LUMUHOD siya para maging pantay sila at hinawakan ang magkabilang pisngi ng bata at hinalikan ang noo nito.
"Mahal ko ang Daddy mo dati pa kaso ay naguguluhan kasi ako ngayon 'e lalo pa't hindi pa naman kami nag-usap ng maayos at hindi ko narinig mula sa mga labi nitong nililigawan niya nga ako." Gusto niyang sabihin sa bata ngunit baka magtanong ito kaya't tinikom niya ang bibig.
Hinawakan niya ang dalawang kamay nito at ngitian ang bata. "Basta ang masasabi ko lang ngayon ay mahal kita, Kian. Sana'y maging good boy ka palagi at kumain ng marami para gumaling ka—"
"Magaling na po ako, Tita Mary!"
Tumawa siya at kinurot ang tungki ng ilong nito. "Ang kyut mo talaga."
Tumingin siya sa kanyang relo nang makita niyang pasado alas nuwebe na ay napangiwi siya.
"Ang mabuti pa ay bumalik ka na sa unit ninyo at matulog para mas lalo ka lumakas, bukas na lang ulit tayo mag-uusap."
Humaba ang nguso ng bata subalit hindi ito ng komento imbis hinalikan siya nito sa pisngi.
"Goodnight, Tita Mary," bulong nito sa kanya bago tumalikod.
Napangiti siya sa pagiging malambing ni Kian. "Goodnight, sweetheart. See you tomorrow," aniya at kumaway rito.
Nang masigurado niyang nakapasok na si Kian sa unit ng mga ito ay tumalikod na rin siya at nagpasyang pumasok na sa loob ng kanyang condo unit. Napasulyap siya sa isang bugkos na aster red flower at hindi niya maiwasang mapakagat ng ibabang labi. Bumangon siya mula sa kanyang kama at umupo sa gilid niyon at inabot ang bulaklak ang dinala sa kanyang ilong at hindi niya maiwasang mapangiti sa isipang kay King iyon galing.
Mabilis na inabot niya ang cellphone sa may side table at tinignan sa google kung ano ang ibig sabihin ng aster red flower. Nang mabasa niya ang simbolo ay hindi niya maiwasang mapagulong-gulong sa tuwa sa kanyang kama.
"Aster red flower symbolize, undying devotion," mahinang basa niya.
Nawala ang kanyang ngiti sa labi ng mapagtanto niyang hindi niya masyado na intindihan kung ano ang "Undying devotion" may clue siya pero hindi siya sigurado. Mabilis na tumipa siya at hinanap sa google kung ano ba nga ang meaning ng undying devotion.
"If you refer to someone's undying feelings, you mean that the feelings are very strong and are unlikely to change," mahinang basa niya sa lumabas kung ano ang meaning ng undying devotion.
"K-kung gano'n ay may nararamdaman sa akin si King at pinapahiwatig nitong hindi magbabago ang nararamdaman nito sa akin? Hmmm o baka naman ng aassume na naman ako?"
Ginulo niya ang buhok at niyakap ang kanyang unan at pinilit ang sariling makatulog ngunit bigo siya hanggang alas 2 ng umaga ay mulat na mulat ang kanyang mga mata. Kung hindi pa siya bumangon at ng timpla ng gatas ay malamang mulat siya hanggang umaga.
KINAUMAGAHAN ay masakit ang ulong bumangon siya. Pagkatingin niya sa may orasan sa cellphone niya ay halos lumuwa ang kanyang mga mata sa gulat.
"s**t! Alas nuwebe na? Naku naman gusto ko sanang pumunta sa tabing dagat para mag-jogging at manood ng pagsikat ng araw pero tinanghali ako ng gising," mangiyak-ngiyak na aniya.
Nang nahagip ng mga mata niya ang bulaklak na bigay ni Kian na galing daw sa ama nitong si King ay bigla na lamang siya napangiti.
"Mabuti na lang at hindi ka agad nalalanta bakit ba hindi ko na isipang ilagay ka sa vase kagabi?" tanong niya sa sarili.
Nang wala siyang makuhang sagot ay nag pasya siyang tumayo dahil para na siyang timang nakinakausap ang sarili at naghihintay pa talaga siya ng sagot. Pagkatapos niyang ilagay sa may vase niya ang bulaklak ay isang tagumpay na ngiti ang pumaskil sa labi niya.
PAGDATING ng hapon ay pakembot-kembot pa siya habang sinuklay ang kanyang basing buhok napagdesisyonan niya kasing ngayong hapon na lamang siya mag-j-jogging at manood din siya ng mag lubog ng araw sa tabing dapat na nasa malapit lang. Nang makontento na siya sa get up niya'y animo'y member siya ng isang Zumba club ay nagpasya na siyang tumungo sa pintuan upang buksan ito.
Gulat napa-atras siya ng bumukad sa kanya ang mukha ng lalaking laman ng isipan niya kagabi. Naiwan sa eri ang kamay nito na akmang kakatok.
"Ahmm goodmor-este magandang hapon pala," nakayukong bati niya rito.
Napa-angat siya ng tingin nang wala siyang makuhang sagot sa lalaki, nakatingin lang ito sa kanya na animo'y mangha-mangha.
"Aherm!" tikhim niya para makuha ang atensiyun nito.
"Sorry, ahmm pumunta ako rito kasi..." Nabitin sa eri ang iba pa nitong sasabihin at nagkamot ito ng batok.
Napakunot noo naman siya. "Kasi?"
"Ahmm saan ka pala pupunta?"
Minasdan niya ang mukha ng lalaki na ngayon ay namumula ang leeg nito at tenga. She finds him cute.
"Ahmm mag-j-jongging sana ako 'e at manonood ng paglubog ng araw. Bakit may kailangan ka ba?"
Bumuka-sara ang labi nito pero walang salitang lumalabas. Nakita niyang nagbaba ng tingin ang lalaki at animo'y isang teenager na nahihiya sa crush nito.
"W-wala kasi akong gagawin ngayon..." mahinang ang pagkasabi nito.
"So?"
Umangat ang mukha ng lalaki at na babakas sa mukha nito ang pagkahiya at pagkadismaya nang tatalikod na sana ito ay kaagad niya itong hinawakan sa may braso. Hindi niya hahayaan mapalampas na naman niya ang pagkakataong maka sarilinan sila at makapag-usap.
"Sabi mo diba wala kang gagawin ngayon?" mahinang tanong niya.
Kaagad na tumango ang lalaki na parang bata. Hindi niya maiwasang mapangiti sa inaasta nito.
"May naisip na akong gagawin mo," nakangiting hirit niya.
"A-ano iyon?"
"Hmm..." Umakto siyang ng iisip at binitawan ang lalaki.
"Hindi ba dapat ang lalaki ang magyaya?" nakangiting aniya at nginuso ang suot niya.
"You can start with my name then—"
"Mary..."
Napatitig siya sa lalaki ng tinawag nito ang pangalan niya pero ang kanyang pagkabigla ay mabilis din naman napalitan ng tuwa.
"Yes, King?" malambing tugon niya.
Nakita niyang umangat ang gilid ng labi ng lalaki sa paraan ng pag sagot niya rito.
"Merong bagong bukas na unli streetfood malapit sa dagat, would you like to join m—"
"SURE, SURE!" malakas na sagot niya.
Lumapad ang ngiti ng lalaki. "Good, babalikan kita, magbibihis lang ako."
Tumango siya at ngitian ang lalaki. Nang mawala na ito sa paningin niya ay mabilis pa sa alas kwatrong pumasok siya sa loob ng unit niya at nagkalkal ng mga dress na pwede niyang suotin.
...
Binibining Mary