NASA kalagitnaan ng pag-z-zumba si Mary nang bigla na lamang niya narinig ang pagtunog ng doorbell kaya’t mabilis na kinuha niya ang kanyang pamunas at tumungo sa pintuan. Halos matumba siya sa kanya kinakatayuan nang bumukad sa screen ang mukha ni King, napalunok siya at hindi niya maiwasang tignan ang sarili sa may salamin sa gilid. Mabilis na hinagod niya ng tingin ang sarili at ang mukha. Pinamulahan siya nang mapansing fit na fit na blouse ang sout niya at gano’n din ang cycling pero there’s no time na para magbihis pa siya kaya’t pinunasan na lamang niya ang kanyang mukha at pikit matang binuksan ang pintuan.
“Hi po.”
Napababa siya ng tingin nang marinig ang matinis na boses ni Kian na ngayon ay nakayakap na sa binti niya.
“I’m sorry to disturb you—”
“It’s okay wala naman ako masyadong ginagawa ngayon,” kaagad na putol niya sa sinasabi ng lalaki.
Minasdan nito ang mukha niya pababa sa kanyang katawan at nagtagal ang mga mata nito sa dibdib niyang litaw na litaw ngayon ang kalahati dahil sa V neck na blouse na suot niya at hapit na hapit sa kanyang katawan.
“Aherm!” tikhim niya para makuha ang atensiyun ng lalaki.
“Pasok kayo,” aniya para mawala ang tensiyon sa namumuo sa pagitan nila ng lalaki.
“Thank you,” sagot nito at pumasok na.
Pagdating nila sa sala ay umupo si King sa may kalaparang sofa habang siya ay sa pang isahan na sofa.
“Ms Mary, bigay namin ni Daddy,” basag ni Kian sa katahimikan at inabot sa kanya ang macaroons.
“Thank you,” pasalamat niya na ang mga mata ay kay King.
Tumango ang lalaki halata sa mukha nitong naiilang ito sa sitwasyon nila hindi tulad sa anak nito na feel at home.
Tumayo siya at tumungo sa may kusina dahil naaalala niyang may niluto siyang cookies kahapon. Naisipan niyang bigyan ang mag-ama.
“Ang ganda po ng kusina mo Ms Mary, ang linis po.”
Napalingon siya at ngumiti ng makita si Kian na nakatayo sa may gilid niya na nililibot ang mga mata sa kabuan ng kusina niya.
“Salamat, sweetheart. Dalhin mo pala ito, binake ko iyan kahapon lang sana’y magustuhan mo.”
“Wow, marunong ka pong mag-bake?” manghang tanong nito.
Ngumiti siya dahil ang kyut ng reaction ng bata at hindi niya maiwasang guluhin ang buhok nito.
“Oo pero hindi gano’n ka galing.”
Nagulat siyang bigla na lamang tumakbo ang bata pabalik sa sala kaya’t sinundan niya ito. Napatigil siya nang maabutan niyang nag-uusap ang mag ama.
“Ms Mary give this to me, Daddy. See it’s beautiful and looks delicious, I can eat this right, Daddy?” Kulit ni Kian sa Ama.
“Later, son, hindi pa tayo kumakain ng tanghalian,” sagot ni King na hindi napansin ang presinsya niya.
“Ahmm....kung gusto niyo, sumabay na lang kayo kumain sa akin, marami naman ang niluto ko,” malumanay na aniya.
“Talaga po? Papatikim mo ako ng niluto mong ulam, Ms Mary?” kumikinang ang mga matang bumaling si Kian sa kanya.
“No, Kian. Nakakahiya kay—”
“Oo naman,” maagap na sagot niya para putulin ang sasabihin ni King.
“Yehey!” Napatalon pa ang bata sa tuwa habang napakamot na lamang ng batok si King na tumingin sa kanya.
Lihim ding nagdidiwang ang puso niya dahil makakasabay niya ang lalaki sa pagkain. Matapos nilang kumain ay hinihatid niya ang mag ama sa labas ng pintuan niya.
“I’m really sorry—”
“No, it’s okay, masaya akong binigyan mo ako at si Kian.”
Bumuntong hininga si King at umilap ang mga mata nito. “Thank you…”
Tumalikod na ito habang siya ay tinanaw niya lamang ang mag ama, nang akmang tatalikod na sana siya nang biglang…
“Single po ang Daddy ko, Miss Mary,” nakangiting hirit ni Kian.
Napakurap-kurap siya at tila siya natuod sa kanyang kinakatayuan sa samu’t-saring emosyun na nadarama niya.
“Single daw…” wala sa sariling bulong niya.
Ilang saglit pa ay napatalon siya sa tuwa at parang baliw na kumendeng-kendeng papasok sa kanyang unit at hindi mawala-wala ang ngiti sa kanyang mga labi.
“Kung gano’n ay totoo ang sinabi ni Mariel at may chance pa ako,” bulong niya sa sarili at tumili.
***
ABALA siya sa pag aayos ng gown niya at sa kanyang sarili nang bigla na lamang dumating ang kanyang matalik na kaibigan na si Irene.
"Oh, sis anong balita sa inyo ni Mr King mo na long time highschool sweetheart mo?" tanong bigla ni Irene habang nag aayos ng gown nito, it's wedding day na kasi ni Charmine.
"Oy, oy, ano ‘yan ha?" tanong ni Juliane na tapos na sa pag-aayos.
"Omo, langga ano meron? Nagkita kayo? Kwento ka naman," na-e-excite na sabat ni Charmine
So, ayun ng kwento nga siya blah.... blah......blah
A few minutes later...
"Omo, so wala nga siyang asawa?" kumikinang ang matang tanong ni Charmine
"Aytss may chance ka pa, my dear cousin," masayang ani ni Juliane.
"'Di lang iyon guys, mukha kasing magkaka-instant anak iyan, bet na bet ba naman ng anak ni King," nakangiting kwento ni Irene.
"Talaga? Wow naman," 'di makapaniwalang ani ni Juliane.
Naputol ang pagkwekwentuhan nila ng bumukas ang pinto ng kwarto at tinawag na sila kasi mamaya lang eh times up na.
--------WEDDING SCENE------
MALUHA-LUHANG naglalakad si Charmine papunta sa kanyang groom na si Darren. Nang dumating na ito sa harap ni Darren ay hindi mapigilan ng lalaki na mapaluha sabay sabing, "You’re so beautiful babe." At kinuha ang kamay ni Charmine at inilagay sa braso nito.
Bumaling muna ito sa ama ni Charmine sabay sabing, "Pa, thank you, pangako iingatan ko po ang prinsesa niyo." At lumakad na sila.
Habang si Mary naman 'di makapaniwalang si King ang best man ni Darren.
"Paano kaya nagkakilala ang dalawa—” Naputol ang pag iisip niya nang mag-prounce na ang pari ng, "You my now kiss the bride." At hinalikan na ni Darren si Charmine sa labi at nagsipalakpakan sila.
"Ang swerte ni meow no, naging asawa na niya ang dream boy niya," biglang komento ni Irene.
Gulat na tumingin siya rito halatang pinigilan lang nitong mapaiyak.
"’Wag mong sabihin na iingit ka ha?" pang aasar niya rito.
"Ako? Naiinggit hindi no, magpapakasal din kami ni babe ko Christian, baka ikaw? Ni wala ka ngang jowa," balik asar nito sa kanya.
Tinignan niya ito ng masama sabay sabing, "Hindi ah, malay mo baka mauna pa ako sa iyo," makahulugang sabi niya.
"Oo nga naman, nariyan na si Mr King mo eh, pero ang tanong liligawang ka kaya niyan?"
Natahimik siya sa sinabi nito, well mukhang malabo nga mangyari 'yon pero malay natin diba.
Masayang na tapos ang kasal ng dalawa at enjoy na enjoy talaga siya sa reception.
...
Binibining mary ✍️