Chapter 21

1528 Words
NARITO siya ngayon sa kaniyang condo, kasama niya ang kaniyang pinsan na si Valliere ang nakababatang kapatid ni Juliane. "Nagpunta ka na ba sa clinic niya, pinsan? O sa opisana niya?" tanong ni Vallire sa kanya. Tumango naman siya. " Oo eh, kaso wala din ako nakuha,” malungkot tugon niya. Mag-iisang buwan na pero wala pa rin siyang clue kung nasaan sina King at Kian. Noong nakaraang araw muntik pa siyang mahimatay sa sobrang hilo. Buti na lang inalalayan siya ni Reynier, sinamahan siya kasi nito. Ito lagi ang taga comfort niya dahil gabi-gabi siyang umiiyak, ewan ba niya pero sobrang napakaemosyunal niya. Nagtataka rin siya kada umaga sumusuka siya at ‘di maganda ang pakiramdam niya nitong mga nakalipas na araw at meron pagkakataong inaaway niya si Reynier kasi kumain ito ng cheese na ‘di niya nagustuhan ang amoy. May clue na siya kung ano ‘tong nangyayari sa kanya pero kailangan niyang ikumpirma muna. Tumunog bigla cellphone niya napatalon tuloy siya sa isipang baka si King ang tumatawag excited na kinuha niya ang cellphone pero nang makita niyang si Irene ang tumatawag ay nawala ang pananabik na nadarama niya. "Hello…" "MARY!! MARY!" sigaw nito sa kabilang linya. "Ano ba ka ba! ‘Wag ka nga sumigaw, ‘di ako bingi! Ano bang meron?" "Manganganak na si Janjan. OMG!! Punta tayong hospital dali bihis ka na riyan," excited na balita nito. "Ano? Talaga, sige-sige." *** MEANWHILE, sa bahay ni Janjan at Darren bago pa tumungo ang mga ito sa ospital. Nanonood ang dalawa ng TV nang biglang— "Dar...ahmmm...manganganak na ata ako!" "Baka false alarm lang ‘yan,” kampanteng giit ni Darren. Paano kasi kaninang umaga akala ni Janjan manganganak na siya pero ‘di pa naman pala. "Hindi!! Totoo na ‘to! I think my water just broke," kinakabahang sumbong ni Janjan sa asawa. "W-what?? s**t, wait, Manang!!!" na alarmang tawag nito sa katulong sabay buhat kay Janjan. "Dar, relax, okay baka mailaglag mo ako, tawagin mo si Manong siya mag-dridrive," papakalma niya sa asawa. "Okay..." Huminga ito ng malalim at nilagay si Janjan sa backseat. "Manang lagay sa likod ang gamit ni Janjan at ng mga babies, salamat." Matapos ilagay ng katulong ang mga dapat na dadalhin ay mabilis na umayos na ng upo si Darren sabay sabing, "Tara na, Manong." Kaagad naman pina usad ng driver ang sasakyan papuntang hospital. **** SA OSPITAL nasa labas ng E.R ang magkakaibigan na sina Mary at Irene habang hinihintay matapos ang pagpapaanak sa kaibigan ng mga itong si Charmine o si Janjan. Ngunit may napansin si Irene sa kaibigang si Mary sapagkat namumutla ito. "Okay ka lang, Mary?" hindi maka tiis na tanong ni Irene sa kaibigan. Tumingin naman si Mary sa kaibigan at binuka ang labi para sabihin ayos lang ang lagay nito ngunit nakaramdam siya ng hilo at bigla na lamang dumilim ang kaniyang paningin. “Jusko! Ano nangyayari sa iyo?” natarantang bulalas ni Irene habang nasa kandugan nito ang kaibigan. Mabuti na lamang at mabilis ang kilos niya at nasalo niya ito. "s**t! Anong nangyari sa kanya bukaw?" nababahalang tanong ni Juliane nakakarating lang kasama ito si Lord. "`Di ko alam.... nahimatay siya bigla. Please Lord, pakibuhat siya buti na lang nasalo ko," namumutlang pahayag ni Irene. Kaagad namang tumalima si Lord at binuhat ang babaeng walang malay at kaagad silang tumawag ng tulong upang masuri ito. *** SA LOOB ng isang pribadong silid naka higa na ngayon si Mary sa hospital bed habang sinusuri ito ng doctor. "Doc, ano po nangyari sa kaibigan namin?” kaagad na usisa ni Irene matapos masuri ng doctor ang kaibigang wala pa ring malay. "Too much stress, nakakasama iyon sa baby niya. She should take a rest may mga vitamins din akong niresita kailangan niya mga iyun para makabawi siya at masiguradong healthy si baby,” malumanay na pahayag ng doctor. Habang ‘di na maintindihan ni Irene ang iba pang sinasabi ng doctor tanging "Baby" lang ang pumasok sa isip nito. "Teka doc. You said the word "Baby" so, you mean buntis ang pinsan ko gano’n ba?" hindi makapaniwalang tanong ni Juliane. "Oo, Ms. She’s 2-week pregnant kaya dapat ingatan niya sarili niya." Napaupo si Juliane sa sahig sa narinig ‘di makapaniwala sa malaman. Nabasag ang katahimikan ng dalawa nang… "Anong nangyari?" boses ni Mary. Hindi sumagot ang dalawa, nakinataka naman ni Mary. Palipat-lipat ang tingin nito sa mga kaibigan naka tulala lamang sa kaniyang tabi. "Oy, sumagot naman kayo, ba’t ako naririto? Nanganak na ba si Langga?" "ALAM MO BA?" tanong ni Irene sa mataas na tono. "Ang alin?" takang tanong ni Mary sa kaibigan. "Na buntis ka 2-weeks na tapos inaabuso mo pa sarili mo sa kakahanap sa mag-ama na ‘yun!! Maawa ka naman sa sarili mo!!" galit na sabat ni Juliane. Napa-iwas lang si Mary ng tingin at natahimik. Dahil alam niyang may mali siya at tama ang kaniyang pinsan. "So, alam mo. Ba’t ‘di mo sinabi sa amin?" may pahid na hinananakit na tanong ni Irene. "Di ko alam.... pero may kutob ako na baka pero ‘di ako sigurado. I'm sorry k-kung nagiging tanga u-uli a-ako," napaiyak na pahayag ni Mary. "Ahh, ‘wag ka na umiiyak riyan! Nangyari na eh, wala na tayo magagawa," malumanay na giit ni Juliane. "Hay, ba’t kasi ang rupok mo eh, sinabihan na kita diba. ‘Yan kasi ‘di ka nakikinig ano napala mo? Diba iniwan ka malala pa may remembrance ka pa," galit na galit na sumbat ni Irene. "I-I’m sorry bukaw k-kung t-tanga ako," sumisinghot na tugon ni Mary. "Mahal ko lang talaga siya kaya ganun..." dagdag pa ni Mary nakitahimik ni Irene. "Tama na nga ‘yan.... ang drama niyo!! Ikaw ‘wag ka ng umiiyak riyan! Bawal ka ma-stress makakasama sa baby at ikaw bukaw ‘wag muna pagalitan nariyan na ehh supportahan na lang natin,” seryosong turan ni Juliane. "Hmpp, pasalamat ka buntis ka!" MEANWHILE, sa loob ng E.R kung saan naka higa si Charmine habang hawak-hawak ang kamay ni Darren. Pawis na pawis ang babae at mababasa mo sa mukha nito kung gaano katindi ang sakit na raramdaman nito habang pinilipit na ilabas ang mga sanggol nasa sinapupunan nito. "Sige pa, Misis, isa pang push lalabas na siya." "AHHHHH!!" malakas na hiyaw ni Charmine sabay hawak sa kamay ni Darren ng mahigpit na namumutla sa tabi. Pulang-pula kamay nito siguro sa sobrang higpit ng kapit ni Charmine. "It's boy," masayang anunsyo ng Doctor. Tear eyes naman si Darren at niyakap si Charmine. "Pero teka may isa pa," gulat na bulalas ng doctor. Maging ang mag asawa’y nagulat rin ngunit natutuwa rin ang mga itong malaman na kambal pala ang magiging sipling ng mga ito. "1...2...3 push mo, Misis." "It's girl," masayang anunsyo ng Doctor at ibinigay ito sa nurse. Makaraan ang ilang oras finally nasa private room si Charmine. "Babe, salamat sa mga magagandang regalo na ibinigay mo, salamat and I love you so much," sabay halik sa noo ng asawa na mahimbing na katulog. KINABUKASAN, hindi na mapakali si Mary sa loob ng pribadong silid gusto na nitong makibalita sa kung ano na ang lagay ng kaibigan nito si Charmine at umuwi na sa kaniyang bahay. "Pwede na ba akong lumabas?" naiinip na tanong niya sa pinsang si Valliere. Ito kasi ang pamasantalang bantay niya dahil wala ang dalawa niyang kaibigan. "Oo kas, pero hintayin muna natin ang Doctor mo, i-che-check ka niya ulit eh." "Gano’n ba.... hmm sige, pinsan. Saan pala sina Irene at Juliane?” tanong ulit ni Mary. "Pumunta muna kay ate Charmine sa kabilang ward. Ahmm gusto mo bang dumaan tayo doon mamaya?" "Sige .... hayy kamusta na kaya si Langga nanganak na ba siya?" "Oo, pinsan at guess what babyboy and baby girl ang anak niya ang kyukyut nila," masayang balita nito. "Talaga? Excited nakung makita sila." Nagbaba siya ng tingin sa tiyan niya at hinaplos iyo. "Excited na din si Mommy sa paglabas mo baby.” "Aw ako din pinsan," nakangiting giit ni Valliere. SA ROOM ni Charmine, kung nasaan naroon sina Juliane at Irene para dalawin ang kaibigan ng mga ito. "Oyy meow napangalanan niyo na ba 'tong mga kyut na ‘to?" tanong ni Irene habang karga ang baby girl. "Oo nga, Jan?" sang ayun ni Juliane habang karga naman ang baby boy. "Oo eh, kanina lang," sagot ni Charmine. "Talaga anong names nila?" excited na tanong ng dalawa. "Si baby girl ay si Princess Zyenna Espanto and si baby boy naman ay si Drake Andrie Espanto," masayang sagot ni Charmine. "Wow!! Ang gaganda ng names nila langga," sabat ng bagong dating na si Mary. Medyo maputla pero okay naman ito nakaalalay si Valliere rito. "Langga? Anong nangyari sa iyo?" worried na tanong ni Charmine. Tumahimik naman ang lahat. "I-I’m p-pregnant," nauutal na sagot ni Mary. Laglag banga napatingin si Charmine sa kaibigan. "You're what?" "Pregnant. Buntis ‘di mo gets?” sabat ni Irene. Pinukol naman ni Charmine ng masamang tingin si Irene na tumahimik. "Shut up bukaw!! Sorry langga shock lang ako, pero congrats." "Thank you langga,” pasalamat ni Mary at bahagyang ngumiti. … Binibining mary ✍️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD