Chapter 17

1116 Words
DAHAN-DAHANG minulat ni Mary ang kanyang mga mata at nang tuluyan na niyang maaninag ang kisame ng kaniyang silid ay napangiti siya sa alalang magdamag silang nag-usap kagabi ni King. Ewan ba niya bakit halos hindi maputol-putol ang kanilang pag-uusap. Dahan-dahan siyang bumangon at inabot ang kaniyang cellphone sa may side table niya. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niyang alas otso na ng umaga, kaagad siyang bumaba sa kanyang kama at tumungo sa may banyo dahil parang naiihi siya na parang ewan. "You changed my life in a moment and I'll never be the same again. You changed my life in a moment and it's hard for me to understand with the touch of your hand in a moment in time all my sorrow is gone." Kanta niya habang umiihi. Kapansin-pansin din ang pagkislap ng kaniyang mga mata habang kinakanta ang linyang iyon lalo pa't si King ang iniisip niya habang dinadama at inaawit ang awitin. Napatigil siya sa pagkanta nang sa huli patak ng kaniyang ihi ay nakadama siya ng sakit at ng kaniyang tignan ay napahawak siya sa kanyang bibig nang makita ang dugo. Isa iyon sa palatandaang sinuko na niya ang kaniyang sarili sa lalaki at hindi siya nakadama ng pagsisi imbis ay natuwa pa siya. Saktong pagtaas niya ng kaniyang panty ay may narinig siya ng door bell. Pailing-iling na lumakad siya palabas sa banyo at sa kaniyang silid hindi na siya ng abala pang tignan o ayusin ang sarili dahil alam niyang ang boybestfriend niyang si Reynier lang naman ang kaniyang bisita. Hindi nga niya alam sa kaibigan niyang iyon kung ano ang pumasok sa kokote nito at humingi ito ng pabor na manatili raw muna ito sa kaniyang condo. "Ang aga mo—" natigil siya sa pagsasalita nang makitang hindi si Reynier ang bumukad sa kanya kundi si King. "Magandang umaga," nakangiting bati ng lalaki at pinagmasdan siya. Alinlangang ngumiti siya at kinagat niya ang ibabang labi upang pigilan ang sariling mapatili sa gulat. Gustong-gusto niyang tumalikod at bumalik sa kaniyang silid upang tignan kung anong itsura niya ngunit nahihiya siya sa lalaki. "Kay ganda mo pala sa umaga." Napatitig siya sa lalaki dahil hindi lang siya makapaniwalang iyon ang sasabihin nito sa kanya. Bihis na bihis ang lalaki at halatang bagong paligo dahil nanunuot sa kaniyang ilong ang mabagong shower gel nito. Mas lalo siya tuloy nanliit sa sarili dahil kung pagtatabihin sila ngayon ay tila siyang yaya nito. "Hey, may masakit ba sa iyo? Ba't ang tahimik mo ata?" Huminga siya ng malalim. "Ahmm huwag mo na lang ako pansinin. Ano pala ang sadya mo?" pag-iiba niya ng usapan. Ngumiti ito at inabot sa kaniya ang isang heart shape chocolates at isang bugkos ng daffodil flower. "Para sa iyo," nakangiting giit ng lalaki. "Sa akin?" hindi makapaniwalang tanong niya. Tumawa ng mahina ang lalaki. "Oo para sa iyo, para sa akin ikaw lang naman ang karapat-dapat na babaeng pagbigyan ko ng mga iyan." Napahawak siya sa kaniyang dibdib dahil parang lalabas na ang puso niya sa bilis ng kabog noon. Hanggang ngayon ay ginugulat pa din siya ng lalaki at kay aga-aga ay humihirit na ito. "S-salamat rito," pasalamat niya. Ngumiti ito at tumango habang siya ay kating-kati nang pumasok sa loob ng unit niya para tignan ang sarili. Napatingin siya kay King na narinig niyang bumuntonghininga at bumuka-sara ang labi ngunit walang lumalabas na salita. Hindi niya maiwasang mapangiti dahil ganiyan na ganiyan rin ang ginagawa nito noong hapon na aayain siya nitong kumain sila sa unli street food. "May sasabihin ka pa?" malumanay na tanong niya. "A-ano kasi..." Tumingin ito sa kanya at bumuntonghininga. "Huwag kang mahiya, King. Ano ba iyon?" Ngitian niya pa ito. "Ahmm...pwede ba kitang yayain lumabas sa linggo?" mabilis na sabi nito na tila ba hinahabol. "Saan tayo pupunta?" "Sa resort ng kaibigan ko—" "Huh? Ano gagawin natin roon?" "Naisip kong ipasyal ka roon bagong bukas iyon 'e baka kako gusto mo din subukan ang mga activities nila roon kasama ako," paliwanang nito. "Hindi kasama si Kian?" gulat na tanong niya. Umiwas ng tingin ang lalaki. "Ahmm hindi, doon muna siya mamalagi kina mama—" "So, tayo lang ang pupunta roon?" Tumango ito. "Oo kung papayag ka." Natahimik siya, hindi niya alam kung ano ang isasagot niya sa lalaki kay bilis kasi ng pangyayari at pakiramdam niya'y siya nananginip lamang. "Tawagan mo ako kung papayag ka." Napa-angat siya ng tingin ng marinig ang boses ni King. Nakita niyang umaasa itong "Oo" ang magiging sagot niya kaya't napabuntonghininga siya. "Sige, pag iisipan ko muna. *** KANINA pang wala si King pero hindi pa rin maalis ang ngiti sa kaniyang labi sa tuwing bumalik sa kaniyang alala ang pag-aya nito sa kaniya at pagbigay nito ng bulalak at chocolates. Ilang saglit pa ay narinig niyang may nag-doorbell, napakamot siya sa kanyang ulo at tumayo. "Ba't ngayon ka lang?" kaagad na bukad niya sa kaibigan niyang si Reynier. Nagkamot ito ng batok at hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa pintuan sabay tulak sa pintuan para lumuwag at dire-diretso itong pumasok sa unit niya na animo'y ito ang may ari ng bahay. "Aba't—" "Ano ka ba naman, Mary. Pati pa ba naman ikaw sesermunan din ako?" Napataas ang kilay niya. "Eh ba't ka kasi narito? Ano na naman ang problemang ginawa mo at kailangan mo magtago rito sa luga ko?" Hinilamos ni Reynier ang kamay sa mukha. "Basta—" "Huwag mo nga ako binabasta-basta! Babae na naman no?" Tumayo ang lalaki. "Ang galing mo talaga maghula." "Hmp, oo naman, kilalang-kilala ko na ang lingaw ng bituka mo. Ano na naman ang issue ngayon?" "Hindi mo talaga ako titigilan pag hindi ko sinasabi ano?" Tumawa siya. "Buti alam mo." "Haysst, may isang babaeng parang tuko kung kumapit sa akin at parang aso kung sumunod—" "Aba'y baka naman nabuntis mo kaya't hindi ka tinatantanan—" "Hoy! Wais ito no. Hindi ako nakikipagtalik sa babaeng walang helmet—" "Baliw ka talaga, tigilan mo na iyang bisyo mo. Hindi ka na bumabata bestfriend." Hindi siya nito pinansin imbis lumakad ito papunta sa kaniyang kusina kaya't sinundan niya ang lalaki. "Seryoso ako, Rey—" Nilingon siya ng lalaki. "Wala pa sa isip ko ang mga ganiyan kaya't tigilan mo na nga ako, Mary." "Pakainin mo na lang ako imbis na sermunan," dagdag pa ng kaibigan. Napakamot siya sa ulo, wala na talagang pag-asa itong kaibigan niyang baliw. "Oo na po, meron kare-kare diyan sa ref. Initin mo na lang at ako'y magpapahinga na." Sumaludo si Reynier sa kaniya at malapad na ngiting tumungo sa ref niya na nasa gilid habang siya'y napa-iling na lamang. ... Binibining Mary
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD