EIGHT

2045 Words
Umaga pa lang ng Linggo ay tumulak na ako papunta sa Cavite para makadalo sa birthday ng nakababata kong kapatid. Sa mga nakalipas na araw ay pinilit kong matapos ang lahat ng orders para bago sumapit ang araw na ito ay hindi na ako magkakaroon pa ng problema. Sinadya ko na ngayong Linggo ay walang tatanggapin na kahit anong order dahil hindi ako puwedeng mawala sa espesyal na araw ni Isaac. Tuwing umuuwi rin ako rito sa bahay namin sa Cavite ay nagsasara muna ako pansamantala ng shop dahil hindi naman puwedeng mag-duty si Hestia sapagkat tuwing weekends na nga lang ang araw ng kanyang pahinga. Estudyante pa lang siya at siyempre kailangan din niya ng day-off. Halos dalawang beses ko pa lang pinipindot ang doorbell ng gate nang magbukas ang main door ng puting bahay na nasa aking harapan at iniluwa noon ang isang magandang babae na nakasuot ng kulay rosas na bestida na bumagay sa kutis niya na mala-porselana. Nakapaskil ang magandang ngiti sa kanyang mga labi nang matanaw ako. Kita ko ang pagkagiliw niya at kahit nagmamadali ay kita pa rin ang pagiging elegante habang naglalakad. “Finally, you are here, sweetie! Kanina ka pang hinihintay ng papa at kapatid mo…” masayang bati sa akin ni Tita Lailanie o mas nakasanayan ko nang tawagin na Tita Mommy. Siya ang ikalawang asawa ni papa at siya ring tumayong pangalawang nanay ko mahigit limang taon na ang nakalilipas. Siya rin ang mommy ng bunso kong kapatid. Sa unang taon pa lang ng kanilang pagsasama ni papa ay ipinagkaloob sa kanila si Isaac. Ang suwerte nga dahil kahit may edad na si Tita Mommy ay nagbuntis pa rin siya kaya naman mahal na mahal naming tatlo ang kapatid ko. “Hello, Tita Mommy. I miss you po.” Yumakap ako at humalik sa pisngi niya bilang pagbati. Malambing na niyakap din naman niya ako pabalik. “I miss you too, sweetie. Pasok na tayo sa loob.” Sinarhan ko muna ang gate bago magkasabay naming tinahak ang papunta sa bahay. Nakaabrisyete siya sa aking kaliwang braso habang sa kanan naman ay hawak ko ang malaking eco bag na pinaglalagyan ng binalot na regalo para kay Isaac. “Hindi ka ba napagod sa byahe?” May himig ng pag-aalala sa kanyang boses. Umiling ako. “Okay lang po…” Tita Lailanie was not that hard to love. Noong ipinakilala pa lang siya sa akin ni papa bilang girlfriend niya ay nakitaan ko agad siya ng isang ugali na kahit sino ay hindi mangingiming tanggapin siya sa pamilya. She loves me and my father dearly. Itinuring niya ako na para bang tunay niyang anak. Noong mawala si Mama noong sampung taong gulang pa lang ako, sinabi ko sa sarili ko na walang makakapalit sa pagmamahal ko para sa kanya… ngayon na nasa buhay namin si Tita Lailanie, masasabi ko na wala naman talagang pumalit. Nadagdagan lang ‘yong mga taong mahal namin at nagmamahal sa amin ni papa. Pagpasok namin sa loob ay kinuha agad ni Tita Mommy ang atensyon ni papa na noon ay bala sa paglalagay ng hangin sa lobo. Hindi pa nga niya napansin ang pagdating namin. Ipinatong ko sa sofa ang mga dala. “Honey, nandito na si Hya!” (Haya) Mabilis na nag-angat ng tingin si papa at katulad ni Tita Mommy ay magiliw rin niya akong sinalubong. Itinigil niya ang ginagawa para yakapin ako at halikan sa ulo. “Akala ko ay hindi ka makakarating. Magtatampo na sana ako…” Nakasimangot na lumayo siya sa akin. Magkasabay kaming napatawa ni tita mommy sa tinuran niya. “Hindi naman po ikaw ang may birthday, papa. Bakit ikaw ang magtatampo?” “Let him be, sweetie. Alam mo naman ‘yang papa mo, daig pa ang bunso natin sa pagiging pabebe.” Panunudyo sa kanya ng asawa kaya muli akong napatawa. Hinarap naman siya ni papa at naglalambing na yumakap ito kay tita. “Sa ‘yo lang naman ako pabebe, honey…” malambing na bulong ng tatay ko bago mabilis na hinalikan sa labi ang babae. “Oh my gosh! Get a room, guys!” malakas na sabi ko at pabirong umirap sa ere. Mabilis naman na naitulak siya ni Tita Mommy at nakatanggap pa ng mag-asawang kurot sa tagiliran. “Ang harot mo. Alam mong nandito ang anak mo!” Pananaway niya kay papa habang namumula ang mukha. Natatawang napailing na lang ako sa kanila. Sa limang taon nilang pagsasama ay hanggang ngayon nandoon pa rin ang kilig nila sa isa’t isa. Kung magtinginan sila ay para bang sila lang ang tao sa paligid at kitang-kita na mahal na mahal nila ang bawat isa. “I’m sorry, sweetie…” Nanghihingi ng paumanhin na nilingon ako ni Tita Mommy pero natatawang umiling lang ako bilang sagot. Sanay na ako sa ka-sweet-an nilang dalawa. Ayos lang. “Tara na nga sa kusina. Tikman mo ‘yong mga niluto ko.” Muli niya akong niyakap sa braso pero bago kami tuluyang umalis sa sala ay nilingon niya muna ang tatay ko na naabutan kong malaki ang ngiti habang nakatingin sa amin. “Tapusin mo ‘yang ginagawa mo. Bawal ang patamad-tamad!” May halong pagbabanta sa boses ni tita na bahagyang pinanlakihan pa ng mata ang asawa. Lihim na napatawa na lang ako sa kanila. Para silang mga teenager lang. “Aye, aye, captain!” Sumaludo pa ang isip-bata kong tatay at nakuha pa akong kindatan bago tuluyang ibinalik ang atensyon sa ginagawa kanina. “Hayaan mo ‘yong papa mo ro’n…” bulong ni tita mommy habang naglalakad kami papunta sa kusina. “Buti natatagalan mo ang pagiging isip-bata ni papa, tita mommy.” “Hay naku, feeling ko nga tatlo kayong anak ko na kailangan kong alagaan. Pinakamahirap ‘yong papa mo” Napahalakhak na lang ako. Every time I am here, there is no dull moment with them. Parati lang nakatawa at puno ng saya ang bahay. “Nasaan po pala ang birthday boy? Tulog pa?” Pagkarating namin sa kusina ay agad na naghain si Tita Mommy ng carbonara sa akin. Eksakto naman dahil hindi ako kumain kanina bago umalis. Puro pagkain din kasi ang dadatnan dito at tinatamad akong magluto nang maaga. Alas singko pa lang noong umalis ako sa bahay kanina. “Nakatulog lang ulit. Gising na kasi siya kaninang five dahil excited sa pagdating mo pero ang sabi ko kapag hindi pa siya natulog ulit ay hindi ka pupunta.” Natatawang kuwento niya habang ipinagsasalin ako ng juice sa baso. Alas siyete pa lang naman kasi ng umaga kaya dapat lang na matulog muna siya. Bago tumulong mamaya sa pag-aayos ay pupuntahan ko na lang siya sa kuwarto niya. I miss that kiddo. Malaki man ang agwat ng edad naming magkapatid at hindi man kami parating nagkikita ay masaya ako na hindi nabawasan noon ang pagmamahal namin sa isa’t isa. Siguradong matutuwa siya kapag nakita niya kung ano ang regalo ko para sa kanya. “Kumain na po ba kayo ni papa?” “We’re done, sweetie. Kumain ka lang diyan. Asikasuhin ko lang itong cake.” Sa kabilang mesa ay mayroong tatlong layer ng cake na ngayon ay tinatapos na lang niya ang pagdidisenyo. Oo nga pala. Kaya hindi na ako nag-order ng cake ay dahil basic na lang iyon sa kanila ni papa. Bake shop ang negosyo nila rito sa Cavite kaya hindi na problema ang cake. “Sino po ang tumatao sa bakery ngayon?” Habang kumakain ay nagsimula akong magtanong. “Nandoon sina Oscar at Myla. Plano nga sana namin ng papa mo na ‘wag na magbukas muna ngayon dahil nga birthday ng kapatid mo, pero dumagsa naman ang order simula pa kahapon ng umaga. Nagpapagawa ng cupcake si Kapitana para ipakain sa mga dadalo sa miting de-abanse niya.” Tutok na tutok siya sa paglalagay ng pigura ni Spiderman sa ibabaw ng cake pero nagawa naman niyang sagutin ang tanong ko. Tumango-tango naman ako. Ibang way kasi ang dinaanan ko kanina kaya hindi ko nakita ‘yong bake shop namin, pero dalawang kanto lang naman iyon mula rito sa bahay. Ang dalawang nabanggit niyang pangalan ay ang matagal na rin nilang kasama roon sa shop. Medyo malakas kasi ang negosyo rito dahil hindi sa pagiging biased, masasabi kong masarap gumawa ng kahit na anong tinapay sina Papa at Tita Mommy. “Sinabihan mo ba si Jerico na pumunta rito?” maya-maya ay tanong ni Tita Mommy. Muli akong tumango. “Opo, pero siguro po ay mamayang mga hapon pa po. Pinatatawag daw po sila ng head nila kaya susunod na lang siya.” Matapos ‘yong gimmick namin noong nakaraan ay hindi na ulit iyon nasundan. Sabagay wala pa namang isang linggong nakalilipas iyon. Siguro nga ay hindi na muna ulit ako papayag na magpunta ro’n dahil kung ano-ano lang ang pumapasok sa utak ko. “Tumawag pala sa akin si Chrismel noong isang araw.” Katatapos ko lang kumain nang pumasok sa kusina si Papa. Mayroon siyang dala na isang mahabang kahon na kung hindi ako nagkakamali ay ‘yong nauuso ngayon na maliit na baboy o biik na ni-roast. Cochinillo yata ang tawag doon. “Ikakasal na pala ang isang ‘yon. Biruin mo nga naman… dati para pa kayong mga batang uhugin na nagtatampisaw pa sa ulan.” Nang-aasar na sabi niya na nagpanguso sa akin. Grabe naman sa uhugin! Pero seriously, naaalala ko pa nga iyon. “Ikaw talaga, honey.” Nakatanggap siya ng hampas kay Tita Mommy dahil doon. “Ang ganda ng anak mo tapos tatawagin mo lang na uhugin!” “Aray ko naman, honey!” Napahimas na lang ang kawawa kong ama sa kanyang brasong nasaktan pero sa halip na aluin ng asawa ay ako ang tiningnan niya at kinindatan pa. “Well, sorry ka na lang, papa. Sa akin kampi si Tita Mommy.” Natatawang tumayo na ako at inilagay sa lababo ang pinagkainan para hugasan. “Kinakawawa n’yo akong dalawa.” Yumakap siya sa asawa pero lumayo si tita sa kanya at mas lalo lang siyang inasar. “Pangit mo!” Tita Mommy stuck her tongue out to tease my father even more. “Mahal mo naman!” ganting sagot ng aking ama. Napapailing na lang ako habang naghuhugas. Daig ko pa ang may mga kasamang teenager na naglalampungan sa paligid. Abala ako sa paghuhugas kahit ilang piraso lang iyon nang marinig na tinawag ako ni papa. “Po?” Tinuyo ko ang kamay bago humarap sa kanila. “Ay ikaw, anak… kailan ka naman may ipapakilala sa amin? Nag-graduate ka na’t lahat wala pa rin akong nakilala na boyfriend mo…” sabi ni Papa habang nakaakbay sa asawa at pareho na ngayon silang nakatingin sa akin. Paano naman may makikilala kung wala naman talaga? Napanguso ako. “‘Wag kang excited, papa. Baka naman po kapag nagkaroon ako ng boyfriend ikaw ang unang-unang tututol!” Napahalakhak si Tita Mommy habang tumatango at ngayon naman ay si Papa na ang nakasimangot. “Sinabi mo pa, Hya. Kunwari lang itong papa mo pero ang totoo iiyak ito kapag ikinasal ang prinsesa niya…” nang-aasar na aniya pero kalaunan din ay niyakap ang tatay ko na nag-se-senti roon sa tabi. “Hindi na mawawala sa akin ang mag-alala, pero siyempre masaya ako kapag may lalaking magmamahal sa ‘yo ng tapat. Aba, baka kapag sinaktan ka niya ay siya ang isalang ko sa oven!” paasik na turan niya na akala mo ay may susuungan na away. Nagkatinginan na lang kami ni Tita Mommy bago magkasabay na napatawa. Maybe, one of the reasons why I haven’t had any boyfriend until now is because my standards were too high? I saw how my father loved my mother until her last breath, and now, how he loves Tita Lailanie… and I also want a man who will love me like that. Sa mga nanliligaw kasi ay pakiramdam ko masyadong mababaw ang rason nila. I feel like the first reason they want to court me and be their girlfriend is because of the physical looks. Mahirap kapag ganoon lang ang basehan nila. Mababaw. Sa bagay, hindi naman ako nagmamadali, pero sana kung sino man ang magiging una kong boyfriend ay iyon na rin ang huli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD