“I want to go h-home, S-Sebastian…” Hindi ko na napigilan ang paggaralgal ng aking boses. I feel so down. Pakiramdam ko ay sumuong ako sa isang laban at pagkatapos ay naiwan akong talunan at sugatan. Naiinis din ako sa sarili dahil sa halo-halong emosyon na aking nararamdaman ngayon. Huminga ako ng malalim at saka muling nag-angat ng ulo para tingnan si Sebastian. Agad naman na nagtama ang aming mga mata at bahagya akong natigilan sa maririing tingin na ibinibigay niya sa akin. Ang mga abuhin niyang mata ay kulang na lang tunawin ako sa lalim at diin nang pagkakatingin sa akin. I somehow wonder… what is he thinking right now? Naguguluhan din ba siya sa mga oras na ito? “Uuwi na ako.” Pag-uulit ko pa nang hindi man lang siya natinag na para bang hindi niya ako naririnig. Sinabayan ko i