“Get yourself together, Hyacinth De Vera! Kapag alam mong mapupunta na kung saan, dapat ka nang lumayo. Hindi ka ipinanganak na marupok ng mama at papa mo!” Para akong baliw na kanina pang pinapangaralan ang sarili. Nariritong nagpagulong-gulong na ako sa kama at parang suman na nakabalot sa comforter, bago muling iikot pabalik para bumalik sa ayos. Masyadong malapad at malaki ang kama niya na puwede na hanggang apat na katao. Wala naman akong nakitang ibang kasama niya rito pero ganito kalaki ang kama niya. Siguro para kapag marami siyang dadalhin na babae ay kasya silang lahat! Tama! Ganoon na nga! Tsk! Mas lalo pa akong nainis sa sarili nang makaramdam ng pait sa sariling mga iniisip. I can taste bitterness in my mouth just thinking that he brings other woman here in his house. Okay