Hindi ko alam kung gaano katagal ang naging biyahe namin papunta sa kung saan ako planong dalhin ng lalaking kasama ko ngayon. Kanina noong sinabi ni Sebastian na mag-uusap kami ay hindi na lang ako nagkomento pa. Hindi na ako umangal dahil alam kong wala rin naman iyong patutunguhan. Pakiramdam ko ay naubos na rin ang lahat ng lakas ko para makipagtalo pa kung sakali. And I also know deep inside my heart, I want to talk to him. I know I have been waiting for this time to come. Hindi ko alam kung ano ang mga pag-uusapan namin pero ngayon pa lang ay hindi ko na maiwasan ang hindi makaramdam ng kaba. Pero sa tingin ko naman ay makaka-survive ako. Ang daming nangyari ngayong araw na gusto ko na lang matulog at magpahinga, pero mukhang malabo pa iyon sa mga oras na ito. Hindi naman ako naka