Magic 7

816 Words
Mabilis kami nakabalik sa gate ng black forest sa tulong na rin ni Zepheir, yung electric cat. Pero laking gulat ko na makita na nakapameywang si Jija at nakahalukipkip sina Kuya Tyler at Yuan na tila kanina pa sila nag-aabang roon. Pasikat na rin ang araw. Umakyat na kami sa gate. Napalunok ako sa matalim na tingin ng aking mga pinsan. "you made us worried Naomi" seryosong sabi ni Kuya Tyler Napakagat labi ako "nakakuha ako ng barrier fruit" saka pinakita ang laman ng isang bag ko Nagulat sila pero lalong sumama ang tingin nila sa akin. "alam mo ba kung gaano kadelikado ang iyong ginawa?!? Paano kung hindi ka lumabas diyan ng buhay!" sermon muli ni Kuya Tyler Napaatras tuloy ako sa takot sa kanya. "para saan ba ang barrier fruit?" singit ni Aidan na nakapamulsa sa aking tabi Mukhang hindi nila siya napansin at hindi ko rin siya naalala. "I'm with her" sabi muli ni Aidan na makita ang gulat sa mukha nila Nakahinga bigla sila ng maluwag. Biglang bumaba si Zepheir mula sa aking ulunan. Napaatras ang mga pinsan ko ng makilala ang pusa. "Naomi! Bakit pati yung electric cat ay inuwi mo?" natatakot na turo ni Jija sa pusa Binuhat ko si Zepheir "sumama siya pabalik" sagot ko *** Nandito kami ngayon sa mansyon. Nagulat ako na nandoon si Tita Erin na agad ako niyakap ng mahigpit. "Naomi!" bulalas niya habang nakayakap sa akin "pinag-alala mo ko!" Napakagat labi ako dahil nandito si Aidan na nakasunod sa akin. "nagkita na pala kayo" bulong na sabi niya na ngayon nakabaling kay Aidan "anong nagkita?" tanong ko Ngumisi siya "nakalimutan mo na ba yung pangatlong kondisyon ni papa" bulong niya Ano ang kinalaman ni Aidan? Biglang parang may nagbell sa aking utak. Nanlalaki ang mga mata ko. Siya? Siya yung gustong ipakasal sa akin ni lolo? "don't worry wala pa siyang alam dahil sa tayo pa lang ang nakakaalam ng pagkamatay ni papa" sabi ni Tita Erin saka ako nginitian "long time no see Zepheir" bati ni Tita Erin ngayon sa pusang dala ko "sila na ba ang mga anak mo?" tanong ni Zepheir kay Tita Erin Tumango si Tita Erin bilang sagot sa tanong ng pusa. "ma? Kilala niyo ang pusa" tanong ni Kuya Tyler "wait! Nagsalita yung pusa!" Natawa ako sa itsura ng tatlo ng marinig magsalita si Zepheir. "well kaibigan siya ni papa" sabi ni Tita Erin "matalik silang magkaibigan" Ganun? *** Naglalayuan ang mga estudyante tuwing napapadaan ako. Kita ang takot nila sa pusang ginawang kama ang aking ulo. Sinubukan hawakan ni Cielo si Zepheir pero kinagat lamang ni Zepheir ang kanyang kamay kaya napanguso siya. May nilabas na libro si Citron. "siya ang pusa na kasama ni Master Vivo Lockheart sa digmaan noon" basa niya Tumango tango si Zepheir. Napakunot ang noo ni Citron sa libro. Nagbaling baling ng tingin si Citron kay Zepheir tapos sa libro. "bakit?" tanong ko Iniharap niya ang libro. May larawan na nandoon ang bata pa na si lolo at isang leon na may pakpak. Ang leon sa larawan ay ang tinutukoy na si Zepheir o mas kilalang electric cat. Ang layo ng itsura ng Zepheir na kilala namin mula sa larawan. "that's my battle form" nguso ni Zepheir sa larawan "wow" ang tangi kong nasambit "parang gusto kong makita ng personal" Ngumisi ang pusa at may kuryenteng bumalot sa katawan niya. Agad ako nilayo ni Aidan kay Zepheir. Hanggang sa boom naging leon siya sa aming harapan. Napatili ako sa saya at niyakap si Zepheir. "ang cute mo!" komento ko Nilipat ni Citron ang pahina ng libro "nangako ka sa napiling pamilya ni Master Vivo ka lamang maglilingkod?" kunot noong tanong ni Citron kay Zepheir Nastiff ako roon. "hindi naman kamag-anak ni Master Vivo si Naomi ah" komento ni Cielo Nagkatinginan kaming magpipinsan. Buti na lang ay nagbell kaya nagsitayuan na kami. "tara baka malate tayo" yaya ko sa tatlong lalaki Bumalik naman sa pagiging pusa si Zepheir at nagtungo sa aking ulo. *** "limang fruit barrier ang nilagay sa labas" sabi ni Kuya Tyler "pero hindi masyado tumatagal ang epekto ng fruit barrier" Ganun? Kung ganun ay kailangan namin mag-isip pa ng ibang paraan. "may kilala akong witch na pwedeng tumulong sa inyo" singit ni Zepheir Nabaling ang tingin ng lahat sa kanya. "saan namin siya matatagpuan?" tanong ni Jija "sa Mount Olympia" sagot ni Zepheir Napakataas ng bundok na iyon dahil limang beses mas mataas ito sa Mount Everest. Kaya tinagurian rin ang bundok na iyon na God's peak. "ako ang pupunta" sabi ni Kuya Tyler Umiling si Zepheir "kaunti lang ang pinag-uunlakan niya" sabi niya saka bumaling sa akin "tulad ng headmistress" Tinuro ko ang sarili ko "ako ang pupunta?" tanong ko "walang iba" sabi ni Zepheir "maaari kitang samahan naman" Nakahinga ako ng maluwag roon. "gaano tatagal ang paglalakbay?" tanong ko "aabutin tayo ng dalawang linggo" sagot ni Zepheir Nanlaki ang mga mata ko "hindi ko pwede iwanan ang academy ng ganoong katagal" "wala bang ibang paraan?" tanong ni Yuan Nag-isip si Zepheir "may apo siya na dito nag-aaral" sabi niya "maaari niya tayong tulungan" "paanong tulong?" tanong ko "may abilidad siya na teleportation" sabi ni Zepheir Teleportation? I see... "kung tatawagin natin ang estudyanteng iyon ay malalaman niya lahat ng ating sikreto" sabi ni Jija "hindi ba delikado iyon?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD