My knees were trembling and I feel like my heart will come out from my chest, as I continued walking. Hindi rin nakatulong ang malamig na panahon sa kabang nararamdaman ko habang tinatahak ang direksyon papunta sa sasakyan. Huli na ang pagdedesisyon na bumalik sa bahay dahil nakalabas na ako ng gate. Umikot ako sa kabilang side kung saan nandoon si Sebastian, at hindi na nag-atubili pang kumatok sa tinted na salamin. Kumakabog ang aking puso habang hinintay na bumaba ang salamin. Nakakadalawang katok pa lang ako ay agad nang nagbukas ang pinto ng sasakyan kaya naman bahagya akong napaatras para hindi matamaan. At mula roon ay iniluwa nito si Sebastian. “Mi corazón!” Mukha siyang gulat na gulat habang tinitingnan ako. Kahit ako ay hindi agad nakapagsalita nang magtama ang aming mga ma