Chapter 16

2021 Words
MATAGAL na tinitingan niya ang kanyang repleksiyun sa salamin, sinuri niya ang kanyang itsura kung bagay din ba sa kanya ang sinuot niyang mini dress na usong-uso ngayon. Hanggang ibabaw ng tuhod niya ang haba noon, kulay gatas at hapit na hapit sa kanyang bewang kaya’t lumabas tuloy ang maliit na kurba ng bewang niya at bilugang dibdib niya. “Hindi ko akalaing ngayon ko gagamitin ito pero ang ganda lang para akong koreana hihihi,” nakangiting aniya at umiikot pa. Pinarisan niya ng kulay gatas din na sandals terno ng kanyang bags at panali sa buhok ang kanyang mini dress. “Ang ganda talaga para akong model sa online shopping apps,” tuwang-tuwang komento niya. Naputol ang pag-d-day dream niya nang marinig niya ang pagtunog ng door bells, walang ano-anong tumakbo siya at tumigil sa harap ng pintuan. Inayos muna niya ang sarili at pinaskil na ang ngiti sa kanyang labi at binuksan ang pintuan. “Hi,” bati niya sa lalaking titig na titig sa kanya. Nagkamot ng batok ang lalaki nang makabawi na ito. “Pasensya na kung natagalan ako—” “Hindi, ayos lang. Ahmm, tara na?” anyaya niya. Ngumiti ito at tumango habang ng lalakad sila sa hallway ay kapansin-pansin ang paglingon at pagtingin ng tao sa kanila. Napatingin siya kay King walang imik sa kanyang likuran, hindi niya alam pero nang makita niyang nakatingin ang mga babae kay King ay tumigil siya sa paglalakad. “Mary, may problema ba?” Inangat niya ang kanyang mukha at tumingin sa lalaki. “Pwede ba akong kumapit sa braso mo? Nanakit kasi ang paa ko,” pakiusap niya. Nakita niyang mukhang nagulat ang lalaki kaya’t babawiin niya sana na lang ang sinabi ngunit nagulat siya nang kinuha nito ang isang kamay niya at nilagay nito sa braso nito. “Tara na,” nakangiting anyaya nito. Tulalang napatango siya at hinayaan ang lalaking alalayan siya. Pagdating nila sa labas ay tumigil ito sa paglalakad kaya’t napatigil din siya. “Gusto mo bang sumakay o lalakarin na lang natin?” Napatingala siya sa langit, ang ganda ng panahon ng mga sandaling iyon. Hindi mainit at hindi rin madilim kundi sakto-sakto lang. “Ayos lang naman sa akin lalakarin natin,” tugon niya. “Pero baka lalo sumakit ang paa mo—” “Ayos lang, pwede mo naman akong buhatin—” Nabitin sa eri ang masunod niyang sasabihin ng may napagtanto siya. Napahawak siya sa kanyang mukha nang makitang umangat ang gilid ng labi ng lalaki na animo’y naaliw ito sa sinabi niya. “Huwag mo na lang pansinin ang sinabi ko nagbibiro lang ako—” “Ayos lang kahit seryoso ka pa. It’s my honor to carry you.” Tumalikod siya sa lalaki para itago ang pamumula ng mukha niya. Napa-angat siya ng tingin ng hinawakan nito ang kamay niya at marahan siyang hinila. Walang imik silang naglalakad sa gilid ng karsada, kung dati ay nililibot niya ang tingin sa paligid sa tuwing naglalakad siya sa daan, iba na ngayon dahil hindi maalis ang kanyang mga mata sa lalaking nasa harap niya. Tulad ng dati ay para itong magnet na kada kita niya rito ay tila ba hinahatak siya nito. Walang kupas din ang talent nitong pabilisin ang t***k ng puso niya. “Wala na, finish na. Patay na patay talaga ako sa lalaking ito,” bulong isip niya. Napabalik siya sa katawang lupa niya nang mabunggo ang noo niya sa malapad na likuran ng lalaki. “Ayos ka lang?” nag-alalang tanong nito nang makitang napahawak siya sa noo niya. “Sorry, kung tumigil ako bigla—” “A-ayos lang,” maagap na tugon niya. “Gusto mo bang sumampa sa likod ko?” “Huh?” gulat na bulalas niya. Ngumiti ang lalaki at nag kamot ng batok. “Kako baka gusto mong sumampa sa likod ko mukha kasing pagod ka na.” Tumingin siya sa mukha ng lalaki, nakita niyang seryoso ito sa sinabi. Nababasa niya rin sa mga mata nito ang determinasyon. Walang imik na tumango siya, napangiti na lang siya nang makitang mukha natuwa ang lalaki sa naging tugon niya. Umupo na ito sa harap niya at siya naman ay dahan-dahang sumampa sa likod nito. Nang magsimula ng lumakad ang lalaki ay napakapit na siya sa leeg nito at hindi niya maiwasang isandal ang ulo sa likod ng lalaki. ILANG saglit pa ay tumigil si King sa paglalakad at maingat na ibinaba siya. Nakangiting lumingon ito sa kanya at tinuro ang isang mala kubong tindahan. “Nandito na tayo,” anunsyo nito at inabot ang kamay sa kanya. “Pasok na tayo at kumain,” nakangiting dagdag pa ng lalaki. Malapad ang ngiting tumango siya at hayaan itong hilahin siya papasok sa tindahan. Lumipas ang 30 minutos ay luto na ang mga binili nila. “Gusto mo bang sa tabing dagat tayo kumain?” Napatingin siya sa lalaki. “Kung pwede sana.” Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya patungo sa may tabing dagat. Maingat na nilagay ng lalaki sa may upuan may kalaparan ang mga binili nilang pagkain at umakyat ito roon. Inabot nito ang kamay sa kanya, nakangiting inabot niya ang kamay nito. “Ahmm nasaan pala si Kian?” tanong niya nang maka upo na sila. “Nandun kina Mama-tita.” “Gano’n ba? Kaya pala…” mahinang giit niya. Tumingin sa kanya ang lalaki. “Alam mo bang lahat ng lalaking nakakasalubong natin ay hindi maalis ang tingin sa iyo?” Tumaas ang kilay niya sa sinabi ng lalaki. “Huh? Bakit?” Ngumiti ito. “Well, I can’t blame them because you look beautiful.” Umawag labi niya sa sinabi ng lalaki, hindi niya lang kasi inaasahan sasabihin nito iyon. “Bagay na bagay sa iyo ang suot mo. You look so hot and sexy at the same time.” “T-thank you,” nahihiyang tugon niya. Mapungay ang matang tumingin ito sa kanya ng deritso. “I been waiting this moment, na makapag-usap tayo kasi ang totoo ay matagal ko ng planong yayain ka lumabas kaso lang iunahan ako lagi ng hiya at dahil na din naging busy sa nangyayari.” Wala siyang masabi tanging napatitig lang siya sa lalaking ngayon ay tumingala sa kalangitan. “Gawin natin to ulit ha?” Napatingin siya sa lalaking tumingin din sa kanya. “Hindi ka nagbibiro?” Tumawa ito ng mahina. “Hindi, seryoso ako—” “Sure,” maagap na sagot niya. Napatitig sa kanya ang lalaki at napakurap-kurap siya ng ngitian siya nito. Ngiting hindi pa niya nakikita noon, halos lumabas ang puso niya sa kanyang dibdib sa bilis ng kabog noon. “Thank you, Mary.” Marami pa sila pinag-usapan ni King ng mga sandaling iyon. Nalaman niyang marami pala talaga silang common trait, interest and views na dalawa. Na-enjoy niya talagang ang sandaling iyon kasama ang lalaki lalo na habang pinapanood nila ang paglubog ng araw. Parang gusto nga niyang patigilan ang oras para matagal silang magsasama ng lalaki pero wala siyang gano’n kakayahan. *** NANG tumigil na sila sa harap ng condo niya ay napatingin siya sa lalaki dahil mukha wala itong plano binitiwan ang kamay niya. Nagpasya na silang umuwi dahil madilim na sa labas kahit ang totoo ay ayaw pa niya sana mawalay sa lalaki. “T-tatawag ako mamaya, okay lang ba?” Napangiti na lang siya at tumango tulad niya ayaw rin nito matapos ang gabing magkasama sila. Akmang tatalikod na siya para pumasok ng bigla hinatak siya ng lalaki at hinalikan. Nanlaki mata niya sa gulat pero tumugon din siya sa huli ‘di niya namalayan nakapasok na silang dalawa sa loob ng unit niya at napahiga siya sa sofa. Mas lumalim pa ang halikan nila nang bigla tumigil si King at tumayo. "I’m sorry," nakayukong paumanhin nito. "Alam kong masyadong mabilis at—” Nabitin sa eri ang iba pang sasabihin ni King nang hatakin niya ito at siya na mismo ang humalik sa mga labi nito. Nanigas si King sa gulat pero saglit lang kaagad din naman itong tumugon at isang kisap mata lang ay nag palit na sila ng pwesto. Napatawa si King sa kapanghasang ginawa niya. Maging siya ay nagugulat sa kan’yang inaasta pero sino ang nag iisip ng kabaliwan niya? Basta ngayon dapat ay hindi niya hahayaang bibitin siya ng lalaki. "Ang wild mo," nakangiting komento ni King nang tinulak niya ito. "Shout up and kiss me, baby," asik niya rito. Sinunod nga ito ng lalaki. Nang gabing ‘yun malaya nilang naiparamdam sa isa't- isa ang init at puno nag pagmamahal na pinagsaluhan ang physical type of love. NAGISING si Mary nanakit ang kanyang mga katawan. Nilibot niya ang paningin sa paligid at napakurap-kurap siya nang mapagtantong nasa pamilyar na silid siya. "Nasa kwarto na ako?" takang aniya. "Ay, oo nga pala ng round 2 pa kami rito sa kwarto ko.... nangigil kasi ‘yong isa diyan," napatingin siya sa lalaki tulog pa din malamang napagod ito ng ala-superman ba naman. Tumayo na sana siya para gumawa nang breakfast pero napaupo uli siya. "s**t! A-ang sakit," daing niya at mariin siyang napapikit. "Mukhang 'di ako makakalakad nito ah," mahinang usal niya, kumikirot kasi gitnang hita niya. "Gano'n ba talaga kalaki ang sa kanya? Kaya ganito na lang kasakit gitnang hita ko?" 'Di sinasadyang madapo tingin niya sa lalaki tumiya bigla, kitang kita niya tuloy ang sumasaludong kaibigan nito. Nanlaki mata niya. "Malaki nga, diyos ko maria!" Napa-sign of the cross siya sabay takip ng mukha. "Oy, King, gising," tawag niya sa attention ng lalaki sabay alog rito sa balikat ng lalaki. Ayaw man niya sanang gisingin ito pero nagugutom na kasi siya. "Hmmm," ungol nito sabay mulat ng mata sabay ngiti sa kanya. "Sana kada umaga ganito ang makikita ko, goodmorning." Ang aga-aga bumabanat pa talaga, namula naman siya. "Ahmm goodmorning din, pwede ka bang magluto kasi nagugutom na po ako," nahihiyang request niya. Tumawa ito saka bumangon at dahil wala itong damit kitang-kita niya kahubadan nito. "Ang sexy," mahinang puri niya habang nakatingin sa katawan ng lalaki. "Kanin na lang ang kulang," wala sa sariling dagdag niya pa. "Ay ano ka ba Mary...ang bastos mo!" saway niya sa sarili. Sinuot na ng lalaki damit at short nito. "Ano gusto mong kainin?" "Ikaw--este kahit ano! Kahit ano 'yung sinabi ko! Hindi ko sinabing ikaw ‘wag kang bingi," defensive na sabi niya saka namula. Tumawa lang ang lalaki saka lumabas ilang saglit pa bumalik na ito bitbit ang breakfast niya. "Oh ba't 'di ka pa bihis?" takang tanong nito. Nang makita siyang nakahiga pa din. "Paano ako makakabihis eh ‘di ako makatayo man lang! Masakit gitnang hita ko at nanginginig legs ko," nayayamot na reklamo niya. "Oh? I'm sorry napasobra ata ako kagabi, kalimutan kong first timer ka, I'm sorry, Mary. Halika ka bubuhatin na lang kita....papuntang banyo at ako nakukuha ng damit mo na susuotin," malambing na pagkasabi nito saka maingat na binuhat siya saka dinala sa banyo. Pinaandar na nito ang shower pati tuloy ito nabasa kasi nakaalalay ito sa kanya. Hinubad na lang nito ang damit at sinabayan siya maligo. "Masarap ka pa lang magluto," 'di niya maiwasang komento ng nasa sala na sila kumakain. Napatingin si King sa kanya saka ngumiti. "Hindi naman sakto lang." "Hmmm pwede ka ng mag-asawa," pabiro aniya. Tumitigtig ito sa kanya saka sumeryoso ang mukha nito. "Mag-aasawa lang uli ako kung ikaw ang magiging asawa ko." Namula naman siya. "Ano oras mo pala susunduin si Kian? Kina tita?" pang iiba niya ng usapan. "Mamayan ala una, bakit?" "Wala lang." "Pasensya ka na kung aalis ako, pero pwede naman kung bukas ko sunduin si Kian kung ‘di ka pa okay..." "Hindi....okay lang ako, sunduin mo siya medyo kaya ko na naman maglakad," kiming ngumiti siya. "Sigurado ka?" "Oo," maikling sagot niya sabay tango pa. "Ano gusto mong gawin natin ngayon?" "Manood tayo ng movie o ‘di kaya mag truth or dare...ano game?" "Sige, halika doon tayo sa kabila," akmang bubuhatin siya nito pero pinigilan niya. "No, kaya ko na." "Ahmm sige." ... Binibining mary ✍️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD