“Bakit ka kasi pahara-hara ro’n?!” Para akong tanga na sinisermunan ang sariling litrato na animo ay sasagot ito sa akin. Hanggang dito sa kusina ay dala ko itong frame at parang gusto ko itong itago sa kailaliman ng lupa, o kaya sa lugar na hindi makikita ni Sebastian. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang pamumula ng mukha ko dahil sa kahihiyan. Nasanay kasi ako na naka-display lang ito dahil wala namang ibang bumibisita rito sa bahay. “Sa susunod ay ‘wag kang pagala-gala!” Ipinatong ko ang walang kamuwang-muwang na picture frame sa ibabaw ng bar counter bago nagsimulang mag-asikaso ng ihahanda para sa bisita. Napasilip ako sa bintana na malapit sa lutuan at nakitang hanggang ngayon ay malakas pa rin ang bugso ng ulan sa labas. Mag-alas tres pa lang yata ng tanghali pero parang m