Chapter 14

1711 Words
ARAW ngayon ng linggo at may importanteng lakad siya na kailangan niyang puntahan. Malapad ang mga ngiting minasdan niya ang sarili sa salamin suot lang naman niya ang family t-shirt na galing sa eskwelahan ni Kian. Meron kasing family day ngayon at siya ang magiging ina ng bata na hindi niya inaasahang mabibigyan siya ng pagkakataon ng may kapal na makaranas ng ganitong pakiramdam. Hindi niya tuloy maiwasang magbalik tanaw nang minsang sumama siya upang sundiin ang bata sa eskwelahan nito. KAKAHINTO pa lang ng sasakyan ni King ay natanaw na niya ang mga batang naka-upo sa may waiting shed kung saan ang mga ito ay naghihintay. Nagtaka siya nang hindi niya makita si Kian kaya't napa tingin siya kay King na tumingin din sa kanya. "Nandito na tayo," mahinang giit nito. Tumango siya para kunin ang seatbelt niya pero napatigil siya nang maramdamang lumapit sa kanya ang lalaki at ito mismo ang nag alis ng seatbelt niya. Napapikit siya nang maamoy niya ang mabagong amoy ng lalaki. "There." Napakurap-kurap siya nang marinig niya ang boses nito at napakagat labi siya ng tumingin sa kanya ang lalaki. Bumuka ang labi niya para magsalita ngunit isang pamilyar na boses ang narinig niyang tumawa kaya't napatingin siya sa may labas. Nakita niyang masayang nakikipaghabulan si Kian sa mga kaklase nito palabas ng gate, hindi niya maiwasang mapahawak sa kanyang labi sapagkat nakaramdam siya ng awa sa bata. Dahil 'di natuloy ang operasyon ay tanging gemo treatment na lamang ang natitirang choice para huwag lumala ang sakit ng bata. Ngunit may malaking epekto ang chemo treatment, iyon ay unti-unting nag lalagas ang buhok ng bata. Ngunit kung titingan niya ito ngayon ay tila itong isang normal na batang paslit. "Baba na ako—" "Teka, King," pigil niya sa lalaki. Bumuntonghininga ito at tumingin sa kanya. "Alam ko ang tingin na iyan. How many times to I have to tell you na hindi mo kailangan makaramdaman ng guilty dahil wala kang kasalanan—" "Sorry, hindi ko lang talaga masaway ang sarili ko pero wala ka bang ibang nahanap na donor? O wala ka bang natanggap na balita mula kay May?" Bumuntonghininga ang lalaki. "Wala akong nahanap... at hindi na ako umaasa sa babaeng iyon." Bumuka ang labi niya para aluin ang lalaki ng bigla na lamang may kumatok sa pintuan kung nasaan siya naka-upo. Bumukad sa kanya ang nakangiting mukha ni Kian, hindi niya din maiwasang mapangiti at sinenyasan ito umalis muna para mabuksan niya ang pintuan na kaagad din naman sinunod ng bata. NANG nasa bayahe na sila ay napatingin siya sa batang masayang kumanta ng choco-choco na sinasabayan naman niya. "Tita Mary, pwede ka po bang sumama sa amin ni Daddy sa linggo?" tanong ng bata matapos nila kantahin ang kanta. Napatingin siya rito, naka-upo kasi ang bata sa kandungan niya. "Sa linggo? Bakit anong meron sa linggo?" "Hmm, sabi kasi ng teacher ko may family day na gaganapin sa linggo at gusto ko po sanang sumali din. Kasama ka at si Daddy kung ayos lang po." Napa-angat siya ng tingin kay King na tumingin din sa kanya. "If ayos lang sa iyo Mary. Ngunit kung may pupuntahan ka ay ayos lang—" "S-sasama ako," maagap na sagot niya. "Yehey! Meron na akong Mommy! Salamat po tita Mary." Napa-awang ang kanyang labi sa sinabi ni Kian nang tignan niya si King ay nahuli niyang umangat ang gilid ng labi nito. Hindi niya maiwasang makaramdaman ng pag-asa na baka mapapansin na siya nito. Napakurap-kurap siya nang may nang doorbell na sa kanyang pintuan. Mabilis pa sa alas kwatro tinakbo niya ang pagitan ng pintuan at ng kinakaroonan niya sa sobrang pananabik na kanyang nadarama. "Hi, Tita Mary," magiliw na bati ni Kian sa kanya. "H-hello," nauutal na bati niya pabalik sa bata ng mahagip ng mga mata niya si King nakatayo sa gilid ni Kian sout ang kaparehong T-shirt na suot niya. "So, let's go," anyaya ng lalaki at nauna nang lumakad. Humawak naman si Kian sa kanyang kamay at ubod ng tamis na ngitian siya. "Excited na po ako sumayaw ng choco-choco kasama niyo at ni Daddy—" "Sasayaw din ang Daddy mo?" gulat na tanong niya. Ipinlano nga nila ni Kian na sumayaw ng paborito nitong sayaw niya pero hindi niya iaasahang makikisali si King. Ngumiti si Kian. "Sasali po ang Daddy, Tita Mary, hindi ba't nakakatuwa po." "Oo, Kian," sang-ayon niya sa sinabi ng bata. HINDI na pigilan ni Mary na hawakan ang braso ni King nang tumayo ito sa kinakaupuan para siguro lapitan si Kian na ngayon ay nakikisabay sa paglalaro ng Trip to Jerusalem. "Don't, hayaan muna siya," aniya. "But—" "Don't worry hindi siya mahihimatay, dahil mabilis lang naman at matatapos na din iyan. Hayaan mo munang mag-enjoy ang bata King." Bumuntonghininga ito at umupo muli sa kanyang tabi. "Ang totoo ay hindi ko na talaga alam ang gagawin ko," pag-amin nito. Tumingin siya sa lalaki na halatang malaki ang pinoprolema nito, hindi niya mapigilan ang sariling abutin ang kamay ng lalaki at pisilin ito. "Hindi ko na alam kung saan ko pa dapat ilugar si Kian at kung paano ko siya tratuhin. Ayaw ko namang pigilan siya maglaro dahil karapatan niya iyon bilang bata ngunit nangangamba naman ako baka kung mapano siya," malungkot na salaysay nito. Magsasalita sana siya nang marinig nila ang tawa ni Kian kaya't napatingin sila sa bata. Nakita niyang napabuntonghininga si King. "See that, that genuine laugh is priceless. Ipagkakait mo ba iyon sa kanya? Okay lang naman kung paminsan-minsan ay maglalaro siya basta ba ay huwag sumobra—" Nabitin sa eri ang masunod pa niyang sasabihin ng dinala ni King ang kanyang kamay sa mga labi nito. "Maraming salamat, Mary. Ahmm I know this not the right place nor time pero hindi ko na kasi magilan ang sarili ko at hindi ko nakaya pang itago sa iyo. Alam kong marami pang chance pero kung bibigyan mo ako ngayon ng pagkakataon ay ayaw kong mawala ka sa buhay ko—" "CALLING THE ATTENTION OF MR AND MRS MONTEL TO PROCEED HERE IN THE FRONT." Nagkatinginan sila ni King at siya ang unang bumawi ng tingin. "Tinatawag na tayo." Kung ano man ang pumasok sa utak niya at bakit iyon ang lumabas sa bibig niya'y hindi niya alam. Kitang-kita niyang nadismaya ang lalaki sa narinig. Walang imik silang dalawang pumunta sa gitna at sumayaw ng choco-choco na kinatuwa ni Kian at nag manonood. Nang bumalik sila sa kanilang mesa ay inulan sila ng papuri ngunit naka ramdam pa din siya ng lungkot lalo pa't hindi na siya muli kinausap ng lalaki hanggang sa umuwi sila. *** PAGDATING niya sa bahay ay parang gusto niyang sabunutan ang sarili kung bakit iyon ang sinabi niya. Palakad-lakad siya sa kanyang sala at napapatulala nang hindi siya nakontento ay binuksan niya ang TV at sumalampak sa sofa. Nanonood siya pero wala naman siyang naintindihan, kaya't inis na pinatay niya ang tv. "Ahh!! Ba't kasi ang tanga ko?" kastigo niya sa sarili bago ng desisyong tawagan ang kaibigang si Irene. "Hello, Ren," bati niya sa kabilang linya. "Oh? Napatawag ka, may problema ba?" "'Di ka maniniwala sasabihin ko," panimula niya. "Huh? Ano iyun? Buntis ka? Omg sino ama?" sunod-sunod na tanong nito. "Baliw! Hindi ako buntis no," natatawang tugon niya. "Ehh ano? Bilisan mo na," utos na sabi nito. "Oo teka ganito kasi yun.... blah...blah..." Ikwento niya rito ang sinabi ni King sa kanya. "Omg totoo? Sinabi niya iyun?" 'di makapaniwalang tanong nito. "Oo, shock nga ako." "'Di ikaw na maganda, haba ng hair ah! So, ano sabi mo?" intresadong tanong nito. Natahimik siya naalala niya naman katangan niya. "Hmmm iniba ko usapan," nakangiwing sagot niya. "Tanga! Aba bakit?" tumaas boses nito. Bigla naputol ang linya ni Irene at bigla sumulpot ang pangalan ni King naki nataranta niya. "s**t! Sasagutin ko ba? O wag na lang pero baka kasi magtaka," pabalik-balik siya ng lakad tapos tumigil at pikit matang sinagot ang tawag. "H-hello?" "Hello po tita Mary," masiglang bati ni Kian. Mabilis na napamulat siya ng mata. "Ah Kian, ikaw pala—" "Hindi pa po kayo natutulog?" putol nito sa sasabihin niya. "H-hindi pa bakit?" "Pwede po ba ako pumunta diyan?" Nagtaka siya sa sinabi ng bata, akala niya ay tulog na ito dahil kay daming games ang nilaro nila inexpect niyang napagod ito pero mukhang mali siya dahil napaka-energetic ito. "Ahmm, bakit ka naman pupunta rito? May masakit ba sa iyo?" "Wala po, buksan niyo po pinto niyo Tita Mary," matinis na boses na hirit ng bata. Napa balikwas siya ng bangon. "N-nasa pinto na kita?" "Opo, kaya't pakibuksan mo po ako." Mabilis ang mga hakbang na tumungo siya sa pintuan at nagulat siyang makita si Kian na may dala-dalang bulaklak na ang hula niya ay red aster. "Para po sa inyo, Tita Mary." Inabot naman niya kaagad ang isang bugkos ng bulaklak sapagkat mukhang hirap na hirap na ang bata. "Salamat, Kian nag-abala ka pa—" "Huwag ka po sa akin magpasalamat kundi kay Daddy ko po." "Sa Daddy mo ito galing?" hindi makapaniwalang tanong niya. Tumango ang bata. "Opo kay Daddy po, hindi naman po ako ang manliligaw sa inyo. Siya naman po," dagdag pa ng bata. Pinamulahan naman siya. "P-paano mo nasasabing manliligaw sa akin ang Daddy mo Kian?" Nilagay ng bata ang dalawang kamay nito sa magkabilang bewang nito. "Hindi po ba't ang nanliligaw ay nagbibigay ng bulaklak, kaya't sigurado po akong liligawan ka ng Daddy ko. Alam niyo po bang bumili pa kami niyan sa labas pagkatapos ka po namin inihatid. Marami nga pong nainggit ng makita nilang bumili ng bulaklak ang Daddy. Sabi pa nga po ng isang babae ay swerte po ng pagbibigyan ng Daddy ko at hindi po siya nagkakamali—" Nabitin sa eri ang iba pang sasabihin ng bata at hinawakan nito ang bibig na animo'y may naalala. "Tita Mary magiging jowa mo po ba ang Daddy ko at magiging Mommy na din kita?" Nagulat siya sa tanong ng bata kaya hindi niya maiwasang mapatitig rito. "Hindi ko alam, Kian—" "Bakit po? Hindi mo po gusto ang Daddy ko?" May nababasa siyang kalungkutan sa tinig nito kaya't hindi niya maiwasang mapakagat ng ibabang labi. ... Binibining Mary
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD