“Mauuna na po muna ako, Ate Hyacinth.”
Mabilis na lumipas ang oras at ngayon nga ay nagpapaalam na si Hestia katulad noong sinabi niya kanina na aalis siya bandang mga ala-una ng tanghali.
“Sige, Hestia. Mag-iingat ka pagpasok. Galingan mo rin sa exam mo at pagkatapos ay i-treat mo ako,” nagbibiro ko pang wika sa kaniya.
“Oo ba, ate. Kahit ilang box pa ng pizza ‘yan. Alam ko na tirador ka ng cheese and pepperoni. Ipagdasal mo na rin po na maganda ang makuha kong score.” Pakikisakay niya sa biro ko.
Nakangiting kinawayan ko lang siya hanggang sa tuluyan siyang makalabas ng shop. Naiwan na muli akong mag-isa. Kanina ay dumagsa ang mga mamimili. Mabuti na lang at nandito pa si Hestia noon.
Isang tamang desisyon talaga ang ginawa ko noong itinayo ko ang House of Love sa lugar kung saan may malapit na unibersidad. Mabenta kasi ang mga bulaklak lalo na sa mga estudyante. Tamang-tama na pangregalo sa mga babaeng nililigawan nila.
Sa kanang bahagi ng flower shop ay may nakatayo rin na isang pet shop. Kilala ko na rin ang mga nagbabantay roon at sa pagdaan ng araw ay naging kaibigan ko na rin. Sa kaliwa naman ay may café na dumadaan din dito sa shop ang ibang bumibili roon.
Mabilis na lumipas ang mga oras. Pagdating ng hapon ay iilang mga pick-up orders na lang naman ang inasikaso ko. Bandang mag-alas singko ng hapon ay nagpasya akong isara na ang shop. Kailangan ko pang dumaan sa mall para bumili ng regalo para kay Isaac.
Pagdating sa mall ay hindi naman na ako nahirapan pang maghanap nang maaaring ibigay sa kapatid ko. Izaac loves Spiderman. He is a die-hard fan of Peter Parker so as a gift, I just bought a set of spider man figurines. Siniguro ko lang na ‘yong mga figure wala pa sa collection niya ang pinili ko.
“Where are you na, sis?” tanong ni Jerico.
Kasasakay ko lang ng sasakyan ko nang muling mag-alburoto ang aking telepono. Kakaunti lang ang nakakaalam ng aking numero ngunit kahit na ganoon ay hindi rin naman pumapahinga ito dahil panay rin ang tunog sa buong magdamag.
“Hindi naman halatang excited ka, ano? Miss na miss mo na ba ang kagandahan ko? H’wag mo sabihin na tuluyan ka nang nahulog sa akin,” tuloy-tuloy na sabi ko at wala pang isang minuto nang napuno ang aking tainga ng malakas niyang tili.
Geez! What’s with him? Plano niya ba talagang basagin ang eardrums ko? Ibang klase talaga!
“Kadiri ka talaga, sis. Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo. Kahit na gaano ka pa kaganda ay hindi mo kayang patibukin ang puso ko!” He sounded so hysterical from the other line.
Halos hindi ko maisuksok nang maayos ang susi dahil sa pagtawa. Ang saya lang talaga asarin ng isang ‘to.
“Pauwi pa lang ako. Mamaya pa namang eight tayo magkikita, hindi ba?”
Wala pang isang oras nang matapos akong bumili ng regalo para kay Isaac kaya may oras pa ako para makapaghanda.
“Hindi mo pa nga sinasabi sa akin kung saan tayo magkikita,” dugtong na wika ko pa.
Mag-iisang buwan na rin simula noong huli kaming magkita. Pareho kasi kaming naging abala. Ako ay sa flower shop ko na kahit paano ay may kaunting kita, samantalang si Jerico naman ay manager sa isang sikat na restaurant. Bigatin ang kaibigan kong ito! Parating busy ang isang iyon at noong isang buwan nga ay out of town siya dahil mayroong bagong ipinatayong branch ang restaurant na pinagtatrabahuhan niya.
Napatawa naman siya mula sa kabilang linya. “Ay oo nga pala. Sorry naman, sis. Ganda lang talaga kasi ang ambag ko!”
I jokingly snorted. “Nasaan ang ganda? Pakita mo sa akin mamaya, ha?” biro ko pa.
Alam ko na humahaba na ang nguso noon sa kabilang linya.
“Sige na nga. I will drop the call na. Mag-drive pa ako pauwi. Just beep me the address, okay? I will see you later. I love you!”
Hindi ko na hinintay na makasagot si Jerico at nagsimula nang imaneobra ang sasakyan. Mula sa mall ay wala pang sampung minuto ang layo nito sa condo na tinutuluyan ko ngayon.
Living independently is kind of hard. Noong una ay nangangapa pa ako dahil nasanay ako na kasama sina Papa at Tita Mommy. I am always missing them. Naritong lagi akong nagpaplanong umuwi ngunit kailangan kong panindigan ang desisyon na gagawin. Ayoko na rin namang umasa dahil may bago nang pamilya si papa, pero kahit kailan ay hindi naman nila ipinaramdam sa akin na iba ako.
I was eighteen years old when my father decided to get married once again. Si Isaac ang naging bunga ng pagmamahalan nilang dalawa. So basically, Isaac is my half-brother but that doesn't lessen the love I have for him. While Tita Mommy treats me like I am also her flesh and blood. Kahit kailan ay hindi niya ipinaramdam sa akin na hindi ako mula sa kaniya. I am always welcome at our home, but I want to have my own life too. Hindi naman ibig sabihin na bubukod ako ay kalilimutan ko sila.
Ang ikinagaan ko lang noong nagpasya akong manirahan mag-isa ay marunong ako ng mga gawaing bahay. I am the one who does my household chores. Dagdag gastos pa kung sakaling kukuha ako ng kasambahay. Kailangan kong mag-ipon at hindi rin naman gaano kalakihan itong tinutuluyan ko. I thanked my father the most because he taught me how to cook. Mas mahirap manirahan kung hindi ka marunong magluto. Una yata akong susuko kapag ganoon.
Pagdating sa loob ay nagpahinga lang ako saglit bago naligo at naghanda na para sa pagkikita namin ni Jerico.
“See you at Full House Bar, sis. Wear your sexiest clothes. Love you!”
Halos manlaki ang ulo ko nang mabasa ang mensahe mula kay Jerico. What the hell? Sa dami naming pagkikitaan ay bakit sa lugar pa na iyon. Baka gusto niyang latiguhin ako ng aking ama.