Forty-Two

2115 Words

“Where are you?! My god, Hyacinth! Mababaliw na ako kahahanap sa ‘yo!” Mabilis na nailayo ko sa aking tainga ang cellphone dahil halos mabingi ako sa lakas ng boses ni Jerico. Umaalingawngaw iyon sa kabilang linya. “I am here at—” Hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil muli siyang nagsalita. “Halos halughugin ko ang buong bar kagabi pero hindi kita matagpuan. Hindi mo rin sinasagot ang mga tawag ko. Talagang kung kailan umaga na saka mo naisipan na sagutin?!” Paano ko naman makikitang tumatawag siya kung hindi ko hawak ang cellphone ko? Kung hindi pa sinabi ni Sebastian na nandito ang bag ko ay hindi ko malalaman. Pagbalik ko rito sa kuwarto ay saka ko nakita ang bag ko na nakapatong sa bed side table, at sa couch hindi kalayuan doon ay nakalagay ang mga shopping bag ng kilalang bra

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD