Kabanata 2
Nahahapo si Lacey na napaupo sa upuan ng chapel, sa loob ng pampublikong ospital, kung saan niya ipinag-confine ang ina. Kinuha niya ang cellphone niyang de pindot sa bulsa ng suot na pantalon. Pinindot-pindot niya muna iyon para lumapat dahil hindi na gumagana kapag nakatikal ang gilid. Isa iyong basic phone na uso pa noong panahon ng hapon—este panahon na halos wala pang cellphone. Ibinili lamang siyang pilit nun ng ama niya sa mga batang nakakapulot ng mga sirang cellphone sa basurahan. Kailangan niya kasi iyon kapag nasa eskwelahan lalo na kapag mga assignments sila, may nagagamit siyang pang-kontak sa mga kaibigan niya. Tig-iisa naman sila ng Papa at Mama niya, iyon lamang ay sobrang bababa na ng kalidad ng mga aparato.
When the screen lit up, Lacey immediately unlocked the phone to text her father. Nag-compose siya ng message para sa ama niyang nakapila pa yata hanggang kabilang planeta para lamang makataya sa lotto.
Lacey: Papa, si Mama nasa ospital sinugod ko. Kailangan na daw salinan ng platelets. Bilisan mo na Papa.
Napabuntong hininga siya nang maisend iyon. Diretso siyang tumingin sa isang krus na nasa dingding ng chapel. Malakas ang kapit niya sa Diyos. Kahit mahirap sila, naniniwala siya sa tulong ng nasa itaas at hindi lamang iilang beses niyang napatunayan iyon. Mula sa pag-aaral niya, hanggang sa pang-araw-araw nilang pangangailangan sa buhay, hindi sila nawawalan kahit paano. Mawalan man sila ng ulam, hindi naman ng bigas. Laban naman siya sa ulam lang ay a tatlong piso na toyo sa tindahan at kalamansi, minsan pinagprituhan ng karne at kaunting asin, mabuhay lang at hindi magutom. Ang hindi lamang niya kaya ay kapag parati ng ganoon na pati isusubo na lang ng magulang niya ay ibinibigay pa sa kanya, dahil sa halip na pang-kain na rin lang nila minsan, napupunta pa sa pasahe papuntang eskwelahan.
Kailan ba sila kumakain ng karne? Kapag may bigay si Mayor na ayuda sa mga scholars. Hirap siya kung tutuusin. Sa eskwelahan ay dapat pumapalo ng nasa 95-97 ang average niya para makuha niya ang 70% na bawas sa tuition. Idagdag pa ang scholarship ni Mayor para sa natitirang 30%. Kinakaya niya iyon. She’s so self-motivated because she wants what’s best for her family. Her dream is high and she’s well determined to capture it. She promised herself that she would never give up. Hindi man niya gusto ang kursong kukunin niya pag-apak ng kolehiyo, pipilitin niyang gustuhin para sa kinabukasan niya at ng pamilya niya. Nobody else would soar higb for her parents because she’s an only child. And it’s for her future, too.
Napatingin ulit si Lacey sa cellphone nang mag-vibrate iyon. Ang ama niya ang ang nag-text.
Papa: Anong platelets? Maliit na plato? Bakit naman sasalinan nun ang Mama mo kung d ba naman sila tanga? Papatayin ba nila ang Donya ng buhay ko?
Marahas na napakamot si Lacey sa ulo. Diyos ko naman si Papa! Ang hirap minsan na wala talagang alam. Sabagay ano pa bang magagawa niya ay elementarya lamang ang natapos nun dahil wala raw tigil sa kakalangoy sa ilog. Akala raw nun ay may magandang kinabukasan ang pagsisid na nakaburles at nangunguha ng clay sa paligid ng ilog.
Lacey: basta Papa, halika na at nalilito na ako. Nakataya ka na ba? Kailangan si Mama masalinan nun dahil may Dengue siya. Mamamatay siya kung hindi.
Papa: Salinan na kamo nila. Hindi ko naman dala-dala ang platelets. Bakit sa akin ba sila kukuna nun? Sandali at papunta na ako. Hindi na ako tataya.
Hindi na siya nagreply pa. Natatawa siya sa sagot ng ama niya. Hindi naman iyon nagbibiro alam niya. Talagang hindi nun alam ang platelets.
Tumayo na siya at naglakad papabalik sa inuukupang kwarto ng ina niya, kasama ang iba pang may Dengue. Nagdarasal na lamang siya na hindi siya kagatin ng lamok na dumapo sa mga pasyente para hindi siya mahawa. Sakto ang dating niya dahil may nurse roon na naglilibot.
“Mag-donate na kayo para mapalitan ang mga platelets na isasalin sa mga pasyente. Sumunod kayo sa akin,” anang nurse kaya naman napakurap siya.
Pwede yata siya para naman masalinan agad ang nanay niya.
“Sa mga hindi magdodonate, magbabayad kayo dahil maraming nangangailangan nun.”
Hindi na siya nagdalawang-isip pa. She immediately followed the nurse to donate and have one for her mother. Ang sabi ng duktor ay huwag siyang umasa na isang salin lang ay gagaling agad ang nanay niya. Depende raw iyon sa virus. Kapag daw tinalo pa ng virus ang nanay niya, magsasalin ulit. May mga pagkakataon daw na nakakatatlong salin hangga’t hindi tuluyang nalalabanan ng immune system ang virus.
“Ilang taon ka na?” tanong ng nurse sa kanya nang nasa harap siya ng station.
Tumitingin ang babae sa kanya mula ulo hanggang paa, “Kinse ka lang yata. Hanggang desi seis hindi pwede, Miss.”
“Seventeen na po ako, magka-college na po ako,” anaman niya at saglit pa siyang tiningnan nito pero maya-maya ay tumayo na at niyaya siya sa may kiluhan.
Pagkapirma niya sa papel ay hiningi sa kanya ang pangalan ng Mama niya. Ibinibigay naman niya iyon para masalinan na iyon ng kailangan.
“Higa ka na dun,” turo ng nurse sa isang higaan.
Sumunod naman siya at may ilan na doon na kinukunan.
…
Paglabas ni Lacey sa donation room ay daig pa niya ang lantang gulay. Marahan siyang naglakad papunta sa inuukupang kwarto ng Mama niya at doon niya naabutan ang ama.
“Anak, saan ka nanggaling? Sinasalinan na ang mama mo ng p-platelet,” kumamot ito sa ulo, “Akala ko kung anong platelet, para rin palang dugo na nakasupot. Sabi mo St. Luke’s. Pinuntahan ako ng kapitbahay natin sa tayaan nasa St. Luke's daw kayo. Galing ako roon lintik, mukha akong tanga. Ospital ng mamayan iyon,” anito kalong ang pusa niya.
Napahagikhik na lang siya nang tumayo ito at siya ang pinaupo.
“Nagdonate ako Papa ng platelets para masalinan na si Mama.”
“Pwede ba ako roon?”
“Bukas ka na lang, Papa. Hindi ko na Papa kayang magpedal papauwi. Wala akong dalang mga damit dito. Dapat mag-suot ka ng pantalon at mahabang damit baka ka kagatin ng lamok sa pagbabantay, baka lahat tayo magka-dengue,” aniya sa ama na napatingin naman sa Mama niya.
“Ang hirap pala ng sakit na ito, anak. Ngayon lang ako aktwal na nakakita ng may Dengue. Hindi pala ito sakit na biro.”
Tumango siya.
“Sige magpahinga ka rito at ako na ang bahala. May pera ako rito, isanlibo,” ngumisi si Juanito at siya naman ay napakurap.
“Saan mo naman nakuha ‘yan Papa?”
“Doon sa mag-asawang mayaman. Dumaan sila sa may lotohan at nakita ako ni Don Jose."
“Don Jose?” kunot noo ang dalaga sa ama niyang nakabungisngis.
“Iyong kinukunan nating ng basura. Iyong may-ari ng tinitingala mong mga building,” palatak nito kaya napatango siya.
“Ah, si Don Joseph. Joseph ‘yun, Papa, hindi Jose. Bakit ka raw binigyan ng pera?”
“Muntik kasi ako mabangga nun sasakyan sa pagmamadali ko. E, humingi ako ng dispensa kasi nahiya naman ako. Tinanong ako bakit ako nagmamadali, sabi ko naman ay nasa ospital ang nanay mo sasalinan kako ng maliliit na plato. Ayun, binigyan ako ng isanlibo. Ipapa-tsek daw nila sa mayordoma kung may mga gamit sila sa bodega at ibibigay daw sa akin para sa nanay mo. Napakababait talaga nila anak. Hindi tayo pinababayaan ng Diyos. Bukas na bukas babalikan ko iyon.”
“M-May pasok ako, Papa. May exam ako.”
Saglit itong napatanga sa kanya at ngumisi ulit, “Sabi ko nga mag-eksamin ka muna at iyan ang ikayayaman natin. Saka ko na babalikan iyon kapag may magbabantay na sa nanay mo.”
Ngumiti siya rito at tumango. Napakabait talaga ng tatay niya kahit na may pagkasira-ulo kung minsan. Alam niya na sa kabila ng ipinakikita nitong tapang ngayon sa kanya ay nag-aalala rin ito nang sobra para sa Mama niya. Sino bang hindi mag-aalala?
Mabuti na lamang kahit paano ay naampat ang pagdurugo nito dahil sa gamot. Nananalangin siya na huwag ng maulit pa at tuluyang gumaling na.
☆☆☆
Inip na si Haze sa paghihintay sa ama. Napipikon na siya dahil kanina pa niya iyon tinawagan pero hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa. He’s so irritated. When it comes to business, he doesn’t want to keep on waiting. Pakiramdam niya ay mababawasan ang pera ng kumpanya sa oras na hindi agad siya makapag-simula ng meeting sa oras na sinabi niya.
He has to talk to his father about the new offer of this oil industry to supply them. Mas mababa ang halaga ng offer, but that doesn’t mean that he’s going to accept it right away. He has to study it even further to make sure that he’s not going to risk their product, being sold in the market.
Nang sa wakas ay matanaw niya sa gate ang sasakyan ng mga magulang niya ay napabuntong hininga siya.
He pouted after drinking his wine.
Nakatinging bumaba si Smile sa limousine at pinagmamasdan niya ang ina, na sa kabila ng edad nito ay napakaganda pa rin at sopistikadang-sopistikada. His mother is a lawyer and has her own firm. She has her own firm but sometimes she works without acceptance fee. Masyadong malambot ang puso ng nanay niya, at sa totoo lang ay maraming nagsasabing mag-Mayor ito dahil isa raw abogada at mabait na tao. Marami raw itong alam sa batas pero ayaw naman. Hindi na raw nito dadagdagan pa ang sakit ng ulo dahil ang pag-handle lang ng isang kaso ay tama na.
“Hi there, my son,” bati ni Smile sa anak na tumaas lang ang isang sulok ng labi.
Umiiling ang may edad na babae sa reaksyon niya dahil kilalang kilala na siya ng mga magulang niya. Ang ganoong ngiti niya, kung hindi nang-aakit ng babae ay inis siya. At sa pagkakataon na iyon ay ang huli ang dahilan.
Haze has really an attitude, rude and bossy and his parents are aware.
Hinalikan siya ng ina sa pisngi at ang ama naman niyang nakangiti ay tinapik siya sa balikat.
“Jesus, Papa, what took you so long?” mababa pero hindi maitatago ang inis sa boses niya. Kung babae siya ay baka napairap na siya.
Nagkibit balikat lang si Joseph at isinuksok sa bulsa niya ang isang papel. Kunot noo niyang kinuha iyon at tiningnan.
“What the hell is this?” lalo siyang nakaramdam ng inis nang makita ang nakalagay doon, SUPER LOTTO.
He looked at his father with creased brows, “Really, Papa? You’ve wasted my time because of this crap?” naiiling siya pero nangingiti si Joseph na ibinalik iyon sa bulsa niya.
“Well, wala namang masama, anak,” anito na hinubad ang sariling coat at ibinigay sa katulong na naghihintay.
Naglakad ito papunta sa bar at kumuha ng baso, pati na alak.
“It didn’t take that long for Pedro to have that ticket. He just went straight inside the cubicle and there he had it. Names work.”
“Sus, napakahaba ng pila senyorito Haze. Abot yata iyon sa kabilang mall,” anaman ni Pedro na dumaan sa may harap niya, para lumabas.
Tiningnan lang niya iyon tapos ay tumingin ulit siya sa ama niya, “ Since when you started or learn how to bet on lottery?”
Joseph chuckled, looking at his son, “Nakiusap lang naman ang isang kakilala na itaya ang numero at kapag daw nanalo hati kami. I see nothing wrong with that. Katuwaan lang naman, anak. Tama na ang paggisa mo sa akin. Let’s talk about business now and not the lottery and the reason why I came home late. Come here and explain everything to me.”
He sighed, “Minsan, tigilan mo Pa ang pagiging malapit sa hindi natin ka-uri. Make friends with people like us and not some stupid people who rely on lottery for their luck.”
Umiling na lang ang ama niya sa anghang ng dila niya pero ganoon siya. Sinasabi niya ang gusto niya kahit na ikapahiya pa iyon ng tao at lalo naman kung totoo.
“Well then son, you should also try to step down sometimes and make friends with people like them because sometimes, people like them aren’t fake,” tapik ni Joseph sa balikat ng anak, tapos ay uminom ito ng alak.
Sinarili ng binata ang pag-iling. Not a single chance for him to do that. Most of the poor people are gold diggers and users. Iba talaga ang paniniwala niya at taliwas ang ugali niya sa ugali ng mga magulang niya. Haze works for money and not humanity.