FIVE

1769 Words
“What are you doing here?!” pambungad na bati ni Jerico at kulang na lang ay mahulog ang mga mata niya sa panlalaki nito. Nakakunot ang noo na namewang ako sa kanyang harapan. “Are you kidding me, Jerico Balthazar Jr.?!” Halos alisan siya ng kaluluwa nang binanggit ko ang buo niyang pangalan. Kahit na malakas ang boses naming dalawa ay walang-wala pa rin iyon sa lakas ng tugtog na umaalingawngaw sa loob ng bar sa kung nasaan kami ngayon. Kaya walang problema dahil wala rin naman masyadong tao sa puwesto namin. “Hey! Kadiri ka! Tigilan mo nga ‘yan!” Inilagay pa niya ang hintuturong daliri sa labi para senyasan ako na manahimik bago nagpalinga-linga sa paligid. “I’m Erich. E-R-I-C-H!” Pinagdiinan pa niya iyon. He even spelled his name but as if I care. Hinawakan ko ang braso niya at hinila palayo kahit na hindi ko alam kung saan kami pupunta. “Saan ba ang puwesto mo? Gusto ko nang umupo dahil nananakit na ang mga paa ko!” Bago tuluyang makaalis doon ay tumingin muna ako sa likod pero ang tanging naabutan ko na lang ay ang matipunong likod ng lalaki na ngayon ay naglalakad sa kabilang direksyon. Nakasuot siya ng navy blue na three-fourths shirt. Napansin ko ang pagsunod ng mga tingin ng mga nandito sa loob ng bar sa kanya. Halos mabali ang leeg ng iba para lang masulyapan siya. Well, I can’t blame them. Kahit nga hindi ko nakita ang mukha niya ay ramdam ko ang kakaibang presensiya niya. He screams authority and regality. “Doon tayo…” Narinig kong saad ng kaibigan ko bago ako hinila papunta sa puwesto niya. Halos kaladkarin niya ako kung hindi ko pa siya tinapik sa braso para magdahan-dahan. Kasasabi ko lang kanina na masakit na ang paa ko. Hindi naman ako mahilig magsuot ng mga sapatos na may takong. Sneakers nga lang ang suot ko sa shop ko, pero para bumagay sa lugar na pupuntahan ay napilitan akong magpalit. Tsk! “Ano ang ginagawa mo rito? I mean, doon?” Habang naglalakad ay muli siyang nagsalita. Umasim naman ang ekspresyon ng aking mukha. Ako ba’y pinaglololoko ng isang ito? “Kung konyatan kita r’yan na bakla ka?! You made me come here, right? Baka nakakalimutan mo na bin-lackmail mo pa ako para mapilit dito! Halika at iuuntog ko ang ulo mo sa mesa para maalala mo!” mataray na sabi ko habang iginigiya niya ako papunta sa table niya. Ganito talaga kami mag-usap at siguradong iisipin ng ibang mga hindi nakakakilala sa amin na magkaaway kami pero sa totoo ay hindi. Sanay na sanay na kami sa mga matatalas na dila ng bawat isa. Nakasimangot na umabrisyete siya sa akin. “Hindi. Ang itinatanong ko ay ano ang ginagawa mo ro’n sa puwestong ‘yon? Kanina pa kita hinahanap. Kaya naman pala hindi kita matagpuan ay nakikipagyakapan ka na. Ang malala ay sa mismong bos—” Bago pa niya tuluyang matapos ang sasabihin ay nabatukan ko na siya. I feel so satisfied when I did that. Kanina ko pa gustong gawin ‘yon sa kanya. “Aray naman, beks! Hindi mo na ba ako mahal?” Ngumuso pa siya habang hinihimas ang kanyang “Masasaktan ka talaga sa akin! Ako ang kanina pang naghahanap sa ‘yo! You are not answering your phone, dummy.” Kalbaryo ang paghahanap ko sa kanya rito. Kung ilan pang obstacle ang dinaanan ko para lang magkita kami. Muntik pa yata akong mawala sa ulirat kanina dahil sa isang lalaki, mabuti na lang tinawag niya ang pangalan ko. Well, may magandang idinulot din pala ‘yon. Kaya nga lang ay hindi ko na nakita ang mukha ng lalaking tumulong sa akin. Hindi ko na rin maalala kung nakapagpasalamat ba ako sa kanya? Makalipas ang ilang lakaran ay narating din namin ang table ni Jerico. May ilang nang alak ang naka-ready ro’n. Kaming dalawa lang pala ang nandito. Sabagay kami lang naman ang halos magkalapit ang iba naming kaibigan ay hindi na makutaptapan kung nasaan. Sa wakas ay nakaupo na rin kami. Nahilot ko pa ang aking mga paa dahil literal na nananakit na iyon. “Pero legit, beks… kilala mo ba ‘yong tumulong sa ‘yo?” tanong niya. Noong humarap ako sa kanya ay hindi na siya nakasimangot, bagkus ay nakita ko ang pagningning ng kanyang mga mata kahit na madilim sa puwesto namin. “Hindi.” Totoo naman na hindi ko kilala saka hindi ko nakita ang mukha niya. Muli akong sumulyap sa kung saan ako naroroon kanina pero hindi ko na nakita ang lalaking tumulong sa akin. Paano ako makakapagpasalamat sa susunod kung hindi ko man lang nahapyawan ang itsura niya, pero base kasi sa reaksyon at tingin nitong kaibigan ko ay kilala niya. Sa bagay, sa aming dalawa ay siya ang marami ang source. I mean, siya ang mas friendly at mas mabulaklak ang social life niya. “Bakit ba? You know him?” Natampal niya ang noo at parang stress na stress na pinindot ang tungki ng ilong. “Oh my goodness! I can’t believe you, my friend!” eksaheradang sabi niya na mayroon pang pagtampal sa mesa. Pinagkrus ko ang mga binti at para bang bigla akong napagod kaya napasandal na lang ako sa couch. “Ewan ko sa ‘yo! Hindi kita maintindihan. Celebrity ba ‘yon para ganyan ang maging reaksyon mo?” Ganoon din kasi ang mga reaksyon ng mga tao rito. Hindi naman ako maka-relate dahil paano naman ‘yon kung hindi ko nga nakita?! Parang bigla tuloy akong nanghinayang. Base kasi sa reaksyon ni Jerico ay para bang may pinalampas ako na magandang bagay. He exasperatedly let out a sigh. “That’s the great Sebastian Villarama, my friend!” malakas na saad niya at halos magsilingunan sa amin ilang mga nakaupo sa kalapit na table. I don’t know but my heart suddenly reacted, but his name doesn’t ring a bell to be honest. Hindi ko pa naririnig ang pangalan na iyon. Nakatingin lang ako kay Jerico habang siya naman ay hindi makapaniwalang nakatingin din sa akin. Maya-maya ay hinampas niya ang aking braso. “Hindi mo kilala?” Umiling ako habang hinihimas ang braso. Naghahalo ang kati at hapdi sa hampas niya. Pasimpleng bumabawi ang isang ‘to! “Gaga! Baba rin kasi ng bundok minsan, beks! Grasya na ang nasa harap mo hindi mo pa alam!” Inirapan niya ako at kulang na lang ay sundutin ko siya dahil ang arte-arte niya. Ano ang magagawa ko kung hindi ko alam? Tsk! Napapailing na ininom ko na lang ang laman ng kopita at halos mapapikit sa pait na gumuhit sa aking lalamunan. “Ikaw mag-handle sa flower shop ko para makababa ako sa bundok!” sarkastikong sabi ko at akmang hahampasin niya ako nang sinamaan ko siya ng tingin. Napapatawang ikinamot niya iyon sa kanyang ulo. “Joke lang naman, beks. Pero seriously, ikaw lang yata ang alam ko na hindi nakakakilala kay Sebastian.” Muli akong napabuntong-hininga. “You know, I have no time for that.” Marahan naman siyang tumango. Alam na alam na niya ‘yon. Kaya nga nagtatampo na ito sa akin dahil hindi na kami nakakalabas tapos aasa pa siya na kilala ko ang mga ‘yon. Bilang nga lang sa daliri ko kung ilan ang kilala kong local celebrities. “Kaya ang sabi ko naman sa ‘yo, sumama ka nang sumama sa akin sa paglabas-labas.” Napahalakhak siya nang sinamaan ko siya ng tingin. “Sige. Ikaw ang magpaalam kay papa!” Inirapan ko siya at muling uminom sa kopita na kaka-serve lang sa amin. Napapamura na ako dahil hindi naman ako sanay uminom pero hindi ko alam kung bakit panay rin ang inom ko. “Si tito naman kasi! Paano ka magkakaroon ng boyfriend kung hindi ka bababa sa bundok. Aba, beks. Kung isang Sebastian Villarama ang magiging boyfriend mo, mabubuhay ko na sa buong buhay mo dahil kaya niyang tustusan ang pangangailangan mo. Hindi lang pinansiyal pati na rin… lapit ka.” Sumenyas siya sa akin at ako naman itong si uto-uto, lumapit naman sa kanya. “Pati na rin sa sekswal. Bali-balita na daks daw ‘yon!” walang kagatol-gatol na bulong niya sa akin. Pakiramdam ko ay nag-init ang magkabila kong pisngi at mabilis siyang naitulak palayo sa akin. Tumawa siya ng malakas na halos makuha na niya ang atensyon ng iba. “G*go ka talaga! Dinudungisan mo ang utak ko!” Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano. Ang totoo niyan, noong una ay hindi pamilyar sa akin ang mga salitang iyon, kung hindi lang dahil sa magaling kong kaibigan na ito ay sana hanggang ngayon ay mananatiling banyaga sa akin ang mga salitang ito. Tawang-tawa siya na halos hindi na makahinga. “Ito namang si Maria Clara!” Pang-aasar pa niya. “Pero legit, mapapa-oh ka raw at mapapa-scream kapag pumasok na!” “Shut up, Jerico Balthazar!” Namumulang napalago ako sa alak. Letse! Nakakatatlo pa lang ako pero parang umiikot na ang paningin ko. Hindi ko rin maintindihan kung bakit biglang naging iba ang pakiramdam ng aking katawan dahil simula noong pag-usapan namin ang lalaki ay may pumapasok na malalabong senaryo sa utak ko. Isang matipunong lalaki ang binabalot ako ng yakap habang… habang umuulos—oh f*ck, no! “Yie! Namumula siya. Wait mo. Ipakikilala kita ro’n kapag may pagkakataon! I have my ways!” Kinindatan pa niya ako bago lumagok din sa alak na nasa harapan. “Dapat yata ay ipaalala ko sa sarili ko na bawas-bawasan ang pagsama sa ‘yo. Dinedemonyo mo ang utak ko, Balthazar!” Mariing naipikit ko ang mata dahil literal na nalalason iyon. Kasalanan ng baklitang ito. “Manahimik ka na kung ayaw mong ikaw ang patahimikin ko.” Sa halip na tumigil ay tinawanan lang niya ako. Bakit nga ba naging kaibigan ko ang isang ito? Tsk! Sa muling pagmulat ng aking mga mata ay hindi ko sinasadyang napatingin sa ikalawang palapag ng bar. Katapat lang ng puwesto namin iyon at kahit madilim ay hindi ko alam kung paanong nangyari na nagtama ang mga mata namin ng lalaking nandoon. Prente siyang nakaupo at umiinom sa kopitang hawak habang hindi pa rin niya tinatanggal ang mga tingin sa akin. Napalunok ako kasabay nang paggalaw ng kanyang Adam’s apple at sa hindi mawaring dahilan ay naramdaman kong may kung anong nabasa sa ibabang parte ng aking pagkatao. Damn! What the hell is happening? And who the hell is that guy? He is freaking hot and I am burning right now!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD