Chapter 13

2056 Words

HINIHINTAY ko si Tads. Ilang minuto na ang nakalipas ngunit hindi pa rin ito lumalabas. Naibalik ko na si Leo't lahat-lahat ay hindi pa rin ito nagpapakita. Kung saan-saan na naman ito sumusulpot, eh. "Sa'n ka ba galing?" naiiritang tanong ko sa kanya. Hindi ito lumabas mula sa toilet kundi napansin ko itong nagmula sa kung saan. "Sa tabi-tabi lang. Nawili kasi ako sa pag-iikot. Nasaan si Leo? Kinuha na ba?" "Kanina pa poooooooo!" "Buti naman at makakabalik na tayo. Wala ng batang matakaw, tara na!" Nagsimula na kaming maglakad palabas ng mall. Hindi ko pa rin makalimutan ang babaeng 'yon kanina. Hindi ko akalaing sa kanyang edad ay may anak na siya. Nabanggit kasi nito na malapit lang din ang University niya. Ang hindi ko lang maintindihan, kung nag-aaral pa ba ito o nagtatrabaho

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD