naghihintay ng sasabihin ko. "Salamat."     "I told you, mabait ako." seryosong aniya at naglakad sa kuwarto nito. Binuksan niya ang pinto. Bago pa man ito makapasok sa loob ay nagsalita akong muli.     "Yuji!" I paused at looked at him. Nilingunan niya naman ako nang tawagin ko itong muli. "Ako nga pala si..."     "Eunri... Eunri Manuel," sabat niya.     "Pa-Paano mo nalaman?" nagtatakang tanong ko.     Tinuro nito ang ulo niya at kinindatan ako. Pagkatapos niyon ay tuluyan na siyang pumasok sa kuwarto niya. Napakunot naman ako ng noo dahil hindi ko natukoy ang ibig niyang sabihin. Nahiga na lang ako sa sofa nang nakanguso.     A night without mama and Yllana is so damn sad. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD