SIX

1681 Words
“Good morning, madam. Your breakfast is ready!” Pababa ako sa hagdan nang maabutan ko si Jerico na nakasuot ng apron habang may hawak na spatula sa kabilang kamay na siyang ikinakaway sa akin. Napairap ako sa ere. “Ang aga, Jerico. Ang pangit na tuloy ng gising ko!” Pang-aasar ko sa kanya at sa isip ko ay tumatawa na ako lalo na noong sumimangot siya. “Dapat nga ay magpasalamat ka na isang diyosa ang makakasalubong mo sa umaga!” He flipped his imaginary long hair. Napaka-feeler talaga ng isang ‘to. Ang gupit kasi ng buhok niya ay clean cut tapos ang mga sinusuot din niya ay mga panglalaking damit kaya kung titingnan siya ay hindi mahahalatang pusong babae ang isang ito at isa ring Adan ang hanap. Nakaismid ako sa kanya hanggang sa makababa ako ng hagdan pero halos samaan ko siya ng tingin nang pumunta siya sa likod ko at magsimulang itulak ako papunta sa kusina. “Ang bagal mong kumilos. Lalamig ‘yong lemon tea na hinanda ko para sa ‘yo!” maarteng sabi niya habang pinagpapatuloy ang ginagawa. Hinayaan ko na lang din siya dahil wala ako sa mood makipagtalo nang ganito kaaga sa kanya. Napahilot na lang ako sa aking ulo dahil kumikirot iyon. Kagabi ay hindi ko na matandaan kung anong oras kami umuwi ni Jerico. Eksakto naman na hindi niya dinala ang sasakyan niya kaya siya na ang nagmaneho ng sasakyan ko pauwi rito sa bahay. Mali. Ang totoo pala niyan ay sinadya pala niyang hindi dalhin ang kanya dahil alam niya na magdadala ako. Tsk! Mautak talaga ang isang ito, pero sa kabilang banda ay mabuti na rin iyon dahil sa sitwasyon ko kagabi ay siguradong hindi ko na kayang magmaneho pa. Mabuti na lang din dahil hindi siya masyadong nagpakalasing, kung hindi ay baka kung saan kami pinulot na dalawa. Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin ang intensidad ng mga tingin ng hindi pamilyar na lalaki na nakita ko sa Full House Bar. Napapapikit na lang ako dahil malinaw pa rin sa alaala ko ang kung anong mga malilikot na bagay ang pumasok sa utak ko noong mga oras na iyon. Hindi ko maintindihan ang sarili dahil sa mahigit na dalawampu’t tatlong taon ko rito sa mundo ay kagabi ko lang naramdaman ang mga hindi maipaliwanag na pakiramdam na nagsimulang lumukob sa aking sistema. Gusto kong isisi sa alak kung bakit naging ganoon, pero counted na ba kahit mga tatlong shots pa lang ang naiinom ko? Gusto ko ring sisihin ang maharot kong kaibigan dahil kung ano-ano ang isinusulsol sa utak ko kaya nagkakaroon na rin ng bahid. Tsk! “Hoy. Lumilipad na naman ang utak mo! Inumin mo na ‘yan!” Kung hindi ko pa narinig ang matinis na boses ni Jerico ay hindi ko pa mapapansin na nasa harap na pala kami ng hapag. Nakaupo na rin ako at sa harapan ko ay mayroong isang tasa ng mainit na lemon tea. “Thank you. Kahit banas ako sa ‘yo, ay salamat pa rin…” sarkastikong sabi ko pero alam na niya ang ibig kong sabihin doon. Sumimsim ako sa tsaa na nasa harapan ko at halos magdiwang ang loob ko sa ginhawang idinulot noon. Agad na kumalat ang init mula sa lalamunan pababa sa aking sikmura. Hindi na talaga ako iinom ng alak. Swear! Ayoko na! I am really thankful that he is here with me. Dito na rin kasi siya natulog kagabi. Wala namang kaso iyon dahil matagal ko na siyang kaibigan at matagal na rin siyang kilala nina papa at tita mommy. Katulad nga noong sinabi ko ay parehong Adan ang hanap namin at hainan man siya ng nakapalda sa harapan ay baka tumakbo siya pabalik sa saya ng kanyang ina. Pinagkakatiwalaan siya ng mga ito kaya naman kapag sinabi kong siya ang kasama ko ay hindi naman tatanggi ang mga ‘yon. Mayroon na nga siyang sariling kuwarto rito sa bahay ko para sa tuwing dadalaw siya ay mayroon siyang pupuwestuhan, pero bihira lang iyon nagagamit dahil minsan lang din naman siyang pumupunta rito. Kung hindi ko nga siya kasama ay baka hanggang ngayon ay tulog pa rin ako sa kuwarto at iniinda ang sakit ng ulo. Hindi naman ako sanay uminom pero naparami yata ‘yong tira ko sa alak kagabi. I tried to erased the image of that hot guy in my mind and I thought the alcohol in front of me last night will help me but sad to say, it didn’t. Nagdulot lang iyon ng sakit sa ulo. Tsk! “You are welcome! Pasalamat ka maganda ako!” Umupo na rin siya sa harapan ko at nagsimulang magsandok ng kakainin. May nakahain na ring breakfast para sa amin. May pritong hotdog, ham, at itlog. Mga tipikal na ulam para sa almusal. “Dream on! Wala akong sinabing gano’n.” Tinusok ko ang hotdog at akmang kakagatan iyon nang biglang may maalala. Agad na kumalat ang init sa aking pisngi at ilang dasal ang inusal ko para humingi ng kapatawaran. Damn! Ano ang nangyayari sa akin? “Hoy, natigilan ka r’yan?!” Nakataas ang kilay na binalingan ako ng tingin ni Jerico hanggang sa maglipat ang kanyang mga mata sa hotdog na nasa aking tinidor. Dahil mas malikot ang utak niya kaysa sa akin ay agad na sumilay ang ngisi sa kanyang labi na para bang naisip agad kung ano ang naisip ko. “Ikaw ha?! Hindi maka-move on sa kinuwento ko kagabi? Naalala mo ‘yong sinabi ko, ano?” Nagsimula siyang mang-asar pero sinimangutan ko lang siya. Hindi na ako nagkomento dahil parang bigla akong nahuli sa isang krimen na hindi ko naman ginawa. Kumagat na lang ako sa hotdog at nagsimulang kumain pero halos masamid ako sa sumunod niyang sinabi. “Curious ka rin kung gaano ka-daks si Sebastian, ‘no?” walang prenong dugtong pa niya. Nanlaki ang aking mga mata at halos lumabas ang kinakain sa aking bibig. Mabilis akong kumuha ng tissue na nasa harapan lang din namin bago ikinuyomos at ibinato sa kanya. “Hoy! Kumakain tayo, Balthazar! ‘Yang bibig mo na naman!” Saway ko sa kanya kasabay nang pamumula ng aking mukha. “Kung nandito si Papa ay siguradong pareho tayong pinaalis sa hapag.” Nahilot ko ang ulo pero tinawanan lang ako ng bakla. “Sorry na. Pero aminin mo… tama ako, ano?” Panunukso pa niya. Humugot ako ng malalim na hininga bago muli siyang sinamaan ng tingin. “Niloloko mo ba talaga ako? Paano ko naman iisipin kung hindi ko nga kilala ‘yong tao!” Napapailing na uminom na lang muli ako ng tsaa, pero ang totoo ay mula pa kagabi ay binabagabag na rin ako ng bagay na iyon. Kahit na may marinig ako sa aking utak na pangalan ay hindi man ako kailanman nakialam, pero kagabi ay parang bigla akong na-curious. Kailangan ko na ba talagang magsisi na siya ang naging kaibigan ko? Tsk! “Don’t worry, my friend. I will make sure that you will meet him.” Nanunudyong kumindat siya sa akin. Sanay na ako sa mga kalokohan niya. Ilang beses na ba niya akong sinubukan na i-blind date sa mga kakilala niya at kung kani-kanino pero wala kahit isa roon ang sinipot ko. Katulad nga noong sinabi ko ay masyado pa akong abala sa negosyo ko. Sapat na munang tinutustusan ko ang sarili ko kaysa maghanap pa ng panibagong tutustusan. Ang sabi nga ni Hestia ay magastos daw ang magkaroon ng boyfriend. Mas marami pa kasing karanasan iyon pagdating sa buhay pag-ibig kaysa akin kaya naniniwala ako. Subalit maya-maya ay napabuntong-hininga rin siya. “Bakit ba kasi ang pihikan mo? Mag-boyfriend ka na kasi para hindi sa relasyon ng iba ka kinikilig. Habang buhay ka na lang kikiligin sa love story ng mga customer mo sa flower shop?” Napatawa ako dahil parang pati siya ay naiinip na sa akin. “I am only twenty-three, Jerico. Kung gusto kong magka-boyfriend ay madali na lang makahanap, pero wala pa nga sa isip ko ‘yon. Bakit ba mas naiinip ka pa sa akin?” Inirapan niya ako. “Ay ang lakas ng loob. Palibhasa maganda at kahit hindi maghanap ay magkakaroon! Tsk!” Napatawa na lang ako habang umiiling. “Hayaan mo na. Dadating din ‘yan!” “Bahala ka nga. Baka bulok na ‘yang bahay-bata mo bago ka magkaroon ng interes sa lalaki!” Nakakibit ang balikat na ipinagpatuloy niya ang pagkain na akala mo ay pagsisihan ko ang desisyon at makukuha sa mga pambubuyo niya. Marahang obinaba ko ang kubyertos. Nakaisip ako ng kalokohan. Tutal kanina pa niya akong inaasar dito. Mahina akong napatikhim para kunin ang atensyon niya. Nag-angat naman siya ng ulo at nakataas ang kilay na tiningnan ako. “Oh?” mataray na aniya bago sumimsim sa lemon juice niya. “Tutal naman, concerned ka sa love life ko at sa matres ko…” Bahagya kong binitin ang sasabihin dahil ngayon pa lang ay gusto ko nang bumunghalit ng tawa. “Gusto mo ba ay tayo na lang? Ikaw na lang kaya ang boyfriend ko!” “W-what the f-fck!?” hiyaw niya at literal na lumabas sa kanyang ilong ang iniinom. Napahawak ako sa aking tiyan dahil ang kanina pang pinipigil na tawa ay tuluyan nang nakawala. Napahampas pa ako sa mesa dahil halos masamid siya sa narinig mula sa akin. “Eew! Gross! Yuck! Shut up, lason!” Hindi siya magkaintindihan sa pagpunas ng tissue sa mukha habang ako ay tinatawanan lang siya. Hindi puwedeng ako lang ang inaasar niya dapat ay makaganti rin ako. “‘Yan kasi… ayaw mo pang tumigil!” Natatawang pang-aasar ko. “Ituloy mo pa, ikaw talaga ang jojowain ko at wala ka nang choice!” Padabog siyang tumayo. “‘Wag na lang. Uuwi na lang ako. Eew! Ayoko sa mga lason!” Lason kasi ang tawag niya sa mga babae. Grabe lang! Nagmamadali siyang nagpunta sa lababo para maghugas ng kamay habang umaalingangaw pa rin dito sa komedor ang halakhak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD