Chapter 23

1637 Words
KALALABAS lang ni King sa kaniyang silid nang makita niya ang kaniyang anak na si Kian nakaupo sa may sofa. "Kian...." tawag niya sa atensiyun ng anak. "Yes po, Daddy?" sagot nito. Nakaupo ito sa kanilang sofa at bihis na bihis. Hindi niya maiwasang pagmasdan ang kaniyang anak. "Hmm sino ‘yung babaeng kinausap mo last week? Ba’t close kayo anak?" mamaya ay usisa niya. "Po?" nalilitong tumingin iyo sa kanya. Hindi kasi masyado naiintindihan ni Kian na may amnesia ang kanyang ama kaya’t gano’n na lamang ang naging reaksiyun ng bata. "Ahh, ‘yun po ba, Daddy? Si Tita Mary po, kapitbahay po natin siya dati sa Fantasy Condominium. Mabait po siya sobra. Noong na hospital po ako, siya po ang nagbabantay sa akin kapag nasa work ka po, saka po sa pagkaalala ko nililigawan mo po siya kasi inutusan mo ako bigyan siya ng chocolates at nag-date pa kayo kaya nga po lagi mo ako iniiwan kay Lola-Mama ehh, diba ginagawa lang ‘yun ng mag-dyowa? Saka po gusto ko siyang maging Mommy," mahabang salaysay ng bata. Sa narinig ay tila may mga seneryong nag-fla-flash sa kaniyang utak na naging sanhi para mapahawak siya sa kaniyang ulo habang nalilitong nakatitig naman sa kaniya si Kian. "Okay ka lang po ba, daddy?" worried na tanong nito ng makita siyang hawak-hawak ang ulo. Huminga muna siya ng malalim. "I'm okay son, pwede bang magpahinga muna ako sa loob?" Tumango lang ang bata, nang akmang aalis na siya muling ng salita si Kian, "Daddy hmm pwede po bang ‘wag niyong sabihin kay Mommy May tungkol sa ikwento ko sa iyo about kay Tita Mary?" Tumango naman siya at humakbang paalis. Hindi na siya nag-abala pang itanong sa bata kung bakit ayaw nitong ipaalam sa ina ang mga sinabi nito sa kaniya. Habang nakahiga sa kama niya si King. Naalala niya ‘yung babae noong highschool siya medyo hawig ito sa babaeng nakita niyang kayakap ang anak. Paano kung iisang tao lang sila? Sa kwento ni Kian naiintindihan na niyang meron silang nakaraan ng babae kaya pala nababasa niya ang sakit at pangungulila sa mga mata nito. Ngunit kung meron nga silang relasyon? Bago siya ma-aksidente, bat ‘di siya nito hinanap at kinontak? ‘Yun ang mga katanungan sa isip niya. Naalala niya nang magising siya sa hospital. NOONG nagising siya sa hospital wala siyang naalala halos 2 months siya comatose pero unti-unti din bumabalik ang alaala niya. Noong una akala niya happily marriage sila ni May halos isang buwan din siya nito inalagaan at sa isipang asawa pa niya ito na mahal na mahal niya inalagaan din niya ito not until he's Mother come to their house para kamustahin ang lagay niya. Nagulat siya nang masaksihan at marinig ang usapan ng ina at ni May. Hindi siya makapaniwalang ng hiwalay na pala sila ni May sapagkat ng loko ito at nang bunga iyun walang iba kundi si Miguel. Sobrang galit na galit siya sa babae ginawa siya nito tanga pinagsamantalahan nito kalagayan niya. Ngunit dahil ayaw niya maapektuhan si Kian at Miguel pinakasamahan niya ang babae hanggang matapos ang treatment niya at ni Kian doon sila namalagi sa bahay ng babae pero ngayon napagdesisyunan na siyang aalis na dun at babalik sa Fantasy Condominium. *** NASA hallway si Mary pauwi na siya sa kanyang condo nang— "TITA MARY!!" malakas na boses ang tumawag sa kaniya mula sa kaniyang likuran nang lingunin niya ito ay nakita niya si Kian tumatakbo sa dereksiyun niya at nang malapit na ito sa kanya sinugod siya nito ng mahigpit na yakap. "Tita Mary, namiss po kita sobra," sabi nito habang nakayakap sa kanya. Napa-tear eye naman siya sa sinabi ng bata at sa ginawa nitong pagyakap sa kaniya na tila ba siyang ina nito. "I miss you more, Kian," tugon niya at yumakap rin sa bata. "Talaga po?" masayang tanong nito na kumalas na sa kanya. "Oo naman," tuma-tangong sagot niya. ‘Di niya mapigilan ang sariling pagmasdan ang bata. Nakikita niya ang similarities ng kaniyang anak sa kuya nito, napakagat labi siya at tumingala para mapigilan ang sariling mapaluha. "Oo nga pala, sino kasama mo?" "Si Aling Nina po, ‘yung yaya ko." "Ah, bakit nasaan Daddy mo?" ‘di niya maiwasang itanong. Aminin man niya sa hindi namiss niya ito kahit pa parang wala na itong pakialam sa kanya. "Nasa clinic niya po, bakit, Tita Mary, gusto mo ba siyang makita?" "H-hindi naman hmmm nagtataka lang ako," nahihiyang sagot niya. "Okay po, pwede ba po ba akong pumasok sa condo niyo? Gusto ko po kasi kayong makasama." Mabuti pa ang bata namimiss siya pero ang ama nito naku!! Para lang siyang hangin rito na animo’y parang wala silang pinagsamahan na dalawa. Natawa siya. "Oo naman pasok ka,” aniya sabay bukas niya ng pinto ng makarating sila sa harap ng condo niya. Wala ang anak niya kinuha ng mga kaibigan niya kaya’t hindi siya nababahalang makita ito ni Kian. A FEW MINUTES LATER… "Tita Mary, bakit noon lagi ka pong wala dito? Lagi ko pong niyaya si Aling Nina puntahan ka po dito pero wala pong bumubukas ng pinto sa tuwing nag-d-door bell ako?" biglang tanong ni Kian. Napatigil naman siya sa paghahanda ng pagkain saka napatingin sa bata na hinihintay ang sagot niya, ayaw niya sanang magsinungaling sa bata pero paano naman niya ipapaliwanag dito na nauwi siya sa Iloilo dahil buntis siya. Sa halip tinanong niya pabalik ang bata. "Matagal na ba kayong bumalik?" "Opo," tugon ni Kian. "Ganun ba..." aniya at tumango. So, matagal na pala bumalik ang mga ito mas lalo tuloy siya nasasaktan sa isipang ‘di man lang siya hinanap ni King buti pa si Kian. Halos mabaliw kaya siya sa pag-alala at pangungulila rito araw-araw. Tapos ito mukhang wala lang. Siguro nga nagkabalikan ang dalawa at baka narealize ni King na mahal pa nito ang asawa at hindi naman siya. Tumingala siya para hindi malaglag ang luha sa mata niya. "Saan ka po pala tumira noon?" pukaw ni Kian sa kanya. "Hmm umuwi ako sa iloilo eh." "Ganun po ba, kaya pala." "Kayo, Kian, saan kayo nakatira ng umalis kayo dito?" "Doon po kami tumira sa bahay ni Mommy sa America po dahil na din sa operation ko at nagkasakit po si Da—” Tinakpan nito ang bibig bago pa matapos ang sasabihin nito. Tama ba narinig niya? Nagkasakit si King. Ano naman ang sakit nito? Biglang kumalabog ang puso niya sa mga hindi magandang senaryong pumasok sa kaniyang isipan. "Kian, ano sakit ng Daddy mo?" usisa niya. "Hmmm, actually po na-aksidente po si Daddy ng pauwi galing po sa isang bar, tapos po na comatose po siya, iyak ako ng iyak po noon. Akala ko ‘di na po siya magigising, gabi-gabi po ako nagdadasal na sana gumaling na po siya buti na lang po mabait si Jesus kaya gumaling po si Daddy ‘yun nga lang po malaki pinagbago ni Daddy hindi niya po kilala si Mommy pati po ako pero pa unti-unti po naalala niya din kami,” mahabang kwento ni Kian. Sa narining may namumuong ideya pumapasok sa isip niya paano kung na amnesia pala ang lalaki? Kung oo, paano siya makipaglapit rito eh, ‘di siya nito kilala saka nariyan pa si May. "NANDITO RAW SI KIAN,” bungad ni King pagbukas niya ng pinto. "O-oo." “Ano ka ba self!! Oo na nga lang na utal ka pa talaga,” sermon niya sa sarili. "Pasok ka muna," alok pa niya. Akala niya hindi ito papasok pero nagulat siya ng pumasok ito. Nilibot pa nito ang tingin sa kabuoan ng condo niya na para bang may inaalala. "Confirm!! May amnesia nga ito,” Sa isip niya habang minamasdan ito. "Matagal ka na ba dito nakatira?" biglang tanong nito. Gulat na napatingin siya sa lalaki sapagkat bigla ito nagtanong. ‘Di kaya may naalala na ito tungkol sa kanya. "I'm sorry if I ask you that—” bawi nito ng mapansing nakatingin lang siya rito. "No... okay lang," ngumiti pa siya sa lalaki na nakatingin sa kanya na parang sinusuri siya. "You look so familiar have we meet before? Or have we been friends or in relationship?" sunod-sunod na tanong nito. May munting tuwa siyang naramdaman sapagkat mukhang naalala siya ng lalaki sapagkat curious ito sa kanya bigla nabuhay ang pag-asa niya. "Really? Hmmm actually kaibigan ako ni Kian gano’n ka din," sagot niya. "Talaga? Pwede mo bang ikwento kung paano?" tanong nito na hindi maalis ang mata sa kanya. "Sure," magiliw na sagot niya "This is it! Chance ko na ‘to." "Nagkita tayo sa isang restaurant sa mall. Nilapitan ako ni Kian kasi nakilala niya ako bilang isang commercial dancer, ang pangalan ko roon ay Cha-cha. Natuwa nga ako dahil may nakaalala pa sa ginawa kong commercial…” At marami pa siyang sinabi sa lalaki maliban na lamang sa pangyayari sa kanila tulad na lamang ng panliligaw nito sa kaniya, at nagka-anak pa sila. Hindi na din ibanggit ang tungkol sa nakaraan nila noong high school sila dahil alam niyang magiging komplekado lamang ang sitwasyon. "So, Kian really saying the truth, huh! Ngunit sigurado ka bang magkaibigan lang tayo?" tanong nito matapos siyang magkwento. "O-oo naman hihi," kinakabahang sagot niya. "I think this is enough for today, I will get Kian at uuwi na kami. Thank you for taking good care of him and for telling me about our past. I really appreciate it," sabi nito saka tumayo at pumunta sa sofa kung saan mahimbing na tulog ang anak maingat nitong binuhat at tahimik na tumungo sa pintuan nakasunod lang siya sa likuran nito. "Hayy grabe!! Akala ko malalaglag puso ko kanina habang tinitigan niya ko, how I miss those big eyes," bulong niya natapos isara ang pintuan. … ©Binibining mary ✍️

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD