Hindi ko alam kung gaano katagal kami naglalakad roon. Napunta kami sa lugar kung saan glow in the dark ang mga d**o kaya kita na namin ang daan.
Nakakamangha ang ganda ng liwanag na hatid ng mga d**o at idagdag mo pa ang mga aliptaptap na lumilipad sa paligid.
"ganda" manghang sabi ko at hindi maiwasang mangiti
Sinilip ko si Aidan na tila nagulat rin sa itsura ng paligid. Nakarinig ako ng kaluskos kaya napalingon kami. Natuod ako ng makakit ng mga baboy ramo. Hindi sila mga normal na baboy ramo sa mundo ng mortal. May mga mahahaba at matutulis itong sungay na gawa sa metal. Matutulis atm mahahaba rin ang kuko nito.
"sh*t!" bulalas ni Aidan at agad ako hinila palayo
Pero mabilis tumakbo ang baboy ramong iyon. Nagulat ako ng yakapin ako ni Aidan.
"o-o-oy chansing ka pre!" sabi ko habang pilit kumakawala
"kapit!" sigaw niya at bigla siya nagkaroon ng pakpak na gawa sa apoy
Mabilis kami na lumipad sa ere. Nakahinga kami ng maluwag na tila nakalayo kami sa baboy ramo.
Pero tila na stock kami rito sa ere.
"a-a-anong meron?" tanong ko kay Aidan
"hindi ako makagalaw na parang dumikit tayo sa isang bagay" sabi ni Aidan
Natuod ako ng makakita ng walong mata na nagliliwanag sa dilim.
"h-h-higanteng gagamba" tili ko at lalong napayakap kay Aidan
Napalaki ng gagambang iyon.
Nagpaulan ng bolang apoy si Aidan sa direksyon ng gagamba. Hanggang sa matusta ito ng matamaan ng isang bolang apoy.
Kinuha ko ang punyal sa aking likuran at pinutol ang sapot na kumapit sa kanya kaya hindi kami makaalis
Nang matagal ko iyon ay bumulusok kami pababa.
"waaaaaah!" pikit matang sabi ko
Pagmulat ko ay nakalutang kami at nakalabas na muli ang apoy na pakpak ni Aidan.
"pangit mo" nagpipigil tawang sabi niya
D@mn! Natakot ako para sa wala. Dahan dahan kami lumapag. Kung siguro hindi ko kasama si Aidan ay hindi ko mararating itong kinalulugaran namin.
Bigla natuon ang tingin ko sa puno na nagliliwanag sa lahat.
"oh my gosh!" tili ko at agad na tumakbo palayo
"Aidan! We did it!" tili ko muli habang nakaturo sa puno
"I did it" bagot niyang sabi na para dinidiin na siya naman talaga ang gumagawa ng paraan kanina pa
Akmang pipitas ako ng pigilan ni Aidan ang kamay ko at alerto sa buong paligid.
"may bantay ang punong ito" sabi niya habang nililibot ang kanyang tingin
Nagulat ako ng binuhat ako palayo ni Aidan at tumama ang kuryente sa aming kinatatayuan kanina.
Bumaba ang isang kuting sa sanga ng puno. Tila naistorbo namin ang tulog nito.
"ito yung tinutukoy na electric cat?" tanong ko "pero wala naman bantay ang barrier fruit sa mga nakasulat sa libro"
Umupo ang pusa at tinitigan kaming mabuti pero mas tumagal ang titig nito sa akin kaya napalunok ako.
May tila hugis butuin ang nakatatak sa noo ng pusa.
"huwag mong maliitin ang pusang iyan Naomi" sabi ni Aidan "kapag tinamaan ka ng kuryente niya ay maaaring kang maging abo"
Napaatras ako roon dahil humakbang palapit sa akin ang pusa. Kumapit ako sa braso ni Aidan at tinulak siya palapit sa pusa.
"long time no see" sabi ng isang boses
Imposible kay Aidan nagmula iyon.
"ako ang nagsalita" sabi muli ng boses na iyon
Nabaling ang tingin ko sa pusa "ang laki mo na pala Naomi" sabi ng pusa sa akin na ikinalaglag ko ng panga
Tinuro ko ang pusa "waaah! Nagsasalita siya!" tili ko "kilala niya ako! Waaah!"
Inirapan ako ng pusa.
"kumuha ka na ng barrier fruit" nguso ng pusa sa puno
Tumango ako at kumuha ng isa pero sinabi ng pusa na damihan ko na. Pero mas nagulat ako ng tumalon ito at tumungo sa aking ulunan.
"let's go" sabi ng pusa
"anong let's go?" takang sabi ni Aidan
"tapos na ang pag-iintay ko dito" kibit balikat na sabi ng pusa "kailangan ko na tuparin ang aking tungkulin"
"anong tungkulin?" tanong ko
"ang bantayan si Naomi Lockheart" nanlaki ang mga mata ko "ako ang iyong guardian simula ng ipinanganak ka"
Nakakagulat ang sinabi niya pero mas nagulat ako na alam niya ang totoo kong pagkatao na isa akong Lockheart.
Bigla ako nataranta dahil nandito si Aidan. Ang daldal ng pusang ito.
"hindi Lockheart ang apelyido niya" sabi ni Aidan
Bago may masabi pa ang pusa ay tinakpan ko ang bibig nito. Pinanlakihan ko rin ng mata para tumahimik.