Kabanata 5

2772 Words
Kabanata 5 Lutang pa rin si Lacey kahit na nasa eskwelahan pero naman sa oras ng eksam ay bukas na bukas ang isip niya. Hindi niya hahayaan na bumagsak siya dahil sa kawalan ng focus. Kahit na tinamaan ng Papa niya ang jackpot sa lotto, kailangan pa rin niyang mag-aral na mabuti. Marami siyang kaklase na mayayaman at bulakbol sa pag-aaral, dinaraan lamang sa pera ang lahat pero hindi niya gagawin iyon. Magsusumikap pa rin siya kahit na ba totoong bilyonarya na siya. Bilyonarya nga ba? Ang sabi ng Papa niya ay wala roon ang ticket sa lotto. Naroon daw iyon kay Don Joseph. Alam na kaya ng matanda na nanalo ang anim na numero ng Papa niya? Napakaraming tanong sa isip niya at lahat gusto niyang masagot oramismo. Kung eksam lang sana ang bawat tanong sa isip niya, malamang na kanina pa siya may sagot. “Lacey, sama ka sa tropa, mag-e-sm kami ngayon kasi tapos na ang exam,” anyaya sa kanya ni Tina nang makalabas sila sa classroom. Daig pa ng mga ito ang nakawala sa hawla at painat-inat ang mga ito. Alas tres na ng hapon at straight ang exam nila mula umaga. Nag lunch break lang sila ng trenta minutos tapos ay balik na ulit sa loob. “Walang magbabantay kay Mama e. May aasikasuhin si Papa. Pass muna ako. Sa sunod na lang ako sasama,” anaman niya, na yumakap sa braso ni Lovely. “Sa sunod na lang din tayo pag kasama na ang bebe girl natin.” Suhestyon naman ni Valerie kay Tina. Tumango ang isa pero parang ang lungkot ng mukha. “Okay ka lang, Tino?” nag-aalalang tanong ng dalaga sa kaibigan. “Nakakainis kasi yung stepfather ko. Pinag-iisapan pa ang pagpapaaral sa akin ng sarili kong nanay. Kesyo bakla naman daw ako at sayang lang ang ginagastos sa akin. Wala rin daw akong kinabukasan. Gusto ko sanang gumala dahil ayokong abutan ang herodes na yun sa bahay.” “Sumama ka na muna sa parlor. Dun ka tumambay para makaiwas ka sa herodes,” ani Lovely, “Magtatrabaho na lang muna ako ulit ngayon para sa ambagan natin sa tuition ni Lacey, hangga't hindi siya nakakahanap ng bagong scholarship.” Tumango ang dalawa kaya ngumiti siya sa mga ito. “Huwag mo ng stress-in ang sarili mo. Help ka namin makatapos,” sabi ni Tina. “Salamat,” madamdamin na sabi niya sa mga ito bago sila nagyakap. “O paano, sissie? Maghihiwalay na tayo ha. Mag-ingat ka papunta sa ospital,” ani sa kanya ni Valerie kaya tumango siya rito. Haplos siya nito sa ulo bago siya iniwan. Nakangiti siya sa mga kaibigan nang mag-umpisa ang mga iyon na maglakad papalayo. Lumingon pa ang nga iyon at kumaway. Tutulungan niya ang mga kaibigan niya para magkaroon ng mga sariling pera. Marunong na si Lovely na magpatakbo ng salon kaya baka iyon na lang ang ibigay niya sa tatlo, magkakasosyo. Gasino na iyon sa pinanalunan ng Papa niya. All out naman ang tatlong bakla kapag siya ang nangangailangan. Kahit na hindi siya literal na nagsasabi o humihingi ng tulong, nariyan ang mga ito para tulungan siya, kahit na sa totoo naman ay pare-parehas lang silang nangangailangan. Diretso na siya sa pagpara ng jeep nang makarating siya sa may waiting shed. Baka sa mga susunod na buwan ay hindi na siya magtityagang sumiksik sa jeepney na madalas ay pwet na lang niya ang nakasiksik, na sa tuwing pumipreno ang sasakyan ay todo kapit siya dahil nawawala siya sa pwesto at nahuhulog sa upuan. Magbago man ang lahat sa buhay niya, isa lang ang hindi niya babaguhin, ang parating maging mapagkumbaba kahit na nakakaangat na siya sa buhay. … Hawak ni Haze ang buhok ni Gwyn habang ang babae ay nakatalikod sa kanya. He pulled her hair as he shoved his d**k deeper into her p***y. “Agh, babe!” ungol nito kaya mas lalo pa niyang hinila ang buhok nito. “s**t! s**t! s**t!” she exclaimed when he slapped her butt. Maririin at sagad ang bawat pag-ulos niya pero ang laman ng pesteng isip niya ay ang ticket ng basurerong si Juanito, nasa kanya. Suddenly, he’s been thinking whether he’ll give that man the jackpot prize. Agad niyang itinanong sa ama niya kung sino ang nagbayad sa ticket at pera raw iyon ng ama niya. He didn’t tell his parents that Juanito’s numbers won the jackpot. “Ahhhh, deeper Haze! I’m….coming…” ungol ni Gwyn pero sa kalagitnaan ng pag-ulo niya ay biglang may kumatok nang malakas sa pinto niya. Wala siyang marinig na boses pero hinugot niya kaagad ang p*********i niya, saka siya umalis sa likod ng girlfriend. “Ah s**t! Why did you stop?” bwisit na tanong nito sa kanya pero tahimik niyang isinuot ang roba. Is it right for him to say that he was expecting a knock on his door that day? “I think this is important,” aniya lang sa babae. Dismayado itong naupo sa kama at walang pakialam sa kahubaran. Ano nga ba naman ang ikahihiya ni Gwyn sa kanya? Kulang na lang sa kanila ay basbas ng simbahan o ng huwes. Sa daming beses nilang nagtatalik, ang kulang na lang sa kanila ay anak. “More important than my o****m?” papairap na tanong nito pero nakangiti niya itong nilapitan at hinalikan sa labi. “Babe, the poor old man who used to collect our junks here won the lottery jackpot, billion but I have the ticket. Papa paid for it,” nakadukwang na sabi niya rito. “Don’t give them anything. They aren’t fortunate enough to have it. Imagine, why would an idiot like him give the numbers to Tito Joseph? I mean…” Gwyn dilated her eyes, “The luck isn’t theirs, okay. It’s as simple as that because they don’t have the money to pay the bet.” Nagkibit balikat ito at medyo natahimik siya, nakatitig sa girlfriend. “Look, babe,” she said and caged his jaws, “That is a hefty sum of money. That will make something in your business.” Haze nodded. Sa mundo ng sugal at negosyo ay parating panalo ang mga magagaling at mautak. Hindi ri naman uso sa bokabularyo niya ang salitang awa. Gwyneth’s right. Nasa kanila ang swerte at wala sa lalaking basurero. “Wait here, babe. I’ll check downstair,” paalam niya sa babae. He held her hand and guided it towards her inner thigh. “For now, finish what we started,” aniya saka siya mabilis na tumalikod dahil walang tigil ang tao sa pintuan ng kwarto niya. He opened the door and looked at the person who’s knocking. It’s one of their housekeepers. “Senyorito, may naghahanap po sa Papá niyo,” ani Adela sa kanya, “Naroon ho sa gate at ayaw daw umalis.” “Who?” walang emosyon na tanong niya. “Iyon hong basurero na si Mang Juanito. Importante raw ho na makausap niya ang Papá niyo.” “No need,” nilagpasan niya ang babae, “I’ll speak on my father’s behalf.” Halos tumakbo ang katulong sa paghahabol sa malalaking hakbang ni Haze, papunta sa elevator. “P-Papapasukin ko ho ba, senyorito?” nakatingin sa kanya si Adela. Isang tango ang isinagot niya rito bago sumara ang pinto ng elevator. Nakita niyang tumakbo pa si Adela papunta sa hagdan. Nauna pa rin siya kay Adela syempre dahil galing pa ito sa fourth floor. Nakapameywang lang siya habang nasa sala, naghihintay na marating ng runner na si Adela ang labas ng mansyon. He was looking at the monitor. Nakahawak ang lalaking basurero sa gate nila at nakasilip sa loob ng bakuran. Tumikal ito roon at nag-umpisang magpalakad lakad. Kung saan ito pumunta ay pumipihit naman ang camera na nakakabit sa poste. After a while, Adela was already there. Napatigil ang lalaki sa kakaparoon at parito, umaliwalas ang bigong mukha. Maya-maya ay pumasok iyon sa gate, kasama ang kasambahay. Haze stood still, waiting until the maid slid the wooden door and came in. Nakita niyang nagtanggal ng tsinelas si Juanito Dimagiba at hawak ang wangbu na sumbrero, puno ng tagiptip. “Magandang araw ho,” anito sa kanya at nakangisi, “Gusto ko sanang makausap si Don Joseph." Sinenyasan niya si Adela na umalis na. Nang lumayo iyon ay saka siya nagsalita. “Wala si Papá pero nandito ako. Tungkol ba saan?” Kumamot ito sa ulo, “Ah dun sa pinahiram ko sa kanya.” Nangunot ang noo ng binata, “Pinahiram? Anong hihiramin ng Papá ko sa katulad mo?” diretsong tanong niya sa lalaki at nawala ang ngisi nito. Sinuri niya ito mula ulo hanggang paa, “Wala ka namang pera. Wala kang kahit na ano. Anong hihiramin sa'yo ng ama ko?” Daig pa niya ang naging mala higante sa mga oras na iyon dahil tingin niya ay lalong nanliit sa sarili ang kaharap. That’s his style if he wants to win on something. He intimidates his opponent and he studies their weaknesses, attacks them by stating what they lack and be victorious. “Nasa kanya ang numero ko sa lotto,” anito na wala ng kangiti-ngiti at mukhang pikon sa kanya. Lalong nangunot ang noo niya “Hindi naman nahihiram ang numero.” “Hindi mo naiintindihan, Mister Valle. May usapan kami ng ama mo na kapag nanalo ako bibigyan ko siya.” Tumikwas ang labi ni Haze at umiling na tila nang-uuyam, “Bibigyan? Ikaw, magbibigay sa kagaya namin? Kami nga ang nagbibigay sa inyo.” Bumuntong hininga ito at tila bwisit na sa kanya, “Babalik na lang ako kapag narito na si Don Joseph. Daig ko pa ang kausap ay rebulto.” “Walang makikipag-usap sa iyo na Don Joseph dahil wala kang pinanalunan na kahit na ano, Dimagiba. What we own, we own. Wala kang karapatan ni singko sa kung ano ang meron kami.” “Ano?!” nanlaki ang mga mata nito at napalakas ang boses, “A-Anong walang karapatan? Numero ko ang nanalo sa Lotto. H-Hindi naman numero yun ng ama mo. Kung wala ang numero ko, walang panalo.” “Kung wala rin tiyaga ang ama ko sa pagpila at pagtaya sa lotto outlet kahit na abot sa kabilang ibayo ang pila, walang mananalo ng jackpot sa lotto. Si Papá ang pumila, siya ang nagbayad, nasa kanya ang ticket kaya siya ang nanalo,” kibit balikat niya at sukat doon ay nagtagis ang mga bagang nito. “Hindi mo pwedeng gawin ‘yan! Iyan ang inaasahan ko! Huwag kang maging ganid!” sigaw nito sa maluha-luhang mga mata pero sinenyasan niya ang mga tauhan na humarang nang tangkain nitong lumapit. “Negosyante ako, Dimagiba at hindi ako umuuwi na talunan,” he said with finality and walked away. “Sandali! S-Sandali! Hindi pwedeng ganito! H-Hindi iyo sa iyo!” Haze just shut his sense of hearing. Hindi siya marunong maawa. Kung parating pinaiiral ang awa, hindi lalago ang negosyo nila. He terminates his employees who weren’t contributing to his company, or the ones who weren’t productive. Kailangan ng mga iyon ang trabaho pero naman kailangan din ng kumpanya niya ang mga magagaling na empleyado kaya wala siyang pakialam sa mga wala namang ambag sa pagyaman niya. “Sandali!” Tuluyan siyang sumakay sa elevator para bumalik sa itaas. He doesn’t have time talking to a beggar inside his house. ¤¤¤ Aligaga na si Lacey dahil gavi na ay wala pa ang ama niya sa ospital. Hindi niya alam kung nakidnap na iyon kahit na wala pa namang pera at hindi pa ganap na Don Romantiko. “Nasaan na ba ang Papa mo? Aba, ni anino mula umaga ay hindi ko nakita. Iteks mo nga,” ani Ignacia sa dalaga kaya tumango siya. Kanina pa siya text nang text at tumatawag na nga siya pero wala namang sagot. Hindi na lang niya sinabi sa nanay niya dahil baka lalo lang itong mag-alala. “Tingnan ko sa labas, Ma.” Tumango agad ito sa kanya, “Mabuti pa nga dahil baka mamaya ay tumimbuang na pala sa gutom. Kaya ko naman mag-isa.” Tumalikod siya at tuluyang lumabas ng kwarto. Aabangan na lang niya ang Papa niya sa labas ng ospital. Alam niyang tungkol sa jackpot ang inaasikaso ng Papa niya kaya lang sarado na naman ang mga opisina sa oras na alas otso ng gabi. Ang haba ng leeg ni Lacey paglabas niya ng lobby ng ospital. Nakatanaw kaagad siya sa kalsada kung saan napakaraming sasakyan ang dumaraan, hanggang sa mapansin niya ang pamilyar na bulto ng lalaki. Pesteng salamin niya sa mata. Palibhasa ay hindi na napapalitan kaya ang labo na rin na sobra. Pinaliit niya ang mga mata at parang nakikilala niya talaga ang bulto ng ama niya. Hindi siya pwedeng magkamali. Daig pa nito ang binali na katawan ng kamote sa kinauupuan nitong plant box. Agad siyang kumilos at halis tumakbo papalapit dito pero laking gulat niya nang makita na umiiyak ang ama niya. “Juanito Dimagiba,” aniya sa ama na kaagad naman na napaangat ng tingin. Gulat nitong pinahid ang mukha at tigalgal sa kanya. “B-Bakit? B-Bakit narito ka?Ang mama mo walang kasama.” Hindi niya pinansin ang mga sinasabi nito. Hindi siya sanay na nakikita na lugmok ang dati ng lugmok na pagkatao ng ama niya. Nakikita niya ito sa ganoong itsura ay kung may mabigat na problema. “Napaano ka?” seryosong tanong niya sa Papa niya. “W-Wala anak.” “Anong inasikaso mo maghapon at kumusta?” “W-Wala akong inasikaso,” anito sa kanya pero nakayuko. “Juanito Dimagiba, hindi ka nagsasabi ng totoo sa anak mo,” aniya rito at nangatal na ang boses niya dahil yumuyugyog na ulit ang mga balikat ng Papa niya. “P-Pasensya ka na anak ko pero hindi na matutuloy ang pagiging prinsesa mo. Wala akong panalo,” anito na napahagulhol na. Tigalgal siya sa bagong bersyon ng istorya ng Papa niya. Hindi siya naniniwala rito. Anong hindi ito nanalo samantalang hinimatay ito. Totoo na nanalo ito pero may problema. “Papa,” naupo siya sa harap ng ama at pilit niyang sinilip ang mukha nito. Tumingin naman ito sa wakas sa kanya sa luhaang mga mata. Parang hindi lang nayanig ang pagkatao nito, parang basag pa. “Papa, magsabi ka ng totoo sa akin. Anong nangyari?” she shook her father’s arm. A very soft shaking of his head was the answer to her question. “Papa kasi, hindi ako manghuhula,” napakamot na ang dalaga sa ulo niya. “Pinuntahan mo ba si Don Joseph?” Tumango si Juanito sa anak. “O, nakausap mo ba?” Umiling naman ito, “Iyong poging anak ang naroon pero wala na tayong pag-asa anak. Ayaw niyang ibigay sa atin ang panalo sa jackpot.” “Ano?!” ang lakas ng boses ng dalaga at napatayo pa siya sa harap ng Papa niya. “Hindi yun pwede, Papa!” garalgal ang boses na sabi niya. Wala na siyang nakuhang sagot mula rito. Tingin niya ay wala ng nakikitang pag-asa ang ama niya. Meron nga ba? Her father doesn’t have the ticket. Who would even say that the numbers belong to him? Diyos lamang ang nakakaalam ng katotohanan, at maling-mali na ang Papa niya ay nagtiwala sa ibang tao. “Tingin mo ba anak may pag-asa pa tayo kung harapan ng sinabi sa akin nung batang lalaki na wala akong makukuha ni singkong duling? Inaari nila ang jackpot. Wala silang ibibigay at tingin ko ay iyon ang desisyon nila. Minaliit pa ako, anak.” Umusbong ang galit ni Lacey nang makita niyang muling yumuko ang Papa niya. Alam niyang nainsulto ito na sobra. Hindi balat sibuyas ang ama niya pero kapag halos buong pagkatao na nila ang idinamay ay lumalambot ito. Pakiramdam kasi nito ay ito ang pinakamiserableng tao sa mundo at pati sila ng nanay niya ay damay pa. “Umayos ka nga, Papa. Hindi pa tapos ang laban,” matapang na sabi niya rito pero ito ay walang sagot. “Suko ka na agad, Papa?” naiiyak ulit na tanong niya. “Tingin ko nasa anak na ang ticket dahil alam ng panalo ang numero. Ibig sabihin ay doon na ipinagkatiwala ni Don Joseph ang lahat, at wala na tayong pag-asa.” Halos humagulhol ng iyak ang Papa niya. Diyos ko. Nahaplos na lang niya ito sa ulo at kahit na siya man ay tumulo rin ang mga luha. Hindi siya makapapayag na ganoon na lang. May karapatan sila at hindi pwedeng ipagdamot ng demonyong anak ng mga Valle ang parte nila sa jackpot!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD