ARAW ng lunes ngayon at nandito sila magkakaibigan naka tambay sa gilid ng classroom ng mga first year high school. Recess time kasi ngayon kaya’t nandito siya sa first-year department kahit pa second year na siya, mas nakakasundo niya lang kasi ang first year kaysa ka-edaran niya.
"Pansin ko lang, parang inlove ‘yung iba diyan," parinig ni Irene na alam niyang siya ang tinutukoy nito dahil siya naman kasi paboritong asarin ng kaibigan niyang baliw.
"Oo nga ano! Tingnan mo kung makatitig para tutunawin ‘yong tao," dagdag pa ni Charmine.
"Hmm… oy, ‘insan, umamin ka nga! Crush mo na si King, no? Ayieeee, sabi ko naman sa iyo eh!" panunukso ni Juliane.
"Ha?" Tulalang napatingin siya sa mga ito. Nawili kasi siya sa panonood kay aherm alam niyo na kay King.
"Ano pinagsasabi niyo diyan, hindi no!" mariing tangi niya nang ma-reliaze kung ano pinagsasabi ng mga lukaret niyang kaibigan.
"Denial queen," tawang-tawa buska ni Irene.
Hanggang sa ng vacation na don niya lang na-amin na crush niya nga talaga ang lalaki. Nag-friend request pa siya rito sa social media ng lalaki pero unfriend niya din naman kaagad na inis kasi siya. Sabi niya sa sarili ay i-uncrush na niya ang lalaki pero nang magbukas ang klase ay nalaman niyang magkaharap pala room nila kaya ayun mas nakilala niya pa ang lalaki at mas minahal niya pa. Ngunit kung saan hulog na hulog na siya doon naman ito lumalamig at umiiwas sa kanya pero ito naman puso niyang makulit todo papansin halos doon na nga siya tumambay sa labas ng room nila para makita niya lagi ang lalaki kahit nga sulyap lang buo na araw niya pero minsan halos 'di na ito lumalabas busy kasi sa cellphone.
"Kainis pakasalan mo na lang kaya 'yang cellphone mo ano? Total halos ayaw mo na 'yang bitiwan," naiinis na komento niya.
"Oh, ba't gan’yan mukha mo?" nalilitong tanong ni Diana isa sa mga classmate niya.
"Wala naiinis lang ako kay bukaw," tugon niya.
"Ah, hahahaha pareho pala tayo, 'yong crush ko kasi umiwas na sa akin, nalaman niya kasing crush ko siya, dahil sa chismosong si Janjan," naiinis na kwento nito.
"Ah gan’on ba," malungkot na aniya.
----------FASTFORWARD----------
August 24-25
Intramural na nila ngayon kaya maaga siyang nagising para pumunta sa plaza doon kasi mag uumpisa kaya papunta na siya doon. A few minutes later nakarating na din siya.
SA MAY PLAZA, masaya siyang nakikipagkwentuhan sa kanyang pinsan si Juliane nang matanaw niya ang kanyang dalawang kaibigan kaya agad siyang tumakbo papunta sa mga ito sa sobrang galak na kanyang nadarama.
"Mars, Mhie! Saan line natin?" nakangiting salubong niya sa mga ito pero deep inside malungkot siya dahil last day na ngayon ng kanyang kabaliwan sa lalaki dahil mukhang nawawalan na ito ng gana sa kanya kaya’t nag desisyon siyang iwasan na lang din ito kahit pa masakit sa kanyang kalooban sapagkat na hulog na ang loob niya sa lalaki. Oo, inaamin na niyang may gusto siya sa lalaking may malaki ang mga mata, mataas, maputi at gwapo ngunit napakasuplado.
"Doon ata, tara na," anyaya ni Mariel sa kanya.
"Ah oo sige," tugon niya at lumakad na sila.
Nagulat siya nang bigla siyang itinulak ni Mariel. Hahayaan niya na lang sana kasi 'di naman siya natumba at hindi naman siya nasaktan dahil may sumalo sa kanya, isang malapad na dibdib kaya’t naka balance siya. Tumingala siya para makita kung sino ang may ari ng malapad na dibdib. Nagulat siya nang malamang si King pala 'yon, wala siyang nasabi habang minamasdan niya ito at ang tanging nagawa niya lang ay pagmasdan ang lalaking kanina pa laman ng kanyang isipan. Kumibot ang kanyang labi nang makitang gumalaw ang adam apple ng lalaki. Nahihiyang yumuko siya at walang paalam na lumakad habang senermonan si Mariel na siyang may kagagawan ng lahat ngunit sa totoo lang lihim na nag didiwang ang kanyang damdamin sa hindi inaasahang paglapit nila ng lalaki.
Pagdating ng hapon parang tutunawin siya nito ng tingin, nagpalit-lipat nga siya ng pwesto at upuan pero sumusunod pa rin ang mga mata nito sa kanya kaya confirm na siya nga ang tinitigan nito. Sa hapon na 'yon may kakaiba talaga siyang nararamdaman sa kinikilos ng lalaki sapagkat ng hapon ding 'yon ay may laro ang kanyang pinsan ng valleyball kaya nandun siya para manood hindi niya lang alam kung gano’n rin ba ang motibo ng lalaki o gusto lang nito titingan siya na para siyang mahalagang bagay para rito kaya’t hindi siya nito hinahayaang wala sa paningin nito. Nang tumagal, mukha nabored na ang lalaki pero 'di pa din ito umaalis kahit ito na lang mag isa na nonood, napapa buntong hininga lang ito pero hindi ito umalis sa pwesto at ang mga mata nito ay gano’n rin sa kanya lang nakatutuk.
Kinaumagahan naisip niyang wag na lang ituloy ang pagmamaalam niya rito, para kasing sinasabi ng titig nitong kapit pa siya, siya namang si marupok bigay agad.
--------FASTFORWARD------
NANG humantong na siya sa grade 10 at Grade 11 na ay nagbago ang lahat, paminsan-minsan na lang sila nagkikita at napakalaki ng pinagbago ng lalaki.
CARD DAY, nag open siya ng sss account niya na sana 'di niya na lang ginawa, sapagkat noong araw na ‘yun ay warak na warak ang puso niya pinipilit lang siyang patawanin ni Mariel. Luhang luha siya dahil ang sakit sakit lang kasi.
Mula noon unti-unti nagbago nararamdaman niya sa lalaki, meron pa naman natira pero 'di na gaya ng dati. Noong ng college na ang lalaki ay 'di na sila nagkita pa. 'Di niya maitatangi pero meron dito sa puso niya na nangungulila sa lalaki, 'di na kasi sila halos nagkikita at 'di na din naman siya nag abalang maghanap ng impormasyon tungkol sa lalaki kaya't nagulat siya kanina sa ibinalita ni Mariel na may asawa't anak na ito.
"Oyy, Mary natulala ka?"
Napabalik siya sa realidad ng tapikin ni Mariel ang braso niya.
"Ha? Ay sorry may iniisip lang," kiming ngumiti siya.
"So, kanino mo nakuha ang balitang 'yan?" intersadong tanong niya.
"Oy, intresado siya," panunukso nito.
Tumingin lang siya kay Mariel na tila ba sinasabing sasabihin ba nito o hindi.
"By the way sa may kaibigan ko at saka nakita ko din sila ng anak niya sa mall ang kyut nga eh. So, Mary, may feelings ka pa ba sa kanya?" usisa nito matapos mag paliwanang.
"Ha? Ano ka ba! Wala na no, bata pa ako noon, it's just puppy love," sagot niya sabay tawa.
"Ah, eh, oo nga naman, sige kung may kailagan ka or may gusto kang idagdag na gamit rito sa unit just call me or chat me, sige pano alis naku," pamamaalam nito.
"Sige ingat ka, salamat pala bye," tugon niya at hinatid ito sa pintuan.
Nang makaalis na ito, inumpisahan na niya ang pag ayos ng gamit niya.
...
Binibining mary ✍️