Kabanata 8 Walang tigil ang bulungan nina Lacey at ng Papa niya habang nagbabantay sila sa Mama niya. Nag-uusap sila tungkol sa napanalunan nila na jackpot prize pero pabulong ang lahat. “Sinabi ko na kasi sa'yo na wala na yung pag-asa. Bakit na pa nagpumilit dun sa lalaking iyon?” tanong ng ama niya sa kanga. “Si Don Joseph na ang kausap ko, Papa. Sinabi ko na sa'yo na wala pa silang alam. Sinabi niya na siya ang bahala. Naniniwala ako sa kanya,” anaman niya. Kumamot ito nang marahas sa ulo, “Malay mo ba kung nagpapaasa lang yun,” sagot naman nito pero sabay silang napatingin sa Mama niya dahil nakatingin na pala iyon sa kanila. “Ano bang pinagbubulung-bulungan ninyong mag-ama?” nakakunot noong tanong nun sa kanya. “W-Wala. Ika nung nurse bukas daw m-makakalabas ka na kasi dum