Chapter 22

1248 Words
1 YEAR AND 8 MONTHS LATER... "Mommy! Mommy! Wake up!" Ingay na nagmumula sa alarm clock ni Mary. Napabalikwas siya ng bangon dahil narinig niya ang tunog ng alarm clock, senyales kasi iyon na kailangan niyang painumin ng gatas ang kaniyang anak. Yes, nanganak na siya, mag iisang taon na ito and her name is Kianna Mary Sigua sobrang kyut nito at maganda mana sa ama, mukha itong girl version ni King, minsan nga nagtatampo siya kasi sa itsura wala man lang itong nakuha sa kanya dagdag mo pa sa ugali. "Good morning, sweetheart," bati niya sa anak na naabutan niyang nakaupo na sa little chair nito, siguro kinuha ito ni Reynier sa crib nito sapagkat maaga nagising. Tinaas nito ang kamay sa kanya means gusto nitong magpabuhat. Nanggigil na binuhat niya ito. "Naglalambing na naman ang baby ni Mommy hmm," aniya sabay halik sa pisngi ng anak at leeg. Tawang tawa naman ito pati siya natawa na din. "Good morning, bhe," bati ng bagong dating na si Reynier galing sa kusina may bitbit kasi itong ulam luto nito. Malamang pinakealam nito kusina niya. Baka nag-away na naman si Reynier at nobya nito kaya naisipan magtago uli sa condo niya. Ngunit thankful na man siya pag narito ang lalaki kasi magkasundong-makasundo si Reynier at ng anak niya. Minsan napagkamalan mag-ama ang dalawa nang minsang namasyal sila sa mall, hindi naman tinatangi ng lalaki ngingiti lang ito. "Good morning din, ano niluto mo?" tanong niya rito. "Ang bago ahh," dagdag niya pa. Binalik niya si Kianna sa mini-chair nito at umupo sa tabi ng anak. "Adobo, bhe, btw napadede ko na 'yang si Kianna. Ang himbing kasi ng tulog mo kaya ako na lang," pahayag nito. "Salamat, Rey," tugon niya sabay ginawaran niya ng matamis na ngiti ang kaibigan. Tumango lamang ito, mamaya pa nag umpisa na silang kumain. **** NAPALUNOK si Mary sa gulat nang makita si King. Lumukso puso niya at gustong-gusto niyang sugurin ito ng yakap at halik. Isang taon at walong buwan niya ito hinanap at hinintay, sobrang miss na miss niya ito. Ngunit nagtatakang tumingin siya sa lalaki kasi nakatingin lang ito sa kanya na parang 'di siya nito kilala, kasama nito ang dalawang bata pero wala si May. Sa dami niyang gustong sabihin at itanong rito ni isa walang lumabas sa bibig niya ng mga sandaling iyon ang tanging nagawa lamang niya'y tumititig sa lalaki. "Tita Mary!!" natutuwang sigaw ni Kian nang makita siya. Medyo lumaki na ito nagkunti. Bago pa siya maka-react tumakbo na ang bata sa kanya at niyakap siya ng mahigpit na miss niya rin ito. "Kian, kamusta ka na?"kaagad na tanong niya sa bata. "Miss na miss po kita, Tita Mary. Hindi na kasi kami sa condo nakatira kaya hindi na po kita nakikita, doon na po kami nakatira ni Daddy sa bahay ni Mommy." Sa narinig parang tinutusok ng kutsilyo puso niya. So, nagkabalikan nga mga ito. Ba't pa siya magugulat, tumingin siya sa mga mata ng lalaki. Walang siyang nababasang guilt sa mata nito. Sa halip blangko pa rin. Ako pa ba may kasalanan? Gusto niyang itanong rito pero wala siyang lakas ng loob para gawin ag bagay na iyon. "Habang nagdudusa pala ako sa kahihintay sa iyo, nagpakasarap ka sa tabi niya. Ang Gago mo!! 'Di mo man lang naisip kung ano na nangyari sa akin...ng tanga ko din kasi nag pagago ako sa iyo," tahimik na sumbat ng puso niya nang magtama ang mga mata nila ng lalaki. "Sana po makapunta ka rin doon." Naputol ang tahimik na panunumbat niya sa lalaki at muling tumingin kay Kian na inosenteng nakatingin sa kaniya. "Magpagaling ka pa lalo ha," mahinang giit niya sa bata sabay haplos sa buhok nitong mayabok na. Rati kasi ay naglalagas ang mga buhok nito dahil sa sakit nito pero ngayon ay bumalik na sa dati marahil ay naging successful ang operasyon nito. Sa isipang iyon ay natuwa ang kaniyang puso dahil naligtas ang bata sa sakit. Ilang saglit pa ay kailangan na niyang bumitaw sa bata kahit pa mahirap para sa kanya kumalas rito. Nang sinulyapan niya si King blangko pa rin ang mukha nito. Wala siyang nababasang kahit konting emosyon man lang parang estranghero siya para rito. Tinawag na nito si Kian at humakbang na papalayo. Habang sinusundan niya nang tingin ang mag-ama napaupo na lang siya sa sahig ng hallway hawak-hawak ang puso niya. Dahil sa tinding sakit na sumidlit sa kaniyang dibdib na animo'y tinusok ng kutsilyo, halos hindi siya makahinga sa paninikip ng dibdib niya. "A-ang s-sakit," anas niya habang pumatak ang luha sa kaniyang mga mata. Napalingon siya sa dalawang kaibigan kanina pa nanonood sa kanila. Parehong hindi maipinta ang mga mukha nito dahil siguro sa nasaksihan. "I can't believe it!!" "Just like that?" Napakagat labi na lang siya sa pagsabay nareact nina Irene at Charmine. Hindi niya naman masisi ang mga ito dahil kahit siya'y naninibugho ang kaniyang damdamin. "Ano bang problema niyo?" naguhuluhang tanong ni Reynier sa kanila ng maabutan sila roon karga nito si Kianna nauna lang silang tatlo nang kunti. "Reynier! 'Di mo na nakita 'yun ang Bf ni Mary at ama ni Kianna," sumbong ni Irene rito. Kumunot noon nito at tumingin sa kanya. "Boyfriend mo 'yun? Pamilyadong tao na 'yun ah." "Annulled na ang kasal nila ng dating asawa," maagap namang sagot niya. Napailing ito. "Kaya pala..." Napatingin naman siya sa lalaki dahil sa sinabi nito. "Bakit? takang tanong niya. Napahagod ito ng batok. "Eh kasi 1 year ago and 8 months, may tumawag sa landline mo hinahanap ka, nang tinanong ko kung sino, sabi niya boyfriend mo raw siya at ang pangalan niya'y King Jam Montel kaya't sinabihan ko siya kung totoong ngang boyfriend mo siya dapat ay pumunta siya sa unit mo at pumunta nga nang makita kong may anak na siya ay..." "Ano ginawa mo?" sabay na tanong nilang tatlo. Ngumiwi muna si Reynier. "Sinabihan ko siyang boyfriend mo ako, akala ko kasi niloloko ka niya kasi nga akala ko pamilyadong tao siya may bitbit kasi siyang bata 'e. Malay ko bang hiwalay na pala siya sa asawa—" "What?" sabay-sabay nabulalas nilang tatlo at hindi na pinatapos ang lalaki sa pag kwekwento. Napakamot ito sa batok, habang napailing ang dalawa niyang kaibigan at siya naman wala na may maisabi pa. *** GABI na pero 'di pa rin makatulog si King. 'Di mawala sa isipan niya ang babaeng nakita niya kanina na kausap ni Kian at niyakap pa ng anak. 'Di nawala sa isip niya ang mata nito na tumingin sa kanya na may pangungulila at hinanakit. May nakaraan ba sila ng babae? He suffered on temporary amnesia kaya 'di niya makaalala ang mga taong dating kakilala niya except sa kakilala niya noong bata pa siya. One year ago and 8 months na-aksidente siya base sa kwento ng kanyang Tita mama galing raw noon siya sa bar. Nakatulog siya sa sobrang pag-iisip pero makaraang ilang oras napabalikwas siya ng bangon dahil napanginpan niya ulit ang babaing laging laman ng panaginip niya. Noon 'di klaro ang mukha nito pero ngayon klarong-klaro na .... siya 'yung babaeng kausap ng anak niya. 'Yung ngiti na iyun, mga haplos at halik na pinag saluhan nila ay parang totoong-totoo. Napaupo siya sa gilid ng kama at mamaya tumayo siya at lumabas sa veranda at minasdan ang bituin sa langit. "Gusto ko siyang makita ulit.... mababaliw ako sa kakaisip kung sino talaga siya sa buhay ko..." bulong niya sa hangin. ... ©Binibining Mary
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD