Kabanata I

2058 Words
Kabanata I “Mama?” tawag ni Lacey sa ina nang makauwi siya, bitbit ang isang plastik ng mga ulam. Mayroon siyang dalang adobong kangkong, bulalong kalabasa at steak, sitaw nga lang. May bitbit din siyang saging para sa inang dalawang araw ng nilalagnat. Ayaw na sana niyang sumama sa ama niya sa pangungulekta ng basura kaya lang ay ayaw naman ng Mama niya na papag-isahin iyon. Kaya naman daw nito ang sarili pero hindi ganoon ang inabutan niya. “Mama!” napasigaw ang dalaga nang makita ang ina na sumusunggo. Daig pa nito ang mamamataying pusa sa isang sulok ng papag nila. Halos maiitsa niya ang dalang plastik sa pagmamadali na makalapit. “Nahihilo ako anak, sobra,” anito kaya mangiyak-ngiyak siyang dinaluhan ito. “Halika na sa ospital. Magpapahatid tayo kay Mang Teban. Si Papa tumataya pa sa lotto,” natataranta na ang dalaga pero ayaw niyang pahalata sa mama niya. Malakas ang kutob niyang may Dengue fever ang ina niya. Balita sa radyo na inuubos na naman ng virus ang ilang lugar sa Maynila at baka pati sa lugar nila. “Lintik na lalaki iyan, inuna pa ang lotto. Wala si Esteban, walang magpepedal. Mamaya na tayo alis.” Anito pero naluha na siya nang makitang tumulo ulit ang dugo sa ilong ng mama niya at parang pati na hilagid nito ay nagdurugo na rin. “Ako, ako ang pepedal!” mabilis niyang itinayo ang ina na may kaliitan at pilit itong inakay. Binuksan niya ang payong para may pandong ito dahil medyo mainit pa ang sikat ng araw. Nakasakay na si Ignacia sa loob ng pedicab na walang bubong habang si Lacey naman ay hindi na malaman kung anong gagawin. “Damit, unan, kumot…” natutop niya ang noo. Gatla gatla ang pawis niya sa pagkalito. Naiiyak siya na natatae na hindi niya maintindihan. Pakiramdam niya ay mapapaanak siya kahit hindi naman siya buntis. Nang makita niya si Happy ay dinampot niya ang pusa niyang kulay itim at asul ang mga mata, “Halika, sasama ka sa amin.” Lumarga siya na iyon ang bitbit niya, sa halip na mga gamit ng ina. “S-Saan kayo pupunta?” tanong ng isang matandang lalaking hikain na kapitbahay nila, si Huracio. Nakaupo ang matanda sa labas ng barung barong nito at nagsasalansan ng mga basurang ibebenta. “Sa St. Lukes Medical Center po, ospital ng mga yayamanin. Pakisabi po kay Papa kapag dumating. Nakapila po siya hanggang Batanes sa harap ng lotto outlet. Dinudugo po si Mama!” “Ha?!” bulalas ng lalaki at baka iyon matumba sa sobrang payat. Daig pa nun ang adik na nagulat. “Dinudugo po ang ilong! Wala po akong napkin!” aniya habang pumipedal papalayo. “S-Sige! Mag-ingat kayo!” Nakita niyang natatawa pa ang Mama niya kahit na para na itong talbos ng kamote sa pagkakaupo, bali na ito at halos wala na ngang lakas. Hindi man siya sanay magbisikleta nang malayo, kakayanin niya, para sa nanay niya. “Ma…” tawag niya sa ina habang nagmamaneho at malayu-layo na ang naaabot nila. Masakit na ang singit ni Lacey dahil ang tigas naman ng upuan ng bike pero pilit niyang ginagawa ang lahat makausad lang at marating ang ospital. Pang benteng ulit na yata iyon mula kanina dahil baka makatulog ito ay hindi na magising. Natatakot siya. Nakapayong pa naman ito at kalong ang alagang pusa niya. “Ma!” untag niya nang hindi ito sumagot at napaiyak siya. Tumingin siya sa nanay niya at sa isang iglap ay bigla na lamang silang bumangga sa kung anong bagay. “Diyos ko!” bulalas niya nang makita niyang nakabundol siya ng babae, babaeng mistisa. “What the hell!” singhal nun sa kanya at sa kisap mata lang ay naaalalayan na ng mga lalaking de baril. “S-Sorry, Miss. Nagmamadali po kami. Ihahatid ko po ang nanay ko sa ospital at—“ hindi niya natapos ang sasabihin. Tumikwas ang labi ng babaeng dinaig ang dyosa sa ganda. Ano ba kasing ginagawa nito sa kalye? Dapat naroon ito sa Mt. Olympus. “I don’t give a s**t and I don’t care! Ginasgasan mo ang braso ko, you stupid little idiot! Mas mahal pa sa buhay niyong mag-nanay ang ointment ko!” tumingin ito sa nanay niya, “Mamatay sana ang nanay mo!” Nagmartsa iyon papaalis at doon nagbago ang aura ng mukha ni Lacey. Bumalasik ang itsura niya. Pigil niya ang hininga na huwag makababa sa pedicab dahil kapag inabot niya ang babae, baka manghiram iyon ng mukha sa aso. Napakaganda nga, ang sama naman ng tabas ng bunganga. “Anak, halika na…” anang Mama niya kaya naman naluluha niyang inalis ang mga mata sa babaeng nakalayo na. Masama man ang loob na hindi niya naipagtanggol ang ina at sarili sa matapobreng babae, pinalipas na lang niya. Her mother’s life matters more than the irritation she feels. Hindi mamamatay ang Mama ko. Nagpatuloy siya sa pagpadyak para makarating kaagad sa pampublikong ospital. Balak nilang dalahin sa rural health si Igna nang araw din na iyon kaya lang inuna nila ang maghanap buhay dahil maayos ayos pa naman ito kanina. “Ma, magsalita ka lang diyan, kumahol ka o kaya mag-meow ka para lang alam kong okay ka. Magparamdam ka lang sa akin habang nagbabike ako,” aniya sa Mama niya. “Uhm,” sagot naman nito na talagang matamlay na. Bakit ba pakiramdam niya ay lalo siyang lumalayo sa ospital. Bakit ang hirap magpedal? Ganoon ang mga kasabihan ng matatanda noon, na kapag daw mabigat at halos hindi makausad ay mamamatay na ang pasyente. Susko huwag naman po. Napahikbi siya pero umiling nang marahas. Hindi mawawala ang nanay niya sa kanila ng ama niya. Marami pa siyang pangarap para sa mga ito at una sa lahat ay iahon ang mga ito sa hirap. Yakap ang pinakamamahal na pusa ay nakahinga kahit na paano si Lacey. Nasa ospital na sila at nasa ER na ang Mama niya, tinitingnan ng duktor. Paulit-ulit niyang hinahalikan ang ulo ni Happy para mabawasan ang tensyon niya, hanggang sa pasalampak na siyang naupo sa silya. Nananakit ang mga binti niya at nanginginig pero hindi niya magawang pansinin. “Positive, doc. Dengue po.” Anang nurse sa duktor kaya kandahaba ang leeg niya. “Sige, hintayin natin ang resulta ng blood sample. Kapag masyadong mababa ang platelets, salin na tayo kaagad. Napaisip si Lacey ng bayarin. Baka ang serbisyo at ospital lang ang libre. Ang platelets yata ay hindi libre at baka may hingin na bayad. Wala naman siyang pera, ang kinita lang nila ng Papa niya na 300 pesos, nabawasan pa ng ibinili niya ng ulam, ulam na kung saan lang niya nailagay sa sobrang kalituhan. Tumingala siya sa kisame saka siya pumikit, nagdarasal ang puso niya nang taimtim, na sana ay makaligtas ang Mama niya at makakuha sila ng pera. … “What’s that?” itinuro ni Haze ang braso ng girlfriend na si, Gwyneth. Kapapasok lang nito sa restaurant at hindi mabitiwan ang braso na may pamumula at mga gasgas. He’s really waiting for this woman because he asked her for a snack. Nasa loob siya ng pinakamahal na restaurant sa buong Kamaynilaan. He took the VIP and as a regular customer, the receptionist gives him the VIP room right away. “A stupid woman bumped me!” iritableng sagot ng babae at padaskol na naupo sa upuan, sa tabi ni Haze. “You should’ve called the cops,” aniya rito saka tiningnan ang braso nito. Mahaba ang gasgas at medyo malalim. “I was in a hurry, babe. Muntik pa nga akong matumba. I should see my doctor for this. Matalim ang tumama rito, I felt it and I think baka may kalawang pa, kasimbulok ng babaeng yun ang bisikleta niya. You know what. I think I saw her inside the subdivision.” Nangunot ang noo ni Haze habang dinampi-dampian ng tissue ang sugat ng girlfriend. Gwyneth dela Cerna is his fiancée. Kulang na lamang sa kanilang dalawa ay kasal dahil halos sa iisang bubong na rin sila madalas na tumira. He’s one of the elites. Anak ito ng pamosong duktor ng mga artista sa balat, kaya ganoon ito kaganda dahil alagang alaga ng mga magulang. Mayor ang ama nito. “Who? You mean, ang mga basurerong mag-ama?” Umirap si Gwyn, “Yeah. I saw them not only once but that foolish woman was driving the cab today. She’s not with his trashy father. Pagbabayaran niya ang katangahan niya sa akin. Lacey Dimagiba is her name. My bodyguard guard saw it on her shirt and she’s really a dumb teenager showing her full name in public.” Galit na sabi nito, “Kung natumba ako at nabagok ako? Paano?” Para itong naluluha kaya naman inakbayan kaagad ni Haze at inalo, “It will never happen, babe. It wasn’t your fault.” Gwyn is already twenty-six yet she’s acting childish most of the time, because she’s the youngest daughter and her parents spoiled her a lot. Nagkakilala sila nito noong mga grade school sila. Magkasama sa paggo-golf ang mga ama nila, sa loob ng country club, na pag-aari ng mga Valle. Magkasama rin sila sa iisang eskwelahan kaya parati silang nagkikita. He was tagged as the prince while she’s the princess. Siya ang pinakamayamang lalaki at ito naman ang pinakamayamang babae. Gwyneth’s father thought that it would be better if he’s going to be the princess’ fiancé, and so why not? Sino naman ang aayaw sa isang babaeng tulad nito? Mabait naman ito, hindi nga lang charitable. Well, everybody has a downside anyway and he has, too. Nagkakasundo yata sila dahil parehas silang lumaki sa nakakaangat na pamilya, at siya ay walang ibang gusto kung hindi lumaki pa ang negosyo at yaman nila. Lahat ng negosyong binuksan ni Haze ay nabigyan ng mga permit nang maging Mayor si Manuel dela Cerna. Wala siyang problema kaya paano niya masasabing mali ang gawing fiancée ang bunsong anak ng mga iyon? They make a perfect couple because they’re truly matched together. “Tell the guards to forbid those people from coming into your place. Worse is when they make another stupid mistake. Baka naman sadyain na nilang makabangga ng tao na kulang pang pambayad ang mga buhay nila,” galit pa rin na sabi ni Gwyn kaya naman hinaplos haplos niya ang braso nito. “I will order the guards. Forget about that, okay. You’ll ruin your day, babe. Let me handle that. Let’s eat before we spoil the day with that teenage girl named...Lazy?” he was confused but he heard it right. He thinks he did, Lazy Dimagiba. Pagkatapos na kumain nina Haze at Gwyn ay dumiretso sila sa munisipyo. Halos hindi man lang nga nabawasan ang pagkain sa plato ng girlfriend niya dahil diet ito. She’s always in a diet anyway. Ito yata ang babaeng takot sa pagkain but she gains the reward anyway. Maganda ang katawan nito at walang taba. Ginusto nitong dumaan sa ama bago sila dumiretso sa opisina niya. Of course, he came with her. Parati naman itong nagsusumbong sa ama nito, sa mga bagay-bagay na nangyayari. Nagkamali lang talaga ng binangga ang Lazy Dimagiba na iyon dahil si Gwyn ang tipo na hindi papayag na hindi makaganti. “Who’s that again?” kunot noo na tanong ni Manuel sa anak, habang hithit ang tabako. “Lacey Dimagiba,” inis pa rin na ipinagkrus ng babae ang mga braso, “Just look at my sratch, Dad. Baka kahit pambili ng ointment hindi niya ako kayang bigyan.” “I think I heard that name already,” nakalukot ang noo ng matandang Mayor habang si Haze naman ay katext ang sekretarya sa cellphone. Nagtatanong siya ng sunod na schedule. He’s having a boner but he doubts if he couldn’t get Gwyn laid and do some quickie. Sa tabas ng mukha ng girlfriend niya, duda siya. Baka daig na naman niya ang nakikipag-s*x sa tuod na kawayan. “Regular iyon, Mayor ba kumukuha ng allowance para sa scholarship,” anaman ng sekretarya ng ama ni Gwyn. Parehas silang magboyfriend na napatingin doon. Agad na tumalikod ang fiancée niya at umabresiete sa kanya. “Remove her from the list, Dad.” Matigas na utos nito sa ama saka siya hinila papaalis ng opisina. Whatever Gwyn wants, she gets it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD