Chapter 1
"ANO SA PALAGAY MO OKAY NA BA ITO PARA SA IYO?" tanong ni Mariel sa kanya.
Ito ang bestfriend niya na may ari ng condominium unit na nasa Fantasy Condominium. Ibenta kasi ito ni Mariel kaya kinuha na lang niya, doon na kasi ito tumira sa bahay ng mister na kaklase din nila noong high school sila.
Nilibot niya ang tingin sa paligid at nilingon ang babae sabay ngiti. "Hindi lang basta okay, dahil okay na okay ito para sa akin."
Ngumiti na rin ang babae. "Mabuti naman at nagustuhan mo, actually kompleto na ito sa gamit dahil kaunti lang naman ang dinala ko sa unit ng mister ko."
Napansin nga niya iyon. "Oo nga kaya't mukhang mapapabilis ang paglipat ko," sagot niya.
May ilang pa silang pinag-usapan tungkol sa high school days nila.
"Sabi ko naman sa iyo mars, kayo talaga 'yong magkakatuluyan eh, noon eh hate na hate mo 'yang si Ricky. Tingnan mo ngayon siya pa pala naging husband mo," pambubuska niya sa kaibigan
Namula naman si Mariel at iniba ang usapan.
"Mary, naalala mo pa ba si King? Diba crush na crush mo 'yon?" nakangiting anito.
"Aba! Nag-aasar pa talaga." Sa isip isip niya
"Ha? Ah, oo naman hehe, bakit anong meron?" pagsasakay niya sa trip nito.
"Nabalitaan mo bang nag-asawa 'yon tapos naghiwalay sila ng asawa at may anak silang lalaki, ang kyut at gwapo nga eh kamukhang-kamukha ni King," masayang kwento nito.
Tumango-tango naman siya. "Ah gano'n ba? Sayang naman kung gano'n."
Sa narinig ay hindi niya tuloy maiwasang magbalik tanaw sa nakaraang kung paano niya nakilala ang gwapong binata na siyang bumihag sa puso niya...
Maaga ang uwian nila maingay ang mga kaklase niya nakikisabay din siya simpre, masaya silang nagbibiruan ng may dumaan sa harap nila. Napatingin siya sa isang lalaki mataas, maputi at hmm gwapo? Napatingin ito sa kanya ng malalim na parang pinag-aaralan siya nito na siyang pinagtaka niya. Nagtama ang mga mata nila ng lalaki at nagkatitingan sila hanggang sa bumukas na ang gate. Simula noon palagi na silang nagtatagpo ng lalaki. Hindi niya alam kung bakit at hindi niya man ma-amin alam niyang nahuhulog na loob niya sa lalaki kaya para maitago iyon, sa tuwing tinutukso siya ng tropa niya eh nilalait niya ito.
"Ba't ba crush na crush ng mga babae 'yang si King na 'yan, eh mukha naman 'yang tuko eh, ang laki ng mata mas gwapo pa nga 'yung kapatid niya," naiinis na komento niya.
"Oyy ikaw ah, aminin mo na kasi nagseselos ka lang, kasi maraming umaaligid sa kanya," sabat ni Juliane.
"Alam mo ikaw, aminin muna kasi na crush mo siya!" pag-aasar naman ni Irene.
"Oo nga naman, 'insan, gwapo niya kaya," kinikilig na dagdag ni Juliane.
"Hmmp ako? Mag-seselos." Tinuro niya ang sarili. "A-S-A, hahaha never ako magka-crush diyan sa bukaw na 'yan no!!" mariing tangi niya.
"Sinungaling!" sigaw naman ng hudas niyang utak
"Oyy, 'wag kang magsalita ng tapos my dear langga, ika nga, "The more you hate, the more you love," giit ni Janjan at ngumisi sa kanya na tila ba inaasar siya nito.
"Oo nga baka lamunin mo lahat ng mga sinasabi mo, ikaw din," makahulugang singit naman ni Irene.
"Che! Tumahimik ka nga, 'di ako magkakagusto doon never," napipikon saway ko.
Napatingin siya sa pwesto ng lalaki naabutan niyang nakatingin ito sa kanya biglang bumilis ang t***k ng puso niya. Wala sa sariling na pahawak siya sa dibdib niyang walang laman. Oo na sila na 'yung pinagpala, siya na 'yong minalas.
"Hala!! Ano ito? Kinakabahan ako? S-sa tingin niya? s**t!! 'Di 'to maganda," kinakabahang usal ng isip niya.
Kaagad siyang bumawi ng tingin at natulala.
"Psst, 'insan, natulala ka?" nagtatakang tanong ni Juliane.
"Omo!! Hala!! Baka narealize muna-" pabitin na singit ni Charmaine.
"Na inlove na siya kay Mr King yiee," dugtong ni Irene.
"Heh! Hindi ah," namumula tanggi niya sabay iwas ng tingin. Nagsihiyawan naman ang tatlo.
ALAM ni Mary na pag hindi siya umiwas sa lalaki lalo lang siya mahuhulog rito, kaya minabuti niya doon na lang mag tanghalian sa room niya. Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana kasi doon na naman tumambay ang lalaki sa dinadaan niya, kaya pagkadumadaan siya doon, todo tagu talaga ang lola mo, pero no epek, nakikita pa rin siya ng lalaki.
"Hirap talaga pagtaguan ang taong malaki ang mga mata kasi makikita at makikita ka pa rin," naiinis na bulong niya sa hangin sabay kamot sa ulo.
"Anyare sa iyo teh?" nagtatakang tanong ni Myca na kasama niya ng mga sandaling iyon.
"Ah wala iyon," mabilis na tugon niya sabay wagayway ng kamay.
-------FASTFORWARD------
LUMIPAS pa ang mga araw, gano'n pa din ang mga nangyari dahil laging naroon ang lalaki sa tambayan nito kung saan siya dumadaan.
"Nanadya ata ito eh!" naiinis na bulong ni Mary sa kanyang sarili.
Hapon nang makita niya itong naglalaro ng Volleyball sa school gym nila.
"Ang galing pala nito maglaro ng volleyball ah," namamanghang komento niya.
"Try ko din kaya," nakangiting giit niya.
Kahit pa alam niya sa sariling wala siyang kalam-alam sa gano'n laro pero she just feels to try it. Dahil ba iyon ang larong kinahilingan ng lalaki? Gusto ba niya magpapansin rito? Iyon ang mga katanungan sa isipan niyang hindi niya pa malaman ang sagot sa ngayon. Bago sa kanya ang damdamin na pinukaw ng lalaki. Kung ano man ang kakahinatnan nito ay hindi niya pa mawari pero isa lang na sisiguro niya, wala na siyang ligtas dahil itanggi man niya, lumalaban naman ang puso niya at malakas na sinisigaw ang pangalan ng binata.
...
Binibining mary ✍️