Kabanata 6
Pahid ni Lacey ang mukha dahil walang sawa ang mga beryson ng bago niyang luha sa pagpatak. Masakit ang dibdib niya. Natapos ang pag-uusap nila ng Papa niya kagabi na wala lang. Hindi na iyon nagsasalita pa. Sino nga ba naman ang makakapag-isip nang matino kung bilyon na ang pinag-uusapan pero nawala pa? Mas masahol pa ay ayaw silang bigyan kahit piso man lang ng hinayupak na si Haze Valle. Sayang lang ang paghanga niya sa kagwapuhan ng lalaking iyon. Kung gaano pala talaga kagaspang na ugali ang ipinakita nun sa kanya nang magkita sila unang beses ay ganoon talaga kasama kahit anong oras.
Napahikbi siya habang mag-isang nakatulala sa bulletin board ng eskwelahan. Naroon siya para tumingin ng resulta ng exam pero wala naman doon ang focus niya.
Kanina pa siya roon nakatayo at hindi nakipagsiksikan sa lahat. Narinig na lamang niya kahit sa likuran siya nakatayo na siya ang highest sa pinag-isang resulta ng eksam.
Lacey Dimagiba number 1.
Kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya na number one siya pero hindi siya masaya. Aminin man niya sa hindi, gusto niya ng kayamanan. Sino ba ang taong aayaw sa yaman? Doon lamang siya sa totoo na apektado siya na sobra sa walang kasiguraduhan na panalo ng Papa niya sa lotto. Gustuhin man niyang sisihin ang ama dahil sa sobrang pagtitiwala sa ibang tao ay sinasarili na lang niya. Ayaw na niyang dagdagan ang paghihirap ng kalooban ng Papa niya.
“Sissie namin,” boses ni Valerie ang narinig ng dalaga pero hindi niya nagawang lumingon.
Tumulo lang ang mga luha niya.
“Mayaman na dapat kami dahil sa pagkapanalo ni Papa sa lotto. Hindi na sana ako magpapakahirap na halos ikamatay ko na ang pag-aaral dahil wala akong choice. Wala akong karapatan na magpahinga dahil mahalaga ang bawat segundo ko para sa marka ko. Top one ako pero hindi ako masaya dahil ang pera na dapat para sa tatay ko ay ipinagdadamot na ng demonyo,” puno ng hinanakit na bulong niya sa bulletin board pero para talaga iyon sa mga kaibigan niya.
Naramdaman niya ang pagyakap sa kanya ng mga ito.
“A-Ano kamo? N-Nanalo si Tito Johnny sa lotto?” kandautal na tanong ni Tina sa kanya pero palinga-linga dahil umiiwas na may makarinig sa sinasabi nito.
Tango ang isinagot ng dalaga sa kaibigan, “Yung pangarap ko na abot kamay ko na dahil sa jackpot. Hindi ko na kailangan na makiusap sa kung sinong ponsyo pilato para sa allowance ng scholarship. Di ko na rin kailangan na pumila sa pagkahaba-habang pila para makuha yun tapos uuwi pa rin na wala. May pampagamot na sana kami kapag may sakit kami kaya lang…wala kay Papa ang ticket at wala na siyang makukuha ni singkong duling dahil sinasarili na ng may hawak ng ticket ang lahat,” napailing siya.
“Hindi naman pwede iyon. Napakadamot naman niya. Sino ba ang may hawak?” inis na tanong ni Valerie sa kanya.
“Si Haze Valle.”
“Haze Valle?” daig pa ng tatlo ang nasa choir dahil sa sabay sabay na pagbigkas sa pangalan ng lalaking umaangkin ng kayamanan nila.
“D-Di ba iyan y-yung ano…” ani Tina, “Sino nga yun?”
“Iyong pinakamayaman ngayon sa buong Pilipinas na ang net worth ay umaabot sa twenty billion US Dollars! Tama ba?” ani Lovely, “simula nang sinabi mo na nabangga mo yun sa loob ng subdivision nila, inaral ko na ang lolo mo at bongga, walang kasingyaman ang pamilya niya pero bakit pati jackpot niyo ay sinusulot pa?”
Napatiim-bagang siya, “kinukulangan pa siya sa net worth nila kaya kahit na mahirap pa sa daga ay pinagnanakawan pa niya.”
“Hindi yun makatao, sissie,” ani sa kanya ni Valerie, na tinanguan naman ng dalawa.
Hindi talaga iyon makatao. Tikom ang mga labi at mga kamao niya habang nag-iisip. Ang tanging nakikita niya sa balintataw ay ang imahe ng ama niyang dapang-dapa.
She will never see her father that way again. Lintik! Pera na at hindi siya papayag na maging bato pa! Nasa ospital ang nanay niya, halos makipagsiksikan sa mga pasyenteng samo at sari ang mga sakit tapos ang Haze Valle na iyon ay nagpapakasarap sa panalo ng ibang tao? Hindi pa man literal na nakukuha ang pinanalunan nila, dun din ang punta nun.
“Hindi ako papayag sa ganito. Ipakulong niya ako kung kaya niya pero hindi ko basta-basta ibibigay ay bilyon ng Papa ko,” lumuha siya nang gigil na sabihin iyon sa mga kaibigan.
“A-Anong gagawin mo?” nahihintakutan na kaagad si Tina sa kanya.
“Kung anong dapat,” aniya lang at saka siya tumalikod para gawin ang plano niya.
Pupuntahan niya si Haze Valle at isusumpa niya.
“S-saan ka pupunta. Diyos ko naman, baka mapaano ka. Mayaman iyon, sissie,” sabi ni Lovely sa kanya at diretsong sumunod ang tatlo sa kanya sa paglalakad niya.
“Kaya ko ang sarili ko. Kahit naman sino madedesperada sa pera na yun. Bilyon yun. Kung siya na mayaman na sobra ay inaangkin ang di kanya, paano pa ang tulad kong mahirap lang at salat sa pera? Hindi ako papayag talaga. Amin yun. Tatanggapin namin kahit kalahati pero ang sabihin na wala kaming makukuha, hindi pwede yun!” gigil pa rin si Lacey na nagmamartsa papalabas ng University.
“S-Sasama kami. Jusmi!” ninenerbyos na sabi ni Lovely pero wala namang magawa.
Tuloy ang mga ito sa pagsunod sa kanya.
“Kaya ko naman,” naiiyak na sabi niya sa mga ito pero kahit na pipila-pilantik ay sige pa rin ang pagmartsa sa may likuran niya.
“Pak one, pak all,” sagot naman ni Tina.
Hindi siya umimik dahil alam niyang hindi naman niya maitataboy ang mga ito papaalis. Alam niyang dadamayan siya ng mga ito sa lahat ng bagay. Kung magka-trouble man, haharapin niyang mag-isa at hindi niya idadamay ang mga ito. Sosolohin niya ang sisi dahil desperada na siya at kung matigas si Haze Valle, mas matigas siya.
Mahaba ang leeg ng dalaga na nakatanaw sa may labas ng subdibisyon. Nag-aabang siya ng kalaban. Gaguhin na lahat ni Haze Valle, huwag lang ang batang laking iskwater. Matalino siya, oo. Magaling siya, oo. May pinag-aralan siya, oo pero hindi siya papayag na iisahan pa siya sa kabila ng hikahos niyang buhay.
Nakahanda ang kanyang armas at anumang oras na matanaw niya ang lalaki na iyon ay talagang hindi siya papayag na hindi siya tatama.
Nakita niya iyon minsan na sakay ng mamahaling sasakyan kaya alam niya ang itsura ng service ni Haze.
Ang tatlo niyang mga kaibigan ay nakaupo lang sa mga batong nakadisplay sa landscaped area sa harap ng subdibisyon.
“Lacey, parang hindi maganda ang plano mo,” ani Valerie na nakatingin sa armas na hawak niya.
“Mas mabuti pang umuwi na kayo dahil baka madamay kayo. Kinabukasan ko ang nakasalalay dito. Kung sisirain niya rin lang, tutuluyan ko na, makabawi lang naman.”
Wala na siyang maisip na tama sa mga oras na iyon. Basta ang alam niya ay gagawa siya ng paraan para makuha ang dapat na kanila.
Nakita niyang may umilaw na pula sa poste , sa harap ng guard house. Ibig sabihin nun ay may papalabas na sasakyan kaya dapat na magmenor ang mga sasakyan sa highway.
Pagkakataon na niya.
Inihanda niya ang sarili, nag-aabang. Naniningkit ang mga mata niya nang bumukas ang gate ng subdibisyon at lumabas doon ang isang kulay gray na 4x4.
HAZE 214.
Hayun na ang pusang gala!
Nakamenor iyon dahil papalabas ng kalsada kaya naman sinamantala niya ang pagkakataon. Walang pagdadalawang-isip na binato niya ang sasakyan, piping nagdarasal na sana ay tumama siya hanggang sa makita niya na nabasag ang salamin sa likurang bahagi ng sinasakyan ng mandurugas.
“Jusmi! Batsi na tayo! Batsi!” napatalon talon ang tatlong bakla nang isigaw ni Tina ang mga salitang iyon.
Hinila siya ni Lovely at bitbit na nito ang bag niya pero nakawala siya. Tumatakbo papalayo ang tatlo pero siya ay papabalik sa sasakyan ni Haze.
“Juskoday! Mamamatay ako! Bumalik ka dito, Lacey Dimagiba!” tili ni Lovely pero diretso siya sa nakatigil na sasakyan ni Haze.
That’s the right time.
Tumayo siya sa harap ng sasakyan at malakas na kinalampag ang hood ng sasakyan.
“Baba, magnanakaw!” bulyaw niya sabay duro sa windshield.
“Panginoon. Anong ginagawa mo, prinsesa? Umalis ka riyan,” ani Mang Dante na gwardiya.
Hinawakan siya nito sa braso para ilayo pero matigas siya.
“Hindi, Mang Dante! Hayaan niyo ako!” aniya at saka tumakbo papalapit na sa driver’s side ng sasakyan at iyon naman ang pinagsisipa niya.
“Bumaba ka riyan, hambog!”
Humahangos siya sa pagtitimpi. Naiiyak siya na hindi niya maintindihan. Kinakabahan siya pero hindi niya matukoy kung para saan ang kaba na yun.
Narinig niya na lumagitik ang pintuan at kumatal iyon kaya naghanda siya.
Bumaba roon ang pinakahihintay niyang makita.
“Halika na, iha. Lumayo ka na riyan,” pilit sa kanya ni Dante, hawak ulit siya sa braso.
“Let her do her stuff,” anang maawtoridad na boses kaya halos tumikwas ang labi niya nang makita ang hindi man lang nababahala na itsura ni Haze.
Ang walang hiya, nakasunglass pa.
“It’s my time to shine!” mabilis at gigil siyang kumilos saka siya tumalon para maabot ang buhok ng lalaki.
“Magnanakaw!”
“Aw! Damn it!” angal nito nang masabunutan niya.
Hindi niya alam kung paano niya nagawa pero halos maglambitin siya sa katawan nito para lang maabot ang ulo. 6’4 siguro ang tangkad ng lalaki samantalang siya naman ay 5’2 pero walang malaking nakakapuwing.
“Damn it talaga! Mapapanot ka ngayon, magnanakaw! Ganid ka , ganid! Demonyo ka!” marahas niyang hinila ang buhok nito at nahawakan na siya nito sa braso.
Maya maya ay nasa katawan na niya ito nakahawak.
When she realized that he’s already bracing his arms around her waist, she let go.
Itinulak niya ito sa dibdib pero siya ang halos tumalsik. Bumangga siya sa katawan ng tatlong bakla, na sabay sabay na naman na tumili.
“Umalis na tayo, bebe gurl. Di natin kaya ‘yan,” boses iyon ni Lovely pero kumawala siya.
“How dare you speak to me that way. Kung ipakulong kita dahil sa pagbato mo sa sasakyan ko, ano sa'yo?”
Napatiim bagang si Lacey at naikuyom ang mga kamao niya, “Ano ngayon sa akin? Maypipyansa ako kung makuha ko ang pera na inaangkin mo. Huwag mo akong I how dare you, how dare you. Ikaw ang how dare you? Magnanakaw!” singhal niya rito pero umiling ito at papainsulto ang ngiti.
Nakatikwas ang isang sulok ng mga labi nito at iiling-iling na pinagmamasdan siya.
“I can sue you for that defamation, Lazy Dimagiba,” seryoso ang boses nito pero wala siya sa panahon para matinag.
“Kung pwede lang din kitang idemanda dahil sa pagnanakaw mo sa panalo ng Papa ko, ginawa ko na. Huwag mo akong ma-Lazy Lazy Dimagiba. Ikaw ang lazy dahil wala kang alam kung hindi gulangan ang mga taong nasa paligid mo. Mahirap man o mayaman! Mandurugas ka! Nakakahiya ka! Pweee! Yumayaman ka dahil sa pagnanakaw!” halos itulak niya ito sa dibdib pero siya pa rin ang halos matumba.
“What’s your proof?” walang emosyon na sagot nito.
Lintik na! Bakit daig pa nito ang bato? Wala itong ekspresyon at walang pakiramdam. Napakahirap nitong basahin. Kung sabagay, isa itong businessman at napag-aaralan ang ganoong bagay.
“Proof? Ikaw ang proof,” duro niya rito, “ikaw at ang ticket na hawak mo, na porke nanalo ay sinasamantala mo ang kahinaan ng Papa ko. Napakakapal ng mukha mo! Buhay ka pa nasusunog na ang kaluluwa mo sa impyerno!”
Gigil siya rito at hindi niya inasahan na sa blangko nitong eskpresyon ay bigla siya nitong hinaklit sa braso.
“Be careful with your words young woman.”
Iwinaksi niya ang kamay nitong nakahawak sa kanya at saka siya rito nakipagsukatan ng titig.
“Ikaw ang mag-ingat sa mga ginagawa mo dahil wala man sa amin ang ticket na pinanalo ng tatay ko, ang karma mabilis lang na babalik sa’yo,” aniya rito saka siya tumalikod.
Tinalubong kaagad siya ng tatlo niyang kaibigan at kanya-kanyang hawak sa kanya para mailayo na siya.
Lacey paused.
“Juski!” bulalas at mangiyak-ngiyak na sabi ni Tino sa kanya.
She’s immovable and She’s so mad, “Ipaayos mo ang bintana ng sasakyan mo galing sa nakaw. Hindi pa ako tapos, Mister Valle.”
Iyon ang banta niya kay Haze dahil may isa pa siyang plano pagkatapos ng ginawa niya.
“You were wrong for f*****g me up,” Haze said with his inaudible tone but she just looked at him with so much hatred.
“Nye nye mo! f**k me up! f**k you up! Pakshet!” bulalas niya sa sobrang inis at tumikwas na lang ang labi nito kaya daig pa niya ang natauhan nang makasampung ulit dahil sa sinabi niya.
Minura niya ito. Iyon ang ibig sabihin niya ng salitang, f**k you.
Bakit daig pa niya ang kinilabutan sa paraan ng pagkakangisi nito sa kanya? His eyes were strong ang his gaze is fierce.
Eh ano ngayon?
She’s way fiercer than him and she’ll prove it by any means. Kung nung unang beses na bumaliktad siya dahil dito ay di man lang siya nito tinulungan at wala siyang nagawa, ngayon ay hindi na. Lalaban siya sa kayabangan nito at hindi na siya rito humahanga.
“Gwapo ka,” aniya kaya natameme at napatigil ang tatlo niyang kaibigan.
Nganga ang mga iyon sa kanya pati na ang gwardiya na si Dante.
“Bulok naman ang pagkatao mo,” she said after a while.
“Wagiiiii!” tili ni Lovely kaya napatalon talon ang tatlo sa sobrang katuwaan.
“Isusumpa mo ang araw na kinukuha mo ang hindi iyo, Valle dahil sa oras na makaangat ako sa buhay, dedemonyohin kita,” banta pa niya saka siya tumalikod.
“Walang pag-asa ang katulad mo. Don’t be such a hypocrite, young lady. Paano magpapantay ang katulad mo sa katulad ko?”
Muli siyang lumingon at sa tindi ng sakit ng salita nito ay lumuha siya.
“Don’t be also self-assured. Karma is a b***h, if you’re not familiar with that saying. Paano tayo magpapantay?” literal niya itong nasuri.
Paano nga ba? Jusko, sobrang laki nito pisikal man at sa uri ng pamumuhay ay ganun din.
“B-Bakit ko sasabihin sa'yo, e di pinaghandaan mo ang bagay na yun” tuluyan na siyang tumalikod at naglakad papaalis.
Kasusunod niya ang mga kaibigan pero hindi pa siya suko. May isa pa siyang gagawin. Kung ang anak ay nakausap na niya, kakausapin din niya ang ama dahil ang Papa niya ay hindi iyon kayang gawin pa.
Ano, basta na lamang isusuko ang dalawang bilyong piso na parang sukling kendi sa grocery store kapag may binili?
Hindi pa siya suko.