Hinanap ko ang bawat profile ng mga estudyante sa Echantasia. Hanggang sa mahanap ko ang profile ng nagtataglay ng teleportation. Kaklase ko pala ang babae kaya mas mahirap kung malaman niya ang lahat. Pero sa ganitong oras namin kailangan ang kanyang abilidad. Her name is Caramel. Nagpabalik balik ako ng lakad habang iniisip mabuti kung mapagkakatiwalaan ang estudyante. Nagtungo ako sa painting. Sa mga ganitong panahon ay si lolo ang kinukuhanan ko ng payo. Nakangiti siyang bumungad sa akin. "narinig kong nagkita na kayo ng kaibigan kong si Zepheir" sabi niya "opo lolo" sabi ko "mabuti naman" nakangiting sambit niya Sinabi ko kay lolo ang paghina ng light protector. Tungkol sa barrier at ang pagpunta sa Mount Olympia. "Mount Olympia?" bigkas niya habang hinihimas ang hindi kahab