"GIVE this to your mom," Isang puting sobre ang inilabas nito nang makarating kami sa tapat ng bahay namin. "Ano 'yan?" nagtatakang tanong ko. "Money. Huwag kang mag-alala, ibinibigay ko lang naman 'yong huling suweldo mo." Nagtaas ito ng kilay. "Take it and give it to your mom," Bahagya akong napangiti at kinuha 'yong puting sobreng hawak niya. "Sa-Salamat," "You're welcome. Sige na, bumaba ka na at baka naghihintay na ang mama at kapatid mo," Bubuksan ko na sana 'yong pinto nang maisip ko agad siya. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng lungkot sa tuwing nagseseryoso siya. Ano ba naman 'to? Ginugulo na ako ng utak ko! "I-Ikaw? May pupuntahan ka ba? Baka gusto mo munang pumasok?" Umiling ito. "Sa susunod na lang ako haharap sa mama mo, for now, ikumusta mo na lang