Kabanata 4

2857 Words
Kabanata 4 Tulala si Lacey sa ina niyang natutulog habang ang laman ng isip niya ang sitwasyon ng pag-aaral niya ngayon. Hindi niya pwedeng sabihin dito ang lahat dahil baka iyon na ang ikautas ng nanay niya. Pababa nang pababa ang platelets nito at araw-araw monitored, umaga at gabi. Nagmulat ito ng mga mata kaya ngumiti siya kahit ang bigat-bigat ng kalooban. Sa Papa na lang muna niya sasabihin ang lahat pero saka na lang. “Kumain ka na?” tanong ni Ignacia sa kanya. Tumango siya kahit na hindi pa naman dahil wala siyang gana. “Kakain ka na, Ma?” tanong naman niya rito. “Kakakain ko pa lang, anak. Napaidlip lang ako, kakain na naman? Ang Papa mo nasaan? Kanina ko pa hindi nakikita ang lalaking yun,” anitong tumingin sa pintuan. Kinuha nito ang pamunas sa ilong dahil may kaunti ng pagdurugo ang nanay niya. Hindi na lang niya iyon pinagtuunan ng pansin kahit na sa loob niya ay nag-aalala siya. Sanay na siyang magpakatatag mula pa lang pagkabata kaya nakasanayan na rin nila ang hindi pagpapakita ng kahinaan sa isa't isa, kahit na ba madalas naman ay bibigay na talaga sila. “Ewan ko nga, Ma. Kanina nakasalubong ko galing sa chapel. Sobra-sobra siguro ang pagdarasal para sa bola ng lotto.” Ngumiti ang Mama niya kahit na kaunti, “Ang Papa mo talaga, parang asawa na rin ang lotto. Binata pa yun talagang napakahilig ng tumaya.” “Sabi nga niya, kapag tumama siya, donya ka na,” natatawang sabi niya pero sumirit sa isip niya ang pagkawala ng scholarship niya. Natahimik siya nang di namamalayan. “Anak, may problema ba?” seryosong tanong ni Ignacia sa kanya pero agad siyang lumabi at umiling. “W-Wala, Ma. S-Syempre nag-aalala ako sa'yo kaya ako nalulungkot. Ikaw pa naman ang best Mama in the world kaya ayoko na may sakit ka. Walang nagluluto samin ni Papa ng sinangag sa umaga.” Ngumiti ang Mama ni Lacey sa kanya at hinaplos ang ulo niya. Yumakap naman siya sa braso nito at idinikit ang pisngi niya roon. “Gagaling din ako. Hindi ko kayo iiwan ng Papa mo.” Those words made her eyes teary. Bigla na lang na ang matigas na si Lacey ay nanghina. Ang tapang-tapang niyang ipinag-pedal ang Mama niya para maisugod sa ospital pero sa loob niya ay nanlalambot pala siya na mawalan ng nanay. Di bale ng mahirap ang buhay basta ang mga magulang niya ay kasama niya. Sana nga gumaling na ang nanay niya sa sakit nito dahil hindi niya alam ang gagawin kapag bumaba pa nang bumaba ang platelets nito kaysa sa normal na bilang. Hindi siya handang mawalan ng kahit na alin sa mga magulang niya. She loves her parents so much and she’s struggling a lot to finish her studies for her parents. She wanted to give them a decent place to live and a nice shelter. Gusto niya ay tumira sila sa isang matibay na bahay, hindi iyong tuwing bumabagyo ay kulang na lang pati na sila ay ilipad din papuntang ibang planeta. Gusto niyang pakainin ng masasarap na pagkain ang mga magulang niya, hindi iyong kahit na may mahahalagang okasyon, tulad ng Pasko ay tuyo pa rin ang nasa hapag nila. Lacey knows that it’s not necessary to have a feast during those special days. Mahalaga pa rin ay malakas sila at walang sakit, kaya lang ay gusto rin naman niyang mag-celebrate. Nararamdaman niya ang paghaplos ng Mama niya sa ulo niya kaya naman parang ibinabalik nun ang nawawala niyang lakas ng loob. She inhaled deeply after a shortwhile and smiled. She composed her shattered determination. She’ll stand up. She’s a Dimagiba. “Ma, hanapin ko lang saglit si Papa dahil baka nakidnap na yun,” aniya sa ina nang iangat niya ang ulo. Nakangiti na tumango si Ignacia sa kanya. “Sige na at baka mawalan tayo ng Don Juanito.” Napahagikhik siyang tumayo. Pumihit siya at nakita ang isang pasyente na daig pa ang mamamatayin. Iniiwas na lang niya ang paningin sa lalaking kasama nila sa kwarto. Halos sampung tao siguro ang nasa loob ng kwarto na iyon , at kahit na parang hirap din siyang gumalaw ay wala naman siyang magawa. Hindi naman sila mayaman para mag-inarte siya. Naglakad si Lacey papalabas ng pintuan at samo't saring ingay ang naririnig niya. Ang bawat pasyente ay may kanya-kanyang hinaing o hugot sa buhay. …. Babe: Guess what, babe? Dad already kicked out that rubbish’s ass off his scholarship list. That’s what Haze read from his phone, after picking it up. He’s doing his office work even at home to finish everything on time. Nagpahinga lamang siya saglit dahil masakit na ang mga mata niya, nang umilaw naman ang smartphone para sa text ng girlfriend niya. Natulala siya roon saglit. Gumuhit sa isip niya ang imahe ng babaeng kailan lang ay nabangga siya. Naka-face mask iyon at may suot na denim na sumbrero kaya hindi niya masyadong naaninag ang mukha. If he’s not mistaken, that woman is Lazy. Iyon lang naman ang kaisa-isang babae na pumapasok sa subdibisyon nila, anak ng mag-asawang mangangalakal, anak ng mga Dimagiba. Poor young lady for messing up with his girlfriend. Hindi na siya nagtataka kung ang buong kinabukasan nun ay sira na sa mga oras na iyon na nakasagutan si Gwyneth. Hindi na niya mabilang kung ilang artista o ilang mga negosyante, aplikante ang nawalan ng career dahil sa pakikipagsagutan sa isang Gwyneth dela Cerna. Gwyn isn’t just simply Gwyn. She has her ways to eliminate her enemies and destroy their future. She’s always victorious. Sa kaso ni Lazy Dimagiba sa girlfriend niya, hindi na rin siya nagtataka kung nabangga nun si Gwyn. Siya nga ay halos nabangga rin noong naraang araw, mabuti na lang ay nahawakan niya ang sidecar ng pedicab at saka niya itinulak. Too late for him to realize that a girl was riding and peddling. Kaysa naman siya ang masaktan. f**k no! Hindi puwedeng masaktan ang isang Haze Valle. Hindi siya ipinanganak na si Haze kung masasaktan lamang siya. Another message came in. Babe: Damn you! Answer my text message! Naarko ang mga kilay niya nang mabasa iyon. Saglit lang naman siyang napatulala pero namura na siya. Ang bilis pa naman na uminit ng ulo niya kapag minumura siya. He never enjoys being cursed. His father never cursed him. Si Gwyn lang ang gumagawa nun sa kanya kaya madalas na nag-aaway sila. He always gets his p*****t whenever it happens, and he claims it in bed. What follows after the message was a call. Tumatawag na ang babae at malamang ay kung anu-ano na ang ibibintang sa kanya. Salubong ang mga kilay na sinagot niya ang tawag, “Stop damning me, Gwyn. You know I don’t like it,” matigas na sabi niya rito. “Then why weren’t you answering my text? Where the hell are you?” tanong nito na mas mataas ang boses. “The hell where I am right now is home. I just read your text message and still reading it when you called. I hate explaining myself, Gwyn. You can never use your tricks on me like the way how you use them to other people,” dismayadong sabi niya sa babae na natameme naman sa kabilang linya. Inis na inilapag niya ang sign pen at saka siya tumayo, hilot ang kilay. He turned on the television and saw the lottery draw on the TV screen. “Come here. I want you here, tonight,” Gywn demanded him and so he just pursed his lips. Nakatingin pa rin siya sa telebisyon hanggang sa gumalaw ang mga mata niya sa ticket ng lotto na nakaipit sa may libro. Hindi kawasa ay kinuha niya iyon at balewala na sumandal. He’s still unable to catch up the things that his girlfriend says. “Haze!” bulalas nito sa kabilang linya pero tulala siya sa pagbola. … Lumagpas si Lacey sa istasyon ng nurse kung saan parang sabungan iyon na pinag-uumpukan ng mga tao. May bola siguro ang Lotto kaya ang daming nakasilip sa telebisyon, samo't saring amoy ang mga tao roon at kahit siya ay napalukot ng ilong pero bumalik siya nang makita ang naaagnas na buhok ng ama niya, nalalagas pala. Medyo wala na kasing buhok iyon sa tuktok, naubos na siguro ng stress at hirap kumita ng pera para mabuhay sila. “Pa,” bulong niya sa ama pero tulala ito sa telebisyon. Kahit na siya ay tumingin din doon. Limang numero na ang naka-flash sa screen ng TV at isa na lang ang hinihintay para makumpleto ang winning number. Inaabangan tlaaga ng lahat ang bola dahil sa laki ng jackpot. “Winning number, the last digit is…” anang taga-bola ng Lotto, pinasu-suspense pa ang pagkakabunot sa huling bola. Nakanganga ang Papa niya at pati mga mata ay napakalalaki. Daig pa nito ang nastroke na monumento ni Rizal sa Luneta Park. Kinalabit ni Lacey ang ama, “Pa…” “Handa na ba ang ating next bilyonaryo?” tanong ng tagabola ay parang tuod naman na tumango ang Papa niya. “16!” Sigaw ng bumubola. Bigla na lamang tumimbuang ang ama niya sa kinatatayuan nito kaya anong tili naman ng dalaga. “Diyos ko! Papa! Papa! Tulong!” aniya sa nagdadaldalan na mga tao dahil hindi tumama ang mga iyon sa Lotto. Anong saklap naman na natumba na siguro ang ama niya dahil sa gutom. Dalawa pa siguro ang mau-ospital. Ano na lamang ang ibabayad niya sa bills? “Papa ko!” inalog niya ang ama at maagap naman ang mga nurses na sumaklolo. Isinakay sa stretcher ang Papa niya at dinala sa emergency room. Nagkagulo ang mga naroon at alerto naman ang duktor na tumingin sa mata ng ama niyang nakasara. Kapagkuwan ay bigla itong nagmulat habang tutop naman niya ang bibig at hindi mapakali. “Papa!” bulalas niya at maiyak-iyak na siya sa nerbyos. Lumabas lang siya para sana bumili ng mainit na sabaw para sa ina niya pero ang pasaway niyang ama ay hindi na yata kumain ng tanghalian at hindi pa rin naggagabihan. “N-Nasaan ako,” lilinga-linga ito sa paligid. Lintik! Napaawang ang labi ni Lacey. Nagka-amnesia pa yata ang pasaway niyang tatay dahil nabagok ang ulo sa sahig. “Diyos ko! May amnesia ka? Sino ka? Anong pangalan mo?” tanong niya rito habang hawak ito sa labikat at halos alugin niya. “A-Ako si…” napatingin si Juanito sa duktor, sa nurse at sa kanya. Lahat sila nakanganga, naghihintay ng sagot. “Ako si Don…” anitong nag-iisip. “Don?” nasapo ni Lacey ang noo at saka siya nagparoon at parito. Naletse na! Nawalan pa yata ng alaala ang ama niya. Ito raw si Don. Nabagok lang ay naging si Don romatiko na. Kulang na lang dito ay bigote na mukhang sungay ibabaw ng nguso. “Don Juanito Dimagiba,” seryosong sabi nito habang nakatitig sa isang parte ng dingding at proud na proud sa pangalan na binigkas. Mukha itong nakatuntong sa alapaap. Nakahinga nang maluwag si Lacey. Walang amnesia ang tatay niya. Salamat naman sa Diyos! Nayakap niya ito at ito naman ay niyakap din siya. “Bakit ho ba kayo nahimatay, tatang? Nahilo ho ba kayo o ano?” tanong ng duktor kay Juanito. “Oo duktor nahilo ako sa samo't saring amoy siguro at saka hindi ako gaanong kumain kaninang tangali.” “Kaya naman ho pala. Sa susunod ho kumain kayo nang maayos,” anang duktor habang pinakikinggan ang dibdib ng Papa niya. Nakatingin lang siya sa sa dibdib nito pero nang mapasulyap siya sa duktor ay sa kanya ito nakatingin, sa mukha niya. Lacey felt a bit shy for a moment. Pakiramdam niya ay namula nga siya dahil sa titig nun sa kanya. Hindi pa naman katandaan ang duktor, na may nakadikit sa damit na, Dr. Dizon. “Ikaw ang bantay sa pasyente sa ward 101, di ba?” tanong nun sa kanya kaya tumango siya. “Opo duktor. Bakit po?” takang tanong naman ng dalaga at kukurap-kurap siya sa lalaki. “I just noticed you,” ani lang nito kaya tumango naman siya at muntik pang mapakamot. Nahihiya siya dahil nasa harap siya ng Papa niya. Hindi naman siya sanay na may kausap na lalaki sa harap nito. Matibay din kasing gwardiya ang ama niya. Kapag may mga party sa eskwelehan, nakadungaw ito sa gate at nakahawak pa roon na parang presong naghihintay na makalaya. “Obserbahan mo si Tatay. 48 hours, kapag walang pagsusuka, hindi siya matamlay, hindi antukin, hindi na kailangan na ipa CT scan. Probably by now if he’s not feeling well, may makikita na tayong sintomas, first is vomiting.” Tumango-tango ang dalaga. Ngumiti sa kanya ang duktor at siya naman ay napakurap na naman. “What’s your name?” “L-Lacey po,” aniya at lalo itong ngumiti, “S-Salamat po duktor. Ibalik ko na lang po si Papa kapag hindi siya maayos.” Tumingin siya sa ama at dali-dali niya itong pinababa sa stretcher dahil nakangisi ito. “Bigatin naman naman ang mga humahanga sa'yo anak, duktor!” bulalas ni Juanito kaya marahas niya itong nahila papalayo. “Papa naman, humahanga kaagad? Kinausap lang naman ako.” “Lalaki ako anak! Saka talagang ang lebel mo ngayon, pang duktor, abogado, piloto, marino, negosyante at bilyonaryo!” Napakunot ang noo ni Lacey sa ama. Hindi kaya naapektuhan na ang ulo nito dahil sa pagkabagok? Kailangan siguro itong ipa-CT scan. “Ano bang pinagsasasabi mo Papa?” Takang tanong niya rito. Ngingisi-ngisi ito sa kanya kaya napatigil siya sa paghakbang. “Saan mo gustong tumira anak? Sa palasyo ba? Anong gusto mong kotse, feiry?” “Ferrari, Papa,” marahas niyang kinamot ang ulo, “Gusto mo na bang magpa-CT scan? Kung makangisi ka daig mo pa ang tumama sa lotto.” Lalo itong bumungisngis at hinila siya papalapit. Isinandal siya nito sa pader. “Diyan ka para hindi ka himatayin. Mayaman na tayo. Tumama tayo sa lotto. Tumama iyong numero ko,” bulong nito kaya naman ngumiti siya at sinalat ang noo at leeg ng sariling ama. “Papa, ilan ang taas ng lagnat mo?” Marahas din itong kumamot sa ulo, “Anak naman. Mahirap bang paniwalaan ang sinasabi ng Papá mo?” Nanlaki ang mga mata ng dalaga at napatawa siya nang malakas. Papá with accent ang pagkakasabi ng ama niya. Ang lakas ng tama ng pagkakabagok nito ng ulo sa sahig. Diyos ko. Ano ng nangyayari sa ama niya? Daig pa nito ang nakahithit ng isang kilo ng shabu. “Diyos ko naman Papa. Adik ka ba? Alam mo ba a—” aniya rito pero tinakpan nito ang bibig niya. “Hindi ako adik. Tumama ako sa lotto. Mayaman na tayo. Ang ticket naroon kay Don Joseph pero numero ko iyon anak. Ipinakisuyo ko sa pagmamadali kong makarating ako rito sa ospital. Totoo ang sinasabi ko kahit na ipaputol ko pa ang tinggil ng nanay mo. Pupuntahan ko siya bukas na bukas at kakausapin. Kukunin ko ang jackpot anak. Bilyonarya ka na! Pakabitan mo na lang ng isandaang tinggil ang nanay mo!” bulalas nito kaya napanganga siya. Maluha luha na ito sa pagkakataon na iyon. “Peksman?” “Peksman tubuan man ako ng tinggil sa noo!” anito kaya lalong lumaki ang mga mata niya. Hindi na siya makaapuhap ng mga salita lalo na nang yakapin siya ni Juanito at halik-halikan sa noo. “Prinsesa na talaga ang anak ko. Bilyonarya na ang kaisa-isa kong anak na maganda at matalino sa lahat. Mayaman ka na. Hindi ka na uulam ng toyo. Sa iyo iyon lahat!” anito kaya hindi nya rin namalayan na pumatak na ang mga luha niya. Susko! Mukhang totoo ang sinasabi ng Papa niya. Kahit na kailan ay hindi ito nagbiro tungkol sa lotto, at sa tono nito ay mukhang hindi ito nagbibiro talaga. “Diyos ko, Papa. Sure ka ba na ano…na yun talaga ang tumama…yung numero mo?” hindi mapakaling tanong niya pero ito ay ngisi-ngisi, nakamasid sa kanya. “Huwag kang hihimatayin,” anito pa kaya umiling siya. Napaiyak siya habang nakangiti at wala sa sariling nayakap niya ang ama. Yumakap ito pabalik sa kanya kaya napahikbi siya. Hindi siya makapaniwala sa katotohanan na sinabi nito sa kanya. Alam niya kung gaano kalaki ang jackpot sa lotto at kahit apo niya ay kayang buhayin ng perang iyon, kahit na hindi magtrabaho. Makakaag-aral na siya kahit walang scholarship. Sa bagay na iyon siya pinakanatuwa. “Huwag mo munang sabihin sa mama mo. Baka may makarinig sa atin kidnapin ka. Mahirap na mawala ang bilyon natin. Doon na tayo titira sa subdibisyon ng mga mayayaman.” Naglalakbay na ang isip at diwa ni Lacey at hindi na niya pinapansin ang sinasabi ng Papa niya. Mayaman na sila. Totoong mayaman na sila. Parang maiiyak siya na hindi niya mawari. Tapos na ang paghihirap nila at sisiguruhin niya na hindi masasayang ang perang napanalunan ng Papa niya. Hindi dapat sila maging tulad sa mga tumama sa lotto pero bumagsak din ang mga buhay. She has to be wiser.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD