Nagising ako na nasa puting kwarto. Hindi ko maigalaw ang aking mga braso. Nang tignan ko iyon ay lapnos ang aking balat.
"Naomi" nag-aalalang tawag ni Cielo na nasa tabi lang pala ng aking bed
Nilibot ko ang tingin. Wala rito si Aidan.
Nanlaki ang mga mata ko ng maalala ang nangyari. Paniguradong mas malaki ang pinsala ni Aidan kaysa sa akin.
Pero nawala lahat ng aking pag-aalala ng makita si Aidan na pumasok sa pinto ni walang galos.
"you're lucky he protect you from the explosion" sabi ng isang babae "I'm Heal" pakilala niya
Tinignan ako ng masama ni Aidan.
"may nasaktan ba bukod sa akin?" tanong ko kay Heal
Hindi kaya ng konsensiya ko kung may nasaktang iba dahil sa akin. Umiling siya sa akin bilang sagot kaya nakahinga ako ng maluwag.
"naubusan ng mahika si Heal kaya mamaya na lang niya ipagpapatuloy ang paggamot sa iyo" sabi ni Citron
Tila nakonsensiya naman ako dahil si Heal ang nahihirapan lalo sa aking sitwasyon.
Malakas na bumukas ang pinto at pumasok ang aking mga pinsan.
"idiot" sabi ni Jija
Agad lumapit sina Yuan at Kuya Tyler sa aking bed.
"d@mn it Naomi! You should tell them na wala kang alam sa ganitong bagay! You're risking everybody!" sermon ni Kuya Tyler sa akin
"anong wala siyang alam?" tanong ni Cielo
Tumikhim si Yuan "she live in mortal world kaya bago lang lahat sa kanya rito" sabi ni Yuan
Natahimik sila.
***
Ilang araw ako nasa clinic ng Echantasia. Siguradong tambak na namanang gawain ko sa headmaster office.
Hanggang ngayon ay wala pa rin nakakaalam ng pagkamatay ni lolo. Ang sabi sa akin ni Kuya Tyler na makakasanhi lang iyon ng kaguluhan sa academy kapag nalaman nila na wala na si lolo.
"siguradong okay ka na?" tanong ni Yuan dahil palabas na ako ng clinic
"yep" maikli kong sagot
Hindi ako makatingin sa kanila dahil malaking g**o ang aking ginawa. Ilang araw na hindi nagamit ang potion room dahil ilang araw ito inayos ng constructive magic.
"ayos lang iyan Naomi" pat ni Yuan sa ulo ko "lahat naman tayo nagkakamali para matuto"
Nangilid ang luha ko.
Hinatid niya ako sa dorm pagkatapos. Tila natatakot ako magpakita sa lahat dahil sa nangyari.
Pero kinabukasan ay si Jija ang sumundo sa akin kaya hindi ako nakatanggi. Lahat ay nakatingin sa akin.
"gosh! Alam niyo ba na wala siyang alam?!"
"what a loser!"
"kung ganoon ay hindi niya rin alam ang kanyang mahika?"
"kung meron nga siya nun"
"paano siya nakapasok kung wala naman pala siyang mahika?"
"who knows? Baka inakit ang isa sa mga prinsipe"
Napakuyom ako ng kamay. Kailangan ko maglagay ng memo sa buong Echantasia na huwag pag-usapan ang ibang estudyante. Gosh!
Pinag-urong ako ng upuan ni Kuya Tyler. Tahimik lang kami kumain.
Tungkol sa paggamit ng mahika ang klase ngayon kaya naisipan ko na huwag na lang muna na pumasok.
"alam niyo kung nasaan ako" mahalugan kong sabi kina Yuan na sinagot nila ng tango
***
Nagtungo muli ako sa likod ng painting. Si lolo ang kailangan ko sa ganitong panahon.
"Naomi" nakangiting bungad sa akin ni lolo
Napaiyak ako. Kinukwento ko ang nangyari.
"wala kang kasalanan" sabi niya "dahil sa nilihim namin ang iyong pagkatao ay kami ang may kasalanan"
Lumakad siya palapit sa akin "karamihan ng estudyante rito ay tinuruan na ng mga ganoong bagay mula pagkabata at pinagkait namin iyon sa iyo"
"paano ako haharap sa kanila ngayon? Hiyang hiya ako sa nangyari" nakanguso kong sabi
"tanggapin mo ang resulta ng iyong kasalanan at gumawa ng paraan para itama ito" iyon ang huli niyang sinabi bago naglaho muli
Biglang may lumangitngit. May isang pintuan na nagbukas. Nang magtungo ako roon ay laking gulat ko na napakadami ng mga libro.
Itama ang pagkakamali. Siguro kailangan ko mag-aral para hindi maulit ang mga nangyari.
********
"ano kayang mahika ang meron ako?" bulong ko
Argh! Baka may alam si lolo! Sinubukan kong itanong iyon pero nginingitian lang niya ako.
'alamin mo' sabi niya
Nakakainis!
"Naomi" tawag ni Yuan na may dalang merienda "hindi ka kumain kaya dinalhan kita"
Ngumiti ako saka nagpasalamat.
"mukhang nasasanay ka na sa kwartong ito" nakangiting sabi ni Yuan
"yep" sagot ko "mahirap ang maging ulo ng ganitong kalaking academy pero dahil ramdam ko ang pagpapahalaga ni lolo rito ay gumagaan na rin ang mga gawain ko"
***
Papasok ako ngayon pero puro rookie tournament ang aking naririnig. Ito yata yung pagraranking sa mga estudyante batay sa kanilang kahusayan sa mahika.
Sa kasawiang palad lahat ay required na sumali.
"mukhang alam nila na wala akong laban" bugtong hininga ko
Humahangos na lumapit si Yuan sa akin at bigla akong hinila.
"bakit?" tanong ko
"emergency" sabi niya
Nagpatangay na lang ako. Nakita ko ang kumpulan ng estudyante malapit sa isang gubat rito sa Echantasia. Malayo ito sa pinakasentro ng academy.
"a student killed inside the academy" sabi ni Jija na nasa tabi ko
Nanlaki ang mga mata ko "paano? Nandito ang light protector" sambit ko
"patunay lang ito na humihina na ang sakop ng light protector" irap niya "hindi na kaya ang lugar na ito"
Napanganga ako.
"the barrier fruit" bigkas ko
Nabasa ko iyon sa isang libro roon sa kwarto ni lolo.
"yes we can use that but the fruit has guardian" sabi ni Yuan
"guardian?" wala naman akong nabasang ganoon tungkol sa libro
"may isang electric cat na nagbabantay ng puno na namumunga ng barrier fruit" sabi ni Yuan "delikado"
Napakagat labi ako. Hindi ko pwedeng hayaan na may sumunod na mamatay sa mga estudyante rito.
***
Agad na napagtakpan nila ang nangyari kaya naiwasan ang magpanic ang karamihan.
Ngayon ay inayos ko ang aking flashlight at mga kung ano na pwedeng gamitin sa gubat.
Gabi na at marahil ay tulog na ang lahat ng lumabas ako ng dorm. Tutunguhin ko ngayon ang black forest na nasa kaliwang bahagi ng Echantasia. Isa ito sa mga pinagbabawal na lugar dahil may mga naninirahan ng mga mababangis na hayop roon.
Hawak ko ang mapa habang patungo ng black forest. Hanggang nasa tapat ko na ang black forest. May nakalagay na 'keep out' sa mismong daanan. Nakakadena rin ang gate. Walang choice kundi akyatin ang gate.
Umakyat ako roon. Hanggang sa makalapag ako sa lupa. Napalunok ako na may eerie na tunog ang buong gubat.
"do you know how dangerous this forest?" isang baritonong tono ang nagsalita sa aking likuran
Napanganga ako ng makilala siya.
"A-A-Aidan?" gulat kong sabi "kanina ka pa diyan?"
"kanina pa kita sinusundan pero mukhang lutang ka para hindi mo ko maramdaman" bagot niyang sabi
Napatapal ako sa noo "bumalik ka na sa loob" sabi ko sa kanya at tinutulak pabalik
Pero hindi man lang siya natinag.
"bahala ka diyan" sabi ko saka naglakad na sa black forest
Sobrang dilim roon kaya siyempre tinawag itong black forest dahil hindi nasisinagan ng araw ang loob nito.
Nilibot ko ang flashlight na hawak ko pero tila wala ito epekto sa sobrang kadiliman. Hanggang sa matumba ako na tila napatid sa isang ugat rito.
"aw" bulalas ko saka pilit na tumayo pero mukhang nabitawan ko ang flashlight na dala ko
Nanginig ako sa takot habang nililibot ang tingin.
Gusto ko lang naman tumulong pero mukhang dito na ako matatapos. Napatili ako ng nagkaroon ng apoy na malapit sa mukha ko.
"tss" bulalas ni Aidan na siya pala ang may gawa ng apoy
"sinundan mo ko?" gulat kong sabi "delikado rito!"
"alam mo palang delikado rito" irap niya sa akin "konsensiya ko kung hahayaan kita kaya sumunod ako"
Sabagay. Hinawakan niya ako "babalik na tayo" sabi niya
Nanlaki ang mga mata ko. Binigatan ko ang mga paa ko "hindi pwede!"
"delikado rito!" singhal niya
"hindi nga pwede! kapag hindi ako nakakuha ng barrier fruit mas delikado ang mga estudyante!" hiyaw ko
Pansin ko ang pagkunot ng noo ni Aidan sa aking sinabi. Stupid mouth of mine! Paano kung matuklasan niya ang problema ng academy at malaman ng lahat.
Napahilamos tuloy ng kamay sa aking mukha.
"what do you mean?" tanong niya
"nevermind" sabi ko saka tumalikod sa kanya tapos kumuha ng kahoy
Tinalian ko ng tela ang dulo saka nilagyan ng apoy ni Aidan.
"talagang itutuloy mo?" hindi makapaniwalang sabi ni Aidan
"yes" sabi ko saka nagpatuloy maglakad
Narinig ko na nagmumura sa likod si Aidan. Hanggang maramdaman ko na nakasunod pa rin siya.
Hindi na lang ako umimik.