Chapter 13

1018 Words
NIYUKOM ni Mary ang mga kamay upang mapigilan ang sariling sampalin at sabunutan ang babaeng nasa harap niya ngayon na walang iba kundi ang ex-wife ni King na kung makatingin sa kanya animo'y nang iinsulto at nandidiri. "So, you are here again," nakataas ang kilay na hirit nito sa kanya. "Halata naman diba?" pampilosopo niya rito. Nakita niyang namula ito sa galit na halos umuusog na ang ilong nito. Buti nga sa kanya, mas maigi nga kung ma-stroke ito sa kakainis sa kanya. "Ano ka ba talaga sa buhay ng mag-ama ko at kailangan lagi kang nakabuntot sa kanila?" magkasalubong ang kilay na tanong nito sa kanya. Akmang sasagot na sana siya nang bigla na lamang hinila ni King si May palayo sa kanya. "She is Kian friend. So, can you please stop being a b***h—" "A friend you say? Huh! Ginagago mo ba ako, King? Hindi ganiyan ang tingin ng kaibigan. May gusto siya sa iyo—" "Stop! This not the right nor the right place para mag-eskandalo ka, nandito tayo para ipagamot si Kian. So, could you please stop being a b***h and shut up your mouth," mariing giit ng lalaki. Bumuntonghininga siya. "Lalabas na lang muna ako King—" "No, stay here. Hahanapin ka ni Kian, he needs you, Mary." Hindi siya nakapagsalita sa narinig at napa tingin siya sa gawi ni May na masamang-masama ang tingin sa kanya. Iniwaksi nito ang kamay ni King at hinila ang anak na nasa gilid at kinakadkad palayo at bago pa man nito isirado ang pintuan ay lumingon ito sa kanila ni King. "Ako na lang at anak ko ang lalabas, total mukhang mas kailangan mo naman siya kaysa sa amin—" "What the f**k, May! Ano ba ang problema mong babae ka?" galit na galit na singhal ni King sa babae at nilapitan ito. "You! Ikaw ang problema ko at ang babae mo—" "Oh, come on, stop acting like you're a jealousy wife kasi matagal nang na wala sa iyo ang titulong iyan at ang karapatan. You are here, para matulungan si Kian hindi para mag-eskandalo kaya't ayusin mo ang buhay mo." Nakita niyang dumaan ang sakit sa mga mata ng babae na kaagad din na wala. "Fine do what you want. Pero gagawin ko din ang gusto ko kaya't bitawan mo ako, babalik na lang kami ni Miguel pagkailangan mo na kami rito." Tumalikod na ang babae habang napabuntonghininga naman si King at sumandal sa may pader habang siya ay walang imik na minamasdan ang lalaki. "I'm sorry kung pati ikaw ay nakadanas ng kamalditahan ng babaeng iyon. Kung hindi ko lang talaga siya kailangan ay hindi iyan makakalapit sa amin ng anak ko." "No, it's okay. I should be the one to say sorry dahil nagalit siya dahil sa akin—" "Don't. Hindi mo deserves awayin matapos ng lahat ng ginawa mo para sa amin ni Kian." Sa pagkakataong ito ay minulat na ng lalaki ang mga mata at lumambot na ang ekspresyon nito hindi gaya kanina. Bumuka ang labi niya para sumagot sa sinabi ng lalaki ngunit napatigil siya dahil tinawag na ang pangalan ni King. Tumingin ito sa kanya at sumenyas na papasok na ito sa loob nang lumabas ito ay hindi maipinta ang mukha ng lalaki kaya't hindi niya maiwasang kabahan. "M-may nangyari ba?" kinakabahang tanong niya. "Nagsuka ba uli si Kian?" usisa niya muli nang na tahimik ang lalaki. Huminga ito ng malalim at hinilot nito ang noo. "May told Kian doctor to postpone the operation or better yet she told Dr Alyan na hindi ito pumayag sa operasyong mangyayari kina Kian and Miguel. That b***h! Mababali ko talaga leeg niya 'pag nagkita kami." Hindi kaagad siya naka imik sa narinig pero ilang saglit pa ay nakadama siya ng lungkot at nakokonsensya siya. "I'm sorry ako ata ang dahilan kung bakit siya umatras at umalis—" Tumingin sa kanya ang lalaki at nagulat siya nang hawakan nito ang kanyang kamay. "Don't be, wala kang kasalanan Mary. Ang dapat sisihin dito ay babaeng iyon." Hanggang sa naka uwi na sila ay hindi pa rin maalis sa isipan niya ang nangyari kahit pa kailang beses na siyang sinabihan ni King nawala siyang kasalanan ay hindi niya pa rin maiwasang malungkot at sisihin ang sarili. *** MAKALIPAS ang ilang araw ay isang balita ang siyang nag palungkot sa kanya ng todo, dahil nalaman niyang umalis si May sa bayan nila at walang may nakakaalam kung nasaan ito ngayon kaya't mas lalong lumabo ang pag-asa ni Kian gumaling dahilan para malungkot siya at mas lalo pang tumindi ang galit niya sa babae at sa sarili. "Oh, ba't para kang pinagsuklaban ng langit at lupa diyan," tanong ni Irene. Kaya't napa bumuntonghininga siya at nilibot ang mga mata sa paligid, nandito sila ngayon sa tambayan nila. "Oo nga, 'insan, may nangyari ba?" tanong din ni Juliane. Huminga muna siya ng malalim. "Ehh kasi 'di natuloy 'yong cell transplant ni Kian," malungkot na balita niya. "Ano? Pero bakit?" tanong ni Juliane. "Umalis kasi si May ng araw ng operasyon and worst hanggang ngayon ay hindi na ito ma-locate kung saan," sagot niya. "Ayy bakit niya ginawa iyun?" may pahid ng inis na ani ni Irene. "Oo nga! Diba anak niya si Kian diba? hindi ba siya naawa sa bata?" singit ni Charmine. "Ewan ko sa kanya pero guys may pakiramdam ako na ako 'yung dahilan bakit umalis siya ng walang paalam," malungkot na aniya. "At bakit?" takang tanong ni Juliane. "Pinagselosan ata ako sa akalaing girlfriend ako ni King," paliwanang niya. "Ano connect dun?" Irene. "Oo nga! Sana inisip niya ang kalusugan ng anak niya 'di yung selos niya sa iyo," seryosong komento ni Juliane. "Hay!! Naawa talaga ako kay Kian paano kung 'di na magpapakita si May b-baka mapano ang b-bata 'di ko y-yata kaya mawala siya," naiiyak na sabi niya. "Shhh tahan, babalik iyun," pag aalo ni Juliane sa kanya. "Oo nga saka diba 'di naman siguro hahayaan ni King na mangyari iyun," Irene. "Sana nga," aniya sabay pahid ng luha. ... Binibining mary ✍️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD