TWO

1066 Words
Abala kami ni Hestia sa paglilinis at sa pag-aayos ng mga bulaklak nang bumukas ang pinto ng shop. Mula roon ay nakita kong pumasok ang isang matandang lalaki. May hawak siyang tungkod na siyang umaalalay sa kaniya sa paglalakad. Agad na iniwan ko ang ginagawa para daluhan ito.     “Magandang umaga, Hyacinth. Maaari ko na bang makuha ang ini-order kong bulaklak?” bungad na bati sa akin ni Lolo Emong.     Masaya akong tumango sa kaniya. “Opo, lolo. Naku bakit kayo pa po ang kumuha? Ang sabi ko naman po sa inyo ay ako na ang magdadala sa inyong bahay.”     Inalalayan ko siya paupo sa sofa na madalas ay inuupuan ng mga customer kapag naghihintay sa kanilang bulaklak na bibilhin.     Si Lolo Emong ay isa sa mga suki ko na. Madalas siyang bumibili ng mga bulaklak dito na ibibigay sa kaniyang misis na si Lola Leticia. Sa kabilang barangay lang sila nakatira. Ilang minuto lang ang lalakarin mula rito papunta sa kanila, ngunit medyo matanda na kasi si Lolo Emong kaya mahihirapan siyang maglakad. Ngunit kahit na ganoon ay matiyaga niyang kinukuha ang bulaklak dito sa shop dahil aniya ay mas may puso iyon kung siya mismo ang kukuha.     “Gusto ko kasing isorpresa si misis. Medyo masama na naman ang gising kanina, mabuti na lang pala talaga at may order na agad ako sa ‘yong bulaklak.”     Napangiti ako sa kaniyang tinuran. Pagkatapos ay saglit din akong nagpaalam para kunin ang bulaklak na kaniyang ini-order.     “Let me love you if not for the rest of your life then for the rest of mine.”     Napangiti ako nang mabasa ang mensahe na nakasulat sa kapirasong papel. Idinikit ko iyon sa bulaklak bago bumalik sa kinaroroonan ng matanda. Isang bouquet ng mapupulang rosas ang binili ni Lolo Emong.     “Tiyak na matutuwa na naman po niyan si Lola Leticia. Napakalambing ninyo po talaga, lolo,” wika ko na may halong kilig para sa sorpresang gagawin ni lolo sa kaniyang asawa.     Masaya ako para sa kanilang dalawa. Noong una ko silang nakilala ay agad na nakita ko na ang pagmamahal sa kanilang mga mata. Nagulat pa nga ako noong sinabi nila na limampung taon na silang nagsasama at nagmamahalan.     I never thought that a love would last that long. Akala ko sa mga palabas lang sa telebisyon o kaya sa mga nababasang nobela ko lang iyon makikita. I admire their love for each other. Hanggang dulo ay wala silang iwanan. Sana… sana ay ganoon din sa akin. Kung sakali man na dumating sa punto na magmamahal ako. Sana siya na hanggang dulo.     “Naku, hija… kung ganito ba naman kaganda ang bulaklak ay siguradong matutuwa ang aking misis. Gustong-gusto ko talaga na pinangingiti ang asawa ko. Alam mo naman na hindi na kami bumabata. Bilang na rin ang oras namin sa mundong ito. Kaya habang nabubuhay ako, hindi ako makalilimot na iparamdam sa kaniya na mahal na mahal ko siya. Para masasabi ko na kahit kailan ay hindi naging huli ang lahat para sa amin.” Naantig ang aking puso sa emosyonal niyang tinuran.     Sa halos dalawang taon nang nakatayo ang flower shop ko ay iba’t-ibang kwentong pag-ibig na rin ang narinig ko. Kaya nga siguro ay tamang-tama lang ang ipinangalan ko rito, House of Love. Ang shop na ito ay tahanan ng pag-ibig, ng mga nagmamahalan.     “Oh siya, sige. Aalis na muna ako, hija. Baka hinahanap na ako ng aking asawa,” maya-maya ay turan ng matanda.     Inalalayan ko naman siya sa kaniyang pagtayo at agad na tinawag si Hestia.     “Pakihatid naman si Lolo Emong, Hestia.” Pakisuyo ko sa estudyanteng kasama bago muling humarap sa matanda.     “Mag-iingat po kayo, lolo. Alam ko na matutuwa po r’yan si Lola Leticia. Keep your love burning, lolo. Hanggang sa muli po ninyong pagbisita rito.” Nakangiting inihatid ko sila hanggang sa pinto ng shop.     Tinanaw ko lang silang dalawa ni Hestia bago bumalik muli sa loob ng flower shop. Eksaktong pagpasok ko naman ay tumutunog muli ang aking cellphone na naiwan ko pala sa counter.     Beautiful siren calling…     Napailing ako nang mabasa ang pangalan na rumehistro. H’wag na kayong magtaka kung bakit ganiyan ang nakalagay. Hindi ako ang nagpangalan niyan.     “Hyacinth my love…” bati ng isang matinis na boses na pilit pinagtutunog babae.     “Ano na naman ‘yon, Jerico?” Isinandal ko ang aking likod at pinagtuunan ng pansin ang tumatawag.     “Yuck, sis! It’s Erich, not Jerico!” maarteng turan nito na nakapagpailing na lang sa akin.     Mahina akong napatawa. “Jerico sa umaga, Erich sa gabi,” biro ko sa kaniya.     Alam ko na kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong umiikot na naman ang mata niya sa ere. Si Jerico Ledesma, na Erich sa gabi, ay isa sa mga kaibigan ko na mabibilang lamang sa aking daliri. He is my friend since my college days.     “Oo na. Ang lakas ng loob mo dahil mas maganda ka sa akin, ha?”     Muli lang akong napatawa. Ganito lang talaga kami mag-asaran na dalawa.     “Ano nga ‘yon? Bakit ka napatawag?”     Habang nakikipag-usap sa kaniya ay naglilibot-libot lang ako sa paligid. Tinitingnan kung mayroong mga nabubulok na bulaklak na kailangan nang tanggalin.     “Oh my gosh! I can’t believe you, sis! Nakalimutan mo na agad!” Halos mailayo ko ang cellphone sa aking tainga dahil sa tinis ng kaniyang boses.     “Lower your voice, Jerico. Nasa kabilang bundok ba ako?” Sa sobrang lakas ng boses niya ay daig pa niya ang naka-loud speaker.     “Tampo na ako, sis. Hindi ba at may usapan tayo na magkikita tayo mamaya? Ang daya! You owe me na nga last birthday ko na hindi ka sumipot. Ngayon naman ay nakalimutan mo ang usapan natin!” madramang turan niya mula sa kabilang linya.     My mouth formed an ‘o’ and unintentionally slapped my forehead. Unti-unting pumasok sa aking utak ang sinabi ni Jerico.     “I’m sorry, all right? I forgot but don’t worry. I will see you later, sis.” Pag-aalo ko sa kaibigan na nagsisimula nang mag-inarte roon.     Nakakainis naman. Una kong nakalimutan ‘yong paparating na birthday ng kapatid ko, at sunod naman ito. Kung hindi pa sila tatawag para ipaalala ay siguradong magkakaroon ako ng kasalanan sa kanila.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD