Chapter 14

2673 Words

"ANO kaya ang paborito niyang ulam?" Pabulong na tanong ko sa hangin. Narito ako ngayon sa room ko. Katatapos lang ng klase. Wala pa akong balak puntahan si Tads, alam ko namang abala 'yon sa SN office. Buhay na niya yata niya 'yong pagsusulat ng mga article. Iniisip ko kung ano ba ang paboritong ulam ni Yuji. Balak ko sanang ipagluto ito. Hindi ko man mapantayan ang galing niya sa pagluluto at least susubukan ko naman. Hindi ko alam kung bakit ko 'to ginagawa sa kanya, lately, nagiging mailap ito sa akin. Ni hindi siya ngumingiti at tumatawa gaya no'ng dati. Mas seryoso siya ngayon. Gusto ko lang naman siyang pangitiin kahit sa simpleng bagay lang. Tanungin ko kaya 'yong mga kaibigan niya? Kay Clynt kaya? Haist. Baka magkapikunan lang kami no'n. Kinuha ko na 'yong bag ko at nagmadali

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD