Magic 4

809 Words
Hapon na ng matapos ko ang mga papeles sa aking opisina. Nakaramdam ako ng gutom kaya naisipan ko sa canteen na dumiretso. Pagdating ko naman roon ay nakita ko na nandoon na ang mga kaibigan ko at kumakain. Nang mapansin ni Cielo ang pagdating at agad siyang kumaway sa akin bilang pagbati. Pilit akong ngumiti saka lumapit sa kanila at naupo sa upuang binakante nila para sa akin. "Naomi, absent ka buong araw..." nag-aalalang sabi ni Citron, "Masama ba ang loob mo dahil naging palaka ka kahapon?" Mabilis na iniling ko ang aking ulo. "Hindi iyon! May importante lang ako ginawa kanina na hindi ko nagawa kahapon," sabi ko saka nagsimulang kumain. Tila naitindihan nina Kuya Tyler ang ibig kong sabihin. Nang matapos akong kumain ay paalis na sana ang magkakapatid. "Teka lang," pagpigil ko sa kanila na makaalis Agad na man sila at tumigil ay nagtatakang napalingon sila sa akin. Alam nila na hindi ko sila lalapitan kung wala akong kailangan. "M-May kailangan lang akong sabihin sa inyo," makahulugang dagdag ko pa. Nagtatakang tumingin sa akin sina Cielo at Citron dahil sa biglaang tila pagiging malapit ko sa tatlo. "Sige" seryoso na pagpayag ni Kuya Tyler "Tara sa mansyon " Tumango ako at tumayo na rin sa pagkakaupo para sumama sa kanila patungo sa mansyon. "Teka teka! Isama niyo kami!" taas kamay pang sabi ni Cielo na akala mo nagboboluntaryo. Tumingin ako sa tatlo para iparating na hindi sila maaari namin na isama. "Sorry but you can't join us," taas kilay namang sagot ni Jija na ikinahaba ng nguso ni Cielo. *** Pagpasok namin sa mansyon ay pinaupo nila ako kung saan nila ako nilagay noong naging palaka ako. "Tungkol ba ito sa sinabi namin sa iyo kahapon?" pagkumpirma ni Kuya Tyler na sinagot ko ng iling. Humugot ako ng malalim na hininga at seryosong tinignan sila sa kanilang mga mata. "Nakausap ko si lolo kanina," pagbibigay alam ko. Nanlaki ang mga mata nila. "P-P-Paano?" gulat na tanong ni Kuya Tyler. "Nakapasok ako sa secret room sa likuran ng painting doon sa office" sagot ko sa kanila. Napanganga sila. Halatang alam nila ang tungkol doon pero bakit tila mga nagulat sila na malaman ko ang tungkol doon. "How?" takang sabi ni Jija, "Hindi nga namin magawang buksan iyon" Nagkibit balikat ako dahil hindi ko rin alam kung paano ako nakapasok kung hindi naman nila magawang mabuksan ang pintong iyon. "Baka gawa ni lolo" sapantaha ni Yuan Tumikhim si Kuya Tyler. "Kung nakausap mo nga si lolo, marahil may gusto siyang iparating sa ating lahat. Kaya Naomi, ano ang pinag-usapan niyo?" tanong niya. Doon sinimulan ko sabihin ang lahat ng sinabi sa akin ni lolo. Kita ko ang pagkaseryoso nila pagkatapos. "Bakit hindi ko naisip na maaaring mawala ang light protector," napahilamos ng kamay sa mukha niya si Kuya Tyler. "What's the plan?" tanong ni Jija pa sa mga kapatid. Humugot ng malalim na hininga si Yuan. "Maaari ako maglagay ng barrier pero alam niyo na hindi ko kaya pigilan ang lahat kung may kalaban na kayang tulad ng teleportation" Napatingin muli ako sa aking kamay. Nasa kamay ko ang sagot, sabi ni lolo. Napabuntong hininga na lang ako at binalewala ang pumasok sa isipan kong iyon. Pagkatapos ng aming pag-uusap ay bumalik ako ng dorm. Sinubukan ko pang tawagan sina mama pero cannot be reached sila na tila ba iniiwasan nila ako ngayon na makausap. Gosh! I want answers! *** Natulala ako habang nakatingin sa mga bote sa aking harapan. Nasa isang potion class kami ngayon at ito ako hindi malaman ang gagawin. Samantala itong partner ko ay nakadukmo sa kanyang desk at natutulog. Gusto ko sana siya kausapin para magtanong tungkol dito pero takot ko lang na maging abo. Kanina pa tapos sina Cielo at Citron pero bawal tumulong ang ibang magkapareha sa iba kaya hanggang tingin lang sila sa aking direksyon. Tinignan ko muli ang papel na pinamigay ng aming guro. At lahat ng nakasulat na iyon ay hindi sakop ng aking kaalamanan. "Luha ng dragon?" basa ko at tinignan isa isa ang mga bote na nasa aking harapan. Ano rito ba kasi iyon? "Sampung minuto na lang," malakas na anunsyo ng aming guro. Wala ako nagawa kundi magsaboy ng kung ano sa aming kawa. Nagulat ako ng biglang umusok ito ng kulay itim. Biglang napalingon sa aking ang lahat at nagtilian habang nag-uunahan na magsitakbuhan palabas. Nagulat naman ako sa kanilang mga naging reaksyon. "What did you do?!?" paghila sa aking braso ni Aidan. Natakot naman ako sa matalim niyang tingin. "I don't know," kagat labing sabi ko. Biglang marahas na hiinihila na niya ako palabas ng aming room. "s**t" bulalas ni Aidan nang mapalingon sa kawang patuloy sa pag-usok ng itim. Nagulat ako ng hilahin at yakapin niya ako kasabay ng malakas na pagsabog na galing sa loob ng kwarto. And everything went black.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD