bc

Enchantasia: The Academy of Magic ✔

book_age12+
17.4K
FOLLOW
125.6K
READ
possessive
time-travel
tragedy
comedy
bxg
mystery
betrayal
enimies to lovers
supernatural
special ability
like
intro-logo
Blurb

May tatlong hiling ang pumayapa niyang lolo. Ang una ay pamahalaan niya ang academy na itinayo nito. Pangalawa, lumipat sa academy bilang isa sa mga estudyante. At ang pangatlo ay magpakasal sa taong hindi niya kilala at hindi pa nakikita.

Hindi niya magawang tumutol dahil kapag umayaw siya sa isa sa mga kahilingan ay ipagigiba ang academy na pinaghirapan itayo ng lolo niya. Masyado niyang mahal at iniidolo ang lolo niya kaya buong puso niya tinanggap ang kahilingan nito.

Akala niya sa pangatlong kahilingan lang siya mahihirapan. Iyon pala ay hindi magiging madali ang lahat. Dahil hindi isang ordinaryong academy ang Enchantasia. Isa itong academy for Magic users.

chap-preview
Free preview
Magic 1
Pagkatapos ng aking klase ay agad ko inayos ang aking mga gamit sa dalang back bag. Marami sa aking mga kaklase ang napapalingon sa aking gawi pero hindi ko initindi iyon. Lagi ganito ang ginagawa ko sa tuwing araw ng Biyernes. Hindi dahil sa start na naman ng weekend para sa mga tulad kong estudyante. Ito ay dahil tuwing araw ng lamang ng Biyernes bumibisita ang aking lolo sa aming bahay. Ang aking lolo ay nagmamay-ari ng isang akademya. Minsan na rin niya ako inudyok na lumipat doon pero dahil ayoko makatanggap ng special treatment bilang kanyang apo ay ilang beses ko iyon tinanggihan. At ang isa pang dahilan kaya ayokong lumipat sa kanyang akademya ay tila may iba akong pakiramdam sa lugar na iyon kahit hindi pa ito napupuntahan. Hindi nagtagal ay natanaw ko ang aming tahanan. Kung ilalarawan ko ito, isang simpleng bahay ito na gawa sa bato ng isang ordinaryong pamilya. May kaunting bulaklaking halaman na tinanim sa labas si mama na nagbibigay sigla sa imahe ng aming tahanan. Marami nga ang nagtataka tuwing malalaman nila ang estado ng buhay ng aking lolo dahil nanatili pa ring ordinaryo ang aming pamilya. Napatigil ako sa aking paglalakad nang mapansin ang isang hindi pamilyar na sasakyan sa harapan ng aming bahay. Alam ko na hindi ito pagmamay-ari ng aking lolo. Wala naman akong kilalang mayaman na kaibigan sina mama para magkaroon ng ganoong magarang sasakyan. Nagpatuloy na lamang ako sa pagtungo sa aming bahay dahil baka sa bisita lamang iyon ng aming kapitbahay. “I’m home!” Masayang sigaw ko mula sa labas at inaasahan ang masayang bungad sa aking ng aking mama o ni lolo. Napakunot ako ng noon dahil nagdaan ang ilang segundo ay walang sumalubong sa akin. Paghawak ko sa seradura ay bigla ako nakaramdam ng masamang kutob. Lalo ako kinabahan nang makarinig ng mga hikbi sa loob ng bahay. Hindi ako pwede magkamali nasi mama ang umiiyak. Agad ko binuksan ang pintuan at agad hinanap ang aking mama. Nakita ko siya na nakaupo habang inaalo ng aking papa. Tila natuod ako sa aking kinatatayuan  at hindi ko alam ang gagawin dahil ito ang kaua-unahang beses ko na makitang umiyak ang aking mama. Nakaramdam ako ng mga tingin na nakatuon sa aking gawi. Sa aking paglingon sa mga kaharap nina papa ay bumungad ang apat na hindi pamilyar na tao. Ang isang ginang sa kanila ay may pagkakahawig kay mama samantalang kasing-edaran ko naman ang tatlo niyang kasama na dalawang lalaki at isang babae. Pinutol ko sandali ang pakikipagtitigan sa kanila at pasimple kong nilibot aking tingin na tila umaasa na nandito na rin si lolo. Ito yata ang unang beses na mahuli si lolo sa pagbisita sa amin. “Hija, maupo ka muna.” Seryosong sabi ng ginang na may pagkakahawig kay mama. Nagtataka man kung sino sila ay sinunod ko ang nais niya. Dahan dahan ako umupo sa tabi ng aking mama nang hindi muli inaalis ang tingin sa kanila. Pagtingin ko sa isa pang babae na kasama nila ay matalim ang tingin na ginagawad niya sa akin. Sino kaya sila? Tumikhim ang ginang at pasimpleng siniko ang babaeng kasama nila na ikinatigil sa pagbibigay ng matalim na tingin sa aking gawi. “Ako nga pala ang Tita Erin mo. Kapatid ako ng iyong ina.” Pagpapakilala ng ginang sa kanyang sarili. “At ang mga kasama ko naman ay mga anak ko.” Lalo ako naguguluhan sa sinabi niya. Wala akong ideya na may kapatid si mama at may mga pinsan rin ako. Hindi rin naman ito nababanggit sa akin ni lolo. Kung inililihim ito nina mama at lolo, bakit naman kaya? Pilit ako ngumiti sa kanilang lahat kahit naguguluhan talaga ako. “N-Nice meeting you po. Ako nga pala po si Naomi Veneficia.” Pagpapakilala ko. Naramdaman ko ang mahianang pagtapik sa balikat ko ni Tita Erin at napansin ko na medyo nangingilid ang mga luha sa kanyang mga mata. “Mas maganda sana ang una natin ang pagkikita, Naomi.” Naiiyak sambit niya. “Sana sa hindi naging ganitong dahilan.”   “P-P-Po?” Hanggang sa tumulo na rin ang mga luha sa mga mata niya at inaalo na rin siya ng mga anak niyang lalaki. “Namatay na si papa, hija.” Umiiyak niyang sambit. “Na-ambush siya habang papunta rito sa inyo kanina.” Kung papa niya ang namatay, ibig sabihin ay papa rin ni mama. Kung papa iyon ni mama, ibig sabihin si lolo ang tinutukoy niyang namatay. Si lolo ang tinutukoy niya… Hindi nagtagal ay kumawala rin ang mga luha sa aking mga mata. Wala nasi lolo. Wala na siya. Lalo ako napahagulgol ng iyak nang maalaala ang mga araw na kasama ko siya. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng isang paa na siyang gumagabay at sumusuporta sa akin. Naramdaman ko na pati ako ay niyayakap ni papa at inaaalo kasama ni mama. Nang mahimasmasan kami ni mama mula sa pag-iyak ay inabot ng isang anak na lalaki ni Tita Erin ang isang gintong folder kay papa. Tumingin muna sa akin si papa bago kinuha sa aking pinsan ang inaabot na gintong folder. Nang una ay tahimik lamang binasa ni papa ang laman nito hanggang sa rumehistro sa kanyang mukha ang pagkagulat at sobrang pagtutol. “This is insane.” Tutol ni papa. “Bakit ang anak ko pa? You have a daughter too, Erin.” Dahil sa may pagka-usisera ang aking karakter ay lihim ko na sinilip ang laman ng gintong folder habang abala ang aking papa sa pakikipagtalo kay Tita Erin. Sa taas nito ay may indikasyon kung ano ang nilalaman nito. Last wishes ni lolo kapag namatay na siya. Napakunot ang noo dahil tila aware si lolo sa mangyayari sa kanya para makagawa ng ganitong mga kahilingan. May tatlong wishes na ipinangalan sa akin si lolo. Una, gusto niya na mag-aral ako sa kanyang akademya na itinayo. Napabuntong hininga ako dahil mukhang ginamit pa ni lolo ang kanyang kamatayan para mapalipat ako sa akademya niya. Mukhang hindi na ako makakatanggi ngayon dahil isa ito sa kahilingan ng namayapa kong lolo. Pangalawa, gusto niya na ako ang pumalit sa kanya sa pamamahala ng maiiwan niyang akademya. Hindi naman yata masyadong bilib si lolo sa aking leadership skills para iwan sa aking mga kamay pinaghirapan niyang akademya. Masyado rin akong bata para mamahala agad ng isang akademya. Nandiyan naman si Tita Erin o si mama para pumalit sa kanya. Saka tingin ko naman na kaya rin naman pamahalaan ng mga pinsan kong mga lalaki ang akademya kaya bakit ako pa? At ang pangatlong kahilingan. “No way!” Tutol ko sa huling kahilingan ni lolo na ikinalingon nina Tita  Erin at papa sa akin. Ano naman klaseng biro ito, lolo? Nakalahad na kapag hindi ko ginawa ang isa sa mga huling kahilingan niya ay i-de-demolish ang akademya. Hindi naman yata kakayanin ng konsesiya ko na mawala lang ang pinaghirapan niyang itinayo na akademya. Napatapal ako ng kamay sa aking noo at pilit sini-sink-in ang tatlong kahilingan sa akin ni lolo. Wala naman ako masyadong problema sa dalawang una niyang kahilingan. Iyong pangatlong kahilingan ay isa nang malaking kalokohan. “Hindi naman sa pinipilit kita, hija.” Nagsusumamong sambit ni Tita Erin. “But you know what would happen to the academy if you disagree. Hindi mo pa siguro nakikita sa ngayon pero napakahalaga ng akdemya na itinayo ni papa.” Napakagat labi ako. Buong buhay ko ang nakataya sa ikatlong kahilingan ni lolo. Bakit naman kasi ang huling kahilingan ni lolo ay magpakasal ako sa lalaking hindi ko pa nakikita o nakikilala?   ******** Hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot habang nag-aayos ng aking mga gamit. Sa araw na ito rin ako isasama para makalipat sa akademya bilang isa sa mga estudyante. Ngayon lamang ako mapapahiwalay kina mama at papa ng sobrang tagal. Ayon kay Tita Erin, sa akademya naninirahan ang mga estudyante at isang beses sa isang buwan lamang pinapayagan sila na umuwi.   “Naomi, anak.” Malungkot at nangungulilang pagtawag pansin sa akin ni mama. Kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata dahil matagal tagal kami hindi magkikita. Ngunit nang una akala ko ay siya ang unang tututol sa mga kahilingan ni lolo. Nakakapagtaka na tila agad siyang sumang-ayon lumipat agad ako sa akademya. “Ma, ayokong umalis.” Naiiyak kong sabi. “Kanina lang binalita sa akin na wala na si lolo tapos ngayon mapapahiwalay naman ako sa inyo.” Niyakap ako ni mama nang mahigpit. “Alam ko na nabibigla ka sa nangyayari pero ang mas nakakabuti sa iyo, anak.” Naiiyak na rin niyang sabi. “Kaya kung anuman ang matuklasan mo sa akademya, nilihim namin iyon para sa iyong kabutihan.” Naguguluhan akong tumingin sa mga mata ni mama. Bakit tila may ibang ibig sabihin ang sinabi niya? “Kanina ka pa inaantay ng mga pinsan mo sa baba.” Pag-iiba niya ng aming pinag-uusapan. “Huwag mo silang pag-intayin.” Pagbaba namin ay agad na kinuha ng pinsan kong lalaki nasi Kuya Tyler ang mga bag na aking daldahin at ipinasok iyon sa kanilang dalang sasakyan. Tanging mga pinsan ko lamang ang makakasama ko sa pagpunta ng akademya. Si Tita Erin kasi ang mag-aasikaso ng aking mga papeles sa aking paglipat ng school kaya maiiwan siya pasamantala kasama sina mama. “Please take care my daughter.” Bilin ng aking mama sa aking mga pinsan. “Don’t worry, Tita Daphne. Kami po ang bahala sa kanya sa akademya.” Kompiyansang sagot ni Kuya Tyler na ikinagaan ng loob ng aking mama. Nilingon muli ako ni mama. Binuka niya ang kanyang bibig pero agad niya rin itong itinikom. Alam ko na may gustong siyang sabihin sa akin pero mas pinili niyang huwag sabihin ito sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan mabahala sa kakaibang asta niya bago ako umalis. Magiging ayos lang kayo sila rito? Hanggang sa pinaandar na ni Kuya Tyler ang kanilang sasakyan. Nakatingin lamang ako sa pigura nina mama at papa hanggang sa tuluyan ko na sila hindi matanaw. Ramdam na ramdam ko ang pamimigat ng aking dibdib sa biglaang pagkawala ni lolo at pagkalayo ko sa aking mga magulang. Natatakot ako dahil wala akong kasiguraduhan sa magiging kapalaran ko sa loob ng akademya ni lolo, ang Enchantasia. “Dapat talaga si Kuya Tyler ang ginawang headmaster.” Biglang sambit ng aking pinsang babae nasi Jija. Ramdam na ramdam ko ang pagkadismaya sa kanyang tono. “Wala naman siyang alam tungkol sa akademya.” “Jija...” Saway sa kanya ng kapatid na si Yuan. “Lahat tayo ay nagdadalamhati sa pagkawala ni lolo pero bilang mga makakapamilya sa loob ng akademya ay kailangan natin magkasundo sundo. Isipin mo na lang na isa ito sa huling kahilingan ni lolo.” Inis na naghalukipkip ng kanyang mga braso si Jija at pinasadahan ako ng matalim na tingin. Napayuko ako ng aking ulo at nilaro ang lalaylayan ng suot kong blue shirt. Naiitindihan ko naman ang ikinagagalit ni Jija. Wala naman talaga akong alam sa akademya ni lolo. Hindi ko nga rin maitindihan kung bakit sa akin nga ipinasa ang pamamahala nito. Batay lamang sa personalidad ni Kuya Tyler, magaling itong lider kaya mas karapat dapat siya sa posisyon na inatang sa akin. “Pasensiya ka na kay Jija.” Paghingi ng paumanhin ni Yuan para sa inasta ng kanyang kapatid na si Jija. “Brat man iyan, promise mabait iyan kahit kaunti.” Sinamaan tuloy ng tingin ni Jija ang kapatid na si Yuan. Lihim tuloy ako natawa sa kanilang magkakapatid. Magkakapatid sila pero iba’t iba ang mga ugali. Lumipas ang anim na oras na pag-biyahe. Ramdam ko ang pag-init ng aking pang-upo sa tagal namin sa loob ng sasakyan. Gusto ko man magbago ng upo ay hindi ko magawa dahil baka magising ko ang natutulog nasi Jija. “Nandito na tayo.” Natatawang anunsyo ni Kuya Tyler na tila napansin ang problema ko sa tagal ng biyahe. “Welcome to Enchantasia, Naomi.” Pagsilip ko sa labas ng sasakyan ay halos malaglag ang aking panga sa sobrang pagkamangha. “Ito ang akademya ni lolo?” Hindi ko makapaniwalang sambit. Malayong malayo ito sa aking inaasahan. Mas mailalarawan ko na isa itong palasyo kaysa sa isang akademya. Halos masilaw ako sa pagningning ang buong lugar. Kahit gate nito ay gawa sa ginto. Paniguradong yayaman ang sinuman makakuha ng kaunting parte ng gate na iyon. “Pakisara nga iyang bibig mo.” Pangtataray sa akin ni Jija na tila nagising ko kaya agad ko naitikom ang aking bibig sa sobrang pagkamangha.   Pagkaparada ng sasakyan ni Kuya Tyler ay agarang bumaba at umalis si Jija. Nahihiyang napakamot na lang batok si Kuya Tyler sa inasta ng kanyang kapatid tungo sa akin. “Sigurado ka ba na gusto mo sa dormitoryo? Pwede ka naman sa mansyon namin.” Nag-aalalang tanong ni Kuya Tyler habang tinutulungan ako ibaba ang aking gamit mula sa kanilang sasakyan. “Oo, doon muna ako.” Mayroon kasing mansyon na pinagawa si lolo para sa aming magpipinsan. Ang kwento pa nga ni Yuan ay matagal nang may ipinahanda si lolo na kwarto sa akin sa mansyon. Ayoko naman na makatanggap ng special treatment dahil isa ako sa mga apo ng may-ari ng akademya kaya mas pinili ko na manirahan sa dormitoryo tulad ng mga karaniwang estudyante. Kahit sina Kuya Tyler at Yuan ay pinakiusapan ko na huwag ipaalam na pinsan nila ako. Si Jija ay agad na sumang-ayon sa aking pakiusap dahil siya mismo ay ayaw niya malaman ng iba na magpinsan kami. Sukong napabuntong hininga si Kuya Tyler at may inabot na isang maliit na pouch sa akin. “Nandiyan ang class schedule, dorm key, student’s guidebook at map ng buong school na makakatulong sa iyo.” Paliwanag ni Yuan. “Sure ka na ayaw mong magpahatid sa dorm?” “Okay na ako.” Pagtanggi ko sa alok nila na ihatid ako. “Sige. Salamat sa paghatid. See you around.” Kinuha ko ang aking mga bag at nagsimula nang hanapin ang aking dorm. Maraming estudyante ang napapalingon sa aking gawi na para bang alam nila na bago lamang ako. Sabagay sa layo at liblib ng kinalulugaran ng akademya ay marahil kaunti lamang ang nakakaalam nito. Ito siguro ang dahilan kaya magiging malimit ang magkaroon ng bagong estudyante. Medyo nahirapan ako sa paghahanap ng dorm sa laki ng buong akademya. Tinignan ko ang manual na isa sa mga nasa loob ng pouch. Nakasaad doon na sa cafeteria ay sabay sabay na kumakain ng agahan, tanghalian at hapunan ang mga estudyante. Gusto kasi ni lolo na sabay sabay na kumain ang mga estudyante na parang isang pamilya. Kung buhay pa si lolo, mas gugustuhin ko na siya mismo ang maspasyal sa akin sa buong Enchantasia. Nakakalungkot lang dahil sinayang ko ang lahat ng pagkakataong iyon noong buhay pa siya. Napakamot ako ng batok nang hindi mahanap ang dorm. Mukhang masyado ko minaliit ang laki ng Enchantasia para tanggihan ang alok nina Yuan na ihatid ako sa dorm. Ngayon ay hindi ko alam kung saan parte ako ng akademya naroroon pero tila napadpad ako sa isang hardin. “Wow!” Tanging nasambit ko nang makita ang gaganda ng mga halaman na nakatanim sa hardin na ito.  Alagang alaga ang mga halaman sa buong hardin. Napukaw ng isang bulaklak ang aking atensyon. Namumukod tangi ang ganda ng bulaklak na iyon sa buong hardin. Nilapitan ko iyon at akmang hahawakan ko ito nang may isang kamay na pumigil sa akin. “Huwag mong hahawakan ang halamang iyan kung ayaw mo pang mamatay.” Seryosong sabi ng isang baritonong boses na puno nang pagbabanta. Sa aking paglingon sa nagmamay-ari ng boses at sinalubong ako ng mga berdeng mga mata. May nag-aaral pa lang mga foreigner sa akademya. Hindi na nakakapagtaka dahil sa itsura at lawak nito ay mga mayayaman ang makakapag-aral. “Sorry.” Paumanhin ko. “Masyado akong nagandahan sa bulaklak na iyan. Saka ngayon lang rin ako nakakita ng ganyang uri.” Hindi ko lang maitindihan kung paano nasabi niyang nakakamatay ang halaman na iyon kapag hinawakan ko. Siya kaya ang nag-aalaga nito at ayaw lamang niya na mahawakan ito ng iba. “Sorry for scaring you.” Nahihiyang paumanhin niya at tinignan ako nang matagal na tila kinikilala ako. “Bago ka lang ba rito?” Tipid akong ngumiti. “Oo. Bago lang ako rito.” Nahihiyang pag-amin ko. “Oh.” Natatawang sambit niya. “Kaya pala.” Napakunot ako ng noo sa kanyang sinambit. “I’m Citron, by the way.” Pagpapakilala niya saka naglahad ng kanyang kanang kamay. “N-N-Naomi, Naomi Veneficia.” Pagpapakilala ko rin at inabot ang kanyang kamay para makipag-shake hands. “Citron, sabi ko na nandito ka lang sa tambayan mo.” Sambit ng isang bagong dating na lalaki na natigil sa kanyang paglalakad na mapansin na kasama ako ni Citron. “May chicks ka pa lang kausap.” Nang-aatig niyang dagdag. Kinuha ng bagong lalaki ang kanang kamay ko at hinalikan ang likuran nito. Kita ko ang pagtataka niya dahil may suot akong leather gloves sa aking parehong kamay pero binalewala na lamang niya iyon. “Hi miss. I’m Cielo. Kaibigan nga pala ako ni Citron.” Pakilala niya at kumindat pa sa akin. Nangilabot ako sa kanyang ginawa kaya agad ko inagaw sa kanya ang aking kamay. Humagalpak tuloy ng tawa si Citron sa ginawa ko kay Cielo. “Wala ka pala, Cielo.” Pang-aasar pa niya sa kanyang kaibigan. Napanguso na lamang si Cielo. “Bakit mo nga pala ako hinahanap?” Pagtatanong ni Citron kay Cielo. “Tol, namiss kasi kita.” Malokong sabi ni Cielo. “Pakiss nga.” Nandidiring itinulak ni Citron palayo sa kanya si Cielo. “Damn, tigilan mo ko sa kalokohan mo.” Patuloy lang sa pang-aasar si Cielo kay Citron. Akmang iiwanan ko na sila nang sabay silang humarang sa aking harapan. “Loko ka, Cielo. Muntikan na tuloy na tayong iwanan ni Naomi.” Saway ni Citron kay Cielo. Naguguluhang tumingin ako sa kanilang dalawa. “Hindi mo mahanap ang dorm mo di ba? Hindi ka kasi basta lang mapadpad sa hardin na ito.” Tanong ni Citron. “Kaya ihahatid ka na namin.” Akmang tatanggi ako dahil hindi ko pa sila lubusang kilala. “Hep! Hep! Bawal tumanggi baka saang lupalok ka pa ng Enchantasia mapadpad. Tsk! Tsk! Napaka-delikado.” Saway sa kanya ni Cielo. Mukhang walang ibang choice kundi tanggapin ang alok nila.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

POSSESIVE MINE

read
975.4K
bc

SILENCE

read
386.5K
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
188.1K
bc

Tainted Hearts (R-18) (Erotic Island Series #4)

read
321.8K
bc

My Secret Agent's Mate

read
118.5K
bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
204.4K
bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
328.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook