Kabanata 7

2428 Words
Kabanata 7 Lacey stood tall on front of the building of Valle Petroleum Corporation. Ang tinitingala niyang building parati ay nasa mismong harap na niya ngayon at papasukin. Tama. Papasukin niya ang building dahil ang sadya niya ay si Don Joseph. Gusto niyang makausap ang lalaking totoong kausap ng Papa niya tungkol sa ticket. “Huwag mong sabihin na ito na ang babatuhin mo,” nakangiwi na sabi ni Tina sa kanya, “Baka kahit kometa hindi ito tablan.” Natawa siya nang kaunti. Pare-parehas silang nakatingala at nakatitig hanggang sa lapitan sila ng gwardiya. Nakangiti naman iyon sa kanila at hindi naman mukhang mambabaril. “Ahm, Miss at mga M-Miss-Miss-an, pasensya na pero bawal ang umistambay dito,” aniyon kaya kahit paano ay halos matawa si Lacey. Todo ang simangot ng tatlo dahil sa sinabi ng lalaki na feeling miss ang mga ito. “Maka-Miss-miss-an ka naman wagas,” angal naman ni Valerie kaya napakamot ng ulo ang lalaki. “May sadya ba kayo? Kanina pa titig na titig si nene sa building,” aniyon sa kanya kaya halos mapairap siya. “Mahirap ditong pumasok. Magpapabook kayo gamit ang landline ng kumpanya. Bawat department na pupuntahan niyo, may kanya kanyang telephone number.” “Pwede po bang ibook niyo ako ngayon?” tahasan na sabi niya rito kaya halos matigalgal ito. “Wala ho akong telepono pero kailangan na kailangan ko pong makausap si Don Joseph.” “Si Chairman ba kamo? Sus! Imposible iyan. Baka hindi lang singkwentang tanong ang itanong sa iyo ng sekretarya.” “S-Sige na ho, kuya guard. Kailangan ko po talaga siyang makausap. P-Pakisabi na lang po ay si Lacey Dimagiba. Kilala niya po ako,” pakiusap niya rito pero panay lang naman ang kamot nito sa ulo. Bigla niyang natanaw ang asawa ni Joseph. Naglalakad iyon sa lobby at mukhang papunta sa elevator. “Donya Smile!” sigaw niya at kaagad naman siyang nahawakan ng lalaki sa braso. “Huwag kang sumigaw dito,” medyo galit na ang utos ng gwardiya sa kanya at kinakaladkad siya papaalis. “Donya Smile!” sigaw ulit niya at napalingon na iyon. “Sinabi ng huwag kang maingay! Ako ang malilintikan sa'yo!” galit na ang lalaki at gigil na ang pagkakahawak sa kanya. “Bitiwan mo siya!” pigil ni Tina sa gwardiya pero nagtatagis na ang mga ngipin nun dahil sumisigaw pa rin siya hanggang sa itulak siya ng lalaki. “Umalis na kayo!” “Aaaayy!” sabay sabay na tili ng tatlong bakla nang matumba si Lacey sa simento. “Por Dios y por santo, Renato! Bakit mo itinulak?!” boses na iyon ni Donya Smile habang papalapit, kakasunod ang mga bodyguards. Mabilis siyang dinaluhan ng matandang babae at itinayo. “Lacey, I’m so sorry about that, iha. N-Nasaktan ka ba? Ang ulo mo hindi ba tumama sa simento?” haplos kaagad nito ang ulo niya kaya naman umiling siya. Binalingan nito ang gwardiya at mabalasik ang mukha roon. “I’ll talk to you about this, Renato.” Tumango ang lalaki tapos ay yumuko, “S-Sorry po, Madam.” “You should be. That is not the proper way to sue a girl away. Come here, Lacey. What do you want, iha? M-May kailangan ka ba kaya ka nandito?” Hinila siya ni Smile papasok sa loob ng building, kasusunod ang mga kaibigan niya. Sasagot sana siya pero napatingala na muna siya loob ng building. Hindi lang pala labas ang magara sa building na iyon, pati ang loob. Pumait ang panlasa ni Lacey dahil ang may-ari ng magarang building na iyon ay ninakaw pa ang yaman na para na sana sa pamilya niyang naghihirap sa buhay. “Lacey, iha,” untag sa kanya ni Smile kaya naman ibinaling niya ang mga mata rito. “Pwede ko ho ba kayong makausap at si Don Joseph?” tanong niya rito. Nakatingin ito sa kanya at parang nagtataka pero tumango naman. “Oo naman,” walang pag-aalinlangan na sagot nito. Lacey's mouth hangs agape. Bakit ganoon ang paraan ng pakikipag-usap nito sa kanya? Wala ba itong alam tungkol sa nangyari? Parang hindi nito alam na nanalo ang ticket ng Papa niya. “Dito na lang kami, sissie. Wait ka namin,” ani Lovely. Inukupa ng mga ito ang ilan sa mga upuan na gawa sa salamin. Diretso naman siya sa pagsama kay Smile papunta sa opisina ng asawa nito. “You’re lucky I decided to come here. Kung hindi kita nakita baka kung ano na ang ginawa ni Renato sa inyo. Come inside. Let’s go to Joseph’s office.” Tumango siya. Parang gusto niyang makunsensya dahil sa ginawa niyang pambabato sa sasakyan ng anak nito dahil napakaganda ng pagtanggap nito sa kanya. Napahawak si Lacey sa braso ni Smile nang umuga nang kaunti ang elevator. She watched the number changed and after a short while, they’re already on 58th floor. Mga gwardiya ang sumalubong sa mga mata ng dalaga, sandamakmak na gwardiya na nakahilera. Bodyguards ang mga iyon at hindi literal na mga security guard tulad ng tumulak sa kanya. Hila siya ni Donya Smile at isang babae ang nag-susukbit ng bag ang nakangiti sa kanila tapos ay yumukod. “Good afternoon, Madam!” aniyon at tango lang naman ang isinagot ni Smile roon. Nagulat siya sa dami ng telepono sa ibabaw ng mesa ng babae. Call center siguro ang cubicle nun kaya ganoon karami ang telepono sa harapan. Kulang na lang ay tubuan ng mga galamay ang babae para siguro masagot lahat ang tawag kung sabay-sabay na mag-ring ang mga iyon. Ipinagbukas sila ng pintuan ng isa sa mga bodyguards ni Smile at doon sa loob ng pinakaopisina ay nakita niyang naghahanda na rin si Don Joseph sa pag-alis. “Honey, we have a visitor,” ani kaagad ni Smile at mabilis na nilapitan ang asawa sa may mesa. Nakatingin si Lacey sa name board sa ibabaw ng salaming mesa. Haze Valle/President, CEO Doon ang opisina ni Haze Valle? Bakit naman ang ama ang naroon at hindi ang mayabang na magnanakaw na iyon? “Lacey, what brought you here, iha? Kumusta ang Mama mo?” “Sinasalinan po ng platelets para maka-survive,” seryosong sagot niya at nawala naman ang mumunting ngiti ni Joseph pagkarinig sa sagot niya. “We’re so sorry to hear that. Anong sadya mo rito, iha?” ulit pa nito saka iminuwestra sa kanya ang upuan sa harap ng mesa. Naupo naman siya roon at wala siyang balak magpaligoy-ligoy pa. “Galing po ako sa subdivision n’yo. Hindi po ako nangulekta. Nambato po ako ng sasakyan,” aniya at sabay na napanganga ang mag-asawa. Nagkatinginan pa ang mga ito. “Susko, baka idemanda ka ng binato mo, Lacey.” Bulalas ni Smile sa kanya. “Anak niyo po ang binato ko,” aniya matapos na humugot ng hininga. Nagkatinginan ulit ang mag-asawa. “B-But why did you do that? Anong ginawa sa iyo ng anak namin?” inosenteng tanong ni Joseph sa kanya. Direkta siyang nakatingin sa mga mata nito at tingin niya ay parang wala talagang alam ang mag-asawa sa lahat. “Hindi niyo ho ba alam? Nanalo po ang number ni Papa sa lotto.” Medyo natilihan ang dalawa pero nagpatuloy ang dalaga sa pagsasalita. “Pinuntahan niya ho kayo kahapon para kausapin pero ang anak niyo po ang nakausap niya, at malinaw po na sinabi ng anak niyo na hindi kami bibigyan. “Jesus,” napatutop si Joseph sa noo kaya mabilis naman si Smile na inakbayan ang asawa na parang problemado. “H-He said that?” She nodded, “Bakit ho ganun? Bakit po ganun ang ugali niya? Parang pinalalabas pa nga po niya na wala naman nangyaring kasunduan. Mahirap lang po kami at yun ang inaasahan namin,” her tears pooled her eyes, “ang nanay ko po nasa ospital, halos wala kaming makain tapos kami pa ho ba ang pagnanakawan? Pasensya na po kayo sa term ko, Don Joseph at Donya Smile pero ganun ang balak ng anak niyo. Itinatanggi na po niya na numero ni Papa ang nasa ticket na ipinagkatiwala niya po sa inyo.” Umiiling si Joseph na tumingin sa asawa, “This is so inappropriate, Smile. We have to talk to our son about it. Hindi sa atin ang pera na yun. Ayokong sabihin ni Juanito na wala akong isang salita dahil ginawa ko naman talaga yun para tulungan siya.” Tango ang isinagot ni Smile. Hinawakan ng matandang lalaki ang kamay niya sa ibabaw ng mesa, “I’ll talk to him. I’m sorry about what he did and what he said, Lacey. I promise you you’ll get your prize,” ngumiti ito sa kanya. Sa sobrang katuwaan niya ay napahikbi siya, “Salamat po.” “Bumalik ka rito bukas din o kahit sa bahay. Do you have a number? Give it to me and I’ll call you.” “Meron po, meron po,” mabilis niyang isinulat ang numero niya nang isulong sa kanya nito ang isang papel at ballpen. Mas may tiwala siya sa salita ni Joseph kaysa sa anak nito. Halata naman niyang wala talagang alam ang mag-asawa at lalong hindi ganun ang pagkakakilala niya sa mga ito. “Uuwi ka na ba? Sumabay ka na sa amin,” alok mi Smile sa kanya pero umiling siya. “Kasabay ko ho ang mga kaibigan ko donya Smile. Salamat ho sa pagpapasok sa akin dito. Mauna na rin ho ako dahil nasabi ko na rin naman po ang dapat,” nakangiti siyang tumayo at tumalikod. Wala siyang lingon pero sa dibdib niya ay dala niya ang buong pag-asa na makukuha nila ang dapat na para sa kanila para tuluyan ng magbago ang buhay nila. Sino bang hindi nag-aasam na yumaman? Ipokrita siya kung sasabihin niyang siya yun. Gusto niyang yumaman kaya nga sobra sobra ang pagsusumikap niyang makapagtapos at makapagtrabaho. ¤¤¤ Kakababa lang ni Haze ng tawag niya sa isang agent para ibenta ang kanyang sasakyan na binato ng batang iyon kanina. Damn! Sa tanan ng buhay niya ay ngayon lang sa kanya may bumato. Kukunin na ang sasakyan niya bukas para sa auction. Bukas na bukas din ay bibili na siya ng bagong sasakyan, kapalit ng sasakyan niyang nabasag ang salamin sa backseat. May gasgas na rin ang pintura ng pintuan kaya naman ayaw na niya ng ganoon. He has to buy a new one in exchange for that. Nagpalakad-lakad siya. “That woman is a real pain in the ass, babe,” palatak ni Gwyn sa harap niya. Nakaupo ito sa sunbed at naghihintay lang ng oras para umuwi. “She has gotten into my nerves and now she has gotten into yours,” anito pa pero umiling siya. “I don’t accept defeat. She will never win over me, babe. You know how good I am,” paniniguro niya rito. Nabwisit din siya na sobra sa taga-skwater na iyon. Ipinakita nun sa kanya ang tunay na ugali ng isang lumaki sa lansangan. Basagulera ang babae na iyon, wala naman napatunayan. Wala namang ebidensya na nasa kanya ang ticket. Sa mundo ngayon, mahalaga ang ebidensya. Kung wala nun, walang panalo sa laban. Gwyn stood up and smirked, “I certainly know that. Sorry na lang siya. She’ll rot and die poor,” anito na yumakap sa batok niya. She kissed him and so he kissed her back. Hindi niya pinansin ang kapapasok pa lang na sasakyan ng mga magulang niya dahil busy siya sa girlfriend. Gwyn makes him happy. She’s his favorite dose of medicine when he’s upset. “I’m going, babe. I’ll see you,” anito sa kanya. Haze smiled devilishly, “I’ll f**k you.” Humagikhik si Gwyn saka tumalikod para sumakay sa kotse nitong nasa may malapit lang sa poop. Nakuha pa niya itong paluin sa pwet bago ito pumasok sa kotse, matapos na kawayan ang Mamá niya. He was looking at her car as she drives away. Nakapameywang siya at nakalabi. “Haze,” tawag sa kanya ng Papà niya kaya lumingon siya rito. Seryoso ang aura nito, hindi ang tipikal na smiling face ng isang Don Joseph Valle. “We need to talk,” anito sa kanya kaya naman nakamot niya ang kilay at nadilaan ang labi. He feels that what they will talk about concerns that Lazy Dimagiba. “In our office, now.” Tumalikod si Joseph at humawak naman sa braso nun ang Mamá niya. Sumunod siya nang tahimik. Nakita pa niya ang pagluwag sa necktie ng ama niya. Hindi na siya hinintay ng mga ito. Tuloy-tuloy ang mga magulang niya sa elevator kaya naman sa isa siya sumakay. With his hands inside his pockets, he entered the office and shut the door. Nakaupo na ang ama niya sa sofa at ganoon din naman ang ina niya. He also sat and arched his brows, “What?” Titig na titig sa kanya ang Papá niya na para bang isa siyang kriminal na may ginawang kasalanan. “Lacey came to my office and talked to me. Did her father come and talked to you yesterday?” “He did,” kaswal niyang sagot. “Lacey is claiming that her father’s ticket won, anak,” malumanay na sabi ng ina niya sa kanya at napakibit balikat lang siya. “She’s sorry then. I don’t know where I put their gad damn ticket.” Nakita niya ang pagbuntong hininga ng Papá niya. “You’re clever, we know but we also didn’t teach you to claim what’s not ours. Those numbers belong to Juanito, son. Give them what’s theirs.” “s**t,” iling niya na tila dismayado, “you have your share Papá. You paid for the ticket and it’s my right to claim what also belongs to us. I will not give them money. Hindi ko kasalanan na tanga ang ama ng Lazy na yun para ipagkatiwala sa iba ang mga numerong inaalagaan!” Tumayo siya pero tumayo rin ang ama niya. “Damn it, Haze!” galit na bulyaw ng ama niya, “Maawa ka sa kanila!” “Sorry Papá but it’s not in my vocabulary. I don’t know where that ticket is and I don’t even have a plan giving them money in advance. The question is, if we're the people who are in need, will they help us?” Namulsa siya at saka tumalikod na parang wala lang sa kanya ang lahat. Hindi na siya lumingon pa. Wala siyang ni katiting na balak na sumuko sa mag-ama na iyon lalo na sa batang babae na iyon na sumira ng buong araw niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD