FOUR

1924 Words
I looked at my reflection at the mirror and checked if everything is okay or I didn’t forget anything. Nakasuot ako ng isang kulay itim na off-shoulder cropped top at kulay nude na skirt na umabot hanggang sa kalahati ng aking hita. Naka-messy bun lang din ang buhok ko at mayroong iilang strand ng buhok na hinayaan kong mahulog sa gilid. At dahil hindi naman ako masyadong naglalagay ng makeup ay nag-lipstick na lang ako ng kulay pula. Sa paa naman ay isang itim na ankle strap stiletto ang suot ko. Muli ko pang pinasadahan ang sarili sa salamin bago tuluyang nasiyahan sa itsura. Kinuha ko lang iyong itim na Chanel clutch bag na regalo pa ni Tita Mommy sa akin bilang birthday gift noong isang taon. Tahimik ang buong kabahayan noong bumaba ako sa hagdan at tanging tunog lang ng suot kong heels ang maririnig. Simula noong magpasya akong manirahan mag-isa ay natutunan kong mahalin ang katahimikan. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nag-e-enjoy kapag tahimik ang bahay. Kaya naman sa lugar na pupuntahan ko ay siguradong kabaliktaran iyon ng aking bahay. Napailing na lang ako bago tumulak palabas ng bahay pero bago iyon ay sinigurado ko muna ang bawat sulok ng bahay kung wala bang naiwang nakasaksak na appliances bago tuluyang lumabas. Sa isang village sa Quezon City ako nakakuha ng bahay. Noong una ay dapat sa condo ako tutuloy dahil sabi naman ni papa ay mag-isa lang ako. Hindi ko kailangan ng masyadong malaking espasyo, pero sa halip ay naisip ko na kumuha na rin ng bahay. Mas komportable akong gumalaw roon at naisip ko rin paano kung magkaroon ako ng pamilya? Hindi ba at mas madali na lang dahil may naipundar naman na ako? Okay. Bakit ko ba iniisip agad iyong magkaroon ng pamilya? Ni boyfriend nga ay wala ako. Tsk! Bago tuluyang makalabas ay mayroon pang madadaanan na mini garden na pinuno ko ng makukulay na bulaklak para maganda agad ang gising ko sa umaga kapag nakita ko iyon. Mayroon ding espasyo para sa garahe ng sasakya pero hindi ko na ipinasok kanina ang sasakyan ko dahil gagamitin ko rin naman ngayon. Ini-lock ko lang ang gate bago nagpasyang sumakay na. Eksaktong kaka-start ko lang ng makina nang tumunog ang aking telepono. Natatawang napailing ako nang makitang si Jerico na naman ‘yon. “Hello? Where are you na ba? ‘Wag mo sabihin na iindianin mo na naman ako? Magtatampo na talaga ako sa ‘yo—” Hindi pa ako nakakapagsalita pero ang dami na niya agad nasabi sa kabilang linya. “Kalma, okay? Paalis na po ako. Wala pang ten minutes nandiyan na ako…” natatawang sabi ko habang umiiling. Narinig ko naman ang pagtawa niya kasabay nang pahapyaw na bugso ng tugtog mula sa background niya. Siguro lumabas ang isang ito kaya hindi masyadong maingay. “Ay, okay? Akala ko naman hindi mo na naman ako pagbibigyan. Tampo na talaga ako.” Kahit hindi ko pa siya nakikita ay alam kong nakapamewang na ang isang ‘yon habang hindi maipinta ang mukha sa pagsimangot. Sa tagal naming magkakilala ay kilalang-kilala ko na ang isang ‘yon. “Oo na. ‘Wag ka nang sumimangot diyan dahil hindi bagay sa ‘yo. Mukha kang bibe.” Pang-aasar ko sa kanya. “Ay paano mo alam? Nandito ka na ba?” tanong niya na ikinatawa ko. “Wala pa. Papunta pa nga lang, ‘di ba? Sige na. Off ko na ‘to. See you later!” Hindi ko na hinintay na makasagot siya at ibinababa na ang tawag. Kung hindi ko pa kasi i-off ‘yon, baka mamaya pa ako makaalis dahil hindi ‘yon titigil hanggang hindi ako sumusulpot sa harapan niya, pero paano naman ako makakapag-drive kung magkausap kami? Nakapunta na ako once sa Full House Bar nitong unang buwan ng taon, dahil nag-celebrate kami noong na-promote din si Jerico. Ilang buwan na ang nakalipas noon at ngayon na lang muli ako makakapag-night out. May ilang mga order para bukas pero natapos na namin iyon kanina ni Hestia kaya siguro ay puwede naman akong mag-relax ngayon? Pinagbigyan ko na rin ang kaibigan dahil ang tagal ko na ring tumatanggi sa mga pagyaya ni Jerico at ngayon ko na lang muli siya mapagbibigyan. Nagsabi naman ako kay papa na pupunta ako rito ngayon para hindi siya mag-alala. Hindi naman ako nahirapan dahil bukod sa ilang paalala niya sa akin ay pinayagan naman niya ako. Ang sabi niya ay mayroon naman siyang tiwala sa akin at para sa akin ay malaking bagay na iyon. ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ Hindi naman ako nahirapan sa pagpunta sa lugar dahil wala naman na masyadong traffic. Medyo malapit lang din naman iyon sa bahay ko. Naghanap lang ako ng pagpaparadahan ng sasakyan at nagpadala ng mensahe kay Jerico na nandito na ako bago tuluyang bumaba. May nadaanan pa akong isang grupo ng kalalakihan dito sa labas at kahit hindi nakatingin sa kanila ay ramdam ko ang paghagod nila ng tingin sa akin. Hindi ko na lang pinagtuunan ng pinansin iyon kahit na ang totoo ay abot-abot na ang kabog ng aking dibdib. May narinig pa akong sumipol pero nagkunwari akong walang naririnig. “Eyes up, Hyacinth. ‘Wag mo silang pansinin…” bulong ko sa sarili habang diretso lang ang tingin para pakalmahin ang sarili. Hindi ako komportable sa mga lalaki. Ang ibig kong sabihin ay kinakabahan ako kapag nakakakita ng kumpulan nila. Lalo na kapag dadaan ka tapos pare-pareho silang titingin. Kung puwede nga lang may daanan na iba kahit malayo ‘wag lang mapadaan kung sakali sa kanila ay gagawin ko. Talagang lilihis ako ng direksyon para lang doon. Saka lang ako nakahinga ng maluwag nang lumampas na roon at tuluyang nakapasok sa loob. Agad akong sinalubong nang nakasisilaw at iba’t ibang kulay ng ilaw. Inilibot ko ang paningin sa loob at dahil medyo dimmed ang ilaw ay hindi ko alam kung nasaan si Jerico. Mahigpit ang hawak ko sa cellphone dahil hindi pa tumutunog iyon. Kanina pa niya akong pinagmamadali ngayon naman ay hindi ko makita kung saan siya nakapuwesto. Nakikipaglandian pa siguro ang isang iyon kaya hindi na nakita ang text ko. Tsk! Nagpatuloy ako sa paglalakad habang inililibot ang paningin sa paligid. Kasabay noon ay ang pagmumura ko kay Jerico sa aking isip dahil ang tagal niyang magpakita. Naiilang na ako sa tingin ng mga iilan na nadaanan ko. Kunwari ay wala na lang akong napapansin para hindi masyadong nakakakaba. “Hi, miss beautiful. Want to date?” Napatigil lang ako nang may humarang sa harapan ko. I noticed that he has foreign features. Well, he looks good but he is too straightforward. Huminga ako ng malalim bago binigyan siya ng isang banayad na ngiti. “Uh, sorry. No.” Bahagya pa siyang natigilan habang nakatingin sa akin kaya naman kinuha ko na ang pagkakataon na iyon para lampasan siya. Ipinagpasalamat ko na lang na hindi na siya nagpumilit pa. Mayroon pa namang iba na hindi ka talaga titigilan hangga’t hindi nalalaman ang pangalan mo o kaya ang numero mo. Muli akong nagpalinga-linga at mayroon pang ilang nagsubok na lumapit ngunit agad na akong umiiwas para malaman nila na hindi ako interesado. Kapag talaga nakita ko si Jerico ay makakatikim sa akin ang baklang ‘yon! Daig ko pa ang may treasure hunting dito sa paghahanap lang sa kanya. May ilang mga babaeng dumaan at bahagya akong gumilid para makadaan sila ngunit may isang wala yatang mata na halos itulak ako. Halos mawalan ako ng balanse. Napapikit na lang ako dahil akala ko ay ang malamig na sahig ang sasalo sa akin nang maramdaman ang mainit na bagay na agad na pumulupot sa aking bewang. Agad na nanunuot sa aking ilong ang pinagsamang amoy ng pabango at alak. I cursed badly in my mind. Damn! He freaking smell so good and expensive. Unti-unti kong iminulat ang mga mata at ang unang bumungad sa akin ay ang matipunong dibdib na nababalutan lang ng manipis na kamiseta. “Be careful…” Matigas at buong-buo ang kanyang boses nang magsalita. Ramdam ko rin ang kalamigan na halos manuot sa buong sistema ko ang lamig nito, kabaliktaran ng mainit na mga braso niyang umaalalay sa aking likod at bewang. Napalunok ako. Hindi ko alam kung mag-aangat ako ng tingin para makita ko ang kanyang mukha dahil ngayon pa lang ay pinag-iinitan na ako ng mukha. May kakaiba rin akong naramdaman sa aking katawan na hindi ko maipaliwanag. Para bang gusto kong iyakap ang mga braso sa leeg ng lalaking ito. “Uh, s-sorry.” Halos manginig ang aking boses. Huminga ako ng malalim habang mabagal na iniaangat ang ulo. Ang sabi ko ay pahapyaw lang. Titingin lang ako saglit at pagkatapos ay tama na, pero bago ko pa makita ang kabuuan niya ay narinig ko na ang pamilyar na boses ng kaibigan na isinisigaw ang pangalan ko. “Hyacinth!” Mabilis ang naging pagbaling ng aking ulo papunta sa kabilang direksyon. Doon ay nakita ko ang kaibigan ko na kanina ko pang pinupukpok sa loob ng isip ko. Mabilis na napalayo ako sa lalaking umalalay sa akin kanina. Halos maitulak ko siya kaya naman nawala rin ang pagkakayakap ng braso niya sa aking bewang. “P-pasensya n-na po…” saad ko pa bago walang lingon-likod na iniwan ang lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD