Chapter 4

1847 Words
Napatigil sa pagsesermon na parang nanay niya ang kaibigan nang bigla na lamang may kumalabit sa kanya at sabay silang napalingon ni Irene nang marinig nila ang maliit na tinig na nagmumula sa kanyang gilid. Umangat ang gilid ng labi niya nang makita niya ang isang batang lalaki nakangiting nakatingin sa kanya na animo’y naka kita ito ng laruan na gusting-gusto nito. “Hi po,” bati ng batang lalaki sa kanya. “Hindi po ba’t ikaw po si Cha-cha? Iyong isa po sa mga sumasayaw ng commercial ng chocolate drinks sa Tv 5 po?” Napakurap-kurap siya sa pagkagulat sapagkat hindi niya lang inaasahang may makakaalala pa sa mukha niya at sa sayaw na ginawa niya sapagkat matagal na iyon at pinapakita man e minsan-minsan na lang. Hindi niya maiwasang mapangiti sa batang lalaki kay gwapo at kay kyut. “Oo ako nga, kilala mo ako?” Mabilis na tumango ang bata at pumalakpak pa ito. “Idol ko po kayo kasi ang galing-galing niyo pong gumiling,” nakangiting komento ng bata na namimilog pa ang mga mata sa tuwa. “Hmm, talaga?” hindi niya maiwasang itanong sabay ngitian ang bata na may pamilyar na mga mata. Tumango-tango ito. “Opo, dinadownload ko nga po mga video niyo po,” bibong kwento nito. Hindi niya napigilan ang sarili at hinaplos ang pisngi ng bata kaagad na yumakap sa bewang niya. Nanlaki ang mga mata niya at gano’n din ang kanyang kaibigan na O.A pa ang react sa kanya. Sinuklay-suklay niya ang malambot na buhok ng bata, napatigil lang siya nang… “Kian…” Hindi niya alam pero parang bigla na lamang may sumipa sa dibdib niya nang marinig ang pamilyar na boses. Dahan-dahan siya lumingon at halos malaglag ang banga niya nang makita kung sino ang humawak sa kamay ng batang lalaki na ngayon ay nakayapos sa kanya. “I’m sorry, kung na abala man kayo ng anak ko—” “Daddy! I found her,” masiglang sabi ng bata at humiwalay sa kanya at tumungo sa gilid ng ama sabay turo sa kanya. “You found who?” magkasalubong ang mga kilay na tanong ng lalaking dahilan kung bakit halos gusto na lumabas ng puso niya sa kanyang dibdib. Habang siya ay hindi maalis ang mga mata sa mukha ng lalaking seryosong nakikipag-usap sa anak nito. Hindi niya akalaing makikita niya ngayon ang lalaki pero aminin man niya sa hindi mayroon sa puso niyang nangungulila sa lalaki. Minasdan niya ito, tumaas pa ito at lumaki ang katawan na pwedeng-pwede na ikompara sa mga model sa magazine. Kung gwapo man ito noon ay mas lalo itong gumawapo ngayon, he looks hot and presentable. “Oh, tulala ka riyan siya pa rin no?” pabulong na pambubuska ni Irene sa kanya. Nagbawi siya ng tingin sa mag ama at bumaling sa kaibigan at pinanlakihan ito ng mga mata para ipaalam rito na tumigil ito sa pag aasar sa kanya. “Asus, nahiya ka pa, aminin mo na, mahal mo pa rin iyang Hari ng buhay mo,” nakangising dagdag pa ng kaibigan na binalewala lang ang kanyang pagpipigil niya rito. “Pwede ko po ba malaman ang pangalan niyo?” Napatingin sila ni Irene sa batang lalaki na ang pangalan ay Kian. Bumuka-sara ang kanyang labi sa gulat at naninigas siya sa kaba ng mahagip ng mga mata niya si King. “Kian, stop it, let’s go—” “Wait, daddy please,” pakiusap ng bata sa ama na animo’y matanda na kung magsalita. “I-I’m Mary Chris Sigua, sweetheart, how about you, what’s your name?” nakangiting tanong niya sa batang pinagsalakop ang mga kamay na animo’y pinigilan ang sarili mapatalon sa tuwa. “Kian po, pwede po ba ako umupo sa tabi mo?” malambing na sabi ng bata. “Son, stop it—” “It’s okay,” mabilis na putol niya sa pag saway ni King sa anak. “You can join us to if you want,” singit ni Irene at tinuro pa ang upuan sa kanyang tabi. Nakita niyang naasiwa ang lalaki pero nang tumingin ito sa anak ay napabuntonghininga ito at umupo sa kanyang tabi habang nasa kandungan naman niya ang anak nito. Ilang saglit pa ay nakita niya na lamang ang sariling nakikipag usap na sa mag ama at nalaman niyang naging isang Dentist Technician ang lalaki at meron rin ito sariling kompanya na siyang may ari na isang sikat na restaurant. Nang magpaalam na ang mga ito ay abot-abot ang pasalamat at hingi ng paumanhin ng lalaki sapagkat halos ayaw mahiwalay sa kanya ni Kian and he even ask her number na binigay naman niya. Paano niya naman kasi matatangihan ang kakyutan ng bata at ang mga mata nitong grabe kung mang akit na minana nito sa ama. “Haba ng hair ah, hindi maalis ang tingin ni Mr King sa iyo at mukhang bet na bet ka pa ng anak niya,” komento ni Irene nang nasa daan na sila pauwi. Bumuntong hininga siya. “Tigilan mo na nga ako, lalo mo lang ako pinaasa ‘e.” “Asus, kunwari ka pa riyan alam ko namang deep inside ‘e kinikilig ka,” pang aalaska pa nito sa kanya. Hindi niya na lang pinansin ang kaibigan at hinayaan ang kanyang diwa lumakbay. *** SUMUNOD na araw sa may grocery store siya, bumili kasi siya ng mga kailangan niya sa bagong tahanan niya. Palabas na sana siya sa may grocery store nang mahagip ng mga mata niya si King nakikipag usap sa anak nito. Tumaas ang kilay niya nang mapansin na mukhang nagtatalo ang dalawa hindi niya alam pero nakita niya na lamang ang sariling nasa harap na ng mga ito. “Hmm, anong nangyayari bakit tila maiiyak ka na, sweetheart?” masuyong tanong niya na ang mga mata ay sa bata. Nang makita siya nito ay kaagad itong yumakap sa kanya. “Ayaw po kasi akong bilhan ni daddy ng chocolates drink po, iyong commercial e ikaw po,” sumbong nito. Napatingin siya sa bata na ngayon ay nakanguso. Nilapat niya ang tingin sa amang nitong nagkamot ng ulo na animo’y isang teenager na huli ng crush nitong nakatingin rito. Kinagat niya ang ibabang labi sapagkat kay gwapo nito tingnan lalo pa’t noong nagkamot ito ng batok. “He can’t have it for now, nasisira na ang ngipin niya sa kakainom at kakain ng chocolates, so, it’s no.” Napatikom ang kanyang bibig ng biglang nang salita ang lalaki gamit ang seryosong tinig. Napatingin siya kay Kian na ngayon ay namumula ang mga mata at ilong. “Ahmm, huwag kang umiyak, tama ang daddy mo hindi makakabuti kung patuloy kang kakain at iinom ng chocolate masisira ang ngipin mo mababawasan ang kakyutan at kagwapuhan mo kung gusto mo ‘e sasayaw na lang tayo,” pag-aalo niya sa bata kahit pa hindi siya sigurado kung tatalab ba. Ilang saglit pa ay nakita niya na lamang ang sariling nasa loob na nag sasakyan ni King habang katabi si Kian at kumakanta sila ng sabay. “Choco-choco, choco-choco, masarap inumin at langhapin…” kanta nilang dalawa at sinasway ang mga kamay at bewang. Napangiti na lang siya nang makitang mukhang nakalimutan na ng bata nag kalungkutan nadarama nito kanina. Kung paano niya ito na kombinsi ay hindi niya alam basta inaya na lang siya bigla ng bata na sumabay siya sa mga ito at hindi niya magawang tumanggi kaya heto siya ngayon nakisakay sa mag-ama. Pagkatigil nang lalaki sa tapat ng Fantasy Condominium ay napatingin siya kay Kian na malapad ang mga ngiti sa labi habang nakayapos sa kanya. “Sweetheart, hanggang dito na lang ako—” “You live here?” putol nito sa sinasabi niya. Tumango siya. “Yes.” “We live here too,” nakangiting giit ng bata. Napa-awang mga labi niya sa gulat. “Really?” Tumango-tango ito. “Yes po, right dad?” baling nito sa ama na ngayon ay binuksan na ang pintuan at sumilip sa kanila. “Ahmm, kailan pa?” “Ngayon-ngayon lang,” Si King ang sumagot. Napatingin siya sa lalaki nang kunin nito si Kian sa kanya. Pagkababa niya ay kinuha na niya ang mga plastic bags na ang laman ay ang mga pinamili niya. “Let me help you,” malumanay na giit ng lalaki. Napa-atras siya nang mapansing magkalapit sila ng lalaki at si Kian ay nakangiting minasdan sila. “S-salamat,” nauutal na pasalamat niya. Tumango lang ang lalaki at nauna nang lumakad habang napababa siya ng tingin nang maramdaman niyang humawak sa kamay niya si Kian. Ngumiti siya sa bata at inakay na ito para sumunod sa ama nito. *** Nasa harap na sila ngayon nang elevator, hawak hawak niya ang kamay ni Kian habang si King naman ang may dala-dala ng mga grocery bags nila. “Ahmm bakit nga pala dito kayo tumira—I mean ahmm—” “May sakit po kasi ako at dito po naisipan ni Daddy kami pamansamantalang tumira dahil malapit po ito sa hospital at sa doctor ko po,” sagot ni Kian. Sa narinig ay humigpit ang hawak niya sa kamay nang bata. “M-may sakit ka? Anong sakit?” “For now, ay hindi naming alam, hinihintay pa naming ang resulta ng lab test ni Kian,” maagap na sagot ni King. Bumuka ang labi niya para magtanong ulit ngunit tumunog na ang elevator at bumukas ito. Walang imik silang tatlo sa loob ng elevator kahit pa kating-kati na ang kanyang dila mag-usisa pa pero nahihiya naman siya magtanong baka kung ano ang isipin ni King. Ilang saglit pa ay tumigil na ang elevator sa floor kung saan ang unit niya. Labag man sa loob niya ay binitiwan na niya ang kamay ni Kian na napatingin sa kanya. “Dito ka din po?” inosenteng tanong ng bata. Bago pa man siya makapagsalita ay lumabas na si King bitbit pa din ang grocery bags nila. Nalilito man ay hinawakan niya muli ang kamay ni Kian at inakay ito palabas. “Thank you sa pagtulong mo kanina at pasensya na sa abala,” giit ni King at binigay sa kanya ang kanyang mga plastic bags. Napakurap-kurap siya at wala sa sariling tinggap ang mga plastic bags niya sabay tanaw sa mag-ama na ngayon ay lumakad na at tumigil sa may unit na kaharap ng unit niya. “Mary…” Napatingin siya kay King na siyang tumawag sa pangalan niya. Parang gusto niyang mapagulong-gulong sa sahig sa tuwa nang marinig niyang tinawag siya ng lalaki sa pangalan niya at hindi lang iyon ngumiti pa ito sa kanya habang kumaway naman si Kian bago ng mga ito sinira ang pintuan. Napa-upo siya sa sahig ng corridor dahil nanlalambot ang kanyang tuhod sa sobrang kaligayahang kanyang nadama ng mga sandaling iyon. “Ngitian niya ako!” bulalas niya at pigil ang sariling mapatalon sa tuwa. Hindi kaya na pansin natin ito sa wakas ang beauty niya? Aba’y sana’y magtuloy-tuloy na. Tumayo siya at malapad ang mga ngiting binuksan ang kanyang pintuan. … Binibining Mary
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD