NASA bahay siya ngayon ng isa sa mga matalik niyang kaibigan mula pa noong high school siya hanggang ngayon. Masasabi niyang kasing tibay ng kawayan ang kanilang pagkakaibigan sapagkat kahit ano pang bagyo, lindol o baha pa iyan hindi natitibag ang kanilang pagkakaibigan. Napabalik siya sa kanyang katawang lupa nang bigla na lamang ng salita ang kanyang kaibigan.
"Sabi ni Irene langga sa TV five ka raw nag-w-work ngayon? Akala ko ba nagtuturo ka sa elementary?" nagtatakang tanong ni Charmine sa akin.
Tumango siya sabay ngiti bago sumagot, "Ah, oo, Langga eh hmm sideline lang naman habang nasa vacation.”
"Edi malapit lang pala sa condo mo."
"Kaya nga eh heaven sent that place for me, angel talaga si Mariel."
Masayang pinagmasdan siya nito. "Ang ganda-ganda mo, sana kapag nagkaanak ako ng babae gusto ko kasing ganda mo."
Tumawa lang siya. "Mas maganda ka kaya langga para kang ngang si snow white eh," pakindat-kindat pang komento niya na may katotohanan naman.
"Ikaw talaga langga, kahit kailan napakabolera mo, tingnan mo nga ako ang taba kuna," nahihiyang sabi nito.
"Oy, hindi ah sexy mo nga langga eh, natural lang 'yan kasi buntis ka, ganda nga ng kutis mo eh," puri niya rito saka pinagmasdan ang kaibigan na tumaba nga ng konti pero bumagay naman rito.
Kapansin-pansin din ang glowing na kutis nito, kunsabagay magpapakasal na ito sa lalaking matagal na nitong pinapangarap, ang swerte ng kaibigan niya diba.
"Langga, maid of honor kita ha?" pukaw nito sa kanya.
"Oy, ba't ako?" takang tanong niya.
"Akala ko ba si Irene?" dagdag niya pa.
"Ba't 'di ikaw? Gusto ko ikaw langga, at saka ayaw daw ni Irene baka daw siya maisunod na ikasal pag nagkataon," natatawang sabi ni Charmine.
"Ah, hahahaha si Irene talaga, noon pangarap mo lang langga....ngayon yiee tignan mo," nakangiting giit ko.
"Oo nga eh, kahit ako 'di makapaniwala na magiging asawa ko na siya," maligayang sabi ni Charmine.
"I'm so very happy para sa inyo langga, I know you deserve it," nakangiting komento niya.
"Thank you, langga," maligayang anito sabay yakap sa kanya.
"Teka eh, ikaw? Kailan mo balak magkajowa?" tanong nito bigla.
"Haha, wala pa 'yan, sa isip ko langga," nakangiting tugon niya.
"Gano'n ba? lkaw bahala, basta support kita langga," anito.
PAGKAGALING niya sa bahay ni Charmine dumeritso na agad siya sa mall kung saan tatagpuin niya ang isa niya pang kaibigan. Pagkapasok niya sa isang restaurant ay may kumaway agad sa kanya. Ngumiti siya sa kaibigang naka upo sa may gilid, mabilis na lumakad sila palapit rito sapagkat alam niyang naiinip na ito.
"Oh, saan ka pala galing?" agad na tanong ng kaibigan pagkaupo niya.
"Sa bahay ni Charmine buntis, ang ganda niya, sana lahat ng buntis gano’n," masayang kwento niya.
"Kailan nga kasal sa next week na diba?" mamaya ay tanong niya.
"Oo, so ikaw 'yong maid of honor, no?" nakangising sabi nito.
"Oo, sino pa ba? Ayaw mo naman diba? Paano mo pala nalaman?" takang tanong niya.
"I have my ways," tugon nito sabay kindat pa.
"Ikaw talaga puro ka kalokohan," natatawang aniya sabay tampal rito.
Tumawa lang ang bruha tapos biglang ng seryoso, weird girl.
"So, ikaw? Kailan mo balak magpakasal o should I say magkajowa man lang? Diyos ko Mary, mabubulok na lang 'yang flower mo wala nagdidilig at ng papainit," nakapoker face na komento nito.
"Ikaw, talaga ‘yang bibig mo," saway niya rito.
"Pero ‘neng seryoso ha, mag jowa ka na at magpabuntis na rin para kasal agad para naman may kakabalahan kang iba, 'di iyong puro trabaho ka lang," mala nanay na sermon nito.
...
Binibining Mary